Part 7

Pag-Ibig (Meron Ba?)
Please Subscribe to read the full chapter

“Ay, may ganong drama?”

 

“In all fairness, medyo panig ako kay Karina dito.” Grabe si Mark, parang wala kaming pinagsamahan ah?! Dapat kahit mali ako, sakin siya kumakampi. “Sorry, beh… Pero medyo asyumera ka naman nga sa part na ‘yon. Supalpal ka tuloy. Karina Yu, inispike sa mukha si Winter Kim!”

 

Umiling lang ako, taking a sip of my great taste what i— great taste white. “’Wag niyo na ngang pag-usapan. Tapos na ‘yon. Ang mahalaga naliwanagan na ako.”

 

“Beh, ito ha… Ano bang ine-expect mong isasagot ni Karina?” Pinrangka ako ni Ryujin.

 

Sabi ko ‘wag nang pag-usapan eh! Ang kukulit din talaga ng mga ‘to.

 

Hindi ko naman talaga ipapaalam sa kanila, kaya lang, nasa kwarto pala si Ryujin that night at narinig niya ang lahat. Talk about being nosy.

 

“Ano nga ulit?” I came back to my senses.

 

“Ano kakong inexpect mong isasagot ni Karina doon sa tanong mo?”

 

Bumuka ang bibig ko para magsalita pero wala akong masabi bigla. Every time na may maiisip akong sasabihin to answer her question, hindi ko mai-voice out. Nauutal ako na hindi ko maintindihan.

 

Dahil ba hindi ko alam ang isasagot ko? Ano nga bang inasahan kong isasagot ni Karina? Was I hoping for her to confess na may gusto siya sa akin?

 

Ang tanga lang.

 

Kailan pa ako naging ganito?

 

“Oo nga, Winter. Parang disappointed ka kasi nung sinabi niyang wala siyang gusto sayo,” sabat nanaman ni Mark.

 

Pinagpawisan ako bigla sa mini-interrogation na nagaganap sa hapag-kainan.

 

“Hindi naman kasi sa ganon. Siguro kasi, ilang araw kong pinroblema ‘yon tapos tatawanan lang niya nung inopen ko na. Ewan.” Tinapos ko na ang pagkain at nagsimulang magligpit. “Either way, at least napag-usapan na namin. Wala nang tension.”

 

“Uh huh.” Sabay pa silang dalawa.

 

“Totoo nga—” May nag-doorbell. “Ako na. Mauuna na rin akong pumasok, nabibwisit ako sa mukha niyong dalawa.”

 

Wala pa ako sa gate pero amoy ko na ang pamilyar niyang pabango. Inayos ko saglit ang buhok ko bago ko siya pagbuksan.

 

“Hi, Ning. Napadaan ka?” Dala niya ang driver at magarang sasakyan. “Wala kang classes?”

 

Yumakap muna siya bago sumagot. Kahit yata ilang beses niyang gawin ‘to, hindi pa rin ako masasanay. Her hugs always leave me flushed and speechless.

 

“Good morning, Winter.”

 

Kung ganito ba naman ang umaga ko araw-araw…

 

“Good morning, Ning. Good morningning,” hindi ko napigil magbiro. “Na-miss mo ba ako ulit?”

 

“Yes,” mabilis niyang tugon. Her confidence is just so… attractive. “Also to give you this para hindi ka na mahirapan later.” Inabot niya ‘yung familiar na paper bag na naiwan ko sa café.

 

My conversation with Karina suddenly came flashing back.

 

“Hindi naman kailangan, Ning… Ang layo pa ng pinanggalingan mo,” worry ko. Though I appreciate her effort a lot.

 

She offered me a smile, “But I wanted to. Sabi mo marami kang ginagawa lately sa acads, so this would at least lessen ‘yung mga isipin mo.”

 

Nag-overthink kasi ako nang malala dahil nag-message ‘yung café na hindi muna sila makakapag-open dahil may sunog na nangyari sa kitchen nila. Sinecure pa raw nila ‘yung place at hahanapin pa ‘yung naiwan ko. Ayoko namang mag-demand na unahin nilang hanapin ‘yung naiwan ko. Ang insensitive lang.
 

Naikwento ko ito kay Ning kaya siguro nagmagandang loob siya na daanan.

 

Ano kayang magandang ginawa ko sa past life para bigyang pansin at effort ng isang Ningning? She’s too perfect.

 

“Tsaka…” Nagpatuloy siya. Tsaka ano? “Gusto kitang ihatid papasok ng uni. Nakita ko sa kanto mahaba ‘yung pila ng trike.”

 

Sa tatlong taon ko dito sa apartment, never pang humaba ang pila ng tricycle sa kanto.

 

“Ahh…” I tried to sound as convinced as possible. Ayokong maramdaman niyang binabalewala ko ang efforts niya. “Okay, basta tabi tayo,” sabi ko na lang.

 

Inabot niya ang kamay ko at ginabayan pagpasok ng napaka-sosyal nilang kotse. “Of course. Sino pa bang tatabihan mo kung ‘di ako lang?” Ang aga niyang maharot. “Unless si Kuya George ang gusto mong katabi, then magpapaubaya ako.”

 

Mukhang maganda ang gising niya.

 

“Hmm…” Nagkunwaring nahihirapan akong mag-isip.

 

She looked offended. “Winter!”

 

“Joke lang. Syempre gusto kong katabi kita,” I gave her a sweet smile.

 

Binalik naman niya ang ngiti ko at parang nagkaroon kami ng mini-titigan moment dito sa loob ng sasakyan nila. Aninag kong napapakamot na sa ulo si Kuya George.

 

“Ma’am saan po tayo?” 

 

Natauhan kami pareho ni Ning at dali-dali siyang sumagot, “Sa Shangri-La po.” Nanlaki ang mata niya. “Ay! S-Sa ano… Dun pa rin po. Sa univ ni Winter.”

 

Pinipigilan ko lang ang matawa sa pagiging aligaga niya.

 

“Shangri-La pala ha…” Pang-aasar ko. “Pwede naman.”

 

Akala ko pa mahihiya siya at mamumula nanaman na parang ewan, pero… “’Wag mo ‘kong hinahamon, Winter.”

 

Ako naman ang napatikom ng bibig.

 

Aaaaah! Grabe si Ning!

 

“Oh, hindi mo mapanindigan? Hahamon-hamon ka, ikaw naman ang matatameme in the end,” mataray niyang sabi.

 

I pouted, “May classes pa ko eh.”

 

Natawa siya, ‘yung mahinhin, “So kung wala, go ka lang?”

 

“Why not,” ngisi ko.

 

Turn naman niya para maaligaga at hindi alam kung saang parte ng kotse titingin. Natatawa na lang ako. Ang cute kasi na madalas cool siya, pero minsan parang hiyang-hiya siya when I say things that affect her in some way.

 

Hay! Si Ning na yata ang tinadhana para sa akin.

 

OA.

 

Makarating ng kanto, nakita ko nga na mahaba ang pila, katulad ng sinabi ni Ning. Diyos ko, nag-feeling pa man din ako na gawa-gawa lang niya ‘yun para magkaroon ng rason para masundo ako.

 

Grabe…

 

That just proves one thing: personality ko ang mag jump into conclusions.

 

“Si Player 11 ba ‘yun?” Ning asked nang mabaling ang tingin niya sa labas.

 

Sinundan ko ang tingin niya—si Karina nga. Mukhang iritang-irita siya dahil walang trike at ang haba ng pila. Hindi nanaman siguro maganda ang gising niya.

 

“You know her, right? Isabay ba natin? She looks annoyed,” kahit si Ning ay natawa sa kaitsurahan ni Karina. Napako lang ang tingin ko sa iritang mukha at postura ng star player namin.

 

“Winter?”

 

I got out of my trance, “Uhm…”

 

Isasabay ba namin siya? Ang kapal ko lang kung tatanggihan ko dahil hindi naman sa akin itong kotse, pero kasi… After ng nangyari last night, baka sobrang awkward.

 

“Sige, sige. Okay lang ba sayo? Sayang, gusto kitang masolo.”

 

She laughed, “Let’s go out on Saturday. Masosolo mo ‘ko non.” Napatingin ulit si Ning sa labas. “Kuya George, pakitabi po saglit. Winter, ikaw na magyaya sa kanya…”

 

“O-Okay, sige.”

 

Huminga muna ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Nagtinginan pa sa akin ‘yung mga nakapila, akala nanaman yata ay sisingit ako sa pila. Palagi na lang nangyayari sa akin ‘to!
 

Dumerecho ako kay Karina, hindi pa rin niya ako napapansin at busy siya sa pagtakip sa mukha dahil sa sinag ng araw.

 

“Karina,” I shyly called.

 

Iritang tumingin siya sa akin, “Oh? Bawal sumingit.” Tumingin siya sa mga taong nakapila at tinuro ako. “Guys may sisingit oh!”

 

“Hoy bawal yan!”

 

“Sasabunutan kita, ate!”

 

“Booooo!”

 

Hiyang-hiya lang ako! Walang hiyang babae talaga ‘to. Walang magandang dulot kahit kailan! Magmamagandang loob na nga ako eh?!

 

Hinampas ko siya, “Hindi ako sisingit!” Pabulong kong sabi. “S-Sabay ka na samin. Mukhang mamaya ka pa makakasakay eh.” Hindi ako masyadong makatingin sa mata niya dahil nga fresh pa ‘yung nangyari kahit ilang araw na ang nakalipas.

 

Ngayon lang kasi kami ulit nagkita since then.  

 

“Kasama mo jowa mo?”

 

“Hindi ko nga jowa ‘yon,” I said sternly.

 

Ngumisi lang siya. “Sige. Thanks.” Akala ko pa man din magpapapilit pa siya. “’Yan bang Alphard? Yaman pala ng jowa mo eh.”

 

Hindi na lang ako nagkomento sa sinabi niya. At least hindi niya ino-open ‘yung nangyari. To be honest, nang maisip ko nang maigi ‘yung pag-uusap namin, nababalutan ako ng hiya. Tama naman kasi si Karina—it was nothing but a sort of gesture of appreciation.

 

Hahanap na lang siguro ako ng tsempo para mag-sorry. At least, hindi ko na iisipin ‘yun and we’ll be able to work together para sa article nang walang tension.

 

“Hi!” Bati ni Ning sa kanya. “Upo ka.”

 

In fairness naman kay Karina, genuine na ngumiti siya kay Ning. Baka sa akin lang siya masungit today.

 

“Thanks…” Na-realize niya sigurong hindi niya alam ang pangalang ng “jowa” ko.

 

“It’s Ning,” sagot ng katabi ko.

 

“Thanks, Ning,” Karina smiled once again. Napatingin siya sa akin at nag-iwas na lang nang mabilis. Mukhang hindi lang ako ang naiilang sa aming dalawa. Siya rin siguro.

 

Paano na lang ‘yung gagawin naming article? Diyos ko, baka ma-compromise pa ‘yun dahil sa pagiging asyumerang palaka ko.

 

Tahimik lang naman si Karina sa likod at hindi na umimik pa. Medyo traffic dahil may aksidente, kaya hindi rin halos maka-usad ‘yung sasakyan namin. Kaya siguro walang tricycle sa sakayan… Hay, late na.

 

Napatingin ako kay Ning dahil sa pangangalabit niya. “Hmm? May sinabi ka?”

 

Nilapit niya ang bibig sa tenga ko. Halos kilabutan ang buong katawan ko dahil sa ginawa niya. “Let’s go out on Saturday. I’ll take you out,” she said with confidence.

 

Umubo-ubo muna ako dahil para nanaman akong mauutal. “Okay. Saan mo gusto?” I whispered back. “Binondo food trip tayo, gusto mo?”

 

Ito lang ang unang pumasok sa isip ko dahil may lahing Chinese nga si Ning. She probably enjoys Chinese food. At sa pagkakangiti niya ngayon, mukhang tama nga ang hula ko. Yes!

 

“I’d like that.”

 

Ito nanaman kami sa titigan moment namin! Gusto ko siyang halikan, at alam kong gusto niya rin itong gawin sa akin. Itutuloy ko ba? Feeling ko kami lang ang tao sa sasakyan ngayon… Grabe lang ‘yung epekto ni Ning sa akin.

 

“Ehem.”

 

Ay.

 

Si Karina ba ‘yon? O si Kuya George? Kaso boses babae, so si Karina nga…

 

Imbis na matinag si Ning sa obvious na uneasiness ni Karina sa likod, she still leaned in and gave me a little kiss on the jaw.

 

Putangina! Isa pa…

 

“P-Para sa’n ‘yon?” I asked, flushed.

 

She chuckled, “Gusto ko lang.”

 

Waaaaah.

 

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa harap ng school. Si Ning naman kasi, parang ewan! Isa pa nga kasi, please… Joke.

 

“We’re here na. Take care, okay? Text mo ako,” she sweetly demanded. Naka-pout pa. I wanted to kiss her pout away, kaso baka mapa-ubo nanaman si Karina kahit wala siyang ubo.

 

“Thanks, Ning,” Karina interrupted our moment. Nakalabas na pala siya.

 

“No worries,” sagot ni Ning sa kanya. Bumaling ulit siya sa akin, her expression softened suddenly. “Go na. I’ll see you soon.”

 

Nangangati akong ibalik ‘yung halik niya kanina, pero nagpigil na lang muna ako ng sarili. I gave her a quick hug instead, “Thanks, ha. I appreciate you. A lot,” I said gratefully.

 

Kumaway pa ako sa kanya ulit bago nakaalis ang sasakyan. Nakatitig lang ako dito hanggang sa makaliko na sila.

 

“In love na in love yan?”

 

Nandito pa rin pala si Karina? Akala ko ay umuna na siya. Hindi ko na kasi inasahan pa na sasabayan niya akong pumasok ng school given the conversation that we had last time.  

 

“Hindi ah,” I dismissed her. “Tara.”

 

Naglakad lang kami nang tahimik papasok ng school. Marami pa rin nagtitinginan sa amin ni Karina. Nasanay na ako kaya hindi ko na iniisip at wala naman akong pakialam sa iisipin nila. At the end of the day, wala naman silang alam.

 

Malapit nang humiwalay si Karina nang paglalakad dahil naaaninag ko na ang building nila. Gusto kong humingi ng sorry… Pero reluctant pa ako. Masyado pa yatang fresh.

 

“Sige, ing—”

 

“Karina,” I cut her off.

 

Tinaasan niya ako ng kilay, “Natatakot na ako baka may itatanong ka nanaman na kung ano.”

 

Hindi ko mabasa ang tono niya—kung pabiro ba o seryoso. Either way, awkward na tumawa na lang ako. “Hindi. Ahm, actually, hihingi sana ako ng sorry about that.”

 

Hindi niya siguro inexpect na sasabihin ko ‘yon based sa gulat niyang itsura. “No, its’ okay. Valid naman ‘yung question mo. Na-realize ko rin. Although yeah, wala lang talaga ‘yun. Sorry I kissed you on the cheek.”

 

Gets ko naman na, Karina. Ulit-ulit pa?

 

“Still, I shouldn’t have assumed things. Naging tensyonado pa tuloy ‘yung meetings natin. Ayun… Sorry din talaga. Pati dun sa naiwan kong diary ng mom mo,” I uttered apologetically. “Hopefully we can get past what happened…”

 

She smiled at me, “Oo naman. You’re not too bad. Okay ka naman kasama,” biro pa niya. Bigla siyang nagseryoso, biting her lower lip. “Sorry if I was too… harsh that night.”

 

“Valid din naman ‘yung reaction mo. You were probably weirded out. Sorry, I’m not usually like that,” I answered. “I don’t know what came over me.”

 

Wow lang. Ang matured ng usapan namin ngayon. Baka kinailangan lang talaga naming itulog ng ilang gabi ‘yung nangyari. Factor din siguro na kahit papaano, maganda ‘yung napagsamahan namin sa Pampanga. It that I had to ruin it with my baseless assumptions.

 

Natawa siya, “Usually like what? Asyumera?”

 

Pinanlakihan ko siya ng mata, “Hoy!”

 

Totoo naman.

 

“Sige na, male-late ka na rin. Tuloy natin mamaya ‘yung article? Promise hindi na ako mag-act weird around you,” determinado kong sabi.

 

“Sure,” inoffer niya ang kamay niya, as if asking for a handshake. “To starting over?”

 

Napangiti ako, giving her a handshake. “To starting over.”

 

Ang drama!

 

Nagpaalam na rin ako kaagad sa kanya dahil late na late na talaga ako.

 

Hindi na rin pala masama na nakasabay namin siya ngayong umaga. Gumaan na ‘yung loob ko na wala na kaming hindi pinagkakaintindihan ni Karina. Kung hindi kami nakapag-usap ngayong umaga, malamang ikaka-stress ko ‘yung pakikipag-work sa kanya without acknowledging what happened.

 

Yes na yes! I’m free from my “Karina stress!”

 

Mas makakapag-focus ako kay Ning. Este, sa studies.

 

<8:58am> Ning: Did you get to your class safe? :)

 

Nagpigil ako ng ngiti.

 

<8:59am> Me: Yes po. On the dot ako. Hindi late. Hehe

 

<8:59am> Ning: Hehe. That’s good po. I’ll nap

lang muna otw sa school.

 

<9:00am> Ning: Is it weird kung miss kita agad?

 

Bago ako mapatili, biglang dating naman ni Ma’am. Tinago ko kaagad ang phone ko dahil strict siya. Hays! Hindi ko man lang na-replyan muna si Ning. Baka isipin niya hindi ko siya miss.

 

Ang laki ng problema ko, shuta.

 

Hindi naman nag-discuss si Ma’am at binigay na lang niya ‘yung time ng class para tapusin namin ‘yung documentary na hindi natapos last class. Napanood ko na ‘yun during my vacant time kaya okay na ako.

 

I decided to check the diary of Karina’s mom. Bawal din kasing mag-phone para makipag-usap kay Ning dahil strict nga ang prof.  

 

Napangiti kaagad ako nang makita ko ‘yung first page. Sort of cover ito na halatang siya lang din ang gumawa ng lettering. Base sa design nung cover, mukha ngang napaka-sporty niyang tao. May drawing na volleyball player with jersey number 24—which I’m assuming was her jersey number back then.

 

Nakalagay ‘yung drawing sa ilalim ng malaking lettering DIARY? JOURNAL? JUST ME.

 

I turned the page. May sort of introduction na nakasulat.

 

Hi,

 

Makananu que ba umpisan ini? Ali cu pa sane, anya pasensiya na ka pa.

Oyni, kagigising ku mu at kukulyatan na nakung Ma paramagalmusal. Nung

aliwang aldo ini, magreklamu ku siguruat magsalibatbat. Oneng aliwa na ngenio,

kolehiyala na'ku anya kailangan ku ng gayak para umpisan ku ne in "COLLEGE LIFE" ku.

It's been something I'm looking forward to after finishing high school pauli na ning

Kanakung pamanyalung volleyball.

 

Ana kung karal buring gawan. I want to explore what life has to offer and to test

the vastness of the horizon.

 

Okay my to do list for today:

1. Check the school grounds - just really want to feel the vibe and see the environment

for myself

2. Inquire sa training schedule ning volleyball program and sa campus paper

 

Ita na pamu. Au revior!

 

Ang aliw basahin, first page pa lang! It makes me wonder kung naiintindihan ba ni Karina ang nakasulat? As far as I know, hindi siya marunong magsalita at makaintindi ng Kapampangan. Itatanong ko siguro sa kanya mamaya kapag nagkita na kami.

 

I spent the whole duration of the class reading the diary of Karina’s mom. Hindi ko na nga halos napansin ang oras dahil na-hook ako masyado! Bukod sa interesting ang life ng nanay ni Karina, magaling rin siyang magsulat kahit pa nga pakwento lang ang lahat.

 

The first few pages of her diary just consist of

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy 2024!

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
👨‍🦯
green99 #2
Chapter 9: ackkk, kakilig sila, KimZhou 🥺
ryujinie__
698 streak #3
Chapter 8: IMY
iilwueee
#4
Chapter 9: KIMZHOU NA KIMZHOU NAAAA MASYADO NA AKONG INVESTED DI KO NA KAYA PLS.
dahyuntozakis
#5
Chapter 9: masyado na akong kinikilig sa kanila NAKAKAKABA
yurieldrafts
#6
Chapter 9: AUTHOR PLEASE SILA NALANG ENDGAME HUHUHU THEIR FICS ARE SOO RARE IKAW PALANG NAKITA KO MLNA HINDI ENGLISH/INDO SKSKS IAALAY KO SAYO BUONG ANGKAN KO PLS KIMZHUO ENDGAME 😞😞😭😭💙💙
ohseobbang #7
Chapter 9: pag di end game kimzhou dito, itatagay ko na lang
Wanjected #8
Chapter 9: grabe naman yung flirting game nila, ibang level phew
Crossmaltese
#9
Chapter 9: Chapter 9: Mga pa demure patong kala mo di nagmomol on their first meeting ah hahahah pero hoy breaking news, isang winrina shipper natagpuang keleg na keleg sa part 7 and 8 specifically sa ganap nila winterXning. Like? Naghanap ng winrina fic tas naging sumakabilang troop real quick. Hellow di na to tama ako na yung e wewelcome sa welcome home cheater😬 Grabe yung keleg ko legit. hindi ko to enekspek gagi eto na ba yung secondlead syndrome😮‍💨 iiyaq cguro ako sa time na ma bo-brokent na si Ning😔 WINTER CHOOSE HER PICK HERRR🗣️

Sincerely,
Me si OA na na lost na sa OG ship and plot
wi__in #10
kimzhou!!