Mahal ko...

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

A/N:

Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over sa TRB, eto na ang update. Sorry medyo natagalan. Enjoy~

 

________________________________________________________________________

“Uy! Awatin niyo nga ‘yan!”

 

“Inaambahan ako ng bote eh, paano kung hampasin ako?”

 

“Sehun, mas matanda ka diyan. Gawan mo ng paraan!”

 

“Lagot tayo kay Baekhyun kapag nalaman niya ‘to!”

 

Hindi na alam nina Kai, Sehun, Luhan at Yixing ang gagawin para lang mapahinto sa pag-inom ng soju itong si Taehyung.

 

Paano nga ba siya napasok sa inuman session ng mga tito niya?

 

 

Flashback

 

“Okay, class dismissed.” Lay announced.

 

Nagsipagpulasan ang lahat at kanya kanyang kuha ng gamit.

Mukhang nag-enjoy ang karamihan bukod ata sa isa.

 

“Touch my bodeh~” pagwawala ni JHope habang gumigiling sa gitna na sinabayan rin ni Jimin.

 

After ng last practice kasi ay mukhang na-boost ang energy ng dalawa. Natatawa lang si Jisung habang pinapanuod na pigilan ni Jungkook ang mga nakakatanda sa pagwawala.

 

“Konting kahihiyan naman hyung.” Bulong ni Jungkook na natatawa habang hinahaltak na si JHope.

 

“Maya na~ pakitang gilas muna tayo sa mga nagturo sa’tin. Malay mo mapansin talent ko. Hoo! Hoo! Sige pa Jimin, giling pa!” sigaw ni JHope na gumigiling pa sabay nginig ng balakang.

 

“Pagod na ko hyung pero sige.” Sinabayan na naman niya ng giling si JHope.

 

“You guys are crazy.” Natatawang komento ni Jisung. Hawak-hawak na niya ang tiyan niya sa sobrang sakit nito.

 

“Mukhang nagkakasiyahan pa kayo ah.”

 

Nahinto sa paggiling ang dalawa at sabay namang napalingon sa likod sina Jungkook at Jisung.

 

“Tito Kai.” Bulong ni Jisung.

 

“Mga kaibigan mo?” tanong ni Sehun kay Jisung. Tumango si Jisung at bahagyang napakagat sa labi.

 

Lumapit ang apat kina Jisung.

 

“Parang ngayon lang namin sila nakita ah.” Dagdag ni Luhan.

 

“Pero… parang nakita na kita.” Biglang turo ni Lay kay Jungkook.

 

Lumaki ang ngiti sa labi ng binata at mangilang ulit na yumuko sa nakatatanda, “Hello ho. Sumali na po ako sa dance contest ng studio dati.”

 

Tumango-tango si Lay at unti-unti nga niyang naalala si Jungkook, “Oo nga, ikaw ‘yung 1st placer.”

“Siya ba ‘yun? ‘Di ko agad natandaan.” Singit ni Kai.

“Siya ‘yung personal bet mo ‘di ba? Sayang lang dahil ‘di mo natapos.” Dagdag ni Sehun. Sumang-ayon naman si Lay.

Napakamot ng ulo si Jungkook at sinabing, “Sayang pala. Saka ako rin po ‘yung kausap niyo before the tutorial.”

“Ah oo nga pala.” Napakamot ng ulo si Lay.

“Makakalimutin ka na talaga hyung.” Biro ni Sehun pero totoo naman.

 

“’Yun ba ‘yung contest na sinalihan mo noon? ‘Yung na-injured ka?” bulong ni Jimin na inakbayan pa ang kaibigan.

Tumango lang si Jungkook.

“Mga kaibigan mo rin sila Taehyung, ‘di ba?” tanong ni Luhan.

“Ha?” lutang na sagot ni Taehyung.

Napansin ni JHope ang matamlay na mukha ni Taehyung, “Kanina ka pa matamlay, may sakit ka ba?”

Umiling si Taehyung, “Nagugutom na kasi ako.” Pagdedeny ni Taehyung.

 

“My treat, kain na tayo.”

 

Sabay-sabay silang napatingin sa biglang sumulpot na si Baekhyun.

 

Tinignan ni Baekhyun ang pamangkin. Ngumiti siya rito dahil mukhang obvious na sa kanya ang nararamdaman ng pamangkin.

 

Dahil mukhang gutom na ang lahat, omoo na lang ang lahat sa alok ni Baekhyun – tutal libre naman.

 

Sa isang restaurant…

 

“O, kain kayo ng marami ha.”  Alok ni Baekhyun sa lahat. Nakapuwesto sila ngayon sa pinakasulok ng restaurant dahil they want privacy – wala kasing private room na available. Dito na sila inabot ng gutom kaya wala ng atrasan.

 

Nagkwentuhan muna ang lahat habang hinihintay ang mga inorder nila at ang sentro ng kwentuhan ay ang anak ni Chen – interrogation nap ala ito. Na-sense naman ito ni Jisung pero mukhang hindi ito na-sense ni Jungkook.

“So, matagal na talaga kayong magkakilala.” Panimula ni Kai habang sinasalinan ng soju ang katabing si Sehun.

“Ang totoo po niyan, naging magkaklase na po kami noon. Ngayon lang kami nagkasama at nagkakwentuhan ng ganito.” Nahihiyang pag-amin ni Jungkook.

Itinuon ni Sehun ang kanyang siko sa lamesa. Bago niya tanungin ang binata ay uminom siya ng soju niya, “Bakit ngayon lang?”

“Ah… eh… masungit po kasi si Jisung.” Pag-amin ni Jungkook na napapakamot ng ulo.

“May kuto ka ba hijo?” prangkang tanong ni Baekhyun.

“Ho?” pagtataka ni Jungkook.”

Natawa si Luhan sa tanong ni Baek, “Kanina ka pa kasi kamot ng kamot sa ulo.”

“Ah~ hehehe... nahihiya po kasi ako.” Natatawang sagot ni Jungkook kay Luhan.

 

“Sa katunayan nga po, kung hindi naming hihilain si Jungkook, hindi ‘yan makikipag-usap kay Jisung.” Biglang pagsingit ni JHope.

Nakaramdam ng kurot sa ilalim ng mesa si JHope. Kinurot pala siya ni Jimin. Pasimpleng nagtype sa phone si Jimin.

Nag-vibrate ang phone ni JHope. Bago pa dumaldal si JHope ay binasa niya muna ang text ng katabi niya.

 

From: ChimChim

HOSEOK ANG DALDAL MO.

 

 

Ay bastos na bata ‘to. Nawala ang hyung! Isip-isip ni JHope. Ne-replyan niya ang nakababata.

 

 

To: ChimCHim

Nangurot ka na, nawalan ka pa ng galang. How dare you! I hate you from the bottom of my CHIN!!!

 

 

Pasimpleng binasa ni Jimin ang text ni Jhope sa kanya. Natawa si Jimin at nagreply.

 

To: Hopie

Love you too hyung. From the bottom of my belly. Ay! Abs pala.

 

Nagkaron na ng sariling mundo ang dalawa. Napailing na lang si Taehyung na katabi ni JHope. Buti na lang at siya ang katabi ng dalawang ito.

 

Tuloy pa rin ang interrogation…

 

“Tuloy na ang kwento.” Pagpapatuloy ni Yixing na ngayon ay tinutulungan na si Baekhyun na i-serve ang ilan sa mga pagkain.

 

“Jisung, nagdadalaga ka na, hindi ka dapat nagsusungit.” Payo ni Sehun sa princess nila.

 

“Tito Sehun, mana lang ako sa’yo.” Biro nito.

 

“Jisung, ‘wag mong gayahin Tito Sehun mo na Ice King. Dapat sociable ka at approachable.” Payo ni Baekhyun na inabutan ang iba pa ng kimchi.

 

“’Di naman ako nagpapaka-Ice queen. Slight lang.” depensa ni Jisung.

 

“Gaano ba siya kasungit noon?” tanong ni Lay kay Jungkook.

 

“Tuwing ngingitian ko po siya noon o kaya babatiin, nang-isnob siya.” Sumbong ni Jungkook.

“What? When did I do that?” gulat na gulat na tanong ni Jisung.

 

“Isnabera ka kaya noon Jisung. Minsan ka lang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG