Huli Ka!

My Troll Daughter's Boyfriend
Please Subscribe to read the full chapter

Masaya ang naging lunch nila Jisung at ng mga kaibigan ni Taehyung kaso mukhang may isang hindi nakakain ng maayos.

 

Flashback

 

“So, balita ko pupunta dito ang mga tito mo Jisung.” Bungad ni JHope.

Tumango-tango si Jisung habang may laman pa ang bibig.

“Pero, bakit parang nakasimangot ka?” puna ni Jin.

Nilunok ni Sungjee ang kinakain niyang sandwich at saka sumingit sa usapan.

“Paano kasi…”

Isinubo ni Jisung ang natitirang piraso ng hotdog na nasa plate niya kay Sungjee. Napilitang lunukin ni Sungjee ang hotdog na halos ikabilaok na niya.

Inabutan ni Jungkook si Sungjee ng tubig. Napangiti naman si Sungjee kay Jungkook habang isang matalim na tingin naman para kay Jisung.

“Paano kasi bantay sarado siya sa mga tito niya.” Pagtatapos ni Taehyung sa naudlot na pagbubunyag ni Sungjee.

Natawa naman sina Suga at Jhope.

“Wow, ang hirap siguro magkaroon ng mga tito.” Sabi ni Suga.

Inilapag ni Jisung ang canned juice niya at sinabing, “Ay naku, kung alam niyo lang. They’re treating like a princess but then sometimes I feel like a prisoner.”

“Drama~” biro ni Sungjee.

“Bakit naman prisoner?” tanong ni Rapmon.

“Mabait lahat sila kaso kapag may inayawan sila tungkol sa gusto ko, pagtutulungan pa nila ako lalo na’t alam nilang ayaw ni Papa.” Reklamo ni Jisung.

“Ganon? Naku eh ‘di paano ‘yan, bawal ka pang maligawan.” Dagdag ni Jimin.

 

Biglang may naubo sa gilid.

 

Napatingin na lang sila kay Taehyung na may tumutulo sa pagitan ng ilong at bibig niya.

 

“YUCK~” sabay-sabay na napangiwi ang lahat.

Dali-daling pinunasan ni Taehyung ito, “Napasukan ng tubig ‘yung ilong ko.”

 

“Eew is an eew.” Dagdag ni Jisung habang natatawa sabay alok ng tubig kay Taehyung.

“Mapang-asar ka talaga.” Banat ni Taehyung.

 

“Pero ‘di ba, open ka naman for friendship?” biglang tanong ni Suga habang nakaakbay sa katabi niyang si Jungkook na nahinto sa pagkain.

“Friends lang naman…” dagdag ni Jimin.

“Friends muna.” Pahabol ni Rapmon.

 

Sa tabi nila ay tila sinisilaban ang mukha ni Jungkook sa hiya. Napagkaisahan ang bunso.

 

Bumulong si Sungjee sa kaibigan, “Pressured~”

Pasimpleng siniko ni Jisung ang kaibigan sa ilalim ng mesa.

 

“Friends? Okay lang naman.” Mabilis na sagot nito.

 

“Uy, pwede daw!” sabay-sabay na reaksyon ng magkakaibigan with matching mapang-asar look kay Jungkook. *rhyme… hehehe*

 

At ‘yun, simula na ng kawalang gana ng isa…

 

End of flashback

 

 

 

Sa apartment ni Baekhyun…

 

“O, maaga natapos ang practice?” tanong ni Taehyung sa titong nakahilata sa couch habang nanunuod ng TV habang hawak ang ilang music sheets.

Ngumiti ang tito niya at umupo ng maayos. Umupo si Taehyung sa tabi ng tito at inilapag ang backpack sa sahig.

“Yup. Pahinga rin.” Sagot nito.

“Kelan pala ang launching ng album niyo?” tanong ng binata.

“Sa isang linggo na kaya medyo busy-busyhan. M

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 22: Tagal na pala nito kaya binasa ko ulit..
Updateeee!
heyitsbabyjoojoo
#2
Chapter 20: HAHAHAHAHAHAHAH JISUNG KUNG AYAW MO KAY TAEHYUNG AKIN NA LANG OH HAHAHAHA WALA AKONG ANGAL~!LOL. Grabe Tae super shy mo nmn jusko onting damoves din dyan!
missdauxian
#3
Chapter 20: Kasalanan talaga ni jongdae ! Bahala na siya diyan xD

aiiii nako nako nako!
annegyo-
#4
jUNGKOOK OMG HAHAHAHAHAHA MABASA NGA 'TO--
missdauxian
#5
Chapter 19: namiss ko tuloy yung my troll daughter where Jisung keeps speaking English.
hahahahahha!

so ayan na, matters of the heart na ang pag-uusapan soon!
missdauxian
#6
Chapter 18: hahahahahha! xD Yung Grade 5 yung gagawa kasi magpapatunay na may forever..hahahhaha!

ohemtothegee! si Jisung may crushy feels kay Taehyunnie!
uikaxxlockheart
#7
Chapter 17: *tumili ng malakas*
*nagpagulong-gulong*
*nauntog*

Ayako na, kinikilig ako kay taehyung di ko kinaya!
crpdm15
#8
Chapter 16: OMG!! FINALLY TAEHYUNGGGGGGG