Text

Beach House (Completed)
Todo family bonding ang nangyari sa Anderson residence pagdating ni Gerald, grabe ang kaligayahan ng mag asawa and nothing was mentioned about the times na nawala siya. Ang importante bumalik na ang anak nila at mukhang balik na ito sa dating ugali. Next day ang bilis kumalat ng balita na asa building si Gerald kaya naman ang may edad ng mga empleyado sinabihan ang mga dalaga na wag pakalat kalat at galit si Gerald sa mga babae kaya naman kuntodo iwas ang mga ito. Nagulat ang lahat ng pagdaan ni Gerald sa floor nila biglang bumati "Hello everybody! I'm back!" tapos halos isa isang pinuntahan ang mga kilalang empleyado at kinausap bago tumuloy sa opisina ng ama. Nasambit na lang nila na salamat naman daw at nagbalik na ang dating Gerald na kilala nila, dahil karamihan sa kanila kilala na ito mula pa pagkabata.

Nagulat ang secretary ni Randolph ng makita si gerald na padating, para na rin niyang tita ito at natuwa rin siya na mukhang maayos na si Gerald

Gerald: Hi dad!

Randoplh: what are you doing here iho? Babalik ka na ba sa work mo?

Gerald: Yes, by tomorrow I think I'll be back but the reason I'm here is about my wife to be. Tell me something about it dad

Laking gulat ni Randolph na walang violent reaction galing kay Gerald ito pa naman ang taong pag ayaw talagang mahirap pilitin.

Randolph: iho okay ka lang ba? Milagro atang wala tayong diskusyon ngayon ha at mukhang interesado ka pang makilala ang mamanugangin ko yun ay kung papayag siya.

Gerald: What do you mean kung papayag?

Randolph explained na William is his kumpadre from long ago and matagal silang nawalan ng communication till nagkita nga sa isang coffee shop at nasabi nga nito about sa business. Napag usapan ang mga anak at nasabi nga niya na sa kanya ang idea na ipagkasundo nga si Gerald sa anak na dalaga ni William yun ay kung mag click silang dalawa. Napag usapan din na kung sakaling wala talagang pag asa ang mga bata e tuloy pa rin ang pagtulong ni Randolph kay William tanda ng pagkakaibigan. Tahimik lang na nakikinig si Gerald. Nasabi rin niya na wala siyang masyadong alam sa dalaga pero base sa mga narinig niya mabait na bata ito.

Gerald: What's her name dad?

Randolph: Kim ang tawag sa kanya ni William, aba iho interesado ka talaga ha

Samantalang sa bahay nila Kim 2 araw ng napapansin nila yaya pati na mga ate niya pag bumibisita ang tinted na kotse sa labas ng bahay nila. Hindi naman yon napansin ni Kim kahit madalas siyang naka stay sa may veranda, and sabi na lang niya baka sa isa sa kapitbahay. Once habang nakaupo siya sa rattan chair tumunog ang kanyang phone and she was surprised na makita ang name ni Gerald, she remembered na binigay niya ang number sa binata nung minsang nagkahiwalay sila sa bayan and matagal bago nagkita. She just let it ring and kita ni Gerald mula sa kotse na she cried and put her phone sa may heart. Gustong gusto ng lumabas ni Gerald sa kotse para puntahan si Kim pero pinigil niya sarili niya. He stays for a couple of hours outside her house and swerte naman siya kasi palagi naman niyang nakikita si Kim. Magmula non he sends text messages sa dalaga 3 to 4x a day kahit hindi ito nag reply. Sa morning ang text "gud am babe! Don't 4get to eat breakfast. Love u", sa lunch "kain ka ng mabuti ha, miss u", sa gabi "pahinga ka na baka pagod ka na, I care for u" and bago matulog "sweet dreams babe, thinking of u". Lahat ng messages save niya, hindi niya magawang burahin. Hindi pa rin niya sinasagot pag tumatawag ang binata pero hindi naman niya pinapalitan ang number niya, pag kinasal na lang daw siya, di pa niya kaya ngayon.

Almost everyday she's looking forward sa messages ng binata, to the point na pag di siya nakatanggap ng messages iniisip niya na sira na ang phone niya. Kada tunog nito talagang minsan natataranta pa siya sa pag open nito. Hindi yun nalingid sa mga ate niya at papa pero pag tinanong naman siya wala lang ang sagot niya.

As promised by Randolph tumulong nga ito sa papa niya so pagkabalik ni Kim medyo okay na ang estado ng factory. She started designing clothes again and that's what making her busy pero kahit gaano siya ka busy basta tumunog ang phone niya iiwan ang lahat mabasa lang ang text. For 1 week daily habit na yun till one day while she's in the factory

William: Kim may delivery for you

Kim: Po? delivery for me?

Sabay abot ng papa niya ng bouquet of flowers. Nagulat siya kung sino magbigay sa kanya ng ganon then she looked for the card, it says..

Kim,

Hello! Hope to see you soon.

Randolph Jr.

*************************************************************

Hope you like it....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
maganda ang pagkagawa mo nito ... salamat nang marami ...
nana_17 #2
hala.. tagalog pala ito... lol..
anyway.. I'll read it..
:))
pinkpanther #3
i enjoyed reading your story, i hope you will continue to write & share your great ideas :)