T-Shirt

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

Tapos na ang klase nila Jisung at isang oras na lang ay magsisimula na ang dance workshop ng mga tito niya. Hindi niya alam kung saan ba talaga siya excited. Sa dance workshop o sa pagkikita nila ni Jungkook?

 

“Uy!”

 

“Uyyy~”

 

“ARAAAY! KIM TAEHYUNG!”

 

Natawa naman si Taehyung sa reaksyon ni Jisung. Salubong na salubong ang kilay nito at nagkakandahaba na ang nguso habang hinihimas ang brasong kanina pa binubunggo ni Taehyung.

 

“Sorry~ kanina ka pa kasi tulala. Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo naman ako sinasagot.”

 

“Nagtatanong ka ba?” tinaasan ni Jisung ng kilay ang binata at lalong natawa si Taehyung.

 

“Kailangan bang tanong lang ang sinasagot?” natatawang tanong ni Taehyung kay Jisung. Natutuwa talaga siya sa mukha ni Jisung. Sa tuwing naiinis kasi ito, para sa kanya ay lalo itong nagiging cute.

 

Huminto sa paglalakad si Jisung at tinitigan ng masama si Taehyung, “Enjoy my misery mister.” Iniwan ni Jisung ang kaibigan at naglakad patungo sa comfort room malapit sa auditorium.

 

“Uy, Jisung! Biro lang naman eh. Hintayin mo ako!” sigaw ni Taehyung habang tumatakbo papunta kay Jisung.

 

Nang maabutan niya si Jisung ay muli niya itong tinanong, “Seryoso ka talagang pupunta ng workshop?”

 

“Bakit ayaw mo?” mataray na tanong ni Jisung.

 

Napakamot sa ulo si Taehyung at sinabing, “Hindi naman kaso pagpapawisan ka ng husto, may extra shirt ka ba?”

 

Nanlaki ang mga mata ni Jisung nang maalala niyang wala pala siyang dalang extrang damit. Medyo nagdadalawang-isip pa kasi siya kanina bago pumasok kung pupunta siya o hindi. In the end, wala siyang nadala.

 

Umiling si Jisung, “Nakalimutan ko eh.”

 

Napabuntung-hininga si Taehyung, “Magsasayaw ka tapos wala kang dala.”

 

“Eh hindi naman kasi ako sure kung pupunta ako o hindi.”

 

“Pero nung kinulit ka ni Jungkook pumayag ka na.”

 

Napa-angat ng tingin si Jisung, “Gusto ko rin naman nagdalawang isip lang ako.”

 

“Sus~”

 

“Eh bakit? May angal?”

 

“Wala naman. Halika na.”

 

“A-ano? Teka, sa’n tayo pupunta? Baka ma-late tayo.”

 

Hinablot ni Taehyung ang kamay ni Jisung at hinila palayo. Umiba sila ng direksyon at papunta sila ngayon sa building na kinalalagyan ng boy’s locker room.

 

“OY! BAKIT DITO TAYO?”

 

“Kukuha ako ng damit natin.” Sagot ni Taehyung.

“Eh? May damit ka ng babae sa locker mo? Oy! Kelan ka nagsimulang maglihim na may girlfriend ka? Saka, bakit may damit ka niya dito sa school? Siguro araw-araw kayong nagde-date.”

 

Unstoppable ang bibig ni Jisung sa pang-iinterrogate niya sa binata habang si Taehyung ay takang-taka sa mga pinagsasasabi ni Jisung.

 

“HAHAHAHAHAHA~” napahinto si Taehyung sa tapat ng locker room ng boys at tumawa, sa sobrang lakas pinagtitinginan na sila.

 

“What’s funny?” taas na naman ang kilay ni Jisung.

 

“Ikaw kasi eh. HAHAHAHAHA~” hagalpak pa rin ng tawa si Taehyung. Sapu-sapo na niya ang tiyan niya sa sakit.

 

“KIM TAEHYUNG, TELL ME WHAT’S FUNNY?” nameywang si Jisung habang nagdedemand ng sagot. Demand talaga.

 

“Pinagdududahan mo kasi akong may girlfriend.” Nangingiting sagot ni Taehyung.

 

“Eh bakit may damit ka ng babae?”

 

“Wala. Damit panlalaki ang meron ako. ‘Di mo kasi ako pinapatapos eh.”

 

“Kala ko may girlfriend ka na.”

 

Biglang niliitan ng mata ni Taehyung ang dalaga at bahagyang inilapit ang mukha, “Bakit, magagalit ka ba kapag nalaman mong may girlfriend ako?”

 

“Oo.”

 

Biglang nilayo ni Taehyung ang mukha niya at mangilang ulit na napapikit, “Ha?” bigla ata siyang nahirapang iproseso ang sagot ni Jisung.

 

Hinampas ni Jisung ang braso ng binata ng matulala ito, “Oo magagalit ako kasi ako ang bestfriend mo tapos hindi mo sasabihin sa’kin. That’s unfair.”

 

Sana hindi na lang ako nagtanong. Medyo masakit.

 

“Ah ganun ba?” tumalikod si Taehyung at pumasok sa loob.

 

“Uy! Taehyung, iiwan mo ako rito? ‘Di ako pwedeng pumasok.”

 

“Hintayin mo na lang ako diyan, kukunin ko lang extra shirts ko.” Medyo nag-iba ang tono ng boses ni Taehyung. Dapat pala hindi na siya nagtanong para wala lang ang lahat. Na-remind na naman sa kanya na sila ay mag-bestfriends.

Bigla na naman siyang napatanong sa sarili niya kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Weird at kahit anong gawin niyang iwas sa nararamdaman niya, paulit-ulit naman na iyon ang nararamdaman niya kapag kaharap si Jisung.

After several years, magbabago pala ang feelings niya pero sana hindi na lang pala.

Anlakas kasi maka-friendzone ni Jisung – tagos hanggang balun-balunan, pati cells ni Taehyung, na-friendzoned din ata.

 

Matapos ang ilang minuto ay agad rin namang lumabas si Taehyung dala ang isang puting shirt na may smiley sa gitna. Iniabot niya ito kay Jisung. Nagpalit na rin sa loob si Taehyung kaya ngayon ay naka-jogging pants na ito, itim na shirt at rubber shoes.

 

“Eto, gamitin mo muna, ‘yan na lang ang extra ko eh.”

 

“Seryoso kang pahihiramin mo ako?”

 

“Oo nga. Pasensya na medyo malaki lang.”

 

“Okay lang.” inamoy-amoy ni Jisung ang shirt ni Taehyung.

 

“Oy, hindi pa ‘yan nagagamit. Ang arte mo talaga.”

 

“Whatever~” papunta na sana sa CR si Jisung nang mapansin ang itim na shirt ni Taehyung.

 

“Bakit ka nakaitim? Mainit ang itim.”

 

“Nagluluksa ako.” Mahinang sagot ni Taehyung kaso narinig ni Jisung.

 

“Ano? Nagluluksa ka?”

 

Bahagyang nakagat ni Taehyung ang labi niya, narinig pala kasi ni Jisung ang sinabi niya, “’Yung kuko ko sa paa namatay kaya nagluluksa ako. Bilisan mo na. Magpalit ka na roon.” Pinagtulakan niya si Jisung palayo papunta sa CR.

 

Minsan talaga ang weird ni Taehyung. Isip-isip ni Jisung. Sinunod din niya si Taehyung at pumunta sa CR. Yung extra jogging pants na lang ang susuotin niya, buti na lang nagkawa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG