Taehyung's Dillema

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

A/N:

Sorry for the late update. Work is consuming my time so much. Pero sana magustuhan niyo pa rin ang update ko.

 

 

“DID YOU JUST FART ON MY FACE!?!”

 

 

Namilog ang mga mata ng magkakaibigan sa pagsigaw ni Rapmon with matching hilamos sa mukha.

 

 

“Easy, pag-usapan natin ‘to ng maayos.” Pakiusap ng pinakamatanda sa kanila.

 

 

“PAG-USAPAN NG MAAYOS? EH HALOS IKAMATAY KO NA SA BAHO NG UTOT NIYA EH!”             

 

Parang nilamukos na papel ang mukha ni Rapmon dahil kahit anong gawin niyang singa sa panyo niya ay parang nanuot sa kaibuturan ng kanyang sinus ang mabahong amoy.

 

Sino ba kasi nagpasabog?

 

 

“Sorry naman. Eh hindi ko naman alam na susuksok ka sa ilalim. Ang sakit na kasi ng tiyan ko eh.” Halos magmukhang kamatis sa pula ang mukha ni JHope sa hiya.

 

“Hindi naman pala sadya eh. Eh kalma na tayo diyan.” Pakiusap naman ni Suga habang tinatapik-tapik ang likod ni Rapmon.

 

 

Nangingiyak na tinakpan ni Namjoon ng kanyang mga kamay ang mukha niya, “Hindi niyo kasi alam kung gaano kabaho eh!”

 

 

Natawa na lang ang grupo sa nilamukos na mukha ni Namjoon habang si JHope naman ay napakamot na lang ng batok sa sobrang hiya.

 

 

“Teka nga, ‘asan nga ba ‘tong si Bunso? Kanina pa missing in action ah.” Puna ni Suga na palinga-linga mula sa kwartong ipinagpaalam nila sa student council president.

 

Itinaas ni JHope ang mga binti sa armchair ni Jin, “Pumapag-ibig na kasi. Hayaan niyo na.”

 

“Alam niyang ilang araw lang ang binigay sa’ting panahon para makapagpractice tapos wala pa siya.” Malamig na wika ni Taehyung na nasa isang sulok at busy sa pagkakabisa ng kakantahin nila sa school dance.

 

Sabay-sabay na napalingon ang iba sa nagmumukmok na si Taehyung.

 

“V, wala ka sa mood?” tanong ni JHope.

 

Umangat ang tingin ng binata sa kanya at isang nakakatakot at matalim na titig ang sinagot sa kanya.

 

Nagtakip ng mukha si JHope, “Sabi ko nga wala ka sa mood.”

 

 

Napailing na lang sina Namjoon at Jin matapos nilang magkatinginan. Parang nararamdaman na nila kung bakit wala sa mood itong si V.

 

 

Tumayo si Jin at dalawang beses na pumalakpak, “O sige, tayo-tayo muna ang magpractice. Vocal line, memorize niyo na linya niyo ‘di ba?”

 

 

Wala sa sariling tumayo si Taehyung at lumapit sa iba para magpractice.

 

Sinabi naman niya sa sarili niyang hindi siya magpapaapekto pero sa tuwing itatanngi niya sa sarili niya ang nararamdaman niya, lalo lang niyang nararamdaman na nahuhulog na siya sa best friend niya.

 

 

 

Flashback

 

In-announce through PA ang annual school dance nila kasabay ng foundation day ng school nila. Laking tuwa ng mga estudyante ang 3-day celebration na gaganapin sa susunod na buwan. Ilang araw ring pahinga mula sa school works, sa sermon ng mga teacher at sa mga umuulabng bagsak na scores nila.

 

“Okay class, kahit sino ay pwede ninyong makapareha. Ang theme natin ngayon ay masquerade. Boys, ayain ang girls ng maayos ha.” Paalala ng class adviser nila Jisung.

 

Nagtaas ng kamay ang isang estudyanteng lalaki, “Eh paano Sir kung ayaw naman sa’min nung gusto naming makapartner?”

 

Umikot ang mata ng teacher nila at sinabing, “Kung ayaw, eh ‘di ayaw. Alangan namang ipagpilitan mo ang sarili mo sa ayaw sa’yo. Common sense Jaeyoung!”

Nagtawanan ang klase pero sa isang sulok ay nanahimik si Taehyung .

 

 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpapansinan ni Jisung. Ilang beses na niyang sinubukang lapitan at kausapin ang dalaga pero sa huli ay lagi siyang nilalamon ng hiya at pride niya.

 

Kelan ba siya nagkapride at hiya?

 

Ngayon lang, at kay Jisung.

 

 

Nakalutang sa ere ang utak ni Taehyung habang nakatitig sa bintana. Naririnig niya ang pagkakagulo ng klase dahil sa gaganaping school dance pero siya ay abala sa dami ng iniisip niya. Sa totoo lang, gusto sana niyang subukang ayain si Jisung pero nagdadalawang isip siya dahil alam niya kung sino ang gusto ng dalagang makapareha nito… si Jungkook lang naman.

 

 

Pinatawag ang mga advisers para sa isang meeting kaya ang class president ang nagtake-over ng klase. Dati-rati ay si Jisung ang katabi ni Taehyung pero dahil sa incident ng cheating ng class nila, binago ang seating arrangement nila. Sa kanan ni Taehyung ay nasa kabilang line lang si Sungjee at nakatingin ito sa kanya.

 

Sumulat sa isang papel si Sungjee at binato sa kalapit niyang si Taehyung na sapul sa ulo. Napansin naman ito ni Taehyung at dinampot ang nilamukos na papel sa sahig. Binuklat niya ito at binasa.

 

 

Taehyung,

              Kinausap mo na ba si Jisung? Ayain mo siya sa school dance.

 

 

Walang pangalan ang sulat pero alam ni Taehyung kung kanino ito galing. Sumulat rin siya rito.

 

 

Ayoko. Baka ma-reject ako.

 

 

Saka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG