Part 8
Pag-Ibig (Meron Ba?)“Tama ba ‘tong na-pin mo na address, Miss?” Tanong sakin ng driver.
TInitigan ko nang masama ang likod ng ulo niya. “Oo, Kuya. Grabe ka, mukha ba akong hindi nakatira dito?”
Pero kung iisipin… Parang valid nga ang pagtataka ni Kuya dahil sobrang laki ng ng houses dito sa subdivision nila Ning. Maikukumpara ko siya sa Ayala Alabang Subdivision na parang mga artista at pulitiko lang ang nakatira.
Diyos ko, sa lagay niyang ‘to, parang kahiya-hiyang sunduin ko siya nang wala akong sariling sasakyan! Mabuti na lang hindi naman ako ‘yung klase ng tao na nai-intimidate sa yaman ng iba, and I don’t think Ning would mind kahit pa sunduin ko siya nang naka-tricycle.
Iniisip ko na lang, sila ‘yung mga mulat na mulat nung nagpa-ulan si Lord ng kayamanan. Kami siguro nila Mark at Ryujin, malakas ang hilik.
“Kung dito ka nakatira, Ma’am, hindi siguro tayo magkasama ngayon sa Grab ride.”
Ang pilosopo ni Kuya ha?!
But again, hindi naman siya mali.
“Sabagay,” sagot ko na lang.
Ilang turns pa ay nakarating na rin kami sa pinned address na binigay ni Ning sa akin kagabi. Para akong nahilo sa pagkalula dahil sa Hollywood movies ko lang nakikita ‘yung mga ganitong klaseng bahay.
Huminga muna ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Agad kong kinuha ang phone sa aking bag at kinontak si Ning. Ang bilin niya kasi ay tumawag ako ‘pag nakarating na ako sa kanila.
Hindi ko pa gets nung una kung bakit kailangan ko pang tawagan kung pwede namang mag-“tao po” na lang, pero ngayon, gets na gets ko na! Ni wala nga silang doorbell!
Anong meron sila?
Security guard!
Diyos miyo.
“Hello? Winter? Nasa labas ka na ba?” She sounds so excited kaya napangiti ako at hindi kaagad nakasagot. “I’ll be down there in a while!”
“O-Okay..”
Dinapuan nanaman ako ng kaba. Dahil ba first date namin ‘to? Dahil ba hindi ako sure kung date ba talaga ‘t—
Tumunog ang phone ko. Mabilis kong tinignan dahil baka si Ning na.
<9:20am> Karina Marie: Wer ka
Automatic na kumunot ang noo ko.
Ano nanaman bang trip nitong babaeng ‘to? At bakit may pagtanong pa kung nasaan ako? Ano naman sa kanya? Gusto niya bang gumawa ng article? Pero napag-usapan naman namin na hindi ako pwede this weekend…
Hay, whatever.
“Winter!” Niyakap kaagad ako ni Ning paglabas ng napakalaki nilang gate. “Do you wanna come in? Or tara na?”
Come in?! Ayoko! Nakakahiya! Baka nasa loob ang parents niya!
“Ahm… Tara na?” Reluctant kong sagot. “Gusto na kitang masolo eh,” biglang confident kong sabi. Nababaliw na yata ako.
She held my arm tightly at bumulong, “Gusto ko rin ‘yon.”
Tumayo ang balahibo ko sa buong katawan.
“Hahatid ba tayo ni Kuya George?” Pagbabago ko ng topic. Baka kung ano-ano pa ang masabi ko kapag hindi ko napigil ang aking sarili.
Umiling siya, “Hindi. Sabi mo gusto mong tayong dalawa lang?”
Nasabi ko kasi sa kanya na kung gusto niya, mag-commute na lang kami dahil baka mainip lang si Kuya George. Isa pa, ayoko namang may kasa-kasama kaming driver habang nagde-date. I just don’t like the thought na may naghihintay sa amin.
“Oo nga… Pero baka hindi ka kasi sanay,” I worried.
“Hindi nga, but I’ll compromise for you. Cute ka eh.” Ito nanaman siya sa panghaharot niya! “I’ll book us a Grab ride.”
“Ako na!” Sigaw ko.
Natawa siya, “Why? Pwede namang ako na. I don’t mind.”
Napakamot ako sa ulo, “Eh… Kasi… Wala lang, gusto ko lang na ako gagawa for us. Para ano— Para gentlewoman ang dating.”
My goodness! I sound like a lame high school boy trying to impress his crush. Ako ba talaga ito?
She smiled and gave me a light peck on the cheek. Pinilit kong hindi mag-react sa ginawa niya at mag-focus lang sa pagbu-book ng ride. Feel ko rin nagkaroon ako ng trauma sa cheek kisses na ‘yan gawa ni volleyball player.
Hmp!
“Okay na. Three minutes away lang siya,” mahinhin kong sabi. Dinadama ko lang nang maigi ang paghaplos ni Ning sa arm ko. Sort of naglalambing siya. Pinaikot ko ang kamay ko sa balikat niya, “Okay ka lang?”
I felt her nod between my neck, “Mmh. I’m just happy we’re going on a date ngayon.”
Hnnnng.
Kinikilig ako!
So confirmed na confirmed na nga na date ito!
“Ako rin, Ning. Thanks for going out with me on a date,” I answered sweetly habang nakangiti. “Ang swerte ko lang.”
Tumawa siya nang mahina, “I’m the lucky one here.”
Tahimik lang kaming nakatayo sa labas ng bahay nila habang nakaakbay ako sa kanya at nakapulupot pa rin ang kamay niya balikat ko. I even dared na halikan ang noo niya. She probably liked it dahil naramdaman ko sa leeg ko ang ngiti niya.
This feels really nice.
<9:31am> Karina Marie: Wer ka
<9:31am> Karina Marie: Wer ka
<9:32am> Karina Marie: Wer ka
Na-distract siguro si Ning sa sunod-sunod na tunog ng phone ko kaya napaangat ang ulo niya. “Grabe, may date tayo tapos kung sino-sino yata ang nagte-text sayo,” she pouted jokingly. “Sagutin mo muna, para hindi tayo maistorbo.”
Instead of responding to Karina’s texts, I put my phone on silent at itinabi ko na ulit sa aking bag. “Ayoko rin na naiistorbo tayo kaya itatapon ko ‘tong phone ko.”
Ang lakas ng tawa niya. “Ano ba! Ang OA mo naman!”
We got interrupted sa pagdating ng aming Grab ride. Pagpasok namin ng kotse, halatang lumang-luma na ang sasakyan ni Manong at walang aircon sa backseat! May dalawang mini fans lang na nakatutok samin ni Ning.
“Ang init?” Pinaypayan ko si Ning. “Okay ka lang?”
Bumaba ang tingin ko sa exposed niyang neck. Tumutulo ang pawis niya at malapit na ring tumulo ang laway ko.
Joke.
“I’m okay, Winter. It might not seem like it, pero hindi ako maarte,” patawa-tawa niyang sabi. “You don’t have to impress me. Just be yourself.”
I smirked, “Okay, sige. Pa-kiss.”
She threw her head back laughing, “Baliw ka talaga.”
Mahaba-haba ang byahe kaya hindi surprising na naghihilik si Ning sa tabi ko. She has her head on top of my shoulder at nakayakap siya sa akin. I don’t have the heart para gisingin siya kahit nangangalay na ako.
Isa pa, na-miss ko ang pakiramdam na may nagugustuhang tao… And that person returning my affection.
I won’t this up.
I was starting to fall asleep nang magsunod-sunod nanaman ang pagtunog ng phone ko. I swear to God kapag si Karina ‘to—
<9:51am> Ryujin: Nandito si Karina hinahanap ka.
Gala daw kayo
<9:52am> Ryujin: Yieeee
Napakunot nanaman ang noo ko. Lately, si Karina ang cause ng wrinkles ko.
Pero bakit kailangan niya pang pumunta sa apartment? Dahil lang gusto niyang gumala?! Hindi ba available si Minju?
Diyos ko.
<9:54am> Me: Ansabe mo? Hayaan mo siya
<9:55am> Ryujin: Sabi ko wala ka. Sumimangot
nga eh
<9:55am> Me: Luh
I only shrugged it off at natulog na lang din.
Pareho lang kaming nagising ni Ning dahil sa driver. Nakarating na raw kami at ang hirap daw naming gisingin. Naging instant alarm clock pa si Kuya.
“Saan nga ulit tayo unang pupunta?” Ning asked. Nagfe-freshen up muna kami sa CR ng Lucky Chinatown Mall.
Kinuha ko ang phone ko. Inignore ko na lang muna ang mga texts at pumunta sa notes para tignan ang ginawa naming itinerary.
“Sa Chuan Kee.” Tinignan ko siya, “Okay lang na maglakad-lakad lang tayo? Mahirap yatang mag-commute sa loob ng Ongpin ehh…”
She smiled at lumapit sa akin, holding my hand at hinila ako papalabas. “Yes po. Let’s go na.”
Uy, HHWW kami.
Hindi ako magrereklamo.
“Share na lang tayo ng meals? Para makarami tayo ng kain?”
Ang cute ng pagtatanong niya. Ewan ko kung bare minimum, pero natutuwa lang ako na parang invested talaga siya sa trip na ‘to. Siya pa nga ang nag-research ng kung anong kakainin namin sa bawat restaurant.
“Mmh. Mas sweet kapag for sharing,” sagot ko.
Namula si Ning. I feel proud of myself kapag napapakilig ko siya.
Tahimik lang kaming naglalakad-lakad along Ongpin Street. I suddenly got reminded of Karina’s mom dahil may isa siyang entry sa journal about going to Binondo with her friends.
Habang pinagmamasdan ko ‘yung lugar, naiisip ko kung paano i-describe ng mom ni Karina ang Ongpin. Ang galing kasi—sobrang detailed.
We visited Binondo! Also known as the oldest Chinatown in the world.
Isn’t that cool?
Before visiting the place, I read articles about Binondo and was astounded
by the way writers had portrayed it. And sure enough, it was quite an experience
to be in a certain place in the Philippines but feel as though I’ve bee teleported
to China!
The sidewalks are a bit “makalat”, the people looked busy and exhausted, and the
infrastractures is old but lovely—but I swear, the food was amazing!
It was a bonus that I experienced the oldest Chinatown with my friends.
We’ll definitely come back! Hopefully, may kasama na akong “labidabs”,
katulad ng sinasabi ng mga loka-loka kong kaibigan.
Kung wala naman, then that’s fine too. Pero sana…
Haha! Ciao!
Nakarating na kami sa Chuan Kee. Medyo mahaba ang pila, pero sabi nga ni Ning, as long as we’re together, okay lang. More bonding time!
“Ang baho dito…” Napatakip ako ng ilong. Nag-aalalang tinignan ko rin si Ning na mukhang bahong-baho na rin. “Ginagawa yata ‘yung kanal.”
Tawang-tawa siya, “Yeah, ang baho nga.”
Both of us are uncontrollably laughing at this point. Mabuti na nga lang ay wala siyang arte sa katawan!
“Malapit naman na tayo. Siksik ka muna sa leeg ko, amoyin mo pabango ko,” pabiro kong suggestion… na ginawa naman niya. “H-Huy, joke lang eh.”
“Ang bango mo nga…” Bulong niya. Ramdam ko rin ang labi niya sa leeg ko.
Lord!
“Next!” Biglang sigaw nung tao sa may pinto. Paano niya kaya nate-take ang baho? Maghapon siya dito sa labas.
“Tayo na,” tinapik ko si Ning.
Inalis niya ang mukha sa leeg ko at makahulugan akong tinignan, “Tayo na?”
“H-Ha?” Nanlaki ang mata ko. “Ahm, tayo na raw ‘yung uupo…” Pero kung gusto niyang maging kami na, eh ‘di go. Why not?
Naks, ang tapang ko lang sa thoughts ko ah. Parang tanga.
Ngumisi lang siya at naunang pumasok sa restaurant. Dinala kami nung isang server sa may dulong upuan na pang dalawahan lang kaya napakasikip. Sayang, gusto ko pa man din katabi si Ning kaysa kaharap siya.
“Anong o-orderin natin?” Tanong ko.
Nakatingin lang siya sa menu at nagba-browse. Medyo may tumutulo pa rin talaga na pawis sa leeg niya papasok ng kanyang s. Nadi-distract nanaman ako.
“Sabi sa article na binasa ko, masarap daw ‘yung Kiam Pong at Pork Maki Mi, so let’s have that. I also want some Kikiam. Okay lang?” Naaninag ko ang pagtingin niya sa akin kaya tumaas agad ang tingin ko from her chest to her eyes. Tinaasan niya ako ng kilay.
“Sige okay lang,” sabi ko na lang. Nanlalaki ang ilong ko. “Ako na o-order?”
Tumayo siya at umiling, “No, I’ll order for us. Relax ka lang diyan.”
Pinanood ko lang siya habang nakapila. Paminsan-minsan, mapapatingin siya sa akin at pareho kaming magngingitian. Minsan naman, she’d blow me a flying kiss. Pareho lang kaming pulang-pula sa pinaggagagawa namin.
“Sorry, medyo natagalan. Ang daming orders ng nasa harap ko, parang bibilhin na ‘tong buong restaurant,” tuloy-tuloy niyang sabi. Nakakatawa ang expression niya. Nakaka-in love din. “Why are you laughing?”
Napatikom ako ng bibig, “Wala. Kain na tayo?”
“Yes!” Kinuha niya ‘yung isang Kikiam at tinapat sa bibig ko. “Is this okay?”
Sinubo ko ‘yung kikiam. Para akong mabubulunan, ang laki kasi. “Oo naman…” It was my turn para siya naman ang subuan nung fried rice na binili niya. “Ito, try mo. Masarap siya.”
“I’ve had better,” sabi niya.
Chinese nga pala ‘to!
“Sana all.”
Natawa lang siya sa walang kwenta kong sagot.
“Can we have coffee after? Wala sa IT natin, but I’d like to be with you sa chill place muna. So we can talk properly,” she said pagkatapos naming kumain.
Gets ko kung bakit niya gustong magpunta sa café after this. Sobrang busy sa place at masyadong maingay. Hindi kami makapag-usap nang ayos at talagang madaling-madali kami sa pagkain dahil maraming naghihintay sa labas.
I smiled, “Of course. May nakita akong café dun sa isang TikTok video na napanood ko. Maybe we can go there.”
Tinulungan ko siyang makatayo dahil sikip na sikip si Ning sa upuan niya. I held her hand kahit makalabas na kami at kita ko sa kanya ang maliit niyang ngiti sa aking gesture. We started walking hand in hand papunta sa 1919 Grand Café.
“Did you enjoy ‘yung food sa Chuan Kee?” Tanong niya sa akin.
I looked at her, “Oo, masarap. Kaso ayun nga, medyo kill joy ang ambiance. Pero ganon talaga, fastfood kasi at mura. Maraming nagpupunta. But the food was nice.”
She nodded in agreement. “Yeah. Kaya nga gusto kitang masolo sa café ngayon. Kanina kasi, parang ka-date ko rin ‘yung katabi nating table sa sobrang lapit nila satin,” biro niya.
Tumawa ako nang malakas, “Alam mo ang funny mo rin pala. You’re so blunt.”
“And? I hope you find that attractive, ‘cause if not, kawawa naman ako,” she pouted jokingly.
Ang funny niya talaga.
Diyos ko!
“I find everything about you attractive,” counter ko naman. “I’m sure maraming nagsasabi sayo, but you’re fun to be around with. Bonus na lang na ano… You’re very pretty,” I shyly said.
She cutely laughed, “Yes, marami. But the only opinion that matters to me is yours. So… Nugagawen?”
Humagalpak ako, “Saan mo natututunan ‘yung ganyang terms?!”
“Sa inyo nila Mark! I followed you guys sa Twitter, ‘di ba? And it’s funny nga.”
Patuloy lang ang pag-uusap namin nang kung ano-ano habang naglalakad. Kahit malayo ‘yung coffee shop, hindi naman namin ramdam dahil pareho kaming aliw sa presensya ng isa’t isa.
“We’re here na,” I told her. Pinagbukas ko siya ng pinto, “After you, Madam.”
“Madam ka diyan!”
I laughed, “Bebu na lang?”
Saan galing ‘yung bebu? Kakanood ko ‘to kay Nana at sa hunk niyang jowa sa TikTok.
She looked back at me, “That’s much better.”
Ihhh!
This time, ako naman ang umoder for the both of us. I ordered a shaken peach tea for her at iced coffee naman sa akin. Bumili na rin ako ng isang slice ng cake for us to share.
Pagbalik ko sa table namin, biglang tumugtog ang rendition ng Ben&Ben ng The Way You Look at Me. Sakto naman, nakatingin lang sa akin si Ning… Like I’m the most beautiful person in her own universe.
'Cause there's somethin' in the way you look at me
It's as if my heart knows you're the missing piece
You make me believe that there's nothin' in this world I can't be
I never know what you see
But there's somethin' in the way you look at me
“B-Bakit?” I blushed.
Comments