Heart to Heart Talk

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

Teahyung’s POV

 

 

Halos dalawang linggo na lang ang natitira bago mag-school dance. Mas excited nga ang mga estudyante sa school dance kaysa sa foundation day celebration ng school. Kung sila excited, ako naman halos nagsisisi akong dinamay ko si Sungjee sa problema ko. Sa totoo lang kasi, parang ayaw ko nang umatend. Pero dahil sa nahihiya akong iwan sa ere si Sungjee, heto ako sa dance practice at paulit-ulit na tinatapakan ang paa niya.

 

Nakaramdam ako ng manipis na kurot sa braso ko.

 

“Nangako ka kay Jisung na hindi mo tatapakan ang paa ko pero bakit ngayon pang-sampung tapak mo na ‘to sa’kin?” mahinang tanong sa’kin ni Sungjee na nangigigil na nakakapit sa’kin.

 

Napakagat ako sa labi ko sa hiya, “Sorry, hindi na mauulit.”

 

“Kung gaano karaming beses mo tinapakan ang paa ko, ganun rin karaming beses ka nag-sorry. Alam mo kung nadidistract ka sa kanila…”

 

Bahagya kaming napasulyap kina Jisung at Jungkook na sweet na nagsasayaw. Nakasandal sa dibdib ni Jungkook si Jisung.

 

Dapat pala hindi na ako lumingon. Sakit eh!

 

 

Napalingon ako kay Sungjee matapos siyang magbuntung hininga.

 

“Gusto mo bang magpahangin?” Alok ni Sungjee.

 

Siguro nga kailangan ko muna ng sariwang hangin. Para kasing mapapaiyak na naman ako rito. Naalala ko tuloy ‘yung sermon ni Tito kaninang umaga.

 

 

 

 

Flashback

 

Pagkagising na pagkagising ko, ramdam ko ang bigat ng mga mata ko. Parang magang maga at medyo mahapdi. Nasobrahan ata ako sa pag-iyak.

Napatingin ako sa orasan. Agad akong napatayo dahil kung hindi agad ako kikilos, siguradong male-late na ako. Dali-dali akong bumaba at dumiretso sa kusina.

 

 

“OHMYGOSH!” napasigaw ako ng makita ko si Tito Baek na may pipino sa mga mata niya.

 

 

Tinanggal ni Tito Baek ang mga pipino at bumungad ang mga naglalakihan niyang eyebags.

 

 

“Tigil-tigilan mo ako sa kaartehan mo Taehyung.”

 

 

Umupo si Tito sa may counter at sumubo ng toasted bread at inalok sa’kin ang iba at saka uminom ng kape niya.

 

 

“B-bakit namamaga mga mata mo Tito, umiyak ka rin ba?”

 

 

That’s it! umusok ang ilong ni Tito sa pagharap niya sa’kin.

 

 

“HUWAG MO NANG IPAALALA KIM TAEHYUNG KASI KUNG IBUBUKA MO LANG ANG BIBIG MO PARA MAG-FOLLOW UP QUESTION KAPAG SINAGOT KO ANG TANONG MO, HAHABA LANG ANG USAPAN. AT KUNG TATANUNGIN MO LANG AKO KUNG AYOS LANG AKO, ANG SAGOT KO AY HINDI. NAIINIS AKO! SOBRANG INIS NA INIS AKO KAYA KUNG AYAW MONG MASIRA ANG ARAW MO TULAD NG AKIN, KUMILOS-KILOS KA NA NG MABILIS O IDADAMAY KITA SA INIS KO. NAIINTINDIHAN MO NAMAN AKO ‘DI BA? HAY! NAWALAN NA AKO NG GANA. KUNG HINDI MO KAKAININ ‘YUNG TINAPAY IWAN MO DIYAN, BABAUNIN KO. NAKAKAINIS TALAGA. O SIGE NA, BILISAN MO NA. HAYS~ NAKAKAWALANG GWAPO TALAGA O! ERGHH!~”

 

 

Sabay walk out.

 

 

End of Flashback

 

 

Bad trip nga talaga si Tito kaya hindi ko na sinalubong ang inis niya. Siguro naiinis siya sa’kin. Habang nasa biyahe kasi ako naalala ko kung gaano na siya kaantok nung dumating ako pero dahil sa sobrang sama ng loob ko at iyak ako ng iyak, hindi niya ako nagawang iwan. Ako ang may kasalanan ng eyebags niya at ako ang may dahilan kung bakit nasira ang umaga niya at mukhang maghapon na ang bad vibes niya.

 

 

“AWW! SUNGJEE!”

 

 

Inirapan ko si Sungjee sa tabi ko. Binatukan niya kasi ako. Muntik ng bumaon sa ngala-ngala ko ‘yung straw ng juice na iniinom ko. Lumagok ako ng mangilang ulit bago muling nagsalita.

 

 

“Muntik na ‘yon ah. Anong problema mo?”

 

“Ikaw!” sinigawan na namn niya ako.

 

 

Lahat ba talaga ng tao ngayon ay mainit ang ulo? Nakakabad trip ha!

 

 

“Ano na naman ang problema mo sa’kin?”

 

 

Umiling-iling si Sungjee bago sumipsip sa juice niya at inubos ito.

 

 

“Ah~” nagpakawala ng napakalalim na hangin si Sungjee at saka niya ako muling hinarap. Umayos siya ng upo at inihilig ang katawan paharap sa’kin.

 

 

“Inaya kitang magbreak sandali para magpahinga pero kung anu-ano pa rin ang iniisip mo.”

 

“Hindi ko kasi maiwasang isipin eh.”

 

“Alam niyo, mag-usap na kayo bago ako mapraning ng tuluyan sa inyong dalawa. Pareho na lang kayong nag-aalala sa isa’t isa pero hindi niyo naman magawang lapitan ang isa’t isa. Nakakaloka kayo!” sabay flip ng buhok niya.

 

Tama ba ako nang narinig? Nag-aalala siya?

 

Biglang nabuhay ang dugo ko at napahawak ako sa balikat niya, “Totoo ba ‘yung narinig ko? Nag-aalala rin siya sa’kin?”

 

Umikot ang mga mata ni Sungjee at tinanggal ang mga kamay ko sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG