worried

Beach House (Completed)
The next day Gerald was surprised not to see Kim at her favorite spot under the palm tree kasi nakagawian na niya na every morning he would look, No! stare at Kim while she's busy with her sketch pad and he's getting curious kung ano yun. He thought baka napagod lang ang dalaga so he just went to explore the next island, balak pa naman niyang ayain ito. When he came back late afternoon hindi pa rin niya ito nakita but natanaw niya na may ilaw sa beach house nito so he said to himself tomorrow because it's already late baka maka istorbo siya. At 10 am next day hindi na talaga siya naka tiis so he went to her place and got worried when he heard someone crying from inside

Gerald: Kim! Kim! are you alright?

sabay katok then he tried the knob and it opened. " Kim!" tawag ng Gerald nung makapasok then he just followed the noise and saw her in front of the electric stove crying. Napatakbo talaga siya palapit sa dalaga and when he held her arm may mga tilamsik ito ng mantika and she's crying.

Gerald: what are you doing? sabay kuha sa sandok.

Kim: "nagugutom kasi ako e so I tried to cook eggs" sabay tingin sa kamay niyang natilamsikan.

Gerald: "hayan tuloy napaso ka pa" then he noticed mapula ang pisngi and ang nose ni Kim and naka jacket din ito samantalang siya naiinitan. " Are you sick" sabay hawak sa noo "Mainit ka ha!"

Dali dali niyang inalalayaan itong maupo sabay haplos uli sa noo and she's really burning up so he picked her up and put her under the shower and kahit may damit pa he opened the shower so she can cool down. He even asked permission to get her things and dahil may sakit she doesn't care kung makita pa nito ang kanyang undies. He came back with her things when

Kim: "Ge! palitan mo ito ng kulay red" sabay abot ng undies na blue ang color

Gerald: bakit! anong mali dito

Kim: "pano po red ang bra tapos blue na . Dapat coordinated no! Sige na giniginaw na ako pls" habang naka dungaw lang ang ulo sa may pinto.

Gerald: "coordinated coordinated pa, pareho din naman yun e" maktol ng isa pero balik din naman sa kwarto at hanap ng red na .

Napansin nga niya na talagang coordinated ang gamit ni Kim and maayos itong nakalagay sa aparador. Hindi lang niya napansin kanina sa pagmamadali. Nang makapag bihis na ng pajama ang dalaga pinaupo na lang niya ito at pinagsilbihan

Gerald: "Kelan ka pa maysakit? Bakit di ka nagpasabi ha?" habang hinahain ang breakfast for Kim.

Kim: kahapon ng madaling araw nagising akong ginaw na ginaw. Puro tulog nga lang ginawa ko kahapon e. Kaya kanina nagutom na ako

Balik kama si Kim after makakain and nakatulog agad samantala si Gerald hindi maiwan si Kim kahit sandali lang. Takbo siya sa bahay niya para kumuha ng pagkain and medicine then todo bantay na sa dalaga. Nilapit ang maliit na sofa sa kama and dun nakatulog din siya till maalimpungatan siya kasi parang may umiiyak and pag tingin niya sa kama si Kim nananaginip

Kim: papa ayoko! ayoko magpakasal sa taong hindi ko mahal.
Hindi ako papakasal sa Randolph Jr. na yan, ayoko! sabay iyak.

Naupo si gerald sa kama and inalo alo si Kim

Gerald: Kim shhhhh, tama na yan

Sabay hawak sa ulo ni Kim and sinuklay suklay ng daliri niya ang buhok ng dalaga and alam niya na mataas na naman ang lagnat nito. Pinilit niya itong umupo para uminom ng gamot. Sa taas ng lagnat ng dalaga wala na itong lakas kaya nung pagpawisan ang dalaga walang choice si Gerald kundi punasan ito, to the point na kailangang palitan na ang pajama top nito, wala ng malisya kesa naman may mangyari pang mas malubha kay Kim. Nung gumalaw siya para umalis ng kama nag reklamo pa ang dalaga sabay akap sa kanya so no choice but to stay. Napa isip din siya sa narinig kanina kay Kim "Randolph Jr?".

Naka idlip si Gerald na nakasandal sa headboard ng kama nung magising si Kim then she saw him and she smiled. Nilipat pa ang unan sa hita ni gerald at dun umunan sabay akap sa binti nito then balik tulog siya. The whole night nakabantay lang ang binata at hindi talaga umalis sa tabi ng kanyang pasyente and every now and then talagang check ang temperature ang kung kailangan e painumin ng gamot and nakatulog lang siya nung nasiguradong bumaba na ang lagnat nito.

Napabalikwas si gerald ng mga 2am kasi wala ang pasyente niya sa kama

Gerald: Kim!

Kim: andito ako sa kusina

Pagkakita sa kanya ni Gerald hipo agad sa noo and nakahinga ng maluwag na hindi gaano mainit ang dalaga. Alam niyang gutom na naman ito kaya isip siya ng madaling ihanda. Nakakita ng Pancit shanghai kaya ayun na lang at sabay na silang nag hapunan/agahan ng mag alas tres ng umaga. Hindi talaga napilit ni Kim na umuwi na si Gerald at talagang dun daw muna siya para siguradong may mag aalaga sa kanya lalo na sa pagkain na ikinatuwa naman ng dalaga. Sa sofa pa rin siya nakahiga but now ang nakaka gulat magka hawak kamay na sila bago nakatulog with matching smiles pa.

************************************************************

yan muna peeps, tinawagan ako to do OT so later na uli ang update. Bye muna.....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
maganda ang pagkagawa mo nito ... salamat nang marami ...
nana_17 #2
hala.. tagalog pala ito... lol..
anyway.. I'll read it..
:))
pinkpanther #3
i enjoyed reading your story, i hope you will continue to write & share your great ideas :)