Care Much~

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

A/N:

I'm very sorry guys kung sobrang tagal na talaga ng pag-aupdate ko.

Sobrang dami lang ginagawa.

But don't worry, all my fanfics here are ongoing.

'Yun nga lang, sobrang matatagalan ang pag-aupdate ko. I hope you understand.

 

 

 

“Jisung?” Gulat na gulat si Taehyung nang makita niya sa labas ng bahay nila si Jisung dala-dala ang bike at naka-pajama pa.

 

Nang marinig ni Jisung ang boses ni Taehyung, hindi na napigilan ni Jisung na humikbi at dali-daling tumakbo patungo kay Taehyung.

 

“Taehyuuung~”

 

Tuluyang nagising ang diwa ni Taehyung nang maramdaman niya sa kanyang bisig si Jisung. Nakaakap na sa kanya ang dalaga at ang ikinagulat niya ay ang pag-iyak ni Jisung.

 

“Jisung, anong nangyari?” mahinahong tanong ni Taehyung ngunit hindi siya sinagot ng dalaga.

 

Patuloy lang sa pag-iyak ang dalaga.

 

Tinapik-tapik ni Taehyung ang balikat ng dalaga para iparamdam ang pag-alala niya rito.

 

“Jisung, pasok na muna tayo baka malamigan ka.”

 

Kahit nabibigla sa mga pangyayari si Taehyung, syempre hindi naman niya pwedeng hayaan ang kaibigan sa labas lalo na’t si Jisung ito – Si Jisung ‘to pre~

 

Pagpasok ng bahay, pinaupo na muna ni Taehyung si Jisung habang kumukuha siya ng tubig para kay Jisung. Mayamaya pa ay bumalik sa living room si Taehyung at iniabot kay Jisung ang isang baso ng tubig.

 

“Taehyung, pasensya na sa abala. Ikaw lang kasi ang alam kong matatakbuhan ko ngayon. Hindi ko kasi magising si Sungjee eh.” Pag-amin ni Jisung na panay ang singhot sa pagitan ng kanyang mga salita.

 

Tinitigan ni Taehyung si Jisung. Napatingin si Jisung at napansin ang malalim na pagtingin sa kanya ng binata ngunit iniwasan niya ito ng tingin. Sa halip ay idinaan na lang niya sa muling pag-inom ang mga ito.

 

“Alam mo, kung ako lang ang matatakbuhan mo, sana sinasabi mo na sa’kin kung bakit ka napasugod dito sa bahay ng ganitong oras.” Nakahalukipkip si Taehyung habang hinihintay ang mga isasagot ni Jisung.

 

“Want me to get ugly?” hysteric na tanong ni Jisung.

 

“Jisung chill, hindi ka naman pangit kapag umiiyak eh… konti lang.” with matching actions pa.

 

Nanlisik ang mga mata ni Jisung at sinuntok ang tuhod ng binata.

 

“Nakuha mo pang magbiro.” Malamig na sagot ni Jisung.

 

Habang tumatagal ang katahimikan sa apat na sulok ng kwartong iyon, lalong naaaligaga si Taehyung sa dahilan ng pagdating ni Jisung. Sa tuwing mapapatingin naman siya rito ay panay ang iwas. Hindi man lamang magsalita ang dalaga para maintindihan niya ang mga nangyayari. Muling tinignan ni Taehyung ang dalaga na tulala sa kawalan. Pinagmasdan niya ang mugto nitong mga mata, ang mga malalim na paghinga nito at ang madalas nitong pagkagt sa labi – Isa lang ang naiisip niya, mukhang hindi maganda ang mga nangyari.

 

Matapos ang nakabibinging katahimikan, lumingon si Jisung sa kanya at habang nanginginig ang mga labi, sinabi niyang, “Nag-away kami ni Papa. He slapped me.”

 

Napapikit si Taehyung ng mangilang ulit.

“Ha?”

 

“Nagalit sa’kin si Papa so he slapped me. I know it’s my fault but I was hurt.” Pag-amin ni Jisung na tuluyang bumuhos ang mga luha.

 

Ikinabig ni Taehyung ang dalaga sa kanyang bisig at hinayaang umiyak ang dalaga sa kanya.

 

“Shhh~ tahan na. Nadala lang siguro ng galit si Tito.”

 

 

“At mukhang may kailangan kayong ipaliwanag sa kanya.”

 

 

 

Sabay na napaangat ng tingin ang dalawa sa kanilang harapan. Nakapameywang na Baekhyun ang nakita nila na nakataas pa ang isang kilay.

 

“Ang taray ng tito ko~ parang bumu-beauty queen lang ang pose.” Biro ng binata.

 

Tumalim ang tingin sa kanila ng tito niya at sinabing, “Hindi ito oras ng biruan Taehyung.  Jisung, bakit ka andito?”

 

Napatayo ang dalawa at sabay na bumuntung-hininga.

 

“Kasi po…”

 

“Please tito, let her stay here for awhile. Doon na lang siya sa kwarto ko. Huwag kang mag-alala behave ako tito.” Natatarantang sambit ni Taehyung. Ngayon na lang kasi niya ulit nakita ang tito na sumungit.

 

Matapos ang ilang segundong pag-iisip, isang napakalalim na buntung hininga ang pinakawalan niya.

 

“Okay, she can stay here pero Jisung doon ka na lang sa guest room. Makapresenta ka ng kwarto mo kala mo napakalinis.” Pagtataray ni Baekhyun sabay lakad paakyat ng hagdan.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG