Part 2
Pag-Ibig (Meron Ba?)“Sir…”
“Yes, Miss Kim? Pangatlong balik mo na. I swear if may ipu-pull kang prank sa akin!” Pag-warn niya. Hala naman, bakit naman ako mangpa-prank?! Wala naman akong mapapala kung sakali mang gagawin ko ‘yon! Kasalanan ‘to ng vloggers.
“Hindi po, Sir! Ahm…” I sat down in front of him. In fairness, ang sarap sa pwet ng chair niya sa office, pero hindi naalis nito ang kaba ko. Palagi na lang akong kinakabahan lately, magkakasakit na yata ako sa puso. May gamot ba sa pagiging nerbyosa?
“Ano po kasi, pwede pa po bang magpalit ng subject for the feature writing?” Ang bilis ng pagkakasabi ko, like ripping off a band-aid. “I know deadline na po today and na-approve niyo na ‘yung initial proposal, but I really wanna change my subject. Mag-eemail po ako before midnight.”
Magpapalit ako hindi dahil atat na atat ako kay Karina ha. Nope. In fact, willing na talaga akong i-let go ‘yung inalok niya sa akin sa banyo nung nakaraan. Ang kaso, nawi-weirduhan na talaga ako dun sa basketball player. Medyo may pagkamanyak kasi si Kuya.
Nahuhuli ko kasi siyang tinititigan ako minsan. Ang uncomfortable na ewan. I’m not sure kung tama ang hinala ko pero sabi nga ni Lola, I should always trust my instincts. Tapos kapag pinupuna ko siya ay hindi rin naman niya dini-debunk, so I guess totoo nga? Mga lalake talaga.
“Alright.”
“Alright?! Ganon kadali?!” Hala, nabigla ako sa sarili ko. “Ay, I mean thank you po, Sir. Akala ko po kasi papagalitan niyo ako sa last minute change na ginawa ko. Thank you po ulit,” I got up from his comfy chair ay dali-daling lumabas sa faculty room. Mabuti nga’t naabutan ko siya kahit pagabi na.
Phew! Kinabahan ako dun ah.
On to the next nakakakabang bagay na gagawin ko ngayong araw: ang sabihin kay Karina na nagbago ang isip ko kay basketball player. It was her proposal na siya na lang ang piliin ko kaya hindi ako dapat mahiya, but again, nakakatakot talaga ang kanyang presensya at awra. Isa pa, baka mamaya nagbago na pala ng isip ‘yon.
Hmp.
Almost 6pm na kaya tinakbo ko na ang papunta sa gym. Ganitong oras din kasi last time natapos ang practice nila. Ang sabi ni Ryujin, sabi raw ni Wonyoung ay may training ang team nila ngayon. Mabuti na lang talaga may source of info ako, it makes my life easier.
Sa sobrang dami kong iniisip, nakabangga pa ako ng babae sa may labas ng gym sa pagmamadali. “Sorry! So—” Si Minju pala. “Tulungan na kita. Sorry…” I helped her with her things, medyo marami kasing nahulog sa mga dala niya.
“Familiar ka,” sabi niya bigla. “Ikaw ‘yung kumausap kay Karina last time, ‘di ba?” Bakit suddenly ay interesado siya sa akin? Gusto ko lang naman tumulong at pumasok na ng gym, baka hindi ko pa maabutan si Karina.
“Ah, oo.” Wala akong time makipag-small talk.
“Looking for her?”
Ano ba ‘tong conversation na ‘to? Ang random. Bakit ang dami niyang tanong? “Yes. Para lang sa JRN subject ko. It’s not a big deal,” I became defensive dahil basa ko ang tono niya—it was accusatory. Hindi naman ako tanga. “Interview lang.”
“I’m sorry, that was rude,” nagbago bigla ang tono ng boses niya. She probably felt bad sa pagtataray. Inintindi ko na lang at may pinagdadaanan panigurado. Siguro ay lahat pinagseselosan niya. “She’s still there, pasok ka na lang,” sabi pa nito. Ang labo. Kanina lang parang mananabunot.
“Okay, thanks,” nginitian ko na rin kahit labag sa loob ko. “Moody ni ate,” sabi ko na lang sa sarili. Kapag volleyball player ba eh dapat masungit? Requirement kaya ni coach Seulgi ‘yon sa mga players niya?
Pumasok na ‘ko ng gym, una ko kaagad nakita si Wonyoung sa laking tao niya. Nabaling ang tingin ko kay Karina na nasa tabi lang ng kaibigan ni Ryujin. Nagpupunas siya ng pawis at naglalagay ng ice pack sa ankle niya. Anong ibig sabihin non? Injured ba siya?
As a caring person kahit sa mga hindi ko ka-close, lumapit ako sa kanya nang may pag-aalala. “Anyare?” Inagaw ko pa ‘yung ice pack. Kung nawirduhan man siya sa ginawa ko, she didn’t call me out. “Huy bawal kang ma-injure ha.”
Nagtatakang tumingin samin ang iba niyang teammates pero wala naman silang sinabi. Narinig ko ang tawa ni Karina kaya napatingin ako ulit sa kanya. “Bakit? You changed your mind, ‘no? Dun sa feature thingy mo? I knew it,” mayabang niyang sabi. “Also, hindi ako injured. ‘Wag OA.”
Binitawan ko ‘yung ice pack dahil nairita ako sa pagiging smug niya. “For your information, napilitan lang akong alisin ‘yung basketball player. So technically… Second choice kita,” niyabangan ko siya. “Kala mo dyan.”
Halatang hindi siya natuwa sa pinagsasasabi ko. Like I said, madali siyang basahin. “Okay, eh ‘do maghanap ka ng iba,” sabi niya bago tumayo at isukbit ang gym bag sa balikat. “Good luck.” Palabas na siya ng gym.
Ahm…
“Wait!”
“Yeah?” Pa-inosente niyang tanong.
Matatapakan nanaman ang pride ko. Sirang-sira ka na, Winter! Hingang malamim, hingang malalim. Para ‘to sa ikakaganda ng article mo.
“Ikaw talaga ‘yung gusto ko.”
She stared blankly at me. Confusing yata ‘yung dating ng sinabi ko. “Ahm, I mean, Ikaw ‘yung gusto ko na ma-interview! Ikaw naman talaga ‘yung first choice ko…” Labas sa ilong. “Okay na ba? ‘Wag kang umalis, please!” My pride can’t come to the phone right now. Why? Because she’s dead.
Hays.
Ngumisi siya, “Mahirap bang sabihin ‘yan kanina? Kailangan ko pang mag-walk out?” It’s official, hindi niya na talaga ako fan. Sobrang hangin ng babaeng ‘to. Akala ko ba mabait sabi ni Wonyoung? Baka kapag tulog.
I forced myself to give her a grateful smile. “Dahil pumayag ka, I need to do an interview ngayon din. Basic information lang from you, kailangan ko kasing ma-send kay Sir before midnight. Okay lang ba?” Nilabas ko na ang pen and paper ko but Karina looks unsure. Baka may pupuntahan pa?
She checked her phone first, parang skeptical siya. “May plans ka ba? Kahit bukas na lang, papakiusapan ko na lang si Sir.” Nalimutan kong marami nga pala itong ginagawa sa buhay at hindi ako basta-basta makakapag-set ng plans with her.
“Okay lang. Let’s go,” nauna siyang maglakad. Saan kami pupunta? Pwede na kasi sanang dito na lang sa gym. “Magko-close na ‘tong gym kaya hindi tayo pwede rito. Outside campus na lang.”
“Ah, sige,” sagot ko. Saan naman kami pwedeng magpunta? Nakaka-ilang kung sa restaurant o café pa. Hindi naman kami close to be doing that. “May kotse ka ba? Dun na lang? Mabilis lang naman eh.”
Umiling siya, “Wala.”
Pero sa vlogs niya ay nakakotse siya kapag umuuwi galing campus ah… O kaya ‘pag pumupunta sa kung saan-saan.
“Bakit sa vlogs mo naka-car ka…” Bulalas ko. Hindi ko nanaman iniisip ang mga sinasabi ko. Napatigil siya kaya napatigil din ako sa paglalakad. Muntik akong sumubsob sa likod niya.
“Nanonood ka ng vlogs ko?”
Bistado na kaya wala nang point para magsinungaling. “Oo. Minsan.” Araw-araw, sa totoo lang. “Sikat ka sa school eh. Curious lang ako, okay? Hindi naman big deal. Marami kaming nanonood.” Nakakabanas ‘yung ngisi niya. Ano ba yan.
Nagsimula na ulit siyang maglakad and this time, binagalan niya at sinabayan ako. “Wala akong kotse. Kay… Minju ‘yon,” hirap na hirap pa siyang sabihin ang pangalan ni Minju. I can be wrong, pero parang mangiyak-ngiyak siya.
“Ah… Sige may malapit naman na café sa labas, dun na lang,” binago ko agad ang topic. “Ako na lang magbabayad since inistorbo kita.”
“Sige.”
Tahimik kaming naglakas palabas ng school. May isang café dito na hindi masyadong pinupuntahan ng students dahil sobrang pricey ng mga food at kape nila. Masakit sa bulsa pero ayoko nang mas maistorbo pa si Karina.
We entered the café and was greeted by the staff. Ang saya ng itsura nito dahil siguro bibihira nga lang may pumasok na customers. “Hello, Ma’am! Where would you like to be seated po?”
“Sa dulo na lang po, ‘sa may booth,” Karina answered for us. Dinala kami sa dulo ng staff at binigyan ng menu. She left us for the mean time para makapili ng oorderin. Unang page pa lang sa menu ay gusto ko nang lumabas. Talagang 400 pesos para sa isang pasta?
“Ang mahal naman dito,” puna ni Karina. Natawa ako, akala ko kasi ay rich girl siya at walang pakialam sa prices ng café. “Ano ‘to? Sandwich 450 pesos na?” Kumunot ang noo niya habang nagrereklamo. Ang cute. Hindi naman pala siya laging masungit.
Natawa ulit ako pagbuklat sa kasunod na page ng menu. “Tignan mo ‘yung presyo sa next page,” sabi ko naman sa kanya. Hotsilog nila ay 350, kakaiba. Kaninong hotdog ba ‘yon at napakamahal? ‘Yung Tapsilog 400! Tapa ba ng dinosaur ‘yon?
“We can go sa cheaper place kung gusto mo,” offer niya.
Papayag sana ako kaso biglang bumalik ‘yung staff para bigyan kami ng water. ‘Yung baso nila dito ay goblet pa, mas nakakahiyang mag-walk of shame. She also gave us complimentary bread na iba-iba ang itsura.
Mangiyak-ngiyak akong ngumiti kay Karina, “Hindi, okay lang. Dito na. Nagmamadali ka rin yata.” Kanina pa kasi tunog nang tunog ang phone niya pero hindi naman niya pinapansin.
“Okay, sige,” she shrugged, almost as if hindi siya convinced na okay lang talaga sa akin. “Miss, we’ll order na…”
Tinignan niya ako, prompting me to order first. “Ahm, ‘yung pesto pasta na lang po,” I told the staff. Ito kasi ‘yung pinakamura sa pasta choices sa menu. Karina chuckled, feeling ko napansin niya ‘yung ginawa ko.
“How about you, Ma’am? You can try the steak and eggs, best-seller namin ‘yon,” pambubudol ni Ate sa kasama ko. For sure hindi naman nila best-seller ‘yun! Pinakamahal ‘yun sa menu eh. Bakit kaya kay Karina niya inoffer? Sa akin hindi? Mas mukha kasi sigurong yamanin si Karina.
“No, thanks. I’ll have a four-cheese pizza, thank you.” Pizza talaga? Kanya lahat ‘yun? Malakas palang kumain ito si babes.
Umalis na ‘yung staff at kinuha ko na rin ang notebook at pen ko. Ayoko kasing magkaroon kami ng awkward silence ni Karina dahil hindi ako magaling mag-handle ng ganon lalo kapag wala akong kasamang friends.
“Pwede naman siguro akong mag-record, ‘no?” I asked her first. “Baka lang may ma-miss out ako sa mga sasabihin mo eh.”
“Hindi. Mamaya gamitin mo pa ‘yan against me,” seryoso niyang sagot. “Galingan mo na lang sa pag-take down ng notes. Journalism ka, ‘di ba? Magaling kayo sa ganon.” Akala ko nagbibiro lang siya, seryoso pala talaga.
Patago akong sumimangot. “Okay, sige. Pwede na bang mag-start? O gusto mong after na natin kumain?”
“Okay lang, you can ask na. Hindi naman kamo marami at basics lang.” Kung tutuusin ay pwede ko naman i-google, pero nag-aalala ako na baka may mali akong makuhang information sa internet. Mas safe kung direkta ko siyang tatanungin.
Tumango ako sa sinabi niya, “Yeah…” I opened my notebook. Sa laptop sana, kaso naiwan ko sa apartment. “Ano palang full name mo?” It took her a while to answer kaya tinignan ko na siya. “Karina?”
“Karina Marie…”
Hindi ko napigilang matawa. Hala! Ang unprofessional lang.
“Anong nakakatawa?” Bumalik tuloy ‘yung intimidating tone niya. “Ganyan ba kayong Journ students?”
“Ano nanaman kami?!”
“Tinatawanan niyo subjects niyo,” tinignan niya akong masama. “Isusumbong kita sa employer mo in the future.”
Ayoko namang ma-generalize kami nang ganon-ganon na lang! At may balak pa yatang sirain ang future ko! Hay, bakit naman kasi ako tumawa? At bakit ba kasi siya may “Marie” sa pangalan? Ewan ko rin ba kung bakit nakakatawa kapag ‘yon ang second name.
Inayos ko na ulit ang sarili ko bago pa ako matawa ulit. I coughed lightly to compose myself. “Sorry. Okay, ‘yung middle and last name mo na lang.” Nasa pangalan pa lang kami pero ang dami nang interruptions. I need to get my together.
“Last name is Yu. ‘Yung middle name is Valdez.”
“Kamag-anak mo si Alyssa Valdez?” It would make sense dahil pareho silang magaling mag-volleyball. “Idol ko ‘yun eh. Nasa lahi niyo siguro talaga ‘yung magagaling mag-volleyball, ‘no? Ang galing pala.”
She looks annoyed. “Mag-iinterview ka ba or tatawa at chichismis lang? Ang bilis mong ma-distract, Win…” Nanliit ang mga mata niya, inaalala siguro ang pangalan ko.
“…ter. Winter. Hindi Winston, okay? Ginawa mo pa akong yosi, grabe,” at na-distract nanaman ako. Baka nga tama si Karina, I’m blowing this interview off. Focus, Winter! “Anyway,” bumalik ako sa pagseseryoso. I asked her next about her basic info katulad ng age, birthday, her program sa school at kung ano-ano pa.
“Then where are you from pala?”
“Angeles.”
Uy! “Pampanga? Kapampangan ka rin? Sa San Fernando ako,” excited na pag-share ko sa kanya. Hindi ko alam na Kapampangan pala siya, ang galing lang. Small world. I tried to talk to her in Kapampangan pero hindi niya yata naintindihan base sa confusion sa kanyang itsura.
Natawa lang ito, “Hindi ako marunong. Sa Manila ako lumaki eh. ‘Yung Mom ko, siya ‘yung taga Pampanga.” Napansin ko ‘yung pagbabago ng expression niya when she mentioned her Mom. Para bang naging lighter ang awra niya bigla. Mama’s girl siguro.
I wonder though kung bakit ‘yun ang sinabi niyang lugar kung dito naman pala siya lumaki sa Maynila? Curious ako but I didn’t delve deep into it yet at nag-proceed na lang ako sa ibang questions tungkol sa sarili niya.
Patapos na kami sa interview tsaka lang dumating ang food. “Enjoy your meal, Ma’am.”
Marami naman pala ‘yung serving ng pagkain. ‘Yung pasta ko ay pandalawang tao at ‘yung pizza naman ni Karina ay pagkalaki-laki. Mauubos kaya namin ‘to? Sayang naman kasi kung hindi, ang mahal pa naman.
“Gusto mo ba nung pasta?” Napansin ko kasing napatingin siya sa pagkain ko. Mukha naman kasi talagang masarap at ang bango pa.
“Tinatanong mo ba ‘yan kasi gusto mo rin humingi ng pizza ko?” Nagtaray nanaman siya. Ang hilig niya talagang mamintang! Hindi ako mahilig sa pizza, ‘no! Pero nakakatakam nga, aaminin ko. Ang daming cheese.
She laughed bigla, “Joke lang. We can share. Hindi ko rin ‘to mauubos. Here…” Pinaglagay niya ako ng pizza sa plate ko. Para mabalik ang kabaitan niya, pinaglagay ko na rin siya ng pasta sa sarili niyang plato. “Thanks.”
We ate in silence. Hindi pa rin tumitigil ‘yung phone niya sa pagtunog at medyo naririndi na ako. “Hindi mo ba sasagutin? Ang ingay kasi,” dineretso ko na. Nakaka-distract kaya sa pagkain! “Or pwede naman hindi, basta i-silent mo na lang sana.”
Natigil siya sa pagkain at kinuha ang phone. Sinagot niya ‘yung tawag sa harap ko. Another day of pretending na wala nanaman akong naririnig.
“Bakit?” Ganito ba siya sumagot sa phone? Wala man lang “hello”? Noted. Ilalagay ko sa article na si Karina ay walang modo. Joke. “Okay, fine.. Dito sa…” She looked around, hinahanap siguro ang pangalan ng resto.
“Cornelia’s Café,” I interrupted. Napalakas din ang boses ko.
“Cornelia’s Café,” sabi niya sa kausap niya. Patuloy pa rin ang pagkain ko, halos mauubos ko na ang pasta sa sarap nito. Mas marami nga rin yata akong nakain sa pizza ni Karina. “Ano? Hindi naman kailangan. Min— Wait— Hello?”
Okay, so si Minju ang kausap niya. Noted ulit. Ilalagay ko na rin sa article na si Karina ay nakikipag-usap pa rin sa ex niya. Joke ulit. Ugh! Baka bumaba grade ko nito sa feature writing, hindi talaga ako makapag-focus. Bakit ba ganito?!
Parang walang nangyari nang ibaba niya ang phone. Nagpatuloy lang siya sa pagkain hanggang sa maubos na namin. I got the bill dahil ako nga ang magbabayad. “Tumatanggap po kayo ng card?”
“No, Ma’am, sorry. Offline po ‘yung device.” Kapag minamalas ka nga naman. Kaya nga dito ko naisip kumain dahil alam kong tumatanggap sila ng card. Wala akong cash! I asked kung may GCASH payment sila pero cash lang daw ang tinatanggap sa ngayon. I should’ve asked first bago kami umorder.
“It’s okay, I got it,” kinuha ni Karina ang bill at siya ang naglagay ng cash niya.
Nakakahiya. Ako na nga itong nanghingi ng pabor tapos siya pa ang pagbabayarin ko? “I-transfer ko na lang sa bank mo o kaya sa GCASH. Sorry, sorry!” Aligaga kong sabi. Dali-dali kong kinuha ang phone sa bulsa at saktong nakita ko naman na tumatawag si Lola. Ang daming nangyayari.
“Sagutin mo muna,” utos ni Karina.
“Hello? ‘La? Bakit po?” Tuwing tatawag na lang si Lola ay may konting kaba
Comments