Chapter 19

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Reese's POV

 

The four of us are now in my condo. Kakarating lang din ni Yvonne because we have decided to have an impromptu meet up. Well it's about Cass. Pagkatapos nung nangyaring gulo dun sa party two weeks ago, nagusap usap kaming tatlo nila Nina na kailangan na talaga namin siyang kausapin. We are not in the position para makialam sa relationship ng mga kaibigan namin but what happened this time is an exception. As her friends who truly care for her, it's our job to call her out and knock some sense into her head. Iniingatan lang namin siya at ayaw namin na kung sino sino yung mga tao na mag take advantage sakanya.

 

 

The night of the party was such a blur. Ang bilis ng mga pangyayari kaya sobrang surreal. Although may isang bagay na hindi mawala sa isip ko nung time na nagaaway sila Cass and Wynona. I thought I heard something pero hindi ko naman masigurado dahil nung tinanong ko yung girlfriend ko, she said na baka nagkamali lang daw ako ng rinig because a lot we're trying to say something that time. Madaming umawat at ang lakas ng sounds kaya sobrang ingay. I want to clarify it kaya din gusto kong makausap in person si Wyn. I honestly feel bad for the both of them, kilala namin sila as a couple na sobrang fun at chill lang pero ngayon, they are the complete opposite and I don't know kung magkakaayos pa ba sila. Nakakalungkot yung nangyayari.

 

 

 

12:30pm Quezon City

 

"Ano daw?" I asked Yvonne who is currently on a phone call with Wynona. Siya yung pinakausap ko para sure na papayag siyang makipagkita samin. Nakausap ko si Wyn, okay naman siya pero ayaw niyang magpakita after what happened. She kept apologizing to us at nahihiya daw siya kaya pati yung mga gamit na naiwan niya, andito pa din sakin. We had a sincere talk the other day and I had to assure her na wala lang yun. Kalimutan na dapat niya yung nangyari dun sa party, walang may gusto nun at naiintindihan naman namin sila. It was nice to hear from her, medyo naging at ease kami, dahil nakakapagbiro na ulit siya and she's doing okay.

 

 

Si Cass talaga yung friend namin since high school at naging kaclose lang namin si Wyn nung college through her. Hindi maiwasan, awang awa kami sa tao na yun. Kilala namin siya at alam namin kung pano niya itrato si Cass nung sila pa. Wynona is a good person, that's all I can say. Kaming mga friends ni Cass, mapapatunayan namin yun.

 

 

"Hon ano daw?" I was trying to lower my voice dahil baka marinig sa kabilang line. "Pumayag na?"

 

 

"Okay Wyn, you take care. See you. Bye"

 

 

"Is she gonna meet with us?"

 

 

"O ayan. Pumayag na siya. Saturday she is going to come here daw. She is willing to meet us up, kahit ikaw Cass." 

 

 

"O pumayag na siya. Baka naman biglang ikaw yung hindi magpakita Cassie." I told her. She has her arms crossed and sobrang stoic ng facial expression niya.

 

 

"Is that okay with you, Saturday? Kukunin ni Wyn yung phone niya dito, pati yung insurance documents na naiwan niya. You can sign it na din if you want."

 

 

"Atat na atat siya with that ing insurance as if naman may interest ako sa pera niya. Lamunin na niya yung pera niya kung gusto niya. Hindi naman ako nanghingi sakanya kahit kailan."

 

 

"Do you ing hear yourself sometimes?" nagulat ko nung magsalita bigla si Nina. "Serious question Cass, do you ing hear yourself? Naiisip mo pa ba yung mga sinasabi mo?" she sounds serious yet annoyed.

 

 

"What do you mean by that Nina?" 

 

 

"Hey take it easy guys." lumipat ako at tinabihan ko na si Nina sa couch. I can feel that there's tension building up between the two of them again. Even the night of the party, nagkasagutan din sila ni Cass when she got mad nung sinubukan namin hanapin si Wyn. Napagsabihan siya ni Nina kaya nag clash silang dalawa.

 

 

I notice na mukang mainit nanaman ang ulo ni Cassie and this is not good. "Anong ibig sabihin mo dyan sa sinasabi mo?"

 

 

"Wala naman. Naisip ko lang kasi. Sa tinagal tagal ng relationship niyo ni Wynona parang wala naman kaming narinig na ginawa niyang masama sayo other than pagsilbihan tsaka alagaan ka. I mean of course we don't know anything pero Cass minsan sumusobra ka na. The way you treat her grabe."

 

 

"Hindi mo alam kung anong nangyayari samin, you are not one to talk Nina." 

 

 

"Yes and I don't have to know everything. Pero sayo nga mismo nanggaling, kahit hiniwalayan mo yung tao she did not give up on you. Saan ka nakakita nun? siya na nga yung na-dump siya pa yung nag adjust para sayo. She secured everything bago siya mag move out para safe ka, binigay niya pa yung address tsaka mismong lock code ng apartment niya para lang makampante ka at hindi ka malungkot. Nakikipagkita pa din sayo so you will feel better. Tapos ngayon grabe yung ginagawa mo dun sa tao? Kung nasaktan ka niya kasi may nagawa siya well it's just normal na magalit ka and karapatan mo yun pero Cass yung ginagawa mo kasi sobra na. Parang wala manlang siyang nagawang tama dun sa tinagal tagal ng relationship niyo. Yung effort na ginagawa niya para lang makausap ka, alam mo nakakaawa eh."

 

 

"So ako pa yung may mali ngayon, kasalanan ko lahat to?"

 

 

"That's not the point. Sinasabi ko lang na itrato mo naman siya ng tama dahil may pinagsamahan din naman kayo, respect her."

 

 

"After what she's done, sasabihin mo sakin yan? parang ako pa yung mali?"

 

 

"May mali ka naman talaga eh. Tapos ngayon you want to talk to her? Why? Kasi natauhan ka na nagalit siya sayo nung Saturday tsaka sinabuyan ka niya ng wine. O hindi ba, nagulat ka? Never mo inexpect na magagawa yun sayo ni Wyn dahil nasanay ka na sunud sunuran lang siya sayo."

 

 

"Ano ba gusto mong palabasin? Can you please go straight to the point."

 

 

"Si Wyn na yung pinaka kalmadong tao na nakilala ko, hindi mo siya masisisi kung napuno na siya nung gabing yun. Hindi ko sinasabi na deserved mo yung nangyari pero umayos ka naman kasi. You don't even try to be civil."

 

 

"Who do you think you are para magcomment ng ganito tungkol samin? Don't judge me and my relationship kasi wala ka naman alam."

 

 

"Cass, you are my best friend. Sinasabi ko lang to, because ito yung totoong naffeel at nakikita ko. I am also saying this because I care for you. Ayaw ko din na baka in the future may mga bagay na pagsisisihan mo tapos hind mo na mababawi."

 

 

"Guys enough na please. Walang magandang madudulot kung puro kayo away."

 

 

"Cass ano ba yung nangyari nung nagkita kayo sa Kalayaan Ave? did you talk to her?" sumingit na ako sa usapan. I tried to divert the topic para mawala na yung tension between the two.

 

 

"I tried. I was asking her to come with me kasi nakita ko siya na nakaupo sa side walk."

 

 

"Around what time yun?"

 

 

"As I remember, past one in the morning. Pinipilit ko siyang sumama sakin kasi delikado dun sa lugar, madilim, walang tao tapos siya lang mag isa yung nandun."

 

 

"Bakit siya nasa side walk? Sumama ba siya sayo?"

 

 

"Nung tinawag ko siya, she just stared at me blankly. Hindi sumagot and she just stayed there. Nakaupo lang siya. I was talking to her pero parang walang naririnig. Hanggang sa may dumaan nang taxi, that's when she left."

 

 

"Oh god. Naiwan kasi niya yung phone niya dun sa condo and she mentioned that she didn't bring her car kaya siguro napilitan mag taxi."

 

 

"I was asking her to go with me pero hindi niya ako pinansin. Nakatulala lang siya dun and parang walang naririnig."

 

 

"What did you expect Cass? Did you expect Wynona na sasabay umuwi sayo nung gabing yun, like she'll agree that the three of you will be carpooling in your boyfriend's car? pwede mag isip ka naman."

 

 

"What do you want from me Nina? Ano ba gusto mong gawin ko?!"

 

 

"Nina, please. Tama na, wag na kayong mag away sabi." kinakalma ko siya dahil ayaw ko na pati silang dalawa magkasiraan pa. Nagkakainitan na silang mag best friend dahil sa mga nangyayari.

 

 

"Ano ba problema mo sakin? He is not even my boyfriend."

 

 

"Not your boyfriend exactly but you put up a show para ipamuka kay Wyn na may iba ka kahit alam mo sa sarili mo that you are annoyed and you hate that guy."

 

 

"You are taking Wynona's side? edi dun ka na sakanya. Magsama kayo."

 

 

"Ano ba, that's enough!!" nagulat ako at natiglan silang dalawa nung nagtaas na ng boses si Yvonne. "Hindi talaga kayo mapakiusapan?!"

 

 

"Stop this madness. Basta nag okay na nga siya di ba, she will come here on Saturday. I think it's better kung masettle niyo na lahat ng kailangan niyo Cassie. All of you are becoming so toxic and immature. Sana makapag usap kayo ng maayos, yung wala ng gulo. Hindi na tayo bata, act your age naman. Mahiya kayo!"

 

 

"I'm sorry."

 

 

"Sorry." Nina apologized and ganun din si Cass. Mukang kalmado na sila.

 

 

"Are you gonna be here on Saturday, huli na yun. I don't think magpapakita pa satin si Wynona after that." seryosong sabi ni Yvonne. Bihira siya magsalita ng ganito kaya sigurado titigil na tong dalawa.

 

 

"Yeah. We're gonna have to talk and I will also sign the documents."

 

 

"Okay, at least try to be civil. You guys are old enough, alam niyo na kung pano dapat ihandle yung mga ganyan. Stop being immature."

 

 

 

 

Wynona's POV

 

Friday 3:30pm QC

 

Kasama ko ngayon si Beomgyu sa pagaayos ng gulong ng bike, andito kami sa parking lot ng job site namin, katapat lang ng office. Tapos na yung mga meeting and wala naman scheduled inspection kaya wala na kaming ginagawa kung hindi maghintay na matapos yung oras. Pinapakita ko sakanya yung bagong gear na binili ko kaya lumabas kami dito. Parehas kami ng hobby na pinagkakaabalahan ngayon, fixed gear bikes. Pati siya nagbbike na din papasok dahil malapit lang din naman yung bahay niya dito at parang na-encourage daw siya tuwing nagkkwentuhan kami.

 

 

"Guys we are ordering coffee. Gusto niyo?" lumabas din dito si Gela kasama si Yuna. "We're getting drinks, ano sainyo?"

 

 

"Sige pasabay ako, ikaw Beom?"

 

 

"Oo ako din. Kayo nalang pumili sakin, sabihin niyo nalang kung magkano."

 

 

"Same nalang din sakin, kayo na bahala." pinapanood ko sila habang kinakausap yung messenger namin. Wala kasi yung boss ngayon at wala kaming deadline kaya medyo relaxed lang. Hinihintay nalang namin mag uwian at allowed naman kaming lumabas dito sa job site.

 

 

"Do you guys want snacks?" sigaw ni Gela. "Ah drinks lang. Thank you!" pagkatapos nilang iabot sa messenger yung pera, bumalik na sila ni Yuna dito sa gutter kung nasaan kami. "Hindi ba kayo hahanapin dun?"

 

 

"Wala naman ginagawa. Hey Wyn you promised sasamahan mo ako sa Sunday ha."

 

 

"Oo nga dba, maaga tayo aalis."

 

 

"Where are you going?" tanong ni Yuna. "We're going to Legazpi, gusto daw pumunta nito ni Gela dun sa market sa Makati kaya sasamahan ko siya. Maaga kami aalis."

 

 

"You wanna go with us Yuna?"

 

 

"No. I plan to stay at home and hindi ako sanay umaalis ng Sunday, tapos morning pa? no way. I prefer to stay in bed."

 

 

"Haha that's true, mas nakakatamad pag Sunday." komento ko.

 

 

"Bakit kasi Sunday, I can go with you guys kung Saturday sana. Sabado nalang Wyn."

 

 

"May lakad ako sa Saturday eh, hindi pwede."

 

 

"Yuna it's called Sunday market for a reason. Hindi din siya pwede nun."

 

 

"Hahaha oo nga naman. Where are you going ba Wyn?"

 

 

"Nasabi ko na kaya sayo yung tungkol dun kaninang lunch. I will go to Reese's condo, kukunin ko yung phone ko pati na din yung mga documents na naiwan ko."

 

 

"Oh no, is your ex going to be there?"

 

 

"Oo. Pumayag daw na pirmahan yung forms eh."

 

 

"Wyn baka naman mag part two kayo dun. Ang toxic nun, iwas ka nalang sa gulo. Ipalalamove mo nalang kaya?" comment ni Beomgyu na mukang tapos na dun sa inaayos niya sa gulong ng bike ko. "Okay ka na?" inabot niya sakin yung bike ko at agad ko naman sinubukan. "Mas sturdy na."

 

 

"Yeah. Wyn baka naman magka round two kayo ng ex mo sa Saturday."

 

 

"Hindi. Kukunin ko lang yung gamit na naiwan ko, lalo yung phone. Ngayon kung gusto niya makipagusap kakausapin ko, kung ayaw niya edi uuwi na kagad ako."

 

 

"Baka mag clash nanaman kayo."

 

 

"Uhm I already told Yvonne na makikipag usap lang ako kay Cassie kapag nakaharap sila. Ayaw ko na kaming dalawa lang because I am not comfortable being around her anymore. Ewan ko, para na siyang ibang tao. Hindi ko alam if this is the perfect term to describe it pero parang nag iwan ng trauma sakin yung gulo na nangyari dun sa party. I don't see her as someone na kinasama ko dati, basta iba na."

 

 

"I'm sorry about what happened to you Wyn. Hayaan mo, sabi sayo malalampasan mo din to." banggit ni Gela. Tumango nalang ako sakanya bago ko siya nginitian.

 

 

"Yeah, and we're here for you wag mong kakalimutan yun. Kaya mo yan, you will get through this."

 

 

"Thank you Yuna, thank you guys sobrang na-aappreciate ko."

 

 

"Okay na din yan, this time makakapag move on ka na and you will be able to focus on yourself."

 

 

"Yes, that's what I want,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast 0 points #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass