Part 4

Pag-Ibig (Meron Ba?)
Please Subscribe to read the full chapter

Isang linggo nang napakainit ng panahon dahil summer nanaman. Tagaktak ang pawis ko these days kahit saan magpunta. Whew.

 

Isang linggo na ring hindi nagpaparamdam si Karina.

 

Ano kayang nangyari sa kanya? Maayos naman ‘yung huli naming pag-uusap after ng game nila last week ah? Ang sabi pa nga niya ay gusto niyang ilibot ko siya sa Pampanga. May mga exchange of messages kami after that pero ang huli niyang reply ay nung Thursday pa. Huwebes na ulit ngayon…

 

I texted her tungkol sa hindi niya pagpaparamdam dahil uuwi ako this weekend sa San Fernando. Panay na kasi talaga ang pangungulit ni Lola. Hindi siya nagre-reply sa messages ko. Na-deflate nanaman ang ego ko dahil thrice ko siyang minessage at kahit isa, walang reply. Hindi ko rin naman siya nakikita sa school.

 

Not that I care about her that much! Ano kasi… Para sa article ko. Oo, para sa article.

 

I’m barely halfway sa draft ko. Hay! Ano ba naman ‘tong si Karina, magvo-volunteer maging topic tapos biglang hindi magpaparamdam? Ang ganda pa ng mga pinagsasabi ko sa kanya dun sa bar last week! Naiisip ko na nga na malapit na kaming maging friends talaga tapos… Hay.

 

Tse ka, Karina Marie Batumbakal.

 

“Winter, have you finished your part yet?” Tinignan ko si Giselle. Nandito nga pala ako para gumawa ng news report at hindi para pagtakahan kung saan naron si Karina Marie. “Okay ka lang, sis? Gusto mo gawin ko ‘yung part mo? Konti na lang naman. You can go home if you’re not feeling well.”

 

“Hala, hindi na. Ako na,” maraing tanggi ko. “Patapos na rin naman ako. Madali naman isulat dahil winners sila at maganda ang performance nila sa last game. Even the basketball team did well. Kaya ko na ‘to, Selle. Kain ka lang diyan,” I smiled at her.

 

Ang unusual lang na ganito ang inaakto ko ‘pag nasa newsroom kaya siguro napansin agad ni Giselle. What happened to getting your together, Winston? Natawa akong mag-isa sa thoughts ko. Pati sarili kong pangalan, dinodog-show ko na. Kasalanan ‘to ni Miss Opposite Hitter! Nasan na ba kasi ‘yon? Agh!

 

“By the way, free ka ba sa tomorrow? May pa-workshop si Ma’am Krystal about multimedia journalism. It’s not required, but helpful satin kasi we’ll be taking up that subject next semester,” Giselle inquired.

 

“Uuwi ako sa Pampanga tomorrow night eh,” panghihinayang ko. “Patingin na lang ng notes?”

 

Masigla siyang tumango. “Sure, sure!”

 

Pinagpatuloy na ulit niya ang pagkain habang ako ay sinusubukang tapusin ang report na ginagawa ko. Patapos na rin naman, kailangan ko lang ng magandang closing statement. Normally, madali lang ito para sa akin. Hindi ko lang talaga maalis sa isip ko kung bakit hindi pa ulit nagpaparamdam si Karina.

 

Tuloy ba siya sa Pampanga this weekend kasama ko? Susunod na lang ba siya? Kung susunod siya, marunong ba siyang mag-commute o dadalhin niya ‘yung kotse niyang bulok? Pwede pa bang ipasok sa NLEX ‘yung ganon?

 

, , ! Bakit palagi na lang siyang nasa isip ko? I’m starting to get annoyed at myself.

 

<6:30pm> Ningning: Hello there!

 

Ay, gumanda ang mood ko bigla.

 

<6:31pm> Me: Hi poooo

 

<6:32pm> Ningning: Mag-pobla kayo this week? :)))

 

<6:34pm> Me: Hindi eh. Monthly ganap lang yun.

Bakit mo pala natanong? :))

 

<6:35pm> Ningning: Ohhh oo nga pala. Sayang, I wanna see

you sana :/

 

Napakagat ako sa kamay ko dahil kung hindi, baka para akong inipit na kambing sa pagtili. Bakit ganito siya ka-confident? Hindi pa man din ako marunong humarot! Pero kapag kay Ning, I seem to do it naturally. Hmmmm.

 

<6:36pm> Me: Sa pobla mo lang ako gustong makita? :(

 

Patawa-tawa akong mag-isa dito. Baka isipin ni Giselle tamad na tamad akong tapusin itong task ko. Si Ning naman kasi eh…

 

<6:36pm> Ningning: …So pwede tayong magkita tonight?

Gusto mo bang mag-dinner? It’s on me ;)

 

Hala, kumindat na si ate.

 

<6:37pm> Me: Pwede naman, kaso ang layo ng school mo.

Hindi ako mayaman, wala akong Toyota Alphard :(

 

<6:38pm> Ningning: Ha ha. Malapit ako sa school mo right now.

I was just shy to ask you directly lol

 

Ang cute niya talaga. Cute and y!

 

<6:39pm> Me: Ikaw ha hehe meet tayo 7pm? Saan mo gusto?

 

<6:40pm> Ning: Grab ako papunta sa univ mo. I’ll wait

for you outside then we’ll decide kung saan. Sounds good?

 

<6:40pm> Me: Sounds great. See you po

 

<6:41pm> Ning: I’ll see you po

 

Si Ning lang pala ang kailangan kong motivation para matapos nang mabilis ang ginagawa ko.

 

It didn’t take me long bago ko ma-wrap up ang aking part sa newspaper at mag-ayos ng sarili para presentable akong tignan before I meet with her. Hindi ko na rin naisip pa si Karina dahil masyado akong excited sa dinner plans namin ni Ning.

 

Good! Dahil hindi deserve ni Marie ng space sa utak ko. At least not right now.

 

Kung hindi siya magparamdam sa akin, then be it. I’ll just write whatever generic story I can write about her na searchable sa Google. Pwede rin naman akong magtanong-tanong kina Wonyoung. Honestly, kung hindi pa tapos ang deadline sa pagpapasa ng topic, baka bumalik na lang ulit ako kay Basketball Player.

 

Teka nga, bakit ba galit na galit ako? Bakit napaka-bitter ko porket hindi siya nagpaparamdam? Ay, oo. Dahil sa article! Tsaka bakit inisip ko nanaman siya ulit? Akala ko ba hindi na? Waaaah! Mababaliw na ako.

 

“Ingat, Winter!”

 

“Thanks, Selle! ‘Yung notes sa weekend, ha,” I reminded her. “Ingat ka!”

 

Bago bumaba ay nag-CR muna ako. Ang funny lang na pagpasok ko ng cubicle, si Karina ang unang pumasok sa isip ko. Dito ko kasi sila narinig ni Minju na nag-aaway last time. Nami-miss ko ba siya? Syempre hindi. That would be weird dahil hindi naman kami friends to begin with.

 

Nag-ring bigla nang malakas ang phone ko. Sa gulat, napalakas ang press ko sa bidet. Ang sakit ha! Parang may tumusok na kung ano… down there. Agad kong dinukot ang phone sa bulsa at sinagot, “Hello? Ning?”

 

“Hi! Nandito na ako outside your campus. I’ll wait for you here. Take your time ha,” she said softly. Nakaka-relax ang boses niya at hindi ko namalayang napapangiti akong mag-isa. “Winter?”

 

“Ah, oo. Pababa na ako. Magmamadali na,” sagot ko habang aligagang tinataas ang undies at pants. Ang hirap pala kapag isang kamay lang ang gamit. “Wait mo ako diyan!” Nagmadali na ako dahil alam kong medyo mabantot sa may harap ng gate ng school. Nakakahiya kay Ning.

 

Hindi ko alam ang estado niya sa buhay dahil hindi ko naman siya kilala personally, pero base kasi sa school na pinapasukan niya at kung paano siya manumit, I’d say she’s well off. Hindi naman mahalaga ‘yon, sadyang napapa-isip lang ako. Ayoko lang mapahiya sa kanya.

 

“Ning!” Tawag ko pagkalabas ng gate.

 

Katulad sa mga shampoo at conditioner commercials, parang tumigil ang mundo nang umikot siya papaharap sa akin at lumipad ang buhok niya na parang si Nadine Lustre sa isang Creamsilk ad. She really gives off that ‘mayaman, maganda, at sopistikada’ na awra. To think na nahalikan ko siya! To think na—

 

“Winter! Huy!” Natauhan ako bigla sa mahina niya pagtapik sa braso ko. “You’re daydreaming about me, ‘no?” She asked seductively. Hindi ko mawari kung nagbibiro ba siya o ano! Whew. Pinagpapawisan ako.

 

“Ah, hindi. Gabi na eh,” walang katuturan kong sagot. I coughed a bit at parang nahugutan ako ng hininga. “Gutom ka na siguro. Saan mo gustong kumain?” Magkasabay kaming naglakad nang mabagal. Pareho lang kaming sumusunod sa yapak ng isa’t isa.

 

Na-realize kong ngayon ko lang siya nakasama nang hindi kami nakainom. Hindi naman counted ‘yung sa game dahil umalis din siya agad. Bigla tuloy akong nadapuan ng hiya… I gave more space between us.

 

“Oh, bakit ka lumalayo? Kinakahiya mo ba ako?” Rinig ko ang pagbibiro sa boses niya pero nakakatakot siya kapag sinusubukang magtaray! “Lapit ka,” she commanded and pulled me papalapit sa kanya. “That’s much better.” Pa-sweet siyang ngumiti sa akin. I couldn’t help but grin at her in return. “Mag-Korean food tayo.”

 

Aba’t giliw na giliw siyang maglakad. Hindi bagay ‘yung suot niya dito sa pagkaruming sidewalk! Kailangang may gawin ako. “Gusto mo bang mag-book ako ng Grab? Baka mapagod ka at mainitan.” I was about to open the app nang si Ning mismo ang nag-lock ng phone ko. “Bakit?” I asked, puzzled.

 

“Winter.” Humarap siya sa akin, hinawakan pa ang magkabila kong balikat. “Relax. Ayokong mag-Grab kasi traffic din naman. And kahit hindi, I don’t mind walking. Besides, may malapit diyan na parang food park na nagse-serve ng Korean street foods. So don’t worry, ha? Loosen up.”

 

Parang gusto ko siyang halikan. Ay! Mali, mali. Ano ba naman ‘tong thoughts ko, walang kwenta. Nag-inhale at exhale ako nang malalim sabay ngiti, “Okay, okay. Sorry. Baka lang uncomfortable ka, but yeah, okay naman maglakad.” Nakahinga ako nang maluwag. Nabawasan kahit papano ang pressure na nararamdaman ko.

 

‘Yung presensya kasi ni Ning… Grabe. Nakakakaba na hindi ko maintindihan. Siguro dahil alam ko rin na muntik nang may mangyari sa amin? But I don’t think that’s it. Even without that, tingin ko ganito pa rin ang epekto niya.

 

Para siyang si… Karina. Oo, may similarities sila pagdating sa epekto na dulot nila sa akin.

 

Nakarating na kami sa sinasabi ni Ning na food park. Hindi ito malaki pero malinis ‘yung paligid. May kung ano-ano lang din na stalls ang nandito pero ang nag-standout ay ‘yung Korean food stall. Medyo mahaba ang pila. “Paano mo nalaman ‘tong place? Galing ka na dito?” We settled sa mahabang table na for sharing.

 

“No. Nakita ko lang kanina on the way here. I wanted to try pero ayaw ng mga kasama ko,” she scrunched her nose cutely. “Ako na oorder. Relax ka na lang diyan.”

 

“Hindi, hindi! Ako na!” Siya na nga ang nagpunta sa school ko! Gusto kong bumawi. Tumaas ang kilay niya at tumitig sa akin. Napalunok ako. “S-Sige ikaw na nga.” Pinagmasdan ko siyang maglakad hanggang makarating sa stall. Ang graceful niya, hindi mo aakalaing dadalhin ka sa hotel. Joke.

 

Ayoko namang magpaka-creepy by watching her kaya kinuha ko na lang muna ang phone para mag-check ng kung ano-ano. Hindi ko na ine-expect na magpaparamdam si Karina pero disappointed pa rin ako na wala siya pa rin siyang reply hanggang ngayon.

 

<7:20pm> Mark: San ka beh. Bili ka ulam mamamatay

na si Ryujin sa gutom

 

<7:29pm> Me: Maya maya pa ko uwi. Magpadeliver na

lang kayo aba. Ako ba nanay niyo?

 

<7:30pm> Mark: Pa-foodpanda mo kami plssss. La na kami pera.

Chooks to go beh ha

 

“Oh, what’s with the frown?” Nandito na pala si Ning! Hindi ko man lang natulungan sa pagbitbit ng food namin. Si Mark kasi eh! “May problema ba?”

 

“Sila Mark, nagpapabili sakin ng food! Mga tamad. Wala na raw silang pera, napakasinungaling! Nag-suggest pa na Chooks to Go daw ang bilhin ko. Mga palamunin,” I ranted. Napatingin ako sa mga binili ni Ning para samin. “Ang dami naman niyan… Mauubos natin?”

 

She gave me the spicy rice cakes na may kasamang kung ano-anong fried stuff na hindi ko na rin alam kung ano. “Yup. Kaya natin ‘to.” Nangindat nanaman. “Akin na phone mo, let’s buy them food para hindi ka na istorbohin.” I know better now than to stop her. Ayoko na ulit maging receiving end ng pagtataas niya ng kilay.

 

Napapatagal ang pag-order niya at medyo nagugutom na ako. “Anong ginagawa mo? Ba’t antagal?”

 

“Ssh. Okay… GCASH connected… Done!”

 

“Anong…” I frowned. “Binayaran mo?!”

 

Pa-inosente siyang ngumiti. “Maybe. Hayaan mo na! Treat ko sila since hiniram kita from them. Now, let’s eat na. Lalamig ‘yung food. Say ahhhh,” utos niya sa akin habang may hawak na stick ng fish cake. “Winter, dali na.”

 

“Aaahhhh.” Muntik na akong ma-choke, naparami ang subo ko. Na- ko yata ‘yung fishcake.

 

Worth it naman dahil ang lawak ng ngiti ni Ning. “Very good.”

 

Ang saya niyang kasama. Ang dami niyang kwento about school, her family, her friends… She’s like an open book. Hindi siya nahihiyang mag-share ng kung ano-ano, siguro ‘yun ang kaibahan nila ni Karina. Masyado pa-mysterious si volleyball player. ‘Yung facial expression niya lang pala ang madaling basahin.

 

Ayan, nababaling nanaman ang isip ko kay Karina Marie!

 

“What are your plans this weekend?” Tanong niya matapos ang mahabang katahimikan sa aming dalawa.

 

“Uuwi ako sa Pampanga. Bakit? Ikaw ba?” Inumpisahan ko nang ayusin ang mga pinagkainan namin. Tama nga siya, kaya naming maubos lahat.

 

She helped me sa paglinis ng table. It took her a while bago siya magsalita ulit. “Yayayain sana ulit kitang lumabas, ‘yung parang ganito lang din. You’re fun to be with din pala kahit hindi tayo nakainom. But we can do that next time… Tingin mo? Okay lang ba?” She doesn’t even have to ask me. Ako pa nga ang hindi sigurado kung gugustuhin niya pa akong makasama. Mabuti naman at parang nag-enjoy siyang kasama ako.

 

“Oo naman, Ning. Ako naman pupunta sa Katips para fair.” She looked relieved sa sinabi ko. Bakit? Did she think hindi ako papayag? Tanga lang ang hindi papayag na makasama ang isang babaeng katulad niya.

 

“Yeah? Promise?”

 

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi pisiliin ang pisngi niya. Muli nanamang nanalo ang mga boses! “Hala! Sorry, sorry,” I caressed her cheeks dahil baka nasaktan siya, but to my surprise, tumawa lang si Ning at parang namula pa ang ang pisngi. Dahil ba sa pagpisil ko…? O may ibang dahilan? “Bakit ka tumatawa?”

 

“Ang funny mo lang na one moment you’re acting all shy tapos bigla kang mangungurot ng pisngi,” she amusedly shook her head. “As much as I want to stay here, kailangan ko nang umuwi. May pasok pa bukas at baka traffic papunta sa QC,” she added regretfully.

 

Tinulungan ko siya sa mga gamit niya and I even guided her sa pagtayo sa masikip naming pwesto dito sa gitna. “It’s okay. We’ll see each other soon. Pagbalik ko ng Pampanga, gusto mo?”

 

Parang nagliwanag ang lahat ng dapat magliwanag sa mukha ni Ning. “Really?” Ang cute! Baka mapisil ko nanaman ang pisngi.

 

“I promise.”

 

We smiled at each other. Napatingin pa siya sa labi ko and automatically, I did the same. Pareho kaming lumalapit sa isa’t isa…

 

“Miss Ning.” May lalakeng tumawag sa kanya. Ang laki ng katawan ni kuya, parang manununtok bigla. Ito ang literal na nakakatakot. “It’s getting late. Let’s go.”

 

“Sino ‘yan?” Bulong ko kay Ning.

 

“Family driver namin. Nagpasundo kasi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy 2024!

Comments

You must be logged in to comment
leusxdee
#1
Chapter 9: imy author balik k na kami naman ni ning magddate pls
leusxdee
#2
Chapter 9: miss ko na si ningning !!! 😔😔😔
Eybrelros #3
Chapter 9: Yuhoooo padaan lang ulit 🚶‍♂️
ultjenrene
#4
Chapter 9: super cute ng kimzhuo pls 😭
kalizerofour4 #5
Chapter 9: ang saya, deserve nila isa't isa huhu
Twilight_kmj #6
Chapter 9: miss u na otorr
Winteo03 #7
Chapter 9: Otor paki bilisan poo nag c-crave na po ako ng kilig at sakit thankyou!!
ccelineeeee_
#8
Chapter 9: Chapter 9: miss u na tor
Eybrelros #9
👨‍🦯
green99 #10
Chapter 9: ackkk, kakilig sila, KimZhou 🥺