Part 5

Pag-Ibig (Meron Ba?)
Please Subscribe to read the full chapter

“Hello po, Lolo! Hello po, Lola! I’m Karina,” bati niya pagpasok ng bahay. Nagmano pa ito sa matatanda. Feel at home na feel at home ah? “Dinalhan ko po kayo ng kare-kare, pinaluto ko pa po ‘yan.”

 

Ah, okay. So ‘yun pala ang laman ng paper bag na bitbit niya.

 

Tuwang-tuwa naman si Lolo at Lola sa pagsipsip nito ni Karina. “Nako, nag-abala ka pa, hija! Masarap ba ‘to? Mataas ang standards naming mga Kapampangan pagdating sa pagkain.” Mukhang kinabahan si Karina sa sinabi ni Lola. Heh. Sana hindi masarap.

 

“Oh, Winter, bakit hindi mo asikasuhin ‘tong bisita?!” Eksaherado naman ‘to si Lolo.

 

Nagpigil ng tawa si Karina nang mapatingin sa akin. Bwisit talaga ‘to. “Tara, dun ka na sa kwarto ko.” Nilagpasan ko siya habang bitbit ang pagkabigat-bigat niyang bagahe. “Ano? Tatayo ka lang diyan?” Siya naman ang lumagpas sakin papunta sa kwarto. Aba, talaga namang akala mo kanya itong bahay!

 

She sat on my bed at nangalumbaba. “Bakit ang sungit mo? Galit ka pa rin ba dahil hindi kita na-replyan? Sorry na nga… I’m here na ah.”

 

“So dapat magpasalamat ako?!” Pagsusungit ko nanaman. “Tsaka sinong hindi iinit ang ulo eh pinapunta mo ako sa Cubao nang pagkaaga-aga. Grabe ka.” Ngayon ko nararamdaman ang sobrang antok at pagod. “Tabi nga, matutulog muna ako.”

 

“Tabi tayo. Antok din ako.”

 

Napaka-ano nito ni Karina… Kanina pa siya sa bus! Buong byaheng nakapatong ang ulo sa balikat ko. ‘Pag may nadadaanang lubak ‘yung bus, humahawak pa sa kamay ko. Ganito ba talaga siya?

 

“Dun ako sa sofa,” sabi ko na lang.

 

“Winter…” Tawag niya bago ako lumabas. “’Wag ka nang matulog. Sayang ‘yung oras. Tara, breakfast tayo somewhere. Ililibre kita pambawi. Please?” Akala niya ba madadaan niya ako sa pa-puppy face niya?

 

Akala niya b— “Okay.”

 

Her eyes immediately twinkled dahil sa pagpayag ko. Worth it ang puyat at pagod dahil ngayon ko lang siya nakitang… masaya? Usually kasi ay napaka-snarky at smug lang niya. “Magpapaalam lang ako sa kanila.” She walked towards me at akala ko kung ano ang gagawin nang bigla akong yakapin. “Ahm, Karina?”

 

“Thanks, Winter.” Inalis naman niya agad ang pagkakayakap sa akin dahil na-sense siguro ang awkwardness na naramdaman ko. “Carried away lang, sorry.” Tumawa lang siya at hinayaan na akong lumabas ng kwarto. Bigla akong na-lightheaded don ah… Bakit nga ba ulit ako lumabas?

 

Sumulpot naman si Lola sa harap ko bigla. “Nasaan na si Karina? Palabasin mo at pakainin. Baka nagugutom na!”

 

“Pupunta po kaming Angeles, ‘La. Ililibot ko lang po siya don pero uuwi rin po kami,” paalam ko. “May ipapabili po ba kayo?” Medyo nag-aalala ako na baka magtampo sila sa akin, kaso nakapangako ako kay Karina na sasamahan ko siya.

 

“Ay sige, sige. Tumawag pala ang nanay mo kanina, kinakamusta ka. Hindi mo raw sila sinasagot sa Messenger,” maingat niyang sabi.

 

Bahagyang ngumiti lang ako, not really thrilled na malamang tumawag si Nanay. “Icha-chat ko na lang po mamaya.” Panigurado, kapag nakausap ko sila, ipapaalala nanaman na pagkatapos ko sa pag-aaral ay pwede na akong sumunod sa New Zealand. Madali raw akong makakahanap ng trabaho doon.

 

“’Wag ka nang masyadong magtampo sa mga ‘yon. Kapakanan mo lang ang iniisip nila,” malumanay na sagot ni Lola. Ito naman ang lagi niyang sinasabi. Tumango lang ako, hindi ko naman siya kokontrahin at ayokong pati kami ay magtalo. “Sige na, gusto mo ba ipahatid ko kayo kay Lolo mo?”

 

“Hindi na po. Magsasakay na lang po kami.” Baka magkanda-ligaw-ligaw pa kami at mas mapatagal pa. Isa pa, ayokong naiiwan si Lola na mag-isa sa bahay.

 

Bumalik ako sa kwarto at bungad sa akin ang natutulog na Karina. Wow ha, siya ‘tong nakiusap na ‘wag akong matulog tapos siya naman ‘tong naghihilik pa ngayon? At ang ganda pa ng pwesto niya sa kama ko! Grabeng pagtitimpi talaga ang ginagawa ko para sa taong ‘to.

 

“Hoy, Karina!” Hindi enough ang sigaw ko dahil hindi siya nagising kaya kumuha ako ng kaldero’t sandok sa kusina. Nagtaka pa si Lola pero hindi na niya pinansin. Umupo ako sa kama at talagang nilapitan nang napakalapit si Miss Opposite Hitter.

 

Hindi ko nagawa ang pinaplano ko dahil napatitig ako sa mukha niya. She’s really pretty... Understatement pa nga ‘yan, pero hindi ko ma-put into words kung gaano siya kaganda. Mamula-mula pa ang pisngi niya, parang ‘yung kanyang mga labi.

 

Binitawan ko ‘yung hawak ko at tinapik na lang siya, “Karina… Gising na.” Ang soft ng boses ko bigla.

 

She slowly opened her eyes kaya nagkatinginan kami. She smiled at me, labas pa ang ngipin. Wala akong nagawa kung ‘di ngumiti pabalik—na labas din ang ngipin. “Nakatulog ako?” She asked obviously. “Sorry, sorry. Tara na?”

 

Biglaan siyang bumangon at umupo sa kama, making our faces inches apart from each other. Nananadya ba siya? Anong ginagawa niya? My heart pounded even harder when her eyes travelled to my lips. Lord God, bakit siya ganito? “Winter? Bakit ka tulala?” Subtle lang ang smirk niya, pero napansin ko.

 

Tumayo na ako sa pagkakaupo at iniwasan ko siya ng tingin. “Bilisan mo na.” I heard her laugh nang makalabas na ako ng kwarto dala ang sandok at kaldero. “Good luck, Winter,” bulong ko sa sarili.

 

Inabot ng halos kinse minutos bago lumabas si Karina. Hindi ko alam kung ganon ba talaga siya katagal mag-ayos o binibwisit niya lang ako. Akala ko ba babawi siya? Simula umaga, stress lang ang inaabot ko sa kanya.

 

“Bye po, Lolo and Lola!” Nagmano ulit siya sa grandparents ko.

 

Paglabas ko ng gate, naiwan si Karina sa may garahe. “Ano na? Lalabas ka ba o diyan ka na lang?”

 

“Motor niyo ‘to?” Tinuro niya ang motor ni Tatay. Kahit ako ay napatitig dito dahil katulad ng kotse niya, isa pa ‘tong motor ang sobrang nostalgic. I remember him taking me all around the city gamit ‘to. “Mag-motor kaya tayo? Tara! Para mas fun! Hindi tayo mata-traffic!”

 

“Hindi na ako marunong niyan!” Tinuruan ako ni Tatay dati at tingin ko naman ay kaya ko pa, kaso ayokong i-risk ang buhay naming dalawa ni Karina. “Commute na lang tayo,” I said firmly. Alam kong magpupumilit pa ‘to eh.

 

Hindi siya umalis sa kinakatayuan niya at nagpamewang pa. “Sino bang nagsabing ikaw ang magda-drive? Remember, may lisensya ako! Tinuruan ako dati ni Kuya na magmaneho ng motor.” Ohh, may kapatid pala siya.

 

“Wala akong tiwala sa skills mo,” I deadpanned. “Halika na, may jeep naman diyan sa kanto! Hindi naman malayo ‘yun.”

 

“Nope. Sasakay tayo sa motor.”

 

Hindi ba siya marunong makinig? “Walang susi. Sira ‘yan,” I lied para lang magtigil na siya. “Tara, nagsasayang tayo ng oras.” Akala ko lalabas na siya ng gate pero paderecho siya sa loob ng bahay ulit. “Saan ka pupunta?!”

 

“Tatanungin ko si Lolo. Feeling ko nagsisinungaling ka lang,” kalmadong sagot niya. Wala akong nagawa kaya sinundan ko na lang siya. “Lolo, pwede po bang mahirap ‘yung motor niyo? Si Winter po kasi, sobrang damot.”

 

“Oo naman, oo naman! Saglit, kukuhanin ko ang susi! May pagkamaldita talaga ‘yang apo naming, pasensya ka na.”  

 

Dinilaan ako ni Karina na parang bata. Seryoso ba? Did she really stick her tongue out para asarin ako? Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako dahil may pagka-cute rin naman pala ang ganitong side niya. Sabi ko nga, better than her katarayan, kaya sige, papayag na ako sa pa-motor trippings niya.

 

Binigyan kami ni Lolo ng helmet at panay ang pagpapaalala na mag-iingat kami. Karina assured him na she’ll take care of me… Ang sweet naman. Hala.

 

Ready na kaming umalis at successfully nabuksan ni Karina ang motor nang walang kahirap-hirap. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga kamay ko so humawak na lang ako sa bakal sa likod. “Winter kumapit ka sa bewang ko. Kapag ikaw tumilapon, sige ka!” Pagalit niya.

 

“Nakahawak naman ako sa likod!”

 

“Mas safe kung sa akin ka hahawak. ‘Wag ka nang maarte.” Gusto kong magdabog dahil kinakabahan talaga akong sumakay sa kanya but I did what I was told, humawak ako sa bewang niyang napakaliit. Ang y. “Very good. Ready ka na?”

 

Pumikit na lang ako at tumango. “Tara.” Hinarurot niya bigla ‘yung motor! Pinipikon niya ba ako o ganito talaga siyang magmaneho? “Karina dahan-dahan naman!”

 

Rinig ko ang napakalakas niyang tawa. “Wooooh! Let’s go!” Akala ko mas bibilisan niya pa but she eventually slowed down dahil sa pagpapagalit ko sa kanya from her back. “Okay na ba ‘to, Miss MMDA?” Bwisit.

 

“Oo…” Ayaw ko mang aminin pero habang tumatagal ay mas nag-eenjoy ako. Hindi kasi ganon kainit at hindi rin naman umuulan kaya perfect lang ang weather. “Woooo!” Sumigaw na rin ako katulad niya.

 

Bahagyang nilingon ako ni Karina bago bumalik ulit ng tingin sa daan. “Enjoy ka? Ang saya no?!” Pasigaw niyang tanong para marinig ko. “Winter hindi ko alam ang daan! Basta dere-derecho lang ako!”

 

Ako naman ang tumawa ng malakas. “Tama naman! Dere-derecho lang ‘yan!” Sobrang daming kainan sa McArthur hi-way kung saan kami dumadaan. Pansin ko ang paglingon-lingon ni Karina sa mga ‘to. “Gusto mong kumain?!”

 

“Tara!” I could hear the excitement in her voice.

 

Nag-park kami sa may tabi ng isang karinderya kung saan napakaraming choices ng ulam ang meron. The place is clean and surprisingly, walang foul smell kahit tabing-kalsada. Although walang aircon, presko naman.

 

“Ngayon pa lang ako makakatikim ng lutong Kapampangan,” Karina shared. “Ang dami kong gustong kainin! Gusto ko ng sisig!”

 

Umiling ako, “Dadalhin kita sa Mila’s! The best sisig in Pampanga ‘yun. Iba na lang piliin mo dito, masasarap naman lahat.” She nodded. Masunurin naman pala kahit minsan. I saw her take out her phone para kumuha ng video. “Magv-vlog ka?” Curious kong tanong. Ang tagal na niyang hindi nag-uupload ng videos.

 

“Oo sana…” She sounded unsure.  

 

Dahil ba hindi na sila ni Minju? I remember her saying na ‘yung ex niya lang ang nagbigay ng idea na mag-vlog siya, so maybe hindi siya comfortable na gawin ito without her. “Go na. Dali! Miss ka na naming fans mo,” I tried to encourage her. “Ang natural mo kaya sa camera kaya kahit mag-isa ka lang sa vlogs, I enjoy watching them,” I added genuinely.

 

Tinignan niya ako, as if hindi niya ine-expect na manggagaling sa akin ‘yung ganong klaseng words of encouragement. I have my moments, Karina!

 

“Totoo ba?” Kita ko ang maliit niyang ngiti. “You think so?”

 

I smiled at her, “Oo naman. Gusto mo videohan kita?” As a fan ng isang vlogger Karina, excited akong ma-witness live kung paano niya gawin ang videos niya. “Para rin may memories ka ng Pampanga trip mo,” I pushed more dahil halata kong nag-aalinlangan pa rin siya. Hindi nga siguro sanay kapag wala si Minju.

 

“Okay, sige!” Pumayag rin eventually.

 

She gave me her phone at nag-umpisa na siyang magsalita sa harap ng camera. Inintroduce niya pa isa-isa ‘yung dishes after niyang i-google ang mga ‘to. She even asked the owner if he wanted to join the vlog at enthusiastic namang pumayag ‘yung matanda. Kinuhanan ko rin si Karina habang kumakain dahil parang na-eenjoy niya ‘yung food.

 

“…at sobrang sarap ng food dito, babes! If may chance kayo, I suggest mag-visit kayo. ‘Di ba, nasa unang stop pa lang kami ang dami ko nang nasasabi? I’m looking forward to going to Angeles! Balita ko café capital daw don,” she laughed naturally. Ang ganda niya. “I’m also excited na matikman ‘yung sisig sa Mila’s. My friend is taking me there!”

 

Friend? Na-promote na pala ang role ko sa buhay niya.

 

Marami pa siyang sinasabi pero hindi na nagre-register sa akin lahat dahil nakatingin lang ako sa kanya. Ever since I met her, ngayon ko lang nakitang ganito ka-carefree si Karina. It’s nice and refreshing.

 

“Winter? Winter! Pwede mo nang i-stop,” inagaw niya sa akin ‘yung phone. “Natulala ka diyan? Hungry ka na? Sorry napatagal ‘yung pag-vlog ko.” Bakit ang soft niya bigla? “You can eat na, hindi pa rin ako nakakakain nang maayos. Kain na tayo then let’s go, baka umulan kasi.”

 

Iniwas ko na lang agad ang tingin ko sa kanya. Ramdam ko rin ‘yung bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin at kung bakit ganito ang epekto ni Karina. Gusto ko ba siya? Of course not. As if! Ang weird naman kung gusto ko siya when we only met a few weeks ago. Maybe ‘fascinated’ is the right term.

 

“Kain na tayo,” distracted kong sabi. “’Wag kang magpakabusog at marami pa tayong pupuntahan.”

 

Ito nanaman ang malawak niyang ngiti. “Okay, boss. Ikaw ang masusunod.” She gave me a wink and a thumbs up. Ang gana niyang kumain ngayon. Siguro ganito talaga ang athletes? Kahit nung dinner namin sa mamahaling café, napansin ko ‘yung katakawan niya. “Winter, tama na kakatingin sakin. Baka ma-fall ka na niyan.”

 

“H-Hoy! Nakatingin ako sa kare-kare! Pahingi,” paglihis ko ng topic. Nakangisi lang siya habang inaabutan ako ng ulam. Kinuhanan pa ako ng video. Agad kong tinakpan ‘yung camera. “Ano ba, camera shy ako.”

 

“Wushoo! Paano ‘pag naging reporter ka in the future? Hindi pwede ‘yang mahiyain. Dali, say hi,” pagpupumilit niya. Sinusubukan niyang alisin ‘yung kamay ko sa camera, para tuloy kaming jowang naglalandian dito.

 

Jusko, bakit naman ganito ang thoughts ko?! Jowa talaga? “I’m here with the best Journalist in the world,” pa-introduce niya kunwari.

 

Nag-blush ako dun sa sinabi niya. Ayoko namang maging KJ kaya sasakyan ko na lang din ang papaging playful niya kung ganito ang trip niya today. “Kabahan ka na, Mel Tiangco,” pagbibiro ko sa harap ng camera. “Pati ikaw, Vicky Morales.” Ang fulfilling sa feeling dahil tawang-tawa si Karina sa pinagsasasabi ko.  

 

Inagaw ko naman sa kanya ang phone at tinapat sa kanya. “Nandito naman ako sa harap ng pinakamagaling na volleyball player sa balat ng lupa. Tignan niyo, sobrang simple niya oh. Kumakain lang sa karinderya, parang si Digong lang.”

 

She laughed ever harder, kuhang-kuha sa camera ‘yung saya niya. “DDS ka ba?!”

 

Pinatay ko na ‘yung video, halos maihagis ko ang phone niya because of her ridiculous question. “Hoy hindi ah! Baka ikaw.”

 

“Oo, DDS ako—Dingdong Dantes Squad.” It took a few seconds bago mag-sink in ang joke niya. We both burst out laughing, napapatingin na ‘yung ibang customers dito dahil napakaingay nga naman namin ni Karina. “Let’s go, baka tambangan tayo sa kanto ng mga yan.”

 

Tambangan talaga? Funny rin pala siya minsan.

 

Hindi namin naubos ang pagkain kaya pinabalot na lang ni Karina. Iuuwi niya raw kina Lolo at Lola para hindi siya masabihang inutil at walang dulot. Ang ingay-ingay pala talaga niya when she’s in the mood.

 

“Gusto mo ako naman mag-drive?” I asked her. Nagulat ako nang siya ang magsuot ng helmet sa akin. “T-Thank you.” Karina naman…

 

“Kaya mong mag-drive? May lisensya ka ba?” She locked the strap of my helmet. Hindi ko kinakaya, ang lapit-lapit nanaman niya sa akin. “There. Kanina ang luwag ng strap niyan eh,” she said nonchalantly. Hindi niya alam, hindi na ako makahinga.

 

Gusto ko rin sana siyang tulungan sa helmet niya pero nahihiya ako. “Ahm, wala akong license pero marunong naman ako. Tinuruan ako ni Tatay before.”

 

“No.”

 

“Karina, sige na! Samin naman ‘tong motor eh!” How the tables have turned. Kanina siya ‘yung halos magmakaawa sa akin! “Kahit hanggang sa bago lang tayo makarating ng Angeles! Medyo mahigpit sila don eh. Please?”

 

Tinuktukan niya ang helmet ko. Para saan?! “Okay, sige. Mag-iingat ka ha! Gusto ko pang mabuhay!”

 

Hindi ako ready sa paghawak niya sa bewang ko. Mas mahigpit pa yata ‘to kaysa sa hawak ko sa kanya kanina. Jusko, baka naman manlambot ako at bigla kaming dumerecho sa puno eh ‘wag naman sana. “I-vlog ko to ha!” Sigaw niya.

 

“Ikaw bahala!”

 

“Woooooh! Let’s go, Win!”

 

Win?

 

“Winter, baba tayo saglit! Parang gusto ko non!” Hindi ko alam ang tinuturo niya pero binagalan ko ‘yung pagmamaneho. “May taho! Taho tayo!” Para namang walang taho sa kanila?! Male-late kami nito, ang daming stop-overs. “Let’s go, libre kita.”

 

Naghintay na lang ako sa motor at si Karina ang lumapit dun sa vendor para bumili. I checked my phone habang hinihintay siya, nakita kong may messages galing kina Mark at meron din galing kay Ning. ‘Yung sa kanya muna ang binuksan ko.

 

<10:01am> Ning: Good morning, Winter!

 

<10:02am> Ning: Did you make it safe sa inyo?

 

<11:23am> Me: Morning po! Yes, safe naman. Anong

plans mo today? :)

 

<11:24am> Ning: Pahinga lang hehe. See you next week?

 

<11:25am> Me: Of course po. Hehe

 

“Here’s your taho!” Binigay niya sakin ‘yung maliit na plastic cup habang kinukuhanan niya ng video. “I’m vlogging ha. Act normal lang.” Bakit kapag inuutusan na mag-act normal, mas nakaka-conscious gumalaw? Para akong naninigas. “Winter, para kang tanga,” she laughed. “Pinatay ko na.”

 

Hiniram ni Karina ‘yung phone ko para tignan kung gaano pa kami kalayo sa Angeles. Narinig kong tumunog ito at napatingin si Karina sa taas ng screen. Ang chismosa! “May message ka galing kay… Ning. Ito ba ‘yung jowa mong kasama sa game?”

 

Mabilis kong inagaw sa kanya ang phone at binulsa ito. “Hindi ko jowa ‘yun.”

 

“Crush mo?”

 

“Ang immature nung crush, pwede ba,” inikutan ko siya ng mata. “Tsaka ba’t mo tinatanong? Curious ka na rin sa akin ngayon?” Ganti ko. Baka sakaling siya naman ang ma-intimidate. Try lang naman.

 

She only laughed at humigop ng taho. “What if oo?”

 

Muntik lumabas sa ilong ko ‘yung sago ng taho. “Bakit?” Hindi niya nga ako pinansin ng isang linggo, tapos sasabihin niya curious siya sa akin?

 

“Kailangan bang may reason para ma-curious sa isang tao?” Balik niya. Tama rin naman. “See? Agree ka rin. Ikaw, I’m sure kinuha mo akong subject ng article dahil curious ka rin sa akin.”

 

Oo na! Tama na siya… “Yeah.”

 

“Ikaw, anong dahilan mo?”

 

“Hindi ko r—”

 

“Isipin mong maigi. ‘Wag mong gayahin sagot ko!” Tinabihan niya ako, pareho kaming nakasandal sa motor. “Na-mention mo na fascinated ka sa akin. If there’s more to me than Minju and volleyball… Tama? Do I remember it correctly?” I nodded. Naalala pa pala niya ‘yung talk namin sa bar.

 

“What if wala pala?” She continued. “What if ‘yung volleyball, si Minju, my controlling family—what if I’m defined by them? Like there’s nothing more to me. Hanggang doon na lang ako

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy 2024!

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
👨‍🦯
green99 #2
Chapter 9: ackkk, kakilig sila, KimZhou 🥺
ryujinie__
699 streak #3
Chapter 8: IMY
iilwueee
#4
Chapter 9: KIMZHOU NA KIMZHOU NAAAA MASYADO NA AKONG INVESTED DI KO NA KAYA PLS.
dahyuntozakis
#5
Chapter 9: masyado na akong kinikilig sa kanila NAKAKAKABA
yurieldrafts
#6
Chapter 9: AUTHOR PLEASE SILA NALANG ENDGAME HUHUHU THEIR FICS ARE SOO RARE IKAW PALANG NAKITA KO MLNA HINDI ENGLISH/INDO SKSKS IAALAY KO SAYO BUONG ANGKAN KO PLS KIMZHUO ENDGAME 😞😞😭😭💙💙
ohseobbang #7
Chapter 9: pag di end game kimzhou dito, itatagay ko na lang
Wanjected #8
Chapter 9: grabe naman yung flirting game nila, ibang level phew
Crossmaltese
#9
Chapter 9: Chapter 9: Mga pa demure patong kala mo di nagmomol on their first meeting ah hahahah pero hoy breaking news, isang winrina shipper natagpuang keleg na keleg sa part 7 and 8 specifically sa ganap nila winterXning. Like? Naghanap ng winrina fic tas naging sumakabilang troop real quick. Hellow di na to tama ako na yung e wewelcome sa welcome home cheater😬 Grabe yung keleg ko legit. hindi ko to enekspek gagi eto na ba yung secondlead syndrome😮‍💨 iiyaq cguro ako sa time na ma bo-brokent na si Ning😔 WINTER CHOOSE HER PICK HERRR🗣️

Sincerely,
Me si OA na na lost na sa OG ship and plot
wi__in #10
kimzhou!!