Gone

Beach House (Completed)
Umaga gigisingin ni Yaya Maring si Kim para pumasok sa kanilang factory ng nagulat siyang walang tao sa kama. Hanap siya ng hanap wala talaga, mga damit sa aparador bawas, ang tokador maraming gamit wala rin and may mga sulat sa itaas ng kama naka pangalan sa papa niya, sa mga ate and kay yaya maring.

Maring: Sir, si Kim po wala sa kwarto niya tsaka may mga sulat na iniwan. Sabay iyak ni yaya.

Nalungkot ang ama niya pagkabasa sa sulat. Ang mabait at masunurin niyang anak naglayas dahil sumama ang loob at hindi matanggap na ipinagkasundo ito sa lalaking hindi nito gusto. Mula pagkabata hanggang ngayong 24 na si Kim hindi siya nito binigyan ng problema, laging naka alalay sa ama hanggang sa pag manage ng garment factory katu-katulong si Kim. Ito ang nag design ng mga damit na binebenta sa mga stalls sa baclaran and divisoria, magaganda ang mga design at idea nito kaya hindi malayong naging sakim ang kasosyo niyang si Mr. Tan at inagaw mga sketches nito. Bigla ring kinuha ang perang sosyo nito kaya biglang bagsak ng negosyo nila william kaya sa kauna unahang pagkakataon nagawa niyang saktan si kim sa pagpapakasundo ito sa anak ng kumpadre niya na may problema naman sa anak sa ngayon, business proposition talaga ang nangyari. Matagal na niyang kilala ang pamilya ng kumpadre na ito at alam niyang mabubuting tao naman ang mga ito, hindi lang sa may kaya sa buhay. Gusto lang niyang mapa ayos ang buhay ni Kim, nakalimutan niyang si Kim believes in love kaya till now di pa nagkaka boyfriend at inaantay ang taong magpapatibok daw sa puso nito.

William: Kumpadre may malaki akong problema, nawawala ang anak ko. Asan ka na Kim....

Hanap sila sa mga kaibigan lalo na si Melissa na 3rd degree sa katatanong at sa galing umarte di nahuli, " God patawarin mo ako at nag sinungaling ako. Mahal ko lang kaibigan ko".

Hay naku dito ko na lang binubuhos ang sama ng loob sa TD, malapit na, ilang oras na lang last episode na ng TD.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
maganda ang pagkagawa mo nito ... salamat nang marami ...
nana_17 #2
hala.. tagalog pala ito... lol..
anyway.. I'll read it..
:))
pinkpanther #3
i enjoyed reading your story, i hope you will continue to write & share your great ideas :)