Gagambala
My Troll Daughter's BoyfriendJisung’s POV
Pwede bang sa bahay na lang ako? Tinatamad kasi akong pumasok eh.
Wow~ himala, tinamad ako. Well, minsan lang ‘to at gusto ko sanang lubus-lubusin lalo na’t sabi ni Tito Ganda 1 eh ‘just feel at home’ lang daw ako sa kanila. Kaso itong si Taehyung, parang eveil witch na kontra sa lahat ng gusto ko. Kesyo daw nagpapadala ako sa nararamdaman ko, bitter daw ako, move on move on rin daw.
Ano bang alam niya sa nararamdaman ko ngayon?
Hay~ basta ang alam ko, ang gulu-gulo ng utak ko after the incident.
Hindi ko lang talaga maintindihan ang mga nangyari.
120 naman ang IQ ah.
“Uy!”
Uuwi na ba ako mamaya? ‘Wag muna kaya?
“Jisung!”
Manggugulo muna ako kay Taehyung sa kanila.
I think I’m insane. Kinakausap ko na namang ang sarili ko.
“Jungkook!”
“’Asan?”
Agad naman akong napahanap sa paligid. Umikot-ikot na ako pero ni anino ni Jungkook hindi ko nakita. Hinarap ko si Taehyung at niliitan ng mata.
“Si Jungkook lang pala~”
Ngumiti ang loko.
Pinitik ko ang ilong niya at sinabing, “Paasa ka eh.”
“Ano?” medyo nanlaki ang mga mata ni Taehyung
Tila nagulat si Taehyung sa sinabi ko. Ako nga rin nagulat sa sinabi ko. Bakit ba paasa ang lumabas sa bibig ko? Am I expecting Jungkook to appear from nowhere?
Taehyung bumped his shoulder on mine. Muntik na akong tumalsik kaya hinila niya rin ako after sa tabi niya.
“Umaasa ka bang susulpot si Jungkook?”
NABASA NIYA ISIP KO?
Inunahan ko siya sa paglalakad. Kung tutuusin kanina ko pa dapat siya iniwan kaso bestfriend ko eh – ‘di ko kayang tiisin.
“Jisung, joke lang. Eto naman, parang hindi ka nasanay sa mga biro ko.” Biglang bawi naman si Taehyung.
“I’ll never get use to it.” sabay irap with matching smirk.
Hinabol ulit ako ni Taehyung kasi mas binilisan ko pa ang lakad ko.
“Jisung naman, stop speaking your English, nabubuhol ang dila ko eh.”
Natawa naman ako kay Taehyung, ganyan siya lagi kapag nag-iEnglish na ako, parang batang nakikiusap. Hahahaha~ I find him adorable whenever he pleads. He’s like a puppy. Parang ampanget pakinggan ng sinabi ko. Hahahaha~
“I won’t stop. Your uncle told me that we should start our English class. He’s thinking if we could have our next vacation in America…”
Wala akong narinig na angal. Let’s continue…
“I have books at home that you may borrow. If you just want, I can lend it to you…”
Aba, wala pa ring kibo. Humarap ako.
“HAHAHAHAHAHAHA!”
Humagalpak ako ng tawa sa hitsura ni Taehyung. Naiimagine niyo ba ‘yung mukhang nakainom ng isang bote ng suka tapos may sandamakmak na sili kaya luhang-luha na siya? Hahaha, ganun ka-trending ang mukha ni Taehyung. Ansarap i-post sa Instagram.
“Best friend naman, wala na akong naintindihan. Dinudugo na ako.”
Nakasandal si Taehyung sa pader habang hawak ang ilong…
HALA! May dugo nga. Totoo pa lang nakakad
Comments