#HugotAlaChen

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

Chen’s POV

 

“Jisung~” malayo pa lang ay tinawag ko na ang dalaga ko. Excited eh.

 

May pasalubong kasi ako sa kanya. Scandal ng Tito Gwapo niya. Joke~ Dance practice nina Lay, Kai, Sehun at Luhan.

 

Hehehehe~ nagpractice kasi ang mga Tito niya ng bagong sayaw. Ni-record ko ‘yung buong kanta na may paggiling-giling at hip ng mga Tito niya. Patay na patay kasi ‘tong panganay ko sa dimples ng tito niya eh mas lamang naman ang tatay niya sa kagwapuhan. O, walang kokontra. Aminin niyo, akala niyo si Jack Frost ako ‘di ba? O tama na nga ang usapang kagwapuhan ko baka ma-inlove pa kayo.

 

Asan na nga ba ‘tong si Jisung.

 

“Jisung?” dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto niya at naabutan kong nakatayo sa labas ng kwarto ni Jisung si Shiwon karga-karga ang kambal namin.

 

“O, mukhang good mood ka ngayon?” bungad na tanong ni Shiwon sa’kin.

 

Lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngi ang maganda kong asawa – gwapo ang tatay, maganda ang nanay, syempre, magaganda rin ang mga anak. Hinalikan ko sa noo ang magaganda kong kambal na mahimbing na natutulog.

 

“Medyo. Maganda sales ng album namin this month eh.”

 

“Congratulations.” Mahinang bati ni Shiwon. Naglakad siya patungo sa kwarto ng kambal at saka ko naman siya sinundan.

“Tulog na ba si Jisung?” tanong ko habang inilalapag niya sa higaan ang kambal.

 

“Hindi pa. Kagagaling ko lang sa kwarto niya, nag-aaral siya. May test daw sila bukas.” Sabi nito.

 

“Good! Mana talaga sa’kin anak natin.” Nilapitan ko si Shiwon na nakatalikod at inakap ito.

 

“Aww!”

 

Tinulak ni Shiwon ang noo ko. Sakit ha!

 

“Wow ha~ grabe nga ang kasipagan mo nung high school at college kelangan ka pang habulin ng walis ni Mama para gumising.”

 

“Shh~ ‘wag mo nga akong siraan sa mga anak natin. Baka marinig ka nila.” Natatawa kong saway sa kanya.

 

“Mukha mo Jongdae. Hay naku! Nagkakalokohan na naman tayo eh.” Saway ni Shiwon habang tinatanggal ang mga kamay ko sa baywang niya.

 

“Yihii~ gustung-gusto mo nga ‘pag naglalambing ako ng ganito ‘di ba?” hirit ko pa sa kanya.

 

“Ewan ko sa’yo. Tantanan mo ako. Kung gusto mong puntahan anak mo, puntahan mo. O sige, magliligpit pa ako sa baba. Diyan ka na.”

 

Lumabas ng kwarto si Shiwon pero may pahabol pa akong kiss.

 

Nilapit ko ang bibig ko sa kanyang tenga at sinabing, “Later Hon.”

“Che!” pag susungit naman ni Shiwon.

 

Sus kunwari pa ‘tong asawa ko eh lagi akong hinahanap-hanap. O siya, kanina pa ako nagpapabida baka maumay na kayo.

 

 

Kinatok ko ang kwarto ni Jisung pero walang sumasagot. Sinubukan kong pihitin ang knob ng pinto at agad naman itong bumukas. Nakita kong nakasubsob ang mukha nito sa study table habang naiwang nakabukas ang mga libro at notebook nito sa table niya.

 

Ang sipag naman talaga ng dalaga ko. Proud na proud ako dito sa batang ito. Buti na lang kay Shiwon nagmana ng kasipagan at katalinuhan. Aminado naman ako doon na lahat ng iyon ay namana niya sa ina niya pero hindi namang maitatangging sa aming dalawa nagmana ng gandang lahi si Jisung.

 

Well anyway, bubuhatin ko na sana si Jisung papunta sa kama para komportableng makatulog bigla naman siyang naalimpungatan.

 

“Hi Jongdae.” Inaantok na bati nito.

 

Wala na naman ba ‘to sa mood at kaya walang galang na naman ang batang ‘to sa’kin?

 

“Hi Princess.” Malambing na batik o sa kanya.

 

Nag-inat si Jisung at pupungas-pungas na tumayo para iligpit ang mga gamit niyang nagkalat sa kanyang table.

 

“How long have you been here?” In-English niya na naman ako.

 

“Just awhile.” Oha~ English din dapat ang sagot.

 

“What brought you here?”

 

“Just wanted to check my princess before I go to sleep.” Malapit na akong duguin rito ha.

 

Inilapag ni Jisung ang mga gamit niya sa kama niya. Umupo siya sa gilid nito at tinignan ako.

 

“You looked stressed Jongdae. I’m fine you can go to sleep with Mommy.”

 

Tignan mo ‘to, Mommy tawag kay Shiwon tapos sa’kin Jongdae. Ang unfair talaga ng life.

 

Umupo ako sa tabi niya at nilabas ang bago kong phone na binili ni Suho – yaman eh~ reward daw namin.

 

“May nagawa na naman ba ako princess at Jongdae lang ang tawag mo sa’kin?” mahinahon at malanmbing kong tanong sa kanya.

 

Bumuntung-hininga siya at ngumiti sa’kin, “There are things I want to explain but I think I’ll just tell you everything when the right time comes.”

 

Oh gosh~ dapat pala nagpasama ako kay Shiwon. Bubulwak na ata dugo ko sa ilong.

 

“In short…”

 

“I’m still confused so I’ll tell you when I’m not already.” Dagdag pa niya.

 

Talagang nagdadalaga na ang anak ko – mahirap nang kausap eh.

 

“Okay. May surprise pala ako sa’yo.”

 

Hinalukay ko ang mga files ko at pli-nay ang video ng mga tito niya. Kinuha ni Jisung ang phone ko.

 

Tinignan ko ang mukha niya. Bago niya kunin ito ay mukha siyang matamlay at inaantok pero nung nakita na niyang sumasayaw ang Tito Gwapo niya ay biglang nabuhayan ng dugo.

 

“Oh my gosh! Si Tito Gwapo?” sabay tingin sa’kin.

 

Tumango ako sa kanya at ayun, parang inasinang bulate ang dalaga ko sa pagsasayaw ng Tito niya – kilig na kilig. Dapat pala pinaalis ko na lang sina Kai at mag-isang pinagsayaw si Lay. Paano kasi, ang mata ni Jisung sa Tito Gwapo lang niya nakapokus. Ano ba kasing nakita niya kay Lay? Eh mas magaling pa akong sumayaw sa kanya eh.

 

“Ang galing talaga ni Tito Gwapo magsayaw. Daddy…”

 

Uy! Tinawag akong Daddy. Good vibes na ata.

 

“Daddy, minsan sama ako s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG