Part 3

Pag-Ibig (Meron Ba?)
Please Subscribe to read the full chapter

“Wait, let me get this straight!” Tumayo si Mark at Ryujin sa harap ko, akala mo mga detectives and datingan eh mga mukha namang tanga. “Nagising ka sa Shangri-La Hotel nang walang naaalala, then na-miss dial mo si Karina and she actually picked you up sa said hotel? Like that actually happened?”

 

Nakaka-ilang ulit na ako sa mga ‘to dahil hindi talaga sila convince. “Oo nga,” inis kong sabi. Mga limang segundo silang tumitig lang sa akin without saying anything, sabay humagalpak na para bang nakarinig sila ng nakakatawang joke. “Totoo nga kasi! Bakit ba kayo tumatawa?!” Nakaka-frustrate!

 

Lumapit and mahaderong si Mark sa akin at pinakiramdaman ang aking noo. “May lagnat ka ba? Anong nabasa mong pocketbook beh? Winter ha, social experiment ba yan? Kung ano-ano nang sinasabi mo eh.”

 

Aba gagong ‘to! Dinukot ko ang phone sa bulsa at tinapat sa kanila ‘yung selfie na tinake ko sa may window ng room kung saan ako nag-stay. Ang ganda kasi ng view dito kaya napa-picture ako. “Oh ayan! Akala niyo lagi niloloko kayo eh!” Kinuha ko rin ‘yung note ni Ningning at inabot sa kanila. “Ito pa!”

 

They looked at my “proofs” carefully, as if verifying kung legit ba ang mga ‘to. “Teh… Ito na yata ang pinapangarap mong maging character sa Wattpad,” excited na sabi ni Mark. Mukhang naniwala na rin si mokong. “Sana ganyan din ka-eventful ang buhay ko!”

 

“Okay, okay, fine! Pero paano mo napapayag si Karina? Close kayo? Kailan pa? Bakit hindi namin alam?! Akala ko topic lang for the paper?!” Si Ryujin naman ang nagpaka-OA. “Tsaka wala ka ba talagang natatandaan dun sa nangyari after Pobla? Jusko, bakit kayo napunta sa hotel? Sana all dinadala sa Shangri-La! Ako sa Sogo lang eh!”

 

Hindi ko napigil ang tawa ko. “Pang Shangri-La kasi ang ganda ko, beh,” nagmayabang pa ako. “Kayo ni Mark siguro mga pang Astrotel lang.”

 

“Aba hayop na ‘to!” Hinila ni Mark ang buhok ko. Ang sakit! “So ano nga?! Sagutin mo ‘yung tanong ni Ryujin!” Agh! Ano ba ‘yan. Lunes na lunes, ganito ang eksena namin. Imbis na natutulog pa ako sa mga oras na ito.

 

Pero para matapos na, sasagutin ko na lang. I’ve got nothing to hide! Baka ‘pag hindi ako sumagot, mas isipin nilang kahibangan ko lang ang mga kwento ko. “Wala talaga akong maalala about dun sa nangyari with Ning. Sobrang lasing ako. Hindi ko alam kung may nangyari o wala…”

 

“Tapos ‘yung kay Karina… Pa’no ba,” I paused. Nag-iisip muna ako kung pano i-eexplain at parang ang daming layers ng kwento. “Sobrang antok pa ako nung chineck ko ‘yung phone tapos wala akong salamin! Akala ko ikaw ‘yung huling message, Mark. I clicked the call button ta’s si Karina pala.”

 

Umikot ang mata niya, even si Ryujin ay parang hindi naniniwala na aksidente lang ang lahat. “Sus! Dinamay pa ako! Ang sabihin mo, papansin ka lang talaga kay Karina! Kunwari ka pang naiinis-inis sa kanya ha! Mga galawan mo, Winter!” Sinamaan ko lang siya ng tingin.

 

“Wait so bakit ka naman ime-message ni Karina? Yie… Sulutera era mo na, beh!” Sabat ng isa pang walang dulot na si Ryujin.

 

Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko at gumulong-gulong sa sahig namin. Ang dami-dami nilang tanong. “About sa ticket. Kasi siya ‘yung topic ko sa 101 ‘di ba? Kailangan kong mapanood ng live ‘yung game. Kailangan ko siyang ma-observe don,” I explained. Feeling ko hindi naman nila mage-gets. “Ah basta! Maliligo na ‘ko!”

 

Aba’t pinigilan akong tumayo! “Oh tapos anong nangyari? Ba’t pag-uwi mo kahapon simangot na simangot ka? Ikwento mo na kasi, dali!”

 

Wala akong takas sa mga ‘to! “Eh kasi! Napakasungit niya! Ang moody-moody! Minsan friendly, minsan ang taray. Binitchesa ba naman ako kahapon!” Hay nako, bumabalik nanaman ang inis ko. Kailangan niya ba talagang sabihin ‘yon? As a sensitive girl, nanikip ang dibdib ko. Joke.

 

“Baka naman kasalanan mo,” pamimintang ni Mark.

 

Medyo tumiklop ako. “Well… Tinanong ko kasi siya about kay Minju.”

 

“Tsk tsk tsk.” Nakakainis na expression ni Ryujin. “Deserve mo palang masungitan. Kakagaling lang sa breakup nung tao! Tsaka akala ko ba may agreement kayong hindi dapat pag-usapan si Minju? Tama si Mark, kasalanan mo nga.”

 

Okay, kasalanan ko nga. Na-gaslight nila ako. Nagtagumpay sila. “Kasi… Akala ko friendly-friendly kami that time, okay? Pero oo, parang ako nga ang may kasalanan.” Magso-sorry ba ako? I-text ko kaya? Agh, ano ba naman ‘yan. Kaakibat pala ng pagpili ko sa kanya as my topic ay itong stress na inaabot ko—sa kanya, sa friends ko, at sa sarili ko.

 

“Wait…” Napa-isip ako. Parang may mali. “Pa’no niyo nalaman na break na?” Sa pagkakaalam ko, hindi naman nila kinonfirm publicly. Ako nga lang yata ang may alam dahil sa pakikinig ko sa usapan nila sa banyo.

 

“Gaga, chinika mo nung lasing ka.” Okay? Hala! Bakit ko ginawa ‘yon? At bakit ko naman babanggitin si Karina during my intoxicated moment? “Bukambibig mo si Karina. Crush mo ‘no? Aminin mo. Wushu!” Ingay ni Ryujin.

 

Crush? As if! “Tumigil nga kayo. Maliligo na ako,” pagalit kong sambit. Kinuha ko na ang towel at lumabas ng kwarto para maligo. Hindi na nila ako pinigilan pero sigaw pa rin sila nang sigaw about sa pagkagusto ko raw kay Karina.

 

Never in a million years! Maganda siya, pero hindi ko type ‘yung mga kagaya niyang matataray. Ayoko sa mga parang araw-araw ay nireregla.

 

Agh, ano ba! Ayoko nang isipin nang isipin si Karina at napakarami kong kailangang unahin bago ang pamomroblema sa kanya, sa ugali niya, at kung paano magiging perfect ang feature writing ko. Napag-iiwanan na ang iba kong subjects dahil dito. Number one personality ko na talaga siguro ang pagiging mabilis ma-distract.

 

Umayos ka, Winter. Si Ningning na lang ang isipin mo. Joke! Bawal din. Pag naiisip ko kasi siya, nai-imagine ko kung ano ang naganap sa hotel room namin that night… Hindi ako makakapag-focus sa ibang bagay kung ‘yon ang iisipin ko.

 

Kaya pagkatapos kong maligo, nag-ayos ako kaagad ng sarili para hindi ma-late sa first class. Hindi ko rin chineck ang accounts ni Karina for updates. Yup, I am a changed gay.

 

“Pasok na ‘ko guys! Una na ako sa inyo!” Cheerful akong nagpaalam. Hindi ko na hinintay na sumagot sila at lumabas na ako ng apartment. I feel energized all of a sudden! Motivated ako na bumawi sa iba kong subjects today. Walang distractions! Walang epal. Walang Karina!

 

“Winter.”

 

Wow naman, ang galing talaga ni Lord tsumempo. Paglabas ko ng gate, nandito si star player. “Uhh, bakit ka nandito?” Taka kong tanong. Wala ba talaga siyang ibang magawa sa buhay? Is she stalking me now? Hala, ang feelingera.

 

She only shrugged. “‘Wag kang feeling diyan, napadaan lang ako kasi I slept over at a friend’s apartment.” Tinuro niya ‘yung tabi naming apartment complex. “I knew your place looked familiar and I saw you coming out kaya I waited,” she explained without losing her eye contact sa akin. Napalunok ako sa tinginan niya.

 

“Dami naman reasons,” hindi ko napigilang sabihin. Nanalo nanaman ang mga boses sa utak ko. “Ay. I mean, okay…” Magsasabay ba kami? Maghihiwalay ng landas? O ano ba? Ang awkward at para na kaming tanga dito sa daan.

 

“Sabay na tayo,” she offered. “Mag-trike din ako papunta sa school.”

 

Okay? Waaaah! Ano ba! Kung kailan naman motivated ako na mag-focus lang sa acads at ‘wag intindihin ang mga external factors sa buhay ko, talagang matetsempuhan na magsasabay pa kami ni Karina na pumasok sa school. Laro talaga ang buhay at ako ang main character ni Lord.  

 

“Hindi ka nag-reply sa message ko kahapon,” panimula niya nang mag-umpisa na kaming maglakad papunta sa kanto. ‘Yung ba ‘yung nag-sorry siya?

 

Okay…? Anong sasabihin ko? Anong sasabihin ko?! “Ahm, nahihiya kasi ako. I shouldn’t have asked you about… that. And you certainly didn’t have to apologize. It was my fault to begin with.”

 

Tinignan niya ako, patawa-tawa. “Englishera ka pala, Winter.” Agh! Ano namang konek non sa sinabi ko?! “Anyway, gusto ko pa rin mag-sorry. Medyo harsh yata ako and I realized it agad after ko rin sabihin. Kaya accept my apology na lang sana. ‘Wag nang mag-inarte, okay?”

 

Natawa ako sa pananalita niya. Ganito ba talaga siya?! Ang funny na ewan. “Okay, sige. Pero ano, sorry din. Tanggapin mo rin sana.”

 

Nag-thumbs up lang siya in response at hindi na kami nag-imikan pang muli. At least nabawasan ang awkwardness kahit papano. Ako na ang nag-break ng silence habang naghihintay kami ng masasakyan. “Ano, thank you pala dun sa pagsundo sakin. Hindi yata kita napasalamatan nang ayos.”

 

“Wala ‘yon. Like I said, I was around the area lang and you sounded troubled,” sincere niyang sabi. “Tsaka para mas madagdagan utang na loob mo sakin,” pahabol niya naman agad. Ano ba ‘to! Hindi pwedeng walang kalokohang kasunod.

 

“Bakit naman kailangan kong magka-utang na loob sayo?” Mataray kong bawi. Ang tagal naman na may dumaan na tricycle!

 

Narinig ko nanaman ang tawa niya. “So you’d keep talking to me.”

 

Huh?

 

“It’s hard talking to people these days kahit friends mo pa,” she continued. I can hear the sadness in her voice. Napatingin ako sa kanya at hindi napigilan na bigyan siya ng tingin na may halong simpatya. “You don’t have to feel bad about me. Tse. I’m just saying. I don’t know why, but you’re light to talk with, alright?”

 

“I don’t feel bad about you ha! ‘Wag kang asyumera,” I said defensively. Uy, light to talk with daw ako. Gusto ko ‘yung mga ganong klaseng compliments.

 

“Also, the interview thing that we’re doing… It’s kind of refreshing. It seems like these days kasi, all the people that I know are asking about her. Na parang naaawa sila na ewan. Kapagod,” she chuckled sadly at umiling.

 

Ahh… Baka kaya ganon na lang ‘yung reaction niya nung nagtanong ako about Minju. Mas nakonsensya tuloy ako! Binalikan ko ‘yung sinabi niya na refreshing daw ‘yung interview thing namin. Mabuti naman. I’m glad it helps her kahit pa we don’t know each other personally.

 

Minsan kasi talaga, ‘yung mga tao pa sa paligid mo ‘yung nakakadagdag ng problema imbis na makatulong. I feel a bit sad for Karina dahil mukhang hindi maganda ang support system niya to the point na she finds solace in opening up sa akin, na kung tutuusin ay isang stranger lang sa buhay niya.

 

“Sorry sayo ko dina-dump. Baka isipin mo weird ako,” she laughed quietly. “Pero ayon, sorry ulit for lashing out.”

 

Tinignan ko lang siya habang nakatingin siya sa malayo. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na maganda talaga si Karina, pero ngayon ko lang na-appreciate nang sobra ‘yung ganda niya. Her profile is incredibly gorgeous. Nakakahimatay.

 

“Okay lang, Karina.” Dahil para sa akin, no one should apologize for being vulnerable and for wanting to vent out your feelings. Hindi ko siya kilala, pero willing akong makinig kung may gusto siyang sabihin.

 

Kung tutuusin, pabor sa akin na kumportableng magsabi si Karina ng mga bagay-bagay. It would help me get to know her better para sa article, but at this point, hindi ko muna iniisip ‘yon. I’ve been in that situation kaya alam kong mahirap ‘yung pinagdadaanan niya. With or without the article, I find myself wanting to protect her.

 

Wow, protect talaga? Ano ako, si Dao Ming Si?

 

She looked back at me and we smiled at each other. Ang soft masyado ng moment, parang may mali! Hahayaan ko na lang muna, ngayon lang naman. Mamaya-maya babarahin na ulit ako nito panigurado.

 

Matapos ang ilang minuto ay nakasakay na rin kami sa tricycle. Sa likod ng driver kami napaupo dahil naunahan kami sa pwesto sa loob. Ako sa dulo, si Karina naman sa kanan ko. Ang sikip… damang-dama ko ‘yung tagiliran niya. At dahil nakahawak ang kamay niya sa may handle, damang-dama ko rin ‘yung ano niya…

 

Waaaah!

 

Mabuti’t mabilis lang ang byahe. Dali-dali akong bumaba para magbayad. Ibinayad ko na rin si Karina dahil may utang pa ako sa kanya. “Okay na ‘yung bayad. Ako na.”

 

“Dapat lang. May utang ka pa.”

 

Oh ‘di ba?! Nambara agad!

 

Maraming estudyante sa paligid namin kaya agad kong napansin ‘yung mga tingin nila sa aming dalawa ni Karina. Siguro ay hindi sila sanay na may ibang kasabay bukod kay Minju ang paborito nilang volleyball player. Nagtataka rin siguro kung sino ako.

 

“Ahm, sige na. Ingat,” nahihiya kong sabi. Gusto ko nang umalis agad at ayokong pinagtitinginan.

 

Nauna ako sa kanyang maglakad dahil male-late na rin ako. “Wait, Winter!” Natigil ako dahil sa pagsigaw niya ng pangalan ko. Nagtinginan nanaman ang schoolmates naming. Bakit, sila ba si Winter? “Ito pala ‘yung ticket for tomorrow. Sa Pasig pa ‘yung game, but hopefully you can make it.”

 

“Okay, sige.” Kinuha ko ‘yung ticket. “Magkano pala?”

 

Ngumisi siya, “It’s on me ulit. Nadagdagan nanaman utang na loob mo sakin.” She jokingly winked at me bago umalis. Hindi ko napigilan ang mukha ko na mag-init. Ano ‘yun?! Dati sa screen ko lang siya nakikitang kumidat, ngayon direkta na sa akin? Waaaah!

 

Karina, fan na fan mo ako!

 

Umayos ako ng tindig at naglakad na ulit papasok ng campus. Hindi ko na lang pinansin ‘yung mga nakaw na tingin ng ibang estudyante. Bakit? Bawal na bang may makasabay na volleyball player ngayon? Bawal na bang makatanggap ng kindat ngayon? Eh ‘di idemanda nila ako!

 

Hala, si OA.

 

 

 

***

 

 

 

First time kong manonood ng volleyball game na live sa mismong venue. Ibang-iba pala sa livestream o TV dahil hindi rinig dito ‘yung announcers. Nangingibabaw lang ang sigawan ng fans ng bawat team.

 

“Miss bili kang chips? Hotdog? Tubig?” Alok sakin nung tindero. “Matagal ‘yang game, magugutom ka mamaya.” Hay nako, Kuya. Kumain ako bago umalis ng bahay dahil alam ko kung gaano kamahal ang tinda dito. Naabisuhan ako ni Karina, alam niya sigurong kuripot ako.

 

“Hindi po, thank you,” I politely declined.

 

“May pambili ng ticket, walang pambili ng sitsirya,” bulong nung tindero at padabog pa siyang lumagpas sa akin. Attitude?! Hay nako.

 

Relax, Winter. Hindi mo siya kailangang sagutin. Breathe in, breathe out. Bawal ma-stress! At isa pa, hindi ko naman binili ang ticket dito! Binigay lang sa akin ni Karina… Pambawi siguro sa pagsusungit niya nung nakaraan. Sort of peace offering.

 

Babawi na lang din ako mamaya. Pumayag kasi siyang magpa-interview after ng game. Hindi pa ako sure kung sa café ba ulit or dito na lang sa venue pero nag-withdraw na rin ako kanina para prepared sa cash. Mahirap na, baka madagdagan pa ulit ang utang na loob ko sa kanya katulad ng sinasabi niya kahapon.

 

“Who would’ve thought na dito pa ulit kita makikita?”

 

Tiningala ko ‘yung babaeng nagsalita. Oh my gulay! Si Ningning. Agad akong namula dahil naalala ko ‘yung kiss namin sa club. Actually, ang dami kong naalala bigla. Bakit naman dito ko pa siya kailangan makita kung kailan kailangan kong mag-focus?!

 

“H-Hello. Bakit ka nandito?” Natatangang tanong ko.

 

Umupo siya sa tabi ko, sipping her Coke Zero. “My sister is playing,” tinuro ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy 2024!

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
👨‍🦯
green99 #2
Chapter 9: ackkk, kakilig sila, KimZhou 🥺
ryujinie__
699 streak #3
Chapter 8: IMY
iilwueee
#4
Chapter 9: KIMZHOU NA KIMZHOU NAAAA MASYADO NA AKONG INVESTED DI KO NA KAYA PLS.
dahyuntozakis
#5
Chapter 9: masyado na akong kinikilig sa kanila NAKAKAKABA
yurieldrafts
#6
Chapter 9: AUTHOR PLEASE SILA NALANG ENDGAME HUHUHU THEIR FICS ARE SOO RARE IKAW PALANG NAKITA KO MLNA HINDI ENGLISH/INDO SKSKS IAALAY KO SAYO BUONG ANGKAN KO PLS KIMZHUO ENDGAME 😞😞😭😭💙💙
ohseobbang #7
Chapter 9: pag di end game kimzhou dito, itatagay ko na lang
Wanjected #8
Chapter 9: grabe naman yung flirting game nila, ibang level phew
Crossmaltese
#9
Chapter 9: Chapter 9: Mga pa demure patong kala mo di nagmomol on their first meeting ah hahahah pero hoy breaking news, isang winrina shipper natagpuang keleg na keleg sa part 7 and 8 specifically sa ganap nila winterXning. Like? Naghanap ng winrina fic tas naging sumakabilang troop real quick. Hellow di na to tama ako na yung e wewelcome sa welcome home cheater😬 Grabe yung keleg ko legit. hindi ko to enekspek gagi eto na ba yung secondlead syndrome😮‍💨 iiyaq cguro ako sa time na ma bo-brokent na si Ning😔 WINTER CHOOSE HER PICK HERRR🗣️

Sincerely,
Me si OA na na lost na sa OG ship and plot
wi__in #10
kimzhou!!