Chapter 4

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

"Ba saan mo gusto? sa tangke ng tubig o sa clubhouse?"

 

"Pero natutulog yung baby natin sa clubhouse. Kakapahiga ko lang sakanya sa kama."

 

"Anong natutulog maniwala ka dun, may schoolwork pa yun na 'di tapos kaya pinilit nanaman niya yung sarili niyang matulog." 

 

"Sa tangke nalang Bubu para hintayin natin yung sunset habang nagbabasa."

 

"Sige sige ihanda ko muna yung banig kukuha din ako ng drinks tsaka snacks natin."

 

"Isama din natin siya. Latagan mo nalang siya ng higaan dun sa tuktok."

 

"Hahahaha ayaw talagang gumising basta gawaan ng schoolworks eh noh? Wag nalang natin pagawin si Lucila hayaan mo na Sabado naman eh, sa Lunes nalang yun."

 

[static sound]

 

[static sound]

 

[static sound]

 

[static sound]

 

[static sound] "Hello?"

 

[static sound] "Mama tawag niyo po ako?"

 

"O kita mo na Baba? nag raradyo na. Mabilis pa sa alas kwatro nagising kaagad."

 

"Hahahahahaha ang lakas ng pandinig. Dalian mo na Bubu gusto ko na ituloy yun!"

 

"Oo na relax. Saglit lang. Tangina lagot talaga ako kay Cheche nito."

 

 

 

 

 

 

Cassie's POV

 

March 20, 2023 Friday 8:00pm

 

Kakatapos ko lang mag laundry at maglinis dito sa garahe. Naisipan ko na ngayon nalang gawin dahil maaga ako nakauwi kanina, half day yung pasok ng mga students kaya before three in the afternoon nakauwi na din kami. Madami akong nagawa ngayon araw at nakapag grocery na din ako. My personal stuff tsaka yung mga basic necessities dito sa apartment.

 

 

Speaking of apartment, naninibago ako dito sa kasama ko. Huling kita ko kay Wyn ay nung madaling araw pa ng Lunes nung dumating siya galing Zambales and almost two weeks na ang nakalipas. Simula nun hindi ko na siya nakita pa dito kahit pa parehas lang naman kami na nandito sa loob ng bahay. Nung kami pa, madalas talaga na nauuna siyang umuwi sakin galing sa office kaya palagi ko siyang naaabutan dito sa baba na nagpplantsa, nanonood sa sala, naglilinis o kaya naman nagluluto sa kusina. Ngayon napapansin ko na palagi nalang siyang nagkukulong sa kwarto niya. Ayaw ko naman katukin dahil baka busy siya at isipin niya pa na nakikialam ako. Iniiwasan ko na baka mali ang intindi niya at baka sabihin na pinapaasa ko nanaman siya. Ito yung isa sa mga rules na ako din naman ang may gusto. After we broke up hindi ko na siya pinapansin kapag kinakausap niya ako, she's trying to reach out to me but I always choose to ignore her hanggang sa nasanay na siya. Pero ngayon, I can say that there's something different. Hindi ko alam kung bakit pero medyo nag aalala talaga ako.

 

 

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa sala at nagdadalawang isip kung kakatukin ko na ba siya sa taas. Naisip ko na imessage siya at ayain ko na sumabay mag dinner tutal may inuwi akong pagkain na tnake out ko kanina at meron din cake na binigay sa akin ni Nina, yung co-teacher ko. Nagkataon na yung favorite niya yung nabili ko kaya I'm sure papayag naman siguro siya kapag inaya ko.

 

 

Para sa ikatatahimik ng isip ko, bahala na. Lulunukin ko na ang pride ko at ako na ang mauunang makipagusap sakanya.

 

 

Tumakbo ako paakyat at nagpunta sa hallway katapat ng kwarto niya. I didn't hesitate at kumatok kagad ako sa pinto.

 

 

*knock knock*

 

*knock knock knock*

 

*knock knock*

 

*knock knock*

 

*knock*

 

 

Narinig ko na may gumagalaw sa loob at mukang binuksan na niya yung lock.

 

 

"Ano yun?" sumilip siya at yung ulo lang niya ang kita, halata na kakagising lang ni Wyn at mukang naistorbo ko yung pagtulog niya. "Sorry. Natutulog ka ba?"

 

 

"Anong kailangan mo?" tanong niya habang kinukusot yung mata at halata na inaantok pa.

 

 

"Ahh ano kasi, ipapaalala ko lang sana. Yung ilaw na ipapalit dun sa chandelier sa sala. Hindi pa din nakabit mag ttwo weeks na, mukang nakalimutan mo na ata."

 

 

"Yun ba? oo nga pala. Sige. Bababa nalang ako."

 

 

"Okay sig-"  *BLAG*

 

 

Sumara na yung pinto pero hindi pa din ako umaalis dito sa hallway. Masama ata yung pakiramdam niya. Ano ba Cassandra ngayon mo pa talaga inutusan palitan yung napunding ilaw kung kailan parang may sakit siya. Babawiin ko nalang dahil nakakahiya sakanya, naistorbo ko na nga yung pagtulog niya tapos inutusan ko pa kahit may sakit.

 

 

*knock* "Oh. Sorry." nanlaki yung mata ko nung biglang bumukas ulit yung pinto at lumabas siya. "Bakit nandito ka pa?" tanong niya sabay nagtungo na pababa sa hagdan. Naiwan ako dito sa hallway mag isa at parang gusto ko nalang magtago sa sobrang hiya.

 

 

 

 

Nakaupo ako dito sa sofa habang pinapanood ko si Wyn na binabasa yung nakasulat sa box nung light bulb. Inilabas na niya yung ilaw at inusog na yung coffee table sa gilid.

 

 

"Kailangan nung ladder." tumayo na siya mula sa sofa. "Where are you going?"

 

 

"Hihiram lang ako sa kabila." banggit niya kaya nag presenta din kagad ako. "Okay. Pero sasamahan nalang kita. Mabigat yun."

 

 

"Dyan ka na. Kaya ko na yun." lumabas kagad siya sa pinto at nagtungo na sa gate. Oh my god I'm so stupid, halata na wala siya sa mood pero ngayon ko pa talaga pinaayos 'tong ilaw dito sa baba. Dapat inaya ko nalang siya na kumain, pero biglang naduwag at nahiya naman ako magsabi kaya ginamit ko pang excuse yung ilaw. 

 

 

 

 

 

Lumabas din ako sa gate at inaabangan ko siya na makabalik. Mukang nagpunta si Wyn kila manong, yung unang townhouse unit dun sa pinaka dulo ng compound malapit sa main gate. Madalas dun kami nanghihiram ng ladder pati ng ibang tools kapag may kailangan kaming ayusin o gawin dito sa bahay.

 

 

Naaaninag ko na siya, buhat-buhat niya yung ladder na hiniram niya at pabalik na dito. Foldable ladder kaya hindi sobrang haba pero medyo mabigat.

 

 

"Hintayin mo ako dyan!" sigaw ko nung sinasalubong ko siya. "Hindi na dyan ka lang!" tumakbo ako papunta sakanya pero pinigilan niya ako.

 

 

May napansin ako habang pinapanood ko siya na naglalakad papunta dito. Hindi ko alam kung dahil ba medyo madilim yung dilaw na ilaw sa poste or parang namalikmata lang ako. In just a split second ang labo ng muka niya at hindi ko siya makita kaya napapikit ako at kinusot ko pa yung mata ko.

 

 

"Ito na." sinalubong ko siya. Binuksan ko yung malaking gate at tinulungan ko siya magbuhat. "Go ahead." Hinawakan ko kagad yung main door at pinauna ko siyang pumasok.

 

 

 

 

9:00pm

 

Inalis ko muna yung carpet before namin ipwesto yung ladder. Nilagay namin sa pinaka gitna ng sala dahil kailangan niyang umakyat para alisin at palitan yung napunding ilaw.

 

 

"Dito ako sa baba mo. Hahawakan ko nalang." tinabi niya yung slippers niya sabay lapag ng phone sa console table. Humawak na siya sa hagdan at aakyat na. "Wyn wait lang.I'll turn it off muna."

 

 

"Oo nga pala. Sige." bumaba ulit siya at tumakbo naman ako para pindutin yung switch ng ilaw. "Isuot mo to." inabot ko sakanya yung electrical gloves dahil baka mapaso siya. "Suot mo muna bago ka umakyat."

 

 

"Hindi ko na kailangan niyan." balik niya sakin sabay hawak sa hagdan.

 

 

"Baka kasi mapaso ka." pagpupumilit ko.

 

 

"Hindi yan." nagpatuloy na siya. Hinawakan ko siya sa likod at inalalayan ko nung umaakyat na siya. Hawak ko maigi yung ladder para hindi gumalaw dahil baka mahulog siya.

 

 

"Paki kuha to." inabot niya sakin yung bumbilya na inalis niya. "Saan na yung bago?" kinuha ko kagad yung nasa lamesa at binigay ko sakanya. Pinapanood ko nung iniikot niya at mukang patapos na din siya.

 

 

"Okay na ba?" tanong ko. "Hmm muka. Subukan mo nalang i-on." hinawakan ko ulit yung likod niya nung dahan dahan siyang bumababa at inabot ko yung kamay ko para alalayan siya. Hindi niya tinanggap at iniwasan niya. Parang wala siyang nakita at nagpatuloy lang sa pagbaba. "On mo na yung switch." utos niya. Nagpunta ako malapit sa main door at pinindot ko na yung switch ng ilaw.

 

 

"Yan. Maliwanag na ulit." matamlay na komento niya. "Balik ko na to." tinupi niya yung hagdan at binuhat niya kagad palabas. Madalian ko siyang sinundan at hinawakan ko yung kabilang dulo. "Samahan na kita." sambit ko. Hindi siya lumingon at nagpatuloy lang lumabas papunta sa driveway.

 

 

 

 

Naglalakad kami ngayon dito sa labas at walang kahit sino ang nagsasalita sa amin. Ayaw ko mag start ng conversation dahil alam ko na ma-wweirdohan siya sakin. Pansin ko pa naman na wala siya sa mood at napaka tamlay niya. Gustong gusto ko na siya kamustahin dahil muka siyang pagod kaso hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

 

 

Nung makapasok kami sa gate ni-lock ko na kagad. Dumiretso na din kami sa main door at binalik kagad ni Wyn yung carpet pati yung coffee table sa gitna. Pinatay na niya yung chandelier at yung isang corner light nalang sa sala yung iniwan niyang nakabukas.

 

 

"Okay na ba?" tanong niya sakin pagkakuha ng phone sa console.

 

 

"Yeah okay na. Thank you."

 

 

"Sige. Akyat na 'ko."

 

 

"Wyn sandali." pinigilan at nahatak ko siya ng mahina nung aalis na siya. This is the main point kung bakit ko siya tinawag gusto ko siya ay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass