Chapter 22

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Wynona's POV

 

Friday One Week Before the Art Exhibit

 

12:30pm 

 

Kakatapos ko lang pumunta sa pantry para mag refill ng tubig sa tumbler at banlawan yung baunan ko. I'm back to my normal routine, nagbabaon na ulit ako because I'm tired of eating greasy food sa canteen at ayaw ko din na araw araw kumain ng fast food. Mag isa lang ako dito sa cubicle namin waiting for the break to be over, nag lunch out kasi si Beomgyu and Yuna kaya nagpaiwan nalang ako. Wala din si Gela nung Monday pa. May inoorganize na event sa main office yung marketing namin kaya hindi siya magrereport to work dito sa site for the whole week. Niloloko ko siya nung magksama kami kagabi, I told her na mas nagiging productive kami nila Yuna kapag wala siya dahil walang nakikipagdaldalan samin lalo kapag hapon na.

 

 

Eventhough the week has been very busy, masaya and fulfilling naman kasi ang dami ko natapos na reports for next week meetings kaya hindi ganun ka-hectic. Kapag hindi ako busy at wala akong magawa sa bahay most of the time nakikitambay lang ako sa apartment ni Gela, nagpupunta kay ate Seulgi or minsan kausap ko sila Reese. Speaking of the couple, I got an unexpected invite from them last Sunday. It's an art curation and exhibit that will be held at an art gallery in Makati. Reese is so passionate pagdating sa work and craft niya, kahit nung college palang kami isa na to sa mga dreams niya. I am so happy that she is achieving her goals at nabibigyan na siya ng malaking break. Nung malaman ko na hindi lang pala art curation ang gagawin niya sa event sobrang saya and I felt proud because she is now curating her own art exhibit. Nung kakasabi palang nila sakin and nung nag send sila ng rsvp nag oo kagad ako. I didn't think twice because I know that this is a huge milestone for her. Nakakatuwa din na sobrang proud na proud sakanya si Yvonne. She is very supportive. Sila yung proof na parang ang saya sa pakiramdam kapag naaabot mo na yung dreams mo kasama yung partner mo. I am excited to see her works na pinaghirapan niya ng ilan taon, nagpromise ako sakanila na dadating ako sa araw na yun and most importantly, makakaasa sila na wala nang gulo.

 

 

 

1:00pm

 

"Hoy ano na nakapili ka na?"nagising at nagulat pa ako nung biglang may pumasok dito sa cubicle. Nakatulog ako kaya hindi ko namalayan na ala una na pala at tapos na ang lunch break. Nakabalik na din yung dalawa dito sa office. Inayos ko na yung mga gamit ko at binuksan ko na ulit yung computer. "Anong sabi mo Yuna?"

 

 

"Tinatanong ko kung nakapili ka na ba ng pupuntahan natin before the year ends."

 

 

"Ako lang ba magddecide dapat kayo din."

 

 

"Pili ka nga muna tapos lahat tayo magdedecide dapat before bumalik si Gela nakapili na tayo kung anong country."

 

 

"Gusto niyo ba may beach? Thailand na nga lang, Bangkok tapos punta tayo sa Phuket. Hoy sasama ka ha."paalala ko kay Beomgyu. Nung isang araw pa namin siya cnconvince ni Yuna na sumama sa binabalak namin na out of the country trip ngayon taon.

 

 

"Eh sino maiiwan dito?"

 

 

"Basta, si Gela na bahala magpaalam satin siya magiisip ng dahilan."

 

 

"Kung ganun tapos okay lang sa boss, oo sige sasama ako."

 

 

"Oo yan hindi naman tayo madalas mag leave. Yuna gusto niyo ba tayo magbbook kasi may kakilala ako yun yung business ng family nila. Travel agency nag aayos ng mga ganyan."

 

 

"Oh yeah of course pwede din, pwede ka magpa-quote and we can compare."

 

 

"Ah sige. Magandang idea yan para may basis tayo."

 

 

"I don't wanna get stressed when traveling and ayaw ko may iniintindi I'm sure si Gela din kaya I think we better consider getting a travel agency."

 

 

"Hahaha ang tamad niyo lang eh. Madali lang naman kapag tayo yung nag ayos nun."

 

 

"Let's see, and we'll have to decide with Gela. Hoy Wyn, what are you gonna ask me pala, dba nag message ka last night. Ano yung gusto mo itanong?"

 

 

"Ah yun ba, wala. O kaya mamaya nalang bago umuwi. Kwento ko sayo."

 

 

"About what ba?"

 

 

"Mamaya nga." Ito yung isa na gumugulo sa isip ko, hindi ko alam kung dapat ko bang itanong sakanila to pero kasi gusto ko lang makasigurado. Alam ko na ang babaw pero, ewan ko ba pagdating sa bagay na yun parang ang clueless at masyado akong mahiyain. Hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito. Madami naman na akong nakainteract na tao pero ngayon parang nagiging mahiyain ako na ewan.

 

 

 

 

4:30pm

 

Kakagaling ko lang sa isang tower na ininspect ko, biglang nagpatawag ng walk through yung client namin kaya napilitan akong umakyat. Hindi pa gumagana yung elevator ng building kaya walang choice kung hindi maghagdan. Pagkababa ko dito sa office dumiretso kagad ako sa restroom dahil pawis na pawis ako. Sobrang init pa naman ngayon hapon, buti nalang madalas akong nagdadala ng extra shirt dahil pumapasok ako ng naka bike. Sila Yuna kakabalik lang din dahil nanggaling din sila sa kabilang tower para mag inspect. Paglabas ko natawa pa kami pareho dahil nagkasalubong kami. Pansin ko na pawis na pawis din siya kaya nagmamadaling pumasok sa cr.

 

 

"Tangina ang init ngayon gago. August hindi naman summer pero grabe."

 

 

"Exactly. Tapos kayong dalawang tanga pumapasok dito sa office nakabike pa." nagkatinginan kami ni Beomgyu. Kahit anong klaseng init pa wala talaga kaming balak tumigil magbike papasok dahil ang saya lalo kapag umaga.

 

 

"Pag kayo na heat ."

 

 

"Try mo din kasi Yuna, tignan mo si Wyn mas mabilis pa nakakarating dito nung nagbbike na siya kasi iwas traffic."

 

 

"No way, delikado pag bike. I cannot do it. Hoy Wyn ano na yung itatanong mo?" tumayo ako at dinala ko yung tumbler para kumuha ng tubig sa pantry. Nakalimutan ko na may dapat nga pala akong itanong sakanya buti nalang pinaalala niya kasi Sabado na bukas at, basta bahala na nga. 

 

 

Nagpaalam muna ako para sumaglit sa pantry. Bigla ko naisip, next Saturday kailangan ko palang umuwi kagad from pottery class kasi aattend ako ng exhibit ni Reese kinagabihan nun. I am expecting na magiging interesting yung gabi na yun kasi puro arts and music. Although I have to remind and condition myself na dapat all positive at iwas commotion dahil puro kahihiyan na ang nadudulot ko sa friends ko. It's not the right place for that, nakakahiya. Tsaka alam ko naman na ayos na kahit pa magkita kami ni Cassie.

 

 

 

 

"Yuna."hinatak ko yung upuan ko para makalipat ako sa tabi niya. Tinanong ko din si Gela tungkol dito pero puro panggigisa, napaka daming tanong at pangaasar lang yung inabot ko.

 

 

"Yuna." tinapik ko ng mahina yung balikat niya. Tutok na tutok nanaman siya sa phone dahil nagtitingin nanaman siya sa tiktok shop ng mga random na gamit.

 

 

"O, what's up?"

 

 

"May tatanong nga sana ako." uminom muna ako sa tumbler at nilapag ko yung phone ko. "Go. Dalian mo na it's almost five."paalala sakin ni Yuna. "Uhm ano kasi, medyo random to."

 

 

"Okay. About what?"

 

 

"Gusto ko lang malaman kung sa tingin mo ba ano. Weird ba kung kunyari... May tao na kakakilala mo palang tapos," natigilan ako sa pagtatanong nung biglang umikot yung upuan ni Beomgyu para humarap samin. Ang lakas talaga ng pangdinig niya at mukang makikinig pa sa usapan."Bilis na." tinuro ulit ni Yuna yung orasan.

 

 

"Sorry. Uhh yun nga, tingin mo weird ba kung kakakilala mo palang sa isang tao, tapos once mo lang siya nakasama tapos ano,"

 

 

"Hahahaha puro ka tapos. Go straight to the point Wynona."

 

 

"Yun nga yung tanong ko kasi. Kung ikaw ba, kakakilala ko lang sayo tapos nakasama kita once ayos lang ba sayo yun kung iffollow ko yung socials mo the next time na magmeet tayo?"

 

 

"Yun ba, hindi naman weird. At least for me. Nakasama mo na eh so it's okay. Like following the person on instagram or X is fine."

 

 

"Sure ka? hindi ba parang ano yung dating?"

 

 

"Parang ano? You can even ask the person if okay lang sakanya the next time you meet. Like go and ask permission kung naka private account siya. At least you are being polite."

 

 

"You think so? hindi ba parang papansin?"

 

 

"Gaga bakit naman papansin? Actually you can even follow her the first time you've met her, although for me mas safe sakin the second time. Just because, alam mo yun. Mas na-establish niyo na magkakilala kayo and you are not strangers to each other."

 

 

"Naisip ko din yan. Pero should I ask permission or I'll just go and drop a follow nalang?"

 

 

"Hahahaha Wynona, alam mo nung pnost mo siya sa story mo dapat dun palang fnollow mo na kagad siya eh. Para din na-tag mo. Sinayang mo yung chance."

 

 

"Ang epal mo Beomgyu! Hindi naman kasi yun eh."

 

 

"Oh bakit ka guilty wala naman akong sinabi."

 

 

"Hahahaha wait, oh my god, mukhang gets ko na kagad kung sino yung pinaguusapan natin. Hahahaha tangina Wyn. Bakit nahihiya ka pa?"

 

 

"Parang gago naman hindi naman kasi to tungkol dun eh."

 

 

"Hahahaha sino ba dun sa dalawa? yung may color yung hair or yung isa na mukang demure tapos maganda?"

 

 

"Demure, hindi naman totally demure si Amy."

 

 

"Amy? Is that her name?"

 

 

"Oo. Pero hindi naman yan related sa tinatanong ko eh."

 

 

"You cannot lie to us Wyn halatang halata ka. Hahahaha, follow her na. Pwede na yan, nakasama mo na pala eh. You told me na classmates mo sila sa pottery class. Sila yung kasama mo last weekend dba?"

 

 

"Yeah."

 

 

"Ifollow mo na! Try it now, pakita nga ng page niya. Wait sino ba kasi dun yung gusto mo ifollow?"

 

 

"Na-follow ko na si Yena, yung pink yung hair kasi nakapublic yung ig niya. We went out after the session tapos hanggang gabi magkakasama kami."

 

 

"Sabi ko na nga ba, yung isang maganda yung pnproblema mo. Follow mo na wag kang maduwag. Wala naman mawawala. Hindi ka namin pinalaki para maging duwag Wynona." natawa at naepalan ako kay Beomgyu dahil sabat siya ng sabat. Halata din na excited siya sa pinaguusapan namin. Sigurado aasarin at hindi nanaman ako tatantanan nitong dalawang to hangga't hindi ko ginagawa.

 

 

"Kailan ba yung next pottery session mo?"

 

 

"Tomorrow morning hanggang 12pm."

 

 

"Ayieeee, follow mo na ngayon magkikita naman pala kayo bukas eh."

 

 

"Gago hindi ba parang ang akward kung ngayon ko iffollow tapos magkikita naman kami bukas, baka isipin niya that I'm lurking and hesitating na ifollow siya."

 

 

"Ay parang tanga ano ba tawag dyan sa ginagawa mo? dba naghehesitate ka nga. Wyn, iffollow mo lang naman wala naman masama noh. Not unless may iba kang intentions?"

 

 

"Wala nga ano ba yan. Out of curiousity lang naman to."

 

 

"Eh bakit hindi mo pa ifollow, bakit pnproblema mo pa yan kung hindi naman big deal?"

 

 

"Eh baka mamaya isipin niya na nagstalk ako sakanya."

 

 

"Why are you so worried of what she might think?"

 

 

"Huh? hindi naman sa ganun."

 

 

"Kakasabi mo lang."

 

 

"Hahahaha ano ba yan hindi nga. Ito na nga ba sinasabi ko eh, I shouldn't have asked you. Aasarin niyo lang ako."

 

 

"Follow mo na, wala naman mawawala tsaka classmates naman kayo dba? you even went out with them. Ilan beses pa ba yung sessions niyo sa pottery?"

 

 

"I think seven."

 

 

"Oh wow ang dami pa, why not make the most out of it. Kaibiganin mo sila. Okay nga yan kasi may mga naeencounter ka na ibang tao. Hindi ka na hanged-up dun sa ex mo na mukang may sarili nang buhay ngayon."

 

 

"Wag mo nga imention yan. I'm over that, ang tagal na nun kaya nakalimutan ko na yun. Anyway. Kailan ko nga iffollow?"

 

 

"What the hell, hahaha jusko Wynona. You can do it now, do it later, do it tomorrow pwede because it's the same. Walang kaso yan basta ifollow mo lang tapos hintayin mo na iaccept."

 

 

"Yuna, looks like someone is having a little crush."

 

 

"Shut up Beomgyu. Akin na nga I will do it now." kinuha ko yung phone ko and I searched for a name. This is nothing, I don't even know why I asked eh ang dali nga naman mag follow ng tao. We're not sixteen anymore, we're adults. Pero bakit ba ako nagkakaganito, parang gago.

 

 

"Wyn, question."

 

 

"What?"

 

 

"How do you even know her ig handle? hahahaha bakit ang dali mo tnype tsaka hanapin yung name niya?"

 

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass