FOURTEEN

Remained feelings, forgotten memories

Papunta na si Tae Woong kela Howon at Ge Yin nang biglang tumawag si Myungsoo sa kanya.

 

Tae Woong: Oh Myungsoo anak bakit? Bilisan mo may pupuntahan kasi ako.

 

Myungsoo: Ako din Pa, may pupuntahan pwede ba ko umalis?

 

Tae Woong: Oh sige sige. Mag ingat ka ha.

 

Myungsoo: Opo Pa.

 

Umalis na agad si Myungsoo sa bahay at nakipagkita kay Sunggyu at Sungyeol.

 

Myungsoo: Hoy! Andito na ang gwapong gwapo nyong kaibigan.

 

Sunggyu: Sungyeol may naririnig ka ba?

 

Sungyeol: Parang wala naman.

 

Myungsoo: Hoy, hoy, hoy. Saan kayo pupunta?

 

Sunggyu: Ahhh, ikaw pala yung sumisigaw tungkol sa pagkagwapo mo. Ang tanong naligo ka na ba?

 

Myungsoo: Ayyy. Anong gusto nyo? Saan nyo ba gusto kumain? Libre ko kayo.

 

Sunggyu & Sungyeol: Ayyy, hindi naligo.

 

Myungsoo: Naligo ako. Grabe kayo mag-isip sakin.

 

Sunggyu: Biro lang eto naman. Maligo ka man o hindi ikaw parin ang visual ng Infinity. Alangan namang pag di ka naligo papangit ka diba? Tapos sino na yung visual natin? Si Sungyeol? Ayyy wag nalang. Wag nalang talaga.

 

Sungyeol: Hoy! Kim Sunggyu mas malakas naman appeal ko kesa sayo noh.

 

Sunggyu: Bakit? Anong meron ka na wala ako aber?!

 

Sungyeol: TANGKAD!

 

Sunggyu: Ahhh. Eh bukod pa dun! Magaling ka ba kumanta?

 

Sungyeol: Mapagmahal ako sa pamilya ko!

 

Sunggyu: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! TALO KA NANAMAN!

 

Sungyeol: Oo na! Kala mo kung sino, torpe naman.

 

Sunggyu: OO NA! AKO NA TORPE!

 

Myungsoo: Kanino? Kay Woohyun? Ayieeee~

 

Sungyeol: Oo Myung, alam mo bang sinigaw sigawan ako nyan kanina kasi daw hindi sila nakapagdate ni Woohyun. Eh kasalanan ko bang makupad sya?

 

Myungsoo: Saglit. Ano ba talagang nangyari?

 

Sunggyu: Kasi ganito, diba may date sila ni Sungjong tapos siguro naboringan si Sungjong sa kanya kaya ayun nilayasan sya at pinuntahan ni Sungjong si Woohyun.

 

Myungsoo: AYYY! Oo nga pala Sungyeol, anong nangyari sa inyo ni Sungjong kanina? Baka naman niloko loko mo ha!

 

Sungyeol: Uyy grabe ka, hindi naman. Kumain lang ako. Napaka bungangera naman nun.

 

Myungsoo: Ha? Paano mo naman nasabi?

 

Sungyeol: Kung ano ano pang sinasabi kanina, sabi nya wag daw ako maingay kasi daw nakakahiya ganito ganyan.

 

Myungsoo: Hahahahahaha! Eh maingay ka naman talaga!

 

Sungyeol: Ganyan din ba yung bestfriend mo na si Sam? Bungangera?

 

Myungsoo: Oo, lalo na kapag naglalaro kami ng bahay bahayan, gusto nya sya lagi yung nanay para daw sya yung laging utos ng utos. May similarities talaga sila.

 

Sunggyu: Malay mo naman nagkataon lang na pareho silang ganun. Atsaka wag mo nang ispin yun, importante yung kasalukuyan.

 

Sungyeol: Oo nga. Pala Myung, tinatanong nya kung single ka daw ba?

 

Myungsoo: Sino nagtatanong?

 

Sungyeol: Si Sungjong.

 

Myungsoo: Ha? Bakit?

 

Sungyeol: Hindi ko rin alam. Parang nung isang araw lang puro Kim Sunggyu bukambibig nya, ngayon naman ikaw.

 

Sunggyu: Ahhh! Alam ko na Myung! Malamang nag-iba tingin sayo nun simula nung isang araw! Nung niligtas natin sila.

 

Myungsoo: Dahil kaya yun dun? Pero kasi ayokong umasa.

 

Sunggyu: Malay mo lang naman.

 

Myungsoo: Sana nga.

 

Umalis na ang tatlo sa building ng Big Star Entertainment.

 

Saktong pag-alis nilang tatlo ay dumating naman si Tae Woong sa building.

 

Tae Woong: Ge Yin! Hoya!

 

Ge Yin: Tae Woong! Andito ka na.

 

Tae Woong: Asan si Hoya?

 

Howon: Tito Michael…

 

Tae Woong: Hoya!

 

Napayakap si Tae Woong kay Hoya habang umiiyak.

 

Tae Woong: Hoya, patawarin mo kami sa lahat ng pagkukulang naming sa inyo.

 

Howon: Okay lang po yun tito, sapat narin po sakin na nakita ko kayo.

 

Tae Woong: Salamat naman at nasa maayos kang kalagayan ngayon, may balita ka ba sa kapatid mong si Sam?

 

Howon: Wala din po tito.

 

Tae Woong: Tutulungan ka namin sa paghahanap kay Sam, wag kang mag-alala. Pero bakit ka nandito? Paano ka nakapunta ditto?

 

Ge Yin: Nirecruit sya ni Dongwoo. Naalala mo ba noon, bata palang si Hoya hilig nya na ang sumayaw?

 

Tae Woong: Oo nga pala, buti naman at nakilala ka ni Dongwoo.

 

Howon: Kaya nga po, kung hindi dahil kay Dongwoo siguro hanggang ngayon di ko parin po kayo nakikita.

 

Tae Woong: Basta simula ngayong araw na to Hoya, kami na ang bahala sayo.

 

Howon: Maraming salamat po tita at tito. Atsaka din po pala, Howon na po ang bago kong pangalan.

 

Tae Woong: Ahhh, ganun ba. 

 

Ge Yin: Oh tara na, masyado na tayong nagdadrama. Halika na at kumain na tayo.

 

Howon: Tito, si Mark nga po pala? Kamusta na?

 

Tae Woong: Trainee na din sya dito, pamangkin kasi ni tita Julienne mo ang CEO ng kompanyang ito na si Dongwoo. May grupo narin sya ngayon.

 

Howon: Ganun po ba, ano pong pangalan ng grupo nila?

 

Ge Yin: Infinity, pero hindi pa sila nagdedebut kasi nagaaral palang sila Myungsoo at ang mga ka member nya.

 

Umalis na sila Ge Yin, Tae Woong at Howon para kumain sa labas.

 

Nakita nila Sungyeol, Sunggyu, at Myungsoo sila Hoya, Ge Yin at Tae Woong sa isang kainan.

 

Sungyeol: Myung! Sila tita at tito oh! Sino yung kasama nila?

 

Sunggyu: Saglit… Parang kilala ko yun.

 

Sungyeol: Sino? Yung kasama nila tita?

 

Sunggyu: Oo, saglit. Di ko kasi makita.

 

Sungyeol: Ang liit kasi ng mata mo.

 

Sunggyu: Ewan ko sayo, ako na nga pupunta dun.

 

Myungsoo: Sige nga Gyu, puntahan mo. Sabihin mo andito din tayo.

 

Pinuntahan ni Sunggyu sila Ge Yin.

 

Sunggyu: Hi tita at tito! Huh? Ikaw yung kanina diba?

 

Ge Yin: Oh! Sunggyu! Andito ka din pala? Kasama mo ba yung dalawa?

 

Sunggyu: Opo, kasama ko sila. 

 

Tae Woong: Kilala mo ba si Howon?

 

Howon: Sya po yung nagturo sakin kung saan yung tamang daan papuntang Big Star Entertainment.

 

Tae Woong: Ahh, ganun ba. Salamat Sunggyu ha.

 

Sunggyu: Saglit lang po, naguguluhan ako. Magkakakilala po kayo?

 

Ge Yin: Oo, sya yung kapatid ng bestfriend ni Myungsoo noon. Kilala nyo naman si Sam diba, lagi syang nakekwento sa inyo ni Myung.

 

Sunggyu: Talaga?! Wow. Ang galing. Nagkakagoose bumps ako sa mga nangyayari. Parang drama na napapanood ko sa TV.

 

Ge Yin: Hahahahahaha. Pasaway ka talagang bata ka, osya. Tawagin mo na yung dalawa dito sama sama na kamo tayong kumain.

 

Sunggyu: Opo tita.

 

Pinuntahan ni Sunggyu ang dalawa.

 

Sungyeol: Ano daw sabi Gyu?

 

Myungsoo: Chismoso ka talaga Yeol.

 

Sunggyu: Yung lalaking kasama nila, yun yung bagong trainee sa kompanya natin.

 

Sungyeol: Ano?! Baka mauna pa yang magdebut satin. Sumisipsip na agad kay tito at tita.

 

Sunggyu: Saglit lang! Patapusin mo muna ako.

 

Myungsoo: Sige ano yun Gyu?

 

Sunggyu: Sya daw yung kapatid ni Sam.

 

Myungsoo: Ano?! Tara na nga pumunta na tayo dun.

 

Pagkatapos nilang mag-usap ay lumipat na sila Myungsoo kela Howon.

 

Ge Yin: Anak! Umupo na kayo dito at umorder na..

 

Tae Woong: Anak, si Hoya nga pala. Yung kababata mo.

 

Myungsoo: Naalala ko pa po sya, alalang alala.

 

Howon: Mark, ang laki mo na. Parang noon lang naglalaro pa kayo ng bahay bahayan ni Sam tapos ikaw lagi ang tatay. Hindi ka nakikipaglaro noon sa ibang bata bukod kay Sam pero ngayon madami ka ng kaibigan.

 

Myungsoo:  Hoya Hyung, bakit ngayon ka lang nagpakita samin?! Alam mo bang ang tagal ka naming hinanap kasi alam naming ikaw lang yung nakaligtas sa aksidente.

 

Howon: Pasensya ka na Mark. Pasensya na talaga.

 

Myungsoo: Hayaan mo na yun Hyung, ang importante andito ka na.

 

Howon: Ang laki ng pinagbago Mark. Noon napakatahimik mo lang na bata kahit na kinakausap at tinatanong ka di ka umiimik, ngayon sumasagot ka na.

 

Myungsoo: Ganun talaga hyung minsan kailangan natin magbago. Atsaka hyung, Myungsoo na ang itawag mo sakin, di na kasi ako sanay na Mark ang tawag sakin.

 

Howon: Howon na din ang itawag mo sakin kasi di na ako sanay sa Hoya.

 

Myungsoo: Sige, Hoya Hyung. Hahahahaha. Nga pala hyung. May ikekwento ako sayo. May bago kasi akong kaklase na Lee Sungjong ang pangalan.

 

Howon: Oh anong meron sa kanya?

 

Myungsoo: Unang kita ko palang kasi sa kanya parang nakikita ko na sa kanya si Sam, pero tinanong ko sya kung may kilala ba syang Sam Lee, sabi nya wala.

 

Tae Woong: Myung, bakit ngayon mo lang yan naikwento?

 

Myungsoo: Hindi pa kasi ako sigurado dun Pa.

 

Howon: Myungsoo, pwede ba akong sumama sayo bukas sa school nyo? Gusto ko syang makita.

 

Myungsoo: Sige hyung, walang problema.



 

GUYS! ETO NA! BAGONG UPDATE PARA SAINYO.

AYLABYU /THROWS HEARTS/

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
koress
#1
Chapter 18: gosh! I love your story ! I like the way how you write it ! And this is the first time i read tagalog story here. And sobrang nakaka excite! Sa sobrang excitement ko di nako makapaghintay na maalala na ni sungjong ang past niya at makilala na niya si howon na kapatid niya at si myungsoo na bestfriend niya.
And hey~ good idea to put some gif here because it adds a lot of expressions and excitement !
i also love the Woogyu couple haha they're adding some funny moments here! THUMBS UP ! I LIKE IT VERY MUCH!