Chapter 30

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Song for this chapter: Your Ex-Lover is Dead by Stars (https://open.spotify.com/track/43xk2HGO76L9CTsfmMO8Od?si=2c0cf531f0d34cc5 pls click on the link)

 

Sabado 2:30pm sa Kim's Rest House

 

Kanina pa kami tawang tawa ni Catalina dahil muka kaming tanga sa ginagawa namin. Sa sobrang badtrip niya dun sa isang character ng story na binabasa namin kailangan ko pa siyang libangin para wag na siyang mairita. Ito ang naisipan ko, tinuturuan ko siyang mag bike dito sa tapat ng rest house. Classic old school bike ang gamit namin dahil ito lang ang meron sa farm. Interesado siyang matuto kaya full support naman ako.

 

 

Pinagaaralan niya ang pagbabalanse. Pinapasubok ko sakanya kaso nga lang, kahit pa nakasakay siya sa bike nakakapit naman sakin kaya wala kaming napapala. Ilan minutes na din kaming ganito, nakaupo siya sa bike pero nakayakap at nakasandal sakin kaya parang buhat ko siya kaya siya umaandar. Natatakot na baka matumba kahit hindi naman talaga siya tinatablan.

 

 

"Baba yung tinuro ko sayo kanina diba kung pano mag balance?" inayos ko yung tayo ng bike at nilagay ko yung dalawang kamay niya sa manibela. Hawak ko pa din siya at hindi ko binibitawan. "Yung una mong gagawin, mag balance ka muna. Kukunin mo yung balanse mo, hindi mo pa kailangan magpedal kagad."

 

 

"Baka matumba ako."

 

 

"Hindi yan, kasi aalalayan kita. Dali na." hawak ko yung bike habang nagbabalanse siya. "Yung tinuro ko sayo kanina, wag ka mag pedal, pumadyak ka lang muna." Hawak ko yung likod ng upuan nung nagsimula na siyang umandar."Ituloy mo lang yung ganito pero dahan dahan lang para makuha mo yung balanse."

 

 

"Tama to Bubu? Sisipa ako gamit paa para umabante?"

 

 

"Siyempre, alangan namang kamay ang gagamitin mo sa pagpadyak. Sige Baba subukan mo, ipangpedal mo yan kamay mo tignan natin kung ano mangyayari sayo."

 

 

"Ano ba! Hahahaha niloloko mo nalang ako Minjeong."

 

 

"Hahahaha hindi na sige na, dali na, kailangan mo kasi matuto mag balanse. Dito lang ako sa tabi. Practice ka lang dyan."

 

 

"Hindi pa pwede pumedal?"

 

 

"Hindi pa kasi hindi ka pa nga nakakapag balance. Teka lang pala, hintayin mo ako dito." pumikit ako at nagteleport saglit pabalik sa bahay para kunin yung helmet na ginagamit ko sa skateboard.

 

 

Pagbalik ko sa kalsada, dala ko na yung helmet, kumuha din ako ng isang upuan at karga ko na yung baby kiti-kiti namin na kakagising lang. "Dito ka muna, bantayan natin si Mama." ipinwesto ko sa gilid ng kalsada yung upuan at pinaupo ko si Lucila. Mukang inaantok pa siya dahil hindi pa nagsasalita at medyo natutulala pa. Nung naayos ko na yung pwesto ni Lucila, binalikan ko na si Catalina. "Baba sandali lang, dito ka." tinali ko yung buhok niya at kinabitan ko siya ng helmet. "Gamit ka nito para hindi ka mauntog kapag sumemplang ka." bago ko siya iwan tinignan ko muna yung likod niya kung basa."Naiinitan ka ba dito sa labas, hindi ba nahihirapan yung mata mo sa liwanag? tirik na tirik yung araw."

 

 

"Hindi Bubu. Okay lang kasi sanay na sanay na ako, wala nang epekto sakin yan."

 

 

"Okay. Sige."

 

 

"Papadyak lang muna ako?"

 

 

"Oo. Yung tinuro ko sayo kanina. Tapos pag medyo nakukuha mo na yung balanse mo, tuturuan na kitang magpedal."

 

 

"Okay."

 

 

"Andar andar ka muna dyan. Galingan mo Baba ingat ka."hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya at kniss ko siya sa tip ng ilong pati sa lips bago ko binalikan si Lucila.

 

 

"Minjeon bakit nagbbike si Mama, kanino yan?"tanong nitong bata, napangiti ako dahil napaka intrimitida ng tono ng pananalita niya. Binuhat ko si Lucila at kinandong ko. Inayos ko din yung buhok niya na medyo nagulo dahil natulog siya dun sa kama namin ni Catalina."Marunong ba siyang magbike?"pagpapatuloy niya, dalawa na kami na nanonood dito sa tabi ng kalsada. "Minjeon bakit ganyan ang ginagawa niya? para lang siyang naglalakad habang nakaupo."

 

 

"Hahaha hindi siya marunong eh. Gusto daw kasi niyang matuto kaya ayan, kinuha ko muna yung isang bike dun sa farm."

 

 

"Pwede po ako sumama kay Mama?"

 

 

"Kapag marunong na siya, wag ngayon kasi baka dalawa kayo na sumemplang. Ako nalang ang mag aangkas sayo."

 

 

"Iaangkas mo po ako?"

 

 

"Oo naman kung gusto mo. Dapat pala dinala natin dito yung kotse mo na maliit noh? pwede ka magmaneho dito sa kalsada. Gusto mo ba kunin ko sa mansyon?"

 

 

"Gusto ko po sumakay sa bike!"gulat akong napatingin nung bigla siyang lumutang sa ere dahil sa sobrang pagka excited."Hahaha, napaka cute mo talaga. Lucila, halika nga yakap kita." idinikit ko yung pisngi ko sa pisngi niya na medyo malusog at niyayakap ko ng mahigpit itong baby kiti-kiti ko.

 

 

"Ang cute cute mo talaga at ang bango dahil amoy baby. Para akong may manyika na nagsasalita."

 

 

"Hahaha Minjeon ang muka ko mapipipi na ako!"

 

 

"Okay lang yun. Kapag napipi ka papahaningan ka nalang namin sa vulcanizing shop."

 

 

"Hahaha ayaw ko na!" pumipiglas siya pero tumatawa ng malakas. "Gusto ko pang ihug itong baby kiti-kiti ko. Hindi ako titigil hangga't hindi siya napipipi!"

 

 

"Minjeon hindi ako makahinga!"

 

 

"Ah talaga ba? teka, kagaya ko hindi ka naman tao ah?"

 

 

"Isusumbong kita kay Nana, sasabihin ko pinipipi mo ako!"

 

 

"Okay sabi ko nga tama na eh. Baka ako yung pipiin ni Nana mahirap na."

 

 

Tumatawa pa din siya habang yakap ko. Sobrang nakakatuwa at napaka cute nitong bata na to. Kung ano ano ang ginagawa kaya kahit kailan hindi kami naiinip sa mansyon dahil sakanya. Kapag nasa office ako palagi ko siyang nammiss at gusto kong umuuwi kagad para makasama ko sila ni Catalina.

 

 

"Ayos na ng upo. Tignan natin si Mama baka sumemplang na." Tinatatanaw ko si Catalina, umabot na siya sa dulo ng kalye at tuloy lang sa padyak. "Baba okay ka lang dyan?"kinausap ko siya gamit ang pagbulong.

 

 

"Bubu ang boring naman kung puro ganito lang ang gagawin ko!" tumayo ako para tignan siya. Medyo malayo siya samin ngayon kaya kailangan niyang sumigaw. "Ang boring ng ganito hindi pa ba ako magpepedal?!" Natawa ako dahil kahit pa nagrereklamo tuloy lang siya sa pagpadyak.

 

 

"Sige, balik ka na dito para pagpedal na ang ituturo ko sayo!"

 

 

"Sige!"

 

 

"Hahaha tignan mo siya."sinasalubong namin siya habang buhat ko si Lucila."Matapang at malakas si Mama Catalina pero bakit hindi marunong magbike, hahahaha."

 

 

"Hahahaha hala ka pinagtatawanan mo nanaman siya. Oo matangkad at sobrang malakas pero takot matumba sa bike. Kapag natuto siya sigurado palagi ka niyang iaangkas." nakaabot na si Catalina kung nasaan kami, ang cute niya tignan dahil ang laki ng smile habang pumapadyak pa din.

 

 

"Hello baby!" kniss niya si Lucila sa cheek nung tumigil siya sa tapat namin. "Bubu nakakangalay naman itong pinapagawa mo sakin tsaka ang boring."reklamo niya.

 

 

"Hahaha sorry. Magtiyaga ka ng konti ganun talaga eh, kailangan mo makuha yung balanse mo. Dito ka na muna."inalis ko yung helmet niya. Kinuha ko yung towel at pinunasan ko yung pawis sa leeg at malapit sa tenga."Gusto mo ba ng tubig?"

 

 

"Okay lang ako."

 

 

"Okay sige, tara, pedal na yung next. Pakita ko muna sayo kung pano."

 

 

 

 

6:30pm

 

Nakuha ko na yung kotse na maliit ni Lucila at yung isang duyan na inuupuan ko ngayon. Inabot na kami ng gabi dito sa kalsada. Binabantayan ko silang dalawa habang nagbbike si Catalina at nagddrive naman si Lucila. Mukang wala pa silang balak pumasok dahil nageenjoy pa.

 

 

Grabe yung mga pinagdaanan namin kanina nung tinuturuan ko siya. Ang sakit ng mga braso ko pati likod ko kakaalalay sakanya. Madaming beses ko din siyang kinarga at binuhat tuwing sumisemplang siya. Yung tumba niya hindi pang karaniwan dahil hindi naman tao si Catalina, kakaiba ang lakas ng katawan niya. Binabantayan ko siya mabuti dahil kapag matutumba siya, pwedeng tumama yung ulo niya at masisira yung kalsada. Nagkaron na ng lubak dun sa pinaka dulo nung unang bagsak niya at malaking parte ng talahib ang nakalbo nung dumausdos siya. Hindi siya marunong magpreno kaya grabe yung pagteleport na ginagawa ko tuwing dumidire-diretso siya sa mga damo. Para siyang asteroid na sumasadsad sa lupa.

 

 

Tuwing makikita ko na patumba na siya nagteteleport ako sabay yakap at buhat sakanya para hindi siya masaktan. Ilan beses kaming ganun, ang weird lang ng Baba ko dahil parang kinikilig pa talaga siya. Sinasabi niya na true love daw yun at napaka sweet ko daw na asawa. Oo nalang ako kahit pa halos ma-dislocate na yung mga braso kakabuhat ko sakanya.

 

 

"Baba, pasok na tayo bukas mo na ituloy yan."nakahiga ako dito sa duyan at pinapanood ko lang sila. Isang poste lang ang meron dito kaya sobrang dilim at kulay pula na din ang tingin ko sa paligid.

 

 

"Baba! Ba halika na bukas na yan."nagteleport ako kung nasaan sila. "Bukas naman ulit anong oras na."tuloy lang sila sa pag andar at hindi manlang lumingon."Catalina, tama na yan."

 

 

"Five minutes!!"

 

 

"Ikaw din Lucila, last ikot bumalik ka na dun! Papasok na tayo gabi na lowbatt na din yan kotse mo."

 

 

"Pie minish!"

 

 

"Anong pie minutes? dali na bumalik na kayo mag aalas siyete na Catalina magddinner pa tayo!"

 

 

Pinapanood ko sila na lumiliko. Nauuna si Lucila dahil naka kotse siya at todo bike naman tong isa.

 

 

Nung malapit na, kinuha ko na yung towel pati yung tubigan ni Catalina. "Halina kayo dito. Pasok na tayo." hinuli at binuhat ko itong bata."Tama na kakalaro pagod ka na."

 

 

"Minjeon pwede na po ako pumasok sa loob?"

 

 

"Oo sige mauna ka na wag nang lalabas ulit Lucila ha." hinintay ko siya na maglaho sa ere.

 

 

Andito na sa tapat ko si Catalina at bumaba na mula sa bike."Bukas naman ulit, napapagod ka na." inalis ko yung helmet na suot niya. "Talikod ka muna, tingala ka konti."pinunasan ko yung leeg pati yung likod niya gamit yung towel. Maalinsangan ngayon kaya pinagpapawisan kami kahit pa natural na malamig ang katawan namin. "Magpalit ka kagad ng damit pagpasok mo. Pawis ka."

 

 

"Bubu."nung humarap siya sakin na nakangiti. Gets ko na kagad kung ano ang gusto niya. Malakas ng emosyon ni Catalina kaya ramdam na ramdam ko siya.

 

 

"Oo sige. Gusto mo lumuwas tayo sa Manila o dito tayo bibili?"    "Hahaha thank you!"nakatanggap ako ng mahigpit na yakap at madaming halik mula kay Catalina. "Sa QC nalang tayo humanap ng bike. Iuwi nalang natin dito sa San Jorge, dalawin na din natin si Cheche."

 

 

"Thank you Minjeong."niyakap ko din siya pabalik pero lumayo kagad ako para pupunasan ko siya."Baba grabe yung pawis mo yung likod mo tignan mo."

 

 

"Thank you ulit. May bago nanaman akong pagkakaabalahan."

 

 

"You're welcome, naisip ko na gift ko yun sayo kasi ten months na tayong kasal tsaka malapit na yung monthsary natin."

 

 

"Thank you talaga. Wala akong masabi. I love you Minjeongie, sobrang na-appreciate kita."

 

 

"I love you too. Hindi mo naman kailangan magsabi ng kahit ano, gusto ko lang na happy ka Catalina."

 

 

 

 

 

Wynona's POV

 

2:40am Quezon City

 

Nakatayo ako dito sa hallway at hinihintay ko si Reese na nilolock yung pinto ng unit niya. Dadaanan nalang namin sila Nina sa lobby at aalis na kami. Eight hours yung biyahe pero depende pa sa traffic kung magiging sampung oras. Sasakay kami sa sasakyan ni Reese at siya din ang magddrive. Sila nalang daw muna ni Nina ang magpapalitan tapos sasabihan nalang nila ako.

 

 

"Let's go."aya sakin ni Reese. I held the elevator door for her, siya yung una kong pinapasok dahil napansin ko na madami siyang dala. "Wyn sure ka ba na okay lang, this is the least that I want to happen. Ayaw ko na maging uncomfortable ka sa trip natin, hindi ko kasi talaga alam na may balak pala sumama si Cass."

 

 

"Yeah okay lang, wala naman problema sakin. Tsaka okay naman kami, ang tagal na nung nangyari, nakakausap ko nga siya minsan sa chat. Tsaka nakapagusap na din kami, alam ni Nina yun."

 

 

"Alright. Sinisigurado ko lang kasi panggulat talaga eh. I didn't expect it, hindi din siya nagsabi sakin."

 

 

"Oo wala yun, wag mo nang problemahin. Baka din gusto niya talagang umalis, she probably wants to take a break kaya hayaan nalang natin."

 

 

"Okay, then we're good."   

 

 

"Yeah, uhh pero Reese, may sasabihin pala ako."

 

 

"Sige, ano yun Wyn?"

 

 

"Uhm naisip ko lang kasi, para wag na maging awkward, siguro wag nalang natin ipafeel kay Cass na alam mo yun, let's not make her feel uninvited. Kasi okay lang naman talaga."

 

 

"Yeah. Sige sige gets ko. Actually okay na din yan. At least mas madami tayo, mas enjoy. Grabe ang bait mo talaga noh?"

 

 

"Hahaha sira, dun lang ako sa tama."

 

 

 

 

Pagkalabas namin sa elevator pinuntahan kagad namin sila sa Lounge. Naabutan namin silang dalawa na naguusap."Hey there Nina,"I greeted her. Nagtayuan na sila at kinuha na yung mga bags nila. "Hi Wyn. Sorry na-late ako. Kanina ka pa ba?" nilapitan niya ako. "Mga before 2:00am. Sinadya ko talaga na pumunta ng maaga." tinignan ko yung nakaupo sa kabilang chair, nagkatinginan kami kaya nilapitan ko siya."Cass."tinapik ko ng mahina yung arm niya. "Hi Wyn."

 

 

"Tara na guys, anong oras na we have to go. Okay na ba kayo?" inaya na kami ni Reese dahil mag aalas tres na. Mukang handa naman na lahat dahil kami lang yung hinihintay nila.

 

 

"Let's go get the car. Baba na tayo sa basement."we left the lounge and we just followed. Sabay kaming naglalakad ni Cassie at nauuna naman sila Nina.

 

 

"Buti pinayagan ka sa school niyo?" I mentioned. Naguusap kami habang naghihintay ng elevator. Naalala ko kasi na hindi basta basta pwede sa school nila yung vacation leave."I called in sick, kaya pumayag naman kagad. Nagbago yung isip ko, I feel like joining you guys, para maiba lang. Nakakasawa kasi na ganun nalang ginagawa everyday, paulit-ulit."

 

 

"Okay lang yan, isang araw ka lang naman absent, tsaka wala naman pasok sa Monday."

 

 

"Yeah that's what I thought. Sayang din yung long weekend if I will stay in. Sorry na hindi ako nakapagsabi sainyo."

 

 

"Ayos lang yun."

 

 

 

 

4:00am 

 

SUV yung gamit na sasakyan ni Reese, siya ang nagddrive at si Nina ang papalit kaya siya ang nakaupo ngayon sa shotgun seat. Kaming dalawa naman ni Cassie ang nandito sa back seat. Nung una medyo awkward pero ngayon ayos lang at nagkkwentuhan lang kami.

 

 

Nagmessage ako kay Amy kanina para ipaalam sakanya na nakaalis na kami, I am also sending her updates para alam niya kung nasaan na. Naisip ko din na tawagan siya mamaya kapag gising na siya, I plan to tell her kung sino ang mga kasama ko ngayon at gusto ko na malaman niya na kasama namin si Cassie. I think it's the right thing to do because ayaw ko din na magtaka siya. Mahirap na kapag nalaman niya pa sa iba o makakakita siya ng random photos namin from this trip. Ayaw ko na maisip niya na hindi ako nagsasabi sakanya, lalo na paumpisa palang kami. I want to be honest as much as possible.

 

 

"Wyn."naramdaman ko na tinatapik ako ni Cassie."O?"

 

 

"You want? you can use it."she's offering me the pillow na dala niya. "I'm okay, meron na. Thanks." I showed her my neck pillow."Are you sleepy?"she asked. Napansin ko na hawak niya yung airpods niya.

 

 

"No, I'm good. Uminom kasi ako ng coffee kanina dun sa condo ni Reese kaya hindi ako inaantok ngayon. Ikaw? tulog ka muna."

 

 

"Maybe later. Hindi pa ako inaantok because I slept early last night."

 

 

"Ah okay, ako din. After I packed my stuff nakatulog na ako."

 

 

"You mentioned yesterday na sobrang hectic niyo ngayon sa work, why? Nagkasabay sabay nanaman ba yung deadlines niyo?"

 

 

"Oo, tsaka may sisimulan kasi na new project kaya madami kaming tinatapos. Although hindi pa sure kung kami pa din nila Yuna yung iaassign dun. Sana nga kami pa din tapos same marketing team, kasi parang nakakalungkot kung maghihi-"   "Wynona, bakit sabi hindi pa naman daw sure yan?" I leaned forward at sinilip ko yung nakaupo sa unahan. Medyo nagulat ako sa binanggit ni Nina at nagtaka ako kung bakit siya updated tungkol sa work namin."I'm sorry ano yun?" I asked again.

 

 

"Gela mentioned that there will be a new corporate project tapos baka kayo ulit yung magkakasama. Although she said na hindi pa talaga sure kung ililipat kayo dun. Kasi hindi pa naman daw natturnover yung isang tower niyo. Kapag daw nasa ninety percent na dun palang malalaman. Am I right?"

 

 

"Ah oo hindi pa naman daw sure, yung ninety percent hindi ko pa alam yan. Grabe Nina bakit mas updated ka pa kesa sakin?"

 

 

"Hahahaha katrabaho ka ba nila Wyn?" asar sakanya ni Reese. Nagtatawanan kami dahil ako mismo hindi ko alam yung ibang sinabi ni Nina."Baka katrabaho ka na pala nila hindi lang sila na-inform."

 

 

"Hahahaha stop it, nalaman ko lang, kasi nakwento niya."

 

 

"Tangina mas alam mo pa yung detalye kesa kay Wyn eh. Hahahaha"

 

 

"Hahahaha nakwento kasi sakin ni Gela yan one time."

 

 

"Kamusta na ba kayo ni Gela? close na close na ata kayo eh. Ikaw ba yung palagi niyang kausap sa phone?"

 

 

"Secret."

 

 

"For sure you're the reason kung bakit hindi ko na siya nakakausap during lunch time."

 

 

"No comment. I'll keep my mouth shut."

 

 

"Grabe Nina, dati nanggugulo pa yun sa cubicle namin tapos ngayon, she's just in her own bubble. Palaging may kausap. Kulang nalang idikit na namin sa ulo niya yung phone niya, ikaw yun noh?"

 

 

"Secret! Secret nga okay?"

 

 

"Secret eh minsan naririnig ko yung boses ng kausap niya ang lakas lakas sure ako na ikaw talaga yun."

 

 

"Hahahaha stop it na nga Wynona. I should've kept my mouth shut."

 

 

"O ayan kakasabat mo sakanila sa likod nahuli ka pa tuloy. Hahaha."

 

 

"Stop it Reese. Matutulog na nga lang ako."

 

 

Bumaling ako sa katabi ko, nakasmile siya at napatingin sakin. "Sobrang close na ba sila ni Gela?" bulong ko kay Cassie."Ayaw ko sa akin manggaling but yeah, close na sila."

 

 

"Hahaha sabi ko na eh. Kasi pansin ko na biglang naging preoccupied yung friend namin after nung umalis tayo."

 

 

"I think they click, same interests."

 

 

"Hahaha muka nga."

 

 

 

8:30am 

 

"Wyn, Wynona." nagising ako na may tumatapik at kumakalabit sakin. Nung makaayos ako ng upo, si Cassie pala. Sinilip ko yung labas, napansin ko na nakatigil kami sa isang parking lot."Asan na tayo?"kinuha ko yung phone ko. Nung tinignan ko yung oras, half past eight na pala ng umaga at nagmessage na sakin si Amy.

 

 

"Stop over daw muna, we'll have breakfast."

 

 

"Anong lugar to?"kaming dalawa lang pala yung andito sa sasakyan at nagpunta daw sa restroom sila Reese kaya nauna nang bumaba. "Saan to Cass?" chneck ko muna kung naka-lock nga ba yung pinto pagkababa namin sa sasakyan."We're in Nueva Ecija. Dyan daw tayo kakain." tinuro niya yung kubo. We stopped at a restaurant na puro halaman at may mga kubo. Napansin ko na wala kami sa highway.

 

 

"Good morning Wyn!" bati sakin ni Reese nung makasalubong namin sila ni Nina. "Okay lang ba sainyo,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass