Part 1

Pag-Ibig (Meron Ba?)
Please Subscribe to read the full chapter

“Hey babes! Get ready with me as I prepare for my date night…” Saktong pagtingin ko sa screen ng phone ang pagkindat ni babes sa camera. Uminit ang batok ko, ‘kala mo naman ako talaga ang kinindatan.

 

Wait… ano nga bang gagawin ko?

 

Ay! Magsusuot ng . Noted. Akala ko kasi kikindat ako pabalik sa camera.

 

“I’m surprising her ‘cos it’s been a while since we’ve been on a proper date kasi alam niyo naman, busy sa game and trainings… Pero babawi ako sa kanya! Sshh lang kayo!” Sana all. Sana all. Sana all. Cute sila ng jowa niya, aaminin ko. No wonder ang daming nababaliw na fans sa pambansang volleyball loveteam ng Pilipinas.

 

Kahit late na, sige pa rin ang panonood ko. Sa araw-araw kasi na ginawa ng Diyos ay nasanay na ako sa aking morning routine: gigising, maliligo, at manonood ng vlogs ni babes habang nag-aayos bago pumasok.

 

Wala naman akong kahilig-hilig talaga sa panonood ng vlogs dahil ultimo yata mga sanggol sa sinapupunan ay nag-vvlog na sa loob ng tiyan ng nanay nila. Si OA na kung si OA, pero ang point eh lahat ng tao nag-vvlog na. Most of them if not boring ay walang kadating-dating.

 

Pero ibahin niyo si babes. I like her way of vlogging. Naaaliw ako at nawawala ang boredom kapag pinapanood siya.

 

“Winter! Late na tayo! Ilang beses mo ba ire-replay ang vlogs niyan!?” Nakakarindi ang pagkatok ni Mark sa room namin ni Ryujin. “For someone na hindi fan, ang adik mo ha!”

 

Napunta tuloy ulit sa phone ko ang aking atensyon. Napa-isip kasi ako sa sinabi ni Mark… Wala na ngang bagong uploaded vlogs si babes kaya rewatch-rewatch na lang ang ginagawa ko lately. Baka busy lang sa acads or sa volleyball? Although dati naman ay regular siyang mag-upload.

 

“Ito na!” Kailangan kong tigil-tigilan ang pag-iisip sa ibang bagay bukod sa sandamakmak na writings na kailangan kong tapusin for this week. I locked my phone at tinabi na muna sa aking bag.

 

One last look sa salamin at nakita ko pa ang pagkakabuka ng bunganga ni Ryujin sa reflection nito mula sa bunkbed namin. Palibhasa, mamaya pa ang klase niya kaya ang sarap ng tulog. Pahuling nagdagdag ako ng lip tint tsaka lumabas na ng kwarto.

 

“Ang tagal mo beh. Hindi lalabas si Karina sa screen, remind ko lang,” umirap si Mark. Para sa isang straight guy, ang hilig niyang ikutin ang mata niya. Akala niya yata magandang tignan.

 

“Aba malamang. Hindi ko naman ine-expect na mag-aala-Sadako siya don,” irap ko pabalik. Nagmadali na kami palabas ng apartment, magta-trike pa kasi kami papunta sa school.

 

Minsan wini-wish ko na character na lang sana ako sa Wattpad—‘yung may BMW at nakatira sa isang magandang condo. ‘Yun bang may tatay na CEO at nanay na may ari ng clothing line at very demure na mahilig mag-bake at mag-accommodate sa friends kapag may sleepover.

 

“…mo na?”

 

Nagsalita ba si Mark?

 

“Ha?”

 

“Tignan mo ‘to! Kanina pa kita kinakausap!” Pinitik pa ‘ko sa pisngi. “Ano nanamang iniisip mo?! Tama na kaka-isip sa JRN 101, matatapos din natin ‘yon.” Kung alam lang niya na ang iniisip ko talaga ay maging isang character sa Wattpad.

 

Ang ingay sa daan, ang sakit sa tenga. Pero sa daldal ng kasabay namin ni Mark sa trike, rinig na rinig namin ang pinag-uusapan ng dalawang mosang. It sparked my attention dahil…

 

“Girl talo pala tayo sa game kahapon ah. Alam mo na ang latest chika?” Syempre, nagkatinginan kami ni Mark at parehong na-curious. Nilapit ko pa nang bahagya ang tenga ko sa may kaliwa para mas rinig ko ‘yung dalawang nakasakay sa tabi ng driver.

 

“Ay oo girl! Sabi sa GC namin may drama ‘yung mag-jowa! Ang panget ng sets ni Minju kay Karina, halatang parang may problema. Ba’t kasi dinadala sa game ang LQ? Jusko! Mamaya ma-compromise pa standing ng school dahil sa kanila.”

 

LQ? Parang hindi ako makapaniwalang nag-e-LQ ‘yung dalawa. Napaka-healthy kasi ng relationship nila based sa mga napapanood kong vlogs ni babes na kasama ang jowa niya. Normal namang magkaroon ng lover’s quarrel, but it seems out of character na dadalhin nila sa game if may drama man sila sa relationship.

 

But then again… Aba’y malay ko rin naman.

 

Hindi ko naman sila kilala personally. I can only get a glimpse of Karina’s life through her vlogs. Paminsan-minsan nakakahalubilo ko siya kapag may extracurricular activities sa school, pero hindi rin naman enough ‘yun para makilala ko siya. She probably doesn’t even know I exist.

 

Admiring from afar lang ang ganap ko.

 

“…si Karina?”

 

Nagsalita ba ulit si Mark?

 

“Ha?”

 

“Bwisit ka! Wala!”

 

“Geh.”

 

Nawala na talaga ang atensyon ko sa aking kaibigan dahil pinaalala niya ang JRN 101. Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko para sa feature writing na subject na ‘yon. Lahat na yata ng naisip kong topics ay nakuha na ng iba. Kung may mga bago man akong naiisip, parang hindi interesting enough.

 

Basta ang goal ko today ay mag-decide kung anong topic at atake ang gagawin ko sa feature writing.

 

“Late na tayo, pota,” hinila ako ni Mark pagbaba ng trike. Hinabol pa kami ng driver dahil nalimutan namin magbayad. Kita ko ang judgement sa mga mata nung mga kasabay namin sa trike. Panay ang pagpapasensya ko kay Manong. Hindi ko tuloy nabigyang-pansin ‘yung paglagpas ni Karina sa amin, busy pa kasi akong lamunin ng kahihiyan.

 

“Parang gago naman kasi ‘to!” Imbis na mahiya ay tuwang-tuwa pa ‘tong si Mark. “Tara na nga!” Pahapyaw na nilingon ko si Karina habang nagmamadali itong lumakad papunta sa building nila. Unusual na hindi niya kasabay si Minju. Unusual din na wala siyang hawak na phone para mag-vlog.

 

Hinayaan kong maupo si Mark sa tabi ng iba niyang guy friends pagkarating namin sa classroom. I don’t mind na walang katabing kakilala kapag nakikinig sa class dahil gusto kong focused ako sa discussion.

 

Nag-umpisa muna ulit akong mag-research sa possible topic ko sa feature writing habang hinihintay si Sir dahil mukhang ngayong week pala ang deadline ng submission of proposal. Narinig ko lang sa usapan ng classmates ko sa likod ng room.

 

“…wala na raw si Minju at Karina?”

 

Siguro ay limang segundo akong hindi huminga dahil sa narinig. I’m not one to be concerned sa mga trivial issues na ganon, but since lowkey fan nga ako ni Karina, medyo na-curious ako sa pinag-uusapan nila.

 

“Parang malabo, beh. Baka naman tampuhan lang. Jusko, madudurog puso ko ‘pag nag-break sila! Love is not real!” Nabosesan ko si Jessica sa likod. Sabay-sabay ang mga kaibigan niya sa pagsabi ng “Si OA!”

 

Ang OA nga naman.

 

Bakit naman natin ibabase sa dalawang tao ang definition natin ng pagmamahal? Hindi ba sila ay tao lang din naman? Na nadadarang at natutukso rin? Pero sabagay, ang perfect couple nga nila kung tignan. Sige, hindi na rin pala ako maniniwala sa love ‘pag naghiwalay sila.

 

Joke. Wala akong pake.

 

Pagdating ni Sir ay nag-discuss ito agad. Normally kasi ay nakikipag-chismisan pa siya sa students pero kalagitnaan na ng term kaya wala nang petiks days para sa amin, even sa prof. Nagpa-pile up na rin ang mga kailangan kong matapos.

 

Parang ang haba ng isa’t kalahating oras pero sa wakas ay natapos din ang nakakaantok na klase. “Submit your proposals by the end of the week. Grabeng extension na ang binigay ko, so final na ‘yon,” remind ni Sir bago mag-dismiss.

 

Puro groan ang narinig ko sa paligid, pinakamalakas ‘yung kay Mark. Samantalang sina Jessica sa likod, invested talaga sa rumored breakup ng dalawang star players ng aming volleyball team. Sa kakabanggit nila kina Karina, may bigla akong naisip para sa feature writing ko…

 

“Tara sa Dimsumayan!” Umakbay sakin si Mark bago magpaalam sa mga kasama niya. “Nag-chat si Ryujin, derecho na raw siya don. Kasabay raw niya si Wonyoung.” Tumango lang ako at mabilis pumayag. Malapit lang kasi sa school ‘yung kainan.

 

“Close pala talaga sila? Akala ko nagbibiro lang,” wari ko. Paglabas namin ng building, ang daming mga nag-vvlog na estudyante. Grabe na talaga ang panahon ngayon. Umikot ang mata ni Mark nang mabangga siya nung isang TikToker.

 

“Oo yata. Parang may ginawa kasi siyang article about sports, nag-help yata si Wonyoung. High School friends sila eh,” napatingin siya sakin. “Speaking of articles… May naisip ka for feature writing?”

 

“Meron naman,” alinlangan kong sagot. “Long shot though, so hindi ako sure…” Ang delusyonal ko lang yata sa gusto kong gawin. “Maya na natin pag-usapan. Nasstress ako.”

 

“OA.”

 

“Grabeng mang-invalidate ng feelings ha!”

 

“Hoy! By the way, naririnig ko ang chika… Hiwalay na raw?” Hindi na kailangang i-elaborate pa ni Mark para ma-gets ko ang sinasabi niya. Talk of the town talaga ‘yung dalawa simula kaninang umaga.

 

Pakunwaring wala akong pake, “Malay ko. Alam mo, napaka-invested ng mga tao sa kanila. Dinaig ang KathNiel.”

 

“Aba malamang! Hindi ako fan pero ang cute kaya nila! Ang daming views ng TikTok vids nila! Halos sila nga ang dahilan bakit ang daming supporters ng women’s team natin sa volleyball. For sure ang daming malulungkot na bading if true ang chika,” spoken like a true chismosa itong si Mark. “Tsaka kunwari ka pang ipokrita ka, malamang sa malamang, invested ka rin.”

 

“Huy hindi ah!”

 

Hindi naman talaga. Fan ako ni Karina, oo, pero hindi ng loveteam nila ni Minju. I mean, I guess they’re cute. Obvious naman sa vlogs, pero mas interesado lang ako kay Karina. Ang galing niya rin kasing player, tapos ang natural niya sa camera ‘pag nag-vvlog. Mabait rin daw, kaya mas nakakamangha.

 

Casual fan. Admiring from afar. Ulet-ulet. I’m sure marami kami.

 

“Sus! Naka-ilan rewatch ka na ng vlogs nila every morning?!”

 

“Gusto ko kasi ‘yung pag-vvlog ni Karina! Kasalanan ko bang sa lahat ng videos niya eh kasama niya si Minju?! Cute naman sila, pero hindi ako invested. Ang dami-dami kong iniisip,” singhal ko.

 

Isa na sa mga iniisip ko ang lolo kong may balak daw mag-ampon sabi ni Lola. Jusko po naman talaga, ‘pag naburyo talaga ang mga matanda, kung ano-ano ang naiisip.

 

“Whatever you say, beh,” walang-pake niyang sagot. Parang timang talaga ‘tong si Mark kung manalita. “Ang haba ng pila, wish ko lang ni-reserve tayo ng upuan nila Ryujin.”

 

“Siguro naman.” Tuloy-tuloy kami paakyat ng hagdan at nilagpasan ‘yung mga nakapila. Parang mananapak kung makatingin ang mga ‘to at akala yata ay sisingit kami sa kanila.

 

“Mga beh!” Kita ko agad si Ryujin. Nagulat pa si Wonyoung sa pagsigaw nito, parang hindi siya sanay sa ganitong lugar. Feeling ko kung rich girl si Ryujin, yayayain siya ni Wonyoung sa Wolfgang. Kaso pang siomai rice lang ang budget lately.

 

“Wonyoung, si Winter nga pala and si Mark, mga kasama ko sa apartment,” pa-introduce ng roommate ko. Awkward na kumaway kami ni Mark kay Wonyoung. Medyo may pagka-intimidating ang awrahan niya. Ganon siguro talaga kapag part ng varsity.

 

Si Mark na ang umorder para sa amin. Ako naman ay nakipag-small talk kay Wonyoung dahil parang nahihiya siyang makipag-interact. “Journ ka rin, Wonyoung?”

 

“Ah, no,” she smiled shyly. “Accountancy.” A woman of few words yata siya.

 

“Ang galing, ‘no? Varsity pa ‘yan tapos top of the class,” pagbida ni Ryujin sa kaibigan. Halatang nahihiya si Wonyoung sa pag-brag ng roommie ko.

 

“Huy Wonyoung!” Nagulat kami lahat kay Mark, para bang close sila kung maka-“huy” dun sa isa. “Chikahin mo nga kami about dun sa dalawa mong teammates. Totoo ba ang haka-haka?” At dahil maliit lang itong siomayan, rinig ng lahat ng kumakain ang pagiging intrimitida ni Mark. Nagtinginan sa table namin ‘yung ibang estudyante.

 

“‘Wag dito, Mark,” sinita ko siya. “Parang shunga. Mahiya ka nga kay Wonyoung.”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy 2024!

Comments

You must be logged in to comment
leusxdee
#1
Chapter 9: imy author balik k na kami naman ni ning magddate pls
leusxdee
#2
Chapter 9: miss ko na si ningning !!! 😔😔😔
Eybrelros #3
Chapter 9: Yuhoooo padaan lang ulit 🚶‍♂️
ultjenrene
#4
Chapter 9: super cute ng kimzhuo pls 😭
kalizerofour4 #5
Chapter 9: ang saya, deserve nila isa't isa huhu
Twilight_kmj #6
Chapter 9: miss u na otorr
Winteo03 #7
Chapter 9: Otor paki bilisan poo nag c-crave na po ako ng kilig at sakit thankyou!!
ccelineeeee_
#8
Chapter 9: Chapter 9: miss u na tor
Eybrelros #9
👨‍🦯
green99 #10
Chapter 9: ackkk, kakilig sila, KimZhou 🥺