Part 6

Pag-Ibig (Meron Ba?)
Please Subscribe to read the full chapter

Pudpod na ang utak ko sa daming activities ngayong araw. Hindi ko na nga natapos ang quiz sa last class dahil wala na talagang pumapasok sa kakarampot kong kokote. At ewan ko rin ba kung bakit ngayong araw naisip ng prof namin na bumisita ang klase sa newsroom ng isang TV network.

 

Does he think he owns our time?! Anxious ‘yung iba kong kasama kanina dahil hindi nila alam kung aabot sila sa next class.

 

Ayan, umiinit nanaman ang ulo ko. Mabuti na lang at wala kaming meeting ni Karina tonight for the article dahil bukod sa may practice game sila ng team mamaya para sa game tomorrow, hindi ko na talaga kayang magsulat pa. Okay na rin, kailangan ko rin ng break from the tension that’s been looming in the air kapag magkasama kami.

 

O baka naman ako lang talaga ang nakakaramdam? She seems unbothered all the time.

 

“Wala kayong meet up ni Karina tonight?” Tanong ni Ryujin paglabas namin ng room. I just nodded in answer, medyo inaantok ako kahit alas kwatro pa lang. “Kamusta pala ‘yung trip niyo sa Pampanga? Hindi ka nagkwento about don. Tsaka bakit pala siya sumunod? Anong meron? Gulat na lang kami nung nakita ka namin sa vlog niya.”

 

Talagang kung kailan ayaw mong magsalita, dun maraming tanong ang kaibigan mo. “Para ‘yun sa article…” Maikling paliwanag ko. I don’t want to go into details dahil baka bumalik nanaman sa isip ko ‘yung kiss niya sa cheek that night.

 

I’ve been thinking about it since she left with Minju that morning. Hindi dahil gustong-gusto ko ‘yung ginawa niya, but because I fail to understand why she did what she did. May gusto ba siyang iparating? Maharot lang ba talaga siya? Bakit ako?

 

Tuwing magkikita kami after ng classes to work on the article, hindi naman namin napag-uusapan ‘yung nangyari. Ilang beses ko na rin siyang gustong tanungin, but I don’t want her to think that I made a big deal out of it. Nakakahiya lang, baka matawa pa.

 

She has been nice to me at nag-tone down na ang kanyang pambabara at pambibwisit. Something definitely shifted after her Pampanga trip and it’s most likely because we see each other as friends now. It was a great day and I wish the kiss thing never happaned para sana wala na akong ibang iniisip.

 

Paano ko naman kasi hindi iisipin, eh si Karina ‘yun?! Agh. Isa pa, marami pa rin siyang flirty remarks sa akin na hindi ko na lang pinapatulan. If I didn’t know any better, iisipin kong may sikretong oplan siya: OPLAN PAASAHIN SI WINTER HANGGANG MADUROG SIYA.

 

Exagge.

 

“Ang lalim ng iniisip mo beh. Share mo naman,” biglang pansin ni Ryujin. “Okay ka lang ba? Sa parents mo ba? Do you want to talk about it?”

 

I shook my head, “Hindi. ‘Di ko na pinoproblema ‘yung mga ‘yon. Mamumuti lang nag buhok ko,” I scoffed. Hindi ko na ulit sinasagot ang mga tawag ni Nanay.

 

“Oh eh bakit para kang aburido?” Dagdag niya pa. Hinila ko siya para umupo saglit sa nadaanan naming benches on the way out sa campus. “Aray! Ang sakit sa pwet!”

 

Hindi ko binigyang-pansin ang pagrereklamo niya. Huminga muna ako ng malalim bago siya harapin. “Beh, kunwari hinalikan ka ni Wonyoung sa pisngi, anong iisipin mo?”

 

“Huy! Ano ba ‘yang tanong mo?!”

 

“Sagutin mo na lang!”

 

“Tsk! Ang weird beh! Bakit ba? ‘Wag mong sabihing hinalikan ka ni Karina sa pisngi?” Natawa siya sa tanong niya na para bang hindi niya iniisip na magiging totoo 'to. Nang tinitigan ko lang siya at hindi ako makasagot, biglang hampas niya sakin. “Gaga? Totoo nga?”

 

“Ang OA ko ba beh?” Kinekwenstyon ko talaga ang sarili ko. “Hindi naman ako dalagang Pilipina or whatever, I mean, Ning and I kissed sa bar but I didn’t think too much into it. Ito kasing kay Karina… We were sober tapos ang solemn nung moment, then boom, smack sa cheek.”

 

I’m not one to be making such big deals about kisses or hookups. I’ve done those things with a quite few before dahil part siguro ng growing up at exploring, o di kaya naman dahil sa pagyayaya nila Mark mag-bar every once in a while… So what’s so different about what happened with Karina?

 

Siguro nga ay dahil masyadong pure ang moment na ‘yon. We bonded over her stories about her mom, we got to know each other kahit papaano sa loob ng maikling oras, we even had meals together. Hell, pinatuloy ko siya sa bahay namin. The day ended with her giving me a soft kiss on the cheek. Siya pa lang ang gumawa sa akin ng ganon.  

 

Nakangising umiiling si Ryujin. “Beh sinasabi ko sayo, masstress ka lang diyan kay Karina. Mamaya gawin ka pang rebound niyan! Treat that kiss as a friendly one na lang, ‘kay? ‘Wag mo nang isipin. Kakagaling lang nun sa 7-year relationship, Winter. ‘Wag kang shunga.”

 

Para akong natauhan bigla sa sinabi niya. Oo nga naman… And also the fact na nasa buhay pa niya si Minju? Na naghahatid-sundo pa? Major red flag na dapat. “Right. Oo nga. Tara na nga, hayaan mo na.” I’m determined na kalimutan na lang ‘yon at hindi na isipin pa.

 

Pinanliitan niya ako ng mata. “Beh, alam kong ang ganda ni Karina pero pigilan mo ‘yang sarili mo! Sinasabi ko sayo!”

 

“Anong pigilan? Wala namang dapat pigilan at wala naman akong gusto don, ‘no! Curious lang talaga ako kung bakit niya ginawa ‘yun pero oo, baka friendly lang. Ganon lang siguro siya,” mariing sagot ko. “Tara na.”

 

“Heh, curiosity killed the cat.”

 

Marami pa siyang pinagsasasabi on the way sa sakayan ng trike, pero wala akong naintindihan dahil napukaw ang atensyon ko kay Ningning na nakatayo sa may labas ng school. Ngumiti kami sa isa’t isa habang si Ryujin ay patuloy na tumatalak.

 

“Mauna ka na, Ryu,” sabi ko sa kanya.

 

“Ha? Bak—” Sinundan niya ang tingin ko. “Ah, okay. Kaya naman pala. Pagod pala ha,” she gave me a teasing wink. “Tama, diyan ka. Matino ‘yan.” Bumati muna ito kay Ning bago nagpaalam na sa aming dalawa.

 

Lumapit siya sa’kin, inayos ‘yung kwelyo ng uniform ko. “Haggard ka na. Long day?” Ang soft ng boses niya. The wave of guilt suddenly hit me dahil hindi ko siya nare-replyan the past few days. In my honest defense, busy naman talaga ako. “Okay ka lang, Winter?”

 

Niyakap ko siya bigla, halatang nagulat siya dahil hindi agad binalik ang yakap ko. “Sorry hindi ko pa natutupad ‘yung promise ko na magkita tayo after kong bumalik from Pampanga.” Truthfully, hindi ko alam kung bakit ko siya niyakap. Jusko, kulang ba ako sa aruga? Baka ganito ako kapag pagod?

 

She eventually returned my hug and she feels really warm. “It’s okay. Inisip ko na lang na baka busy ka and by the looks of it,” she pulled away from my embrace, giving me an intimidating once over, “mukha ngang pagod ka.” She followed it by a soft laugh.

 

“Oo nga eh. Meanwhile, parang fresh na fresh ka kahit hapon na.” She smells really good too, but I kept that to myself. Ayokong magmukhang creepy. “So nagpunta ka dito para… Para makita talaga ako?” Ramdam ko ang pag-init ng tenga ko sa sariling tanong. “Nagpahatid ka ba?”

 

“Yes, nagpahatid ako. And oo, gamit ‘yung Toyota Alphard ng parents ko,” biro niya, inunahan na ako sa pang-aasar. “Also… Yes, no matter how embarrassing this might seem to be, I did come here just to see you. I kinda miss you, is that okay?” Umiwas siya ng tingin sa akin, nahihiya siguro. Ako nga itong hindi alam ang gagawin dahil sa sinabi niya!

 

Tinakpan ko saglit ang mukha ko dahil hindi ko talaga mapigil ang ngiti. Tumawa siya, asking kung ano raw ang ginagawa ko. “Sorry, sorry. Ikaw kasi eh…” This time, hindi ko na tinago ang ngiti. “Na-miss din kita.”

 

She immediately blushed. “Y-Yeah? Ahm, were you on your way home? Naistorbo ba kita? Pwede kitang ihatid if you like?” Ang caring naman niya! Gusto kong maiyak. I’ve never met someone so gentle, caring, and sophisticated as her. Sa ginawa niyang pagpunta dito para makita ako, it only shows how bold she is.  

 

Wow, inoveranalyze ko na.

 

“No, okay lang. May… gusto ka bang gawin?” Nakakahiya naman, ako dapat ang bumabawi sa kanya. Though hindi ko naman kasi alam na pupunta siya dito. “S-Sorry, pwede naman akong mag-isip. Kumain ka na ba? Kape, gusto mo?”

 

She laughed shyly. Mas maganda talaga siya kapag ngumingiti o tumatawa. Nakakatakot kasi ang resting face niya madalas. “I’m not hungry and I don’t drink coffee eh… But if you want that then of course, sasama ako.” Ang considerate din.

 

“Hindi, if ayaw mo nun, ‘wag na don… Hmm… Ano kayang pwede?”

 

“Gusto mong mag-golf?”

 

Muntik akong matawa dahil akala ko ay nagbibiro lang siya. Sino ba naman ang magyayayang mag-golf randomly? But then I remembered, mayaman nga pala si Ning. “G-Golf?”

 

She linked our arms together at naglakad na. Hindi ko pa alam kung saan pero sinusundan ko lang siya. “Oo. I figured we can do something unusual, was my suggestion weird? Too much ba?” She sounded worried bigla.

 

“Hindi weird! Hindi ko pa nata-try mag-golf…” Kasi hindi naman ginagawa ‘yon ng normal na tao katulad ko. “But I’ve been curious sa paglalaro non. Turuan mo 'ko?” Naks, ang landi mo, Winter. “Kung okay lang…”

 

“I’d love to.”

 

<4:13pm> Karina Marie: San ka? Bigay ko po si Diary.

 

, oo nga pala. I completely forgot about that.

 

<4:14pm> Me: Idaan mo na lang kaya sa apt mamaya?

 

<4:15pm> Karina Marie: Grrrr. Punta ka here. Nood ka rin.

 

“You okay?” Napansin siguro ni Ning ang pagkunot ng noo ko.

 

“I’m okay. Okay lang bang samahan mo ‘ko saglit sa gym namin? May need lang akong kunin,” I asked with worry. “Sorry, biglaan. Derecho na tayo dun sa golf place after.”

 

“Of course. Tara. Okay lang bang pumasok ako sa school niyo? Baka sitahin ako ng guard.” Hinila ko na siya pabalik sa may gate, hindi ko man lang namalayan na hawak ko ang kamay niya. Napatingin siya dito pero hindi naman niya inalis… Good sign.

 

Pinapasok naman kami ng guard pagkatapos ko siyang i-bribe na dadalhan ko siya ng almusal bukas. Mahigpit kasi sa school, pero dahil charming naman ako, I got my way with it. Joke.

 

Nakakaramdam ako ng kaba on the way to the gym. “Bakit namamawis ang kamay mo?” Ning asked. Pinunas niya ito sa pants niya, na-feel ko tuloy nang maigi ang kanyang binti. Hala! “There, okay na.”

 

Whew.

 

Nagbitaw na kami pagkarating sa gym. Napunta samin ang atensyon ng mga volleyball players dahil sa langitngit ng pinto. Karina waved at me nang nakangiti and I returned it but with less enthusiasm. Umupo muna sa Ning at nilapitan ko si Karina sa gilid ng court. “Hi, Winter. Long time no see.”

 

“Long time no see ka diyan, nagkita lang tayo kagabi,” pagsusungit ko. “Nasan ‘yung diary?” Gusto ko na agad umalis dito. I feel awkward around her pero siya parang hindi naman affected. Nakakainis!

 

“Long time na ‘yon, sanay na akong nakikita ka eh. Ayokong namimiss kita,” she remarked. Ito nanaman siya. Dapat talaga dito, hindi sineseryoso. “Kasama mo pala si… girl, na hindi mo kamo jowa.” Hindi naman kasi talaga. “May date kayo?”

 

Wala akong oras makipaglokohan sa kanya. “Karina… ‘Yung diary na lang, please.”

 

Sumimangot siya. “Ang sungit mo today.”

 

“May lakad pa kasi ako. Tsaka inaantay ka ng teammates mo oh,” bahagyang tumingin ako sa court. Lahat halos ng players ay nakatingin sa akin. Si Wonyoung ay nakangisi samantalang si Minju ay walang emosyon ang mukha. Ano ba ‘yan, as if hindi pa enough ‘yung pagtingin-tingin sakin nila Jessica simula makita nila ako sa vlog ni Karina.

 

Ang dami kong iniisip, hindi ko kailangan ng ganitong drama.

 

“Here, paki-ingatan na lang, please,” she finally handed me the diary. “Are we still on tomorrow night or moody ka pa rin by then? We can reschedule if you want.” Nawala ‘yung pagiging playful sa tono niya, baka nainis sa pinakita kong attitude.  

 

Napatungo tuloy ako, embarrassed with the way I acted. Hindi naman ako mabilis maapektuhan sa mga bagay pero ilang araw ko na rin kasi hindi maalis sa isip ko ‘yung nangyari. Nakakasira ng mood, sa totoo lang.

 

“Oo, tuloy ‘yun. Same spot na lang tapos same time din.”

 

“Sure.”

 

Bumalik na siya sa court, hindi man lang nagpaalam sa akin. Tinignan ko siya nang ilan pang segundo pero bumalik na rin ako sa pwesto ni Ning. Pinilit kong ngumiti sa kanya para hindi niya mahalata ‘yung tenson na nararamdaman ko. Ayokong masira ‘yung magiging time namin together, specially not because of Karina.

 

“Let’s go?”

 

“Let’s.” Inabot niya ang kamay ko, agad ko namang hinawakan siya pabalik. Isa ring unbothered itong isang ‘to eh, but in a good way. “Stop checking me out. Tara na.” Oh my gulay, nakita niya ba ang pagbaba ng mata ko sa may pwetan niya?

 

“Lumalaki na ulo mo, Ning.” Kunwari ‘di ako kinabahan.

 

 

 

***

 

 

 

Malala ang traffic papunta sa golf club at malamang ay gagabihin kami, kaya minabuti na lang naming mag-café hopping around Makati. Bilang epal, sumama si Mark nang malaman nito kay Ryujin na nagkita kami ni Ning. Hindi rin nagpahuli ang roommate ko at sumama na rin siya. Pareho pang nagpasundo sa apartment.

 

Nakarating na kami sa pangatlong café at malapit na rin akong makarating sa langit dahil nagpa-palpitate na ako kakainom ng kape. Grabe si Ning, nalaman lang na mahilig akong magkape, kung saan-saan na ako dinala. She’d always just order tea for herself. Si Mark at Ryujin, palibhasa ay libre ni Ning, umoorder ng kung ano-anong pastries.

 

“Sorry, naki-epal ‘yung dalawa,” I whispered apologetically beside her. Baka kasi pinlano niyang kaming dalawa lang ang aalis ngayong gabi…

 

She waved her hand, dismissing me kaagad. “It’s fine, Winter. I’d love to get to know your friends din naman.” Ah… Bakit kaya? “And as long as katabi kita, I don’t mind.” Muntik kong malunok ‘yung yelo. “But I’ll have to ask, can I invite my friend as well? She’s from your school lang din. She lives in Makati, so baka makasunod.”

 

“Sure! Friendly naman kami. Maganda ba?” Minsan talagang nakakahiyang kasama si Mark. Nabatukan tuloy ni Ryujin. “Aray ko beh.” Tumatawa lang si Ning sa kashungahan nitong dalawa naming kasama.

 

“Sinong friend mo?” I asked.

 

“Her name's Giselle. Do you guys know her?”

 

“Uy, kasama ni Winter ‘yun sa newspaper chuchu niya,” distracted na sagot ni Ryujin. Busy siya sa pagkutkot dun sa cake.

 

Ning probably noticed na wala nang dulot ang paper straw ko, so she opened the extra one for me. She didn’t even utter a word at basta lang pinalitan ang straw sa cup ko. It’s so cute… Kikiligin sana ako kaya lang naaaburido ako sa pagtapik ni Ryujin at Mark sa isa’t isa dahil sa na-witness nila.

 

I chuckled, medyo nahihiya. “Thanks, Ning. Sweet mo naman.” She only smiled in response.

 

“Ning sama ka samin sa Saturday! Magbi-Binondo kami!” Mark just couldn’t keep his mouth shut. Kung makapagyaya, akala mo close na close sila ni Ning. For sure, marami siyang ginagawa at wala time para sumama sam—

 

“Okay,” mabilis siyang pumayag. “Kasama ba si… Winter?”

 

“Kapag suma

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy 2024!

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
👨‍🦯
green99 #2
Chapter 9: ackkk, kakilig sila, KimZhou 🥺
ryujinie__
699 streak #3
Chapter 8: IMY
iilwueee
#4
Chapter 9: KIMZHOU NA KIMZHOU NAAAA MASYADO NA AKONG INVESTED DI KO NA KAYA PLS.
dahyuntozakis
#5
Chapter 9: masyado na akong kinikilig sa kanila NAKAKAKABA
yurieldrafts
#6
Chapter 9: AUTHOR PLEASE SILA NALANG ENDGAME HUHUHU THEIR FICS ARE SOO RARE IKAW PALANG NAKITA KO MLNA HINDI ENGLISH/INDO SKSKS IAALAY KO SAYO BUONG ANGKAN KO PLS KIMZHUO ENDGAME 😞😞😭😭💙💙
ohseobbang #7
Chapter 9: pag di end game kimzhou dito, itatagay ko na lang
Wanjected #8
Chapter 9: grabe naman yung flirting game nila, ibang level phew
Crossmaltese
#9
Chapter 9: Chapter 9: Mga pa demure patong kala mo di nagmomol on their first meeting ah hahahah pero hoy breaking news, isang winrina shipper natagpuang keleg na keleg sa part 7 and 8 specifically sa ganap nila winterXning. Like? Naghanap ng winrina fic tas naging sumakabilang troop real quick. Hellow di na to tama ako na yung e wewelcome sa welcome home cheater😬 Grabe yung keleg ko legit. hindi ko to enekspek gagi eto na ba yung secondlead syndrome😮‍💨 iiyaq cguro ako sa time na ma bo-brokent na si Ning😔 WINTER CHOOSE HER PICK HERRR🗣️

Sincerely,
Me si OA na na lost na sa OG ship and plot
wi__in #10
kimzhou!!