Kim's flashback

Beach House (Completed)
Matapos maayos ni Kim ang mga gamit niya sa beach house lumabas siya at naglakad sa bandang dagat. At the moment hindi pa niya ma appreciate kung gaano kaganda ang lugar dahil sa bigat ng nararamdaman niya. She still recalls ang naging pag uusap nila ng papa niya...

Kim's Papa: iha I need to talk to you. Alam mo namang bagsak ang negosyo natin ngayon and napagkasunduan namin ng kumpadre ko na ipakasal kayo ng anak niyang si Randolph Jr.

Kim: papa ayoko! Ayoko! Hindi ko kilala yon at hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko mahal! Sabay iyak ni Kim.

Kim's papa: anak ngayon lang ako humihingi sa yo ng tulong. Matagal ko ng kilala ang pamilya ng mapapangasawa mo at nakaka sigurado akong magiging masaya ka.

Hindi na nagsalita si kim basta iyak na lang siya ng iyak. Hindi niya matanggap na ganito ang gusto ng papa niya. Ang mga ate niya may mga pamilya na kaya siya ngayon ang gustong pasaluhin ng papa niya sa bumagsak nilang negosyo. Alam niyang mahal siya ng papa niya pero bakit ganito ang hiling sa kanya. Hindi talaga matanggap ng loob niya kaya

Kim: Hello Melissa, I need your help best, bigtime ito!

Melissa: Best ano ang problema?

Kim: Hindi ko kaya ang request ni papa! sabay iyak ni

Kim. I won't marry someone na hindi ko mahal.

Melissa: best we need to talk about this. Meet me sa starbucks now na.

They met sa favorite hang out nila, pinili nila ang pinaka sulok para walang mag istorbo sa kanila. Kim started her story about their garment business na palugi na after naloko ang papa niya ng kasosyo nito. Kim helped her dad run it kasi ang mga ate niya may pamilya na, her papa didn't realize na yung mga idea ni Kim, mga sketches niya ng damit e ninanakaw ng kasosyo nito ang nagtayo ng sariling business pati na rin ang pera e kinuha.

Kim: Friend thank you talaga sa tulong mo. Tatanawin kong malaking utang na loob ito sa yo. I just need to get away, far away para maka pag isip.

Melissa: okay best, alam kong patay ako kay tito william and sa parents ko pero mas loyal ako sa yo. May beach house
kami sa Mindoro, remote ang place pero alaga naman yun ng caretaker so don ka muna mag isip till maka decide ka what to do. Kung ano pang need mo friend andito lang ako.

Kim: May pera naman ako best, mag titipid na lang ako baka matagal tagal itong taguang ito.

Melissa: May kuryente naman dun best, ang celphone medyo pahirapan ang signal, swertihan lang pero kung tago lang naman ang gusto mo okay na yun. Kada Tue/Fri ang dating ng banka na magdadala sa yo sa bayan. Don ka mamimili ng gamit, may internet shop don so you can check emials, dun malakas ang signal pero may time uli ang banka kaya wag kang mahuhuli. Sure ka na talaga ha best, wala kang katulong don.

Kim: Kaya ko ito best. Salamat talaga.

Last day of TD today, sana lang maganda ang episode....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
maganda ang pagkagawa mo nito ... salamat nang marami ...
nana_17 #2
hala.. tagalog pala ito... lol..
anyway.. I'll read it..
:))
pinkpanther #3
i enjoyed reading your story, i hope you will continue to write & share your great ideas :)