Pagtingin

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

A/N:

Last update for the mean time~ naipon po kasi

 

 

“JISUNG!”

 

Sa sobrang excitement ng mag-asawa ay sabay silang nagbukas ng pinto.

 

“Welcome –“

 

“Good evening Sir, pizza delivery. Kim Residence po?”

 

Bumagsak ang balikat ng mag-asawa. Laking tuwa pa man din nila nung nag-ring ang door bell kaso delivery boy ang bumungad sa pinto.

 

Tinitigan ni Chen ng masama ang pizza box na hawak ng binata at ganoon na rin ang delivery boy.

“Hindi kami omorder ng pizza. Mali ka ng napuntahan.” Sobrang lamig ng boses ni Chen at kulang na lang ay lamunin ng takot itong si kuya dahil sa kakaibang tingin nito sa kanya.

 

“Pero Sir, tama po ang address na –“

 

“Babayaran na lang naming.” Singit ni Shiwon para matapos na ang lahat. Tinitigan siya ni Chen ng ‘bakit-mo-babayaran-look ngunit nginitian lang niya ito.

 

“Kuya! Kuya!”

 

Paalis na sana si delivery boy ng biglang dumating sa eksena ang isa sa mga kasambahay nina Chen. Nahihiyang ngumiti si ate kina Chen.

 

“Sorry ho. Ako po ang omorder. Nagutom po kasi kami.” Tumawa si Ate at kinuha ang box sa kamay ni Shiwon.

 

Isasara na sana ni Chen ang pinto nang makita niya ang pamilyar na pigura.

 

“JISUNG!!!”

 

Dali-daling lumabas ng bahay ang mag-asawa at niyakap ang anak.

 

“Aw! Ma, Pa isang araw lang ako nawala.” Angil ni Jisung na nagpipigil ng luha. Namiss din kasi niya ng sobra ang family niya. Ang isang araw ay parang isang linggo sa kanya.

 

Dahil first time rin na maglayas ni Jisung, hindi napigilan ni Shiwon ang maluha. Pinalo rin niya ito sa pwet ng mahina.

 

“Bad girl Jisung. Pinag-alala mo kami.” Sabi ni Shiwon na may kasamang singhot.

 

“I’m sorry Ma.” Niyakap ni Jisung ang mama niya.

 

Nanahimik bigla ang paligid. Moment na kasi ng mag-ama.

 

“Jisung…”

 

“Pa, I’m sorry for being a brat. I know it’s my fault.” Hindi pinatapos ni Jisung ang ama at siya na ang unang humingi ng tawad. Tulad ng hindi niya pagtiis sa bestfriend niya, lalong hindi niya matitiis ang papa niya.

 

Niyakap muli ni Chen ang anak, “Sorry anak kung nasaktan kita. Nasigawan kita at napagbuhatan ng kamay dahil sa kalasingan ko. May kasalanan rin ako. I’m so sorry.”

 

Hindi maitago ni Shiwon ang saya niya. Sobrang laki ng kanyang ngiti na halos sumakit na ang gilid ng kanyang labi. Ganoon rin si Taehyung. Worth it ang pagsama niya sa kaibigan. Instant drama ang napanuod niya pero honestly, natuwa naman si Taehyung dahil sa wakas okay na ang mag-ama.

 

“Excuse me po. Uuwi na po ako.” Pagpapaalam ni Taehyung.

 

Bago pa man makaalis ang binata ay niyakap siya ni Jisung, “Thank you for being there Taehyung.”

Taehyung pat her hair, “Sus, wala ‘yun. Ikaw pa. Malakas ka sa’kin.”

“Ehem! Ehem! Medyo bitiw-bitiw rin.”

 

Biglang singit ni Chen na tinatanggal ang kamay ni Jisung na nakapulupot kay Taehyung.

 

“Pa~ you’re overreacting.”  Jisung crossed her arms and raised a brow.

 

Nahiya tuloy si Taehyung kaya napakamot ito sa kanyang batok, “Sige ho, alis na po ako. Good night.” Sabay alis.

 

Inakbayan ni Chen ang anak at saka hinila papasok ng bahay, “Alam mo namang mahal na mahal ko ang baby ko eh.”

 

“Yuck Papa, don’t call me baby.” Pinilit tanggalin ni Jisung ang kamay ng ama pero lalo lang itong binigatan ni Chen at hinigpitan ang akbay sa anak.

 

“Baby ka pa naman para sa’kin. High school ka pa lang eh.”

 

“Pa~”

 

Natatawa na lamang si Shiwon habang pinapanuod ang mag-ama. Sa wakas ay ayos na sila. Mukhang magna-heart to heart talk pa ito pagpasok sa loob.

 

 

Kinabukasan…

 

“Ma~ Pa~ papasok na po ako.” Tuwang tuwa si Jisung habang pababa ng hagdan. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan dahil naamoy na niya ang request niyang Kimchi fried rice. Bigla na lang kasi siyang nag-crave sa fried rice, pinadamihan pa nga niya ng sausage at kimchi para raw mas malasa.

 

Pagkatapos na pagkatapos niyang kumain ay naghanda na siyang pumasok. Kinuha niya sa may sofa ang back pack niya at saka nagpaalam sa kambal na kumakain sa kusina.

 

“Bye Jinhee. Bye jinhye~” humalik siya sa mga ito.

 

“Noona~” sabay na pag-babye ng kambal.

 

Nanlaki ang mga mata ni Jisung. Hahalik n asana siya sa papa at mama niya kaso narinig niya ang tawag ng kambal. Nilapitan niya ito at pinagsabihan.

 

“Kayong dalawa, you should call me unnie not noona. Mama o~ baka makasanayan nila ang noona.”

 

Natawa naman ang mag-asawa sa drama ng panganay.

 

“Jisung, hayaan mo na. Nagmana sa papa mo, maloko.”  Biro ng mama niya.

“Eh baka maging tomboy sila paglaki.” Pangamba ni Jisung.

Natawa si Chen sa sinabi ng anak, “Hahahaha~ tomboy agad? Ibig sabihin lang niyan, mana sila sa’yo.”

Nag-pout si Jisung sa papa niya.

Tinapik-tapik ni Shiwon ang balikat ng anak habang siya ay nakatayo para kumuha ng rice.

“O, Jisung, pumasok ka na baka ma-late ka pa.”

Humalik si Jisung sa mama at papa niya.

“Bye po~”

 

“Teka Jisung!” tawag ni Chen.

 

Lumingon si Jisung at napahinto. Tumayo si Chen at pinunasan ang bibig ng napkin.

 

“Ihahatid na kita. Paalis na rin ako.”

 

Natawa naman si Jisung sa sinabi ng papa niya. Hindi naman sa ayaw niyang magpahatid pero talagang natatawa lang siya. Bakit kaya?

 

“Papa, are you serious?”

 

“Mukha ba akong nagbibiro Jisung?”

 

Sa gilid ay pati na rin si Shiwon ay natatawa.

 

“Hahaha~ papa alam kong gusto mong makabawi sa akin pero seryoso ka talaga?”

 

Nameywang si Chen, “Kung kailan seryoso ako saka mo naman ako hindi sineseryoso. Kung kelan nagbibi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG