Chapter 12

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Saturday Times St. West Avenue

 

Nagising ako na nakayakap sakin si Cassie, pasado alas tres na kami nakatulog at sinamahan ko talaga siya kagabi para kahit pano gumaan ang loob niya at tumigil na sa kakaiyak. Naiintindihan ko kung ano yung nararamdaman niya ngayon pero hindi ko naman ginusto itong nangyayari samin. Kailangan na talaga namin gawin to para maayos na muna namin yung mga sarili namin at makawala na kami dahil sobrang toxic na.

 

 

 

10:00am

 

"Matulog ka lang." bulong ko sakanya. "Hmm?"

 

 

"Matulog ka pa sabi ko." mas yumakap siya sakin nung maingat akong bumabangon na sa kama. Bababa na ako, dahil nung tinignan ko yung oras alas diyes na pala ng umaga. Kailangan ko nang bumangon at magluluto pa ako ng breakfast. Wala kami masyadong gagawin ngayon kung hindi mag linis ng bahay at mag laundry.

 

 

"Matulog ka muna." niyayakap ko siya habang nakahiga kami sa kama. "Come here." aya niya sakin. Niyakap niya ako nung lumipat na ako sa ibabaw niya. Nakasiksik ngayon ang muka ko sa leeg niya habang hinahaplos niya yung likod pati ang ulo ko. Bnbrush niya ng dahan dahan yung mga daliri niya sa buhok ko.

 

 

"Matulog ka muna, magluluto lang ako ng breakfast, pero brunch na pala yun kasi alas diyes na."

 

 

"Mamaya na. Dito ka muna Wyn." umangat ako para tignan siya, napansin ko na nakapikit at halatang inaantok pa.

 

 

"Dito ka lang."paguulit niya sabay pulupot ng mga braso sa batok ko. Hinaplos ko yung pisngi niya at kniss ko siya sa labi. "Okay, ten minutes." bulong ko bago ko siya niyakap.

 

 

Pagkatapos ng ilan minuto, lumipat na ako ng pwesto. Umayos ako ng higa at inayos ko yung kumot niya, kaya ngayon magkaharap na kami.

 

 

Pinagmamasdan ko lang siya habang nakapikit. Ang bigat talaga sa loob na nangyari samin to, alam ko naman sa sarili ko na sobrang mahal na mahal ko pa din si Cassie, pero hindi kasi magiging maganda ang epekto sa amin kapag ipipilit pa. Uulit at uulit lang hanggang sa mauungkat nanaman yung nangyari nung gabi na hinawalayan niya ako. Dapat lang na ayusin muna namin ang sarili namin bago kami pumasok sa relasyon. Itong mga nakaraang buwan napaka toxic na, nakakapagod kaya mauubos ka talaga.

 

 

 

 

12:00pm

Ako ang nagluto ngayon, hindi ko na pinakilos si Cassie dahil alam ko naman na matamlay siya tsaka wala siyang gana. Kahit ano ang mangyari hindi ko na pwedeng baguhin ang desisyon ko. Bukod sa nakahanda na ang lahat dun sa bagong lilipatan ko, alam ko na yun ang makakabuti sa sarili ko at para sakanya.

 

 

Hindi ko pa nasabi sakanya na aalis ako sa susunod na buwan, sigurado na din yun at naka ready na lahat ng kailangan simula sa accommodation pati yung plane ticket. Ipapadala kami ng company para mag training sa Singapore. Nung una ayaw kong sumama dahil ang tagal ng tatlong buwan, pero pagkatapos ng mahabang paguusap, nakumbinsi din ako ni Gela. Si Gela, ang laking tulong niya sakin. Kung wala yung tao na yun malamang patay na ako ngayon at hindi ako nabigyan ng isa pang pagkakataon. Siya ang nagparealize sakin ng mga bagay bagay at siya din ang nang engganyo na kumausap ako ng shrink. Sabi ko ittry ko nalang kapag nakauwi na ako galing Singapore dahil bukod sa kapos na sa oras, hindi pa ako handa.

 

 

 

 

 

"Cass? Cass tara na." sinundo ko siya sa sala, naabutan ko siya na nakaupo at nagpphone. Hinanda ko muna yung dining table bago ko siya tawagin, sinabi ko na hintayin niya nalang akong mag prepare dahil wala siya sa mood magkikilos.

 

 

"What did you cook?" hinatak ko yung upuan at pinapwesto siya. "Ito may beef steak, sinangag. Ginawan din kita ng pancakes." pumwesto ko sa katapat na upuan at inabot ko sakanya yung rice. "Sa side ko ba ilalagay to?" tumango siya. Nilagyan ko ng syrup yung pancake niya. "Kain ka na."

 

 

"Kumain ka na din Mamo." mahinang banggit niya bago itulak papunta sakin yung ulam.

 

 

"Oo sige." balik ko.

 

 

"Gusto mo ng tubig?" tanong ko habang kumakain na kami. Kumuha ako ng baso at nilagyan ko kagad. "Kumain ka mabuti."

 

 

"Ganito ba yung pakiramdam Wyn?" napatingin ako sakanya. "Sorry, ano?" pinaulit ko dahil ang hina ng pagkakasabi niya kaya hindi ko masyado narinig. "Ganito ba yung naramdaman mo, the first weeks and months that I dumped you?"

 

 

"What?"

 

 

"Nung iniwan kita. Ganito din ba yung pakiramdam nun?"

 

 

"I'm sorry."

 

 

"No, it's okay I'm just asking. Wag mo sanang masamain because I just want to know. So?"

 

 

"Oo siguro."

 

 

"You're unsure?"

 

 

"No."

 

 

"Then tell me."

 

 

"Mas mahirap yun, lalo nung mga sumunod na linggo after nung gabing yun."

 

 

"Putol putol yung sagot mo. Bakit mas mahirap?"

 

 

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit?"

 

 

"Kaya nga kita tinatanong."

 

 

"Mahirap kasi nakakatakot ka, konting kibot ko lang nagagalit ka sakin. Hindi kita makausap ng maayos kasi umiinit kagad yung ulo mo. Ayaw mo kapag kinakausap kita o kapag nagkakasalubong tayo dito." nakita ko na tumango siya at nagpatuloy lang sa pagkain. "Wag na natin pagusapan. Tapos na yun." pagkumbinsi ko sakanya.

 

 

"Wyn."

 

 

"O?"

 

 

"Wala, sige kumain ka lang dyan."

 

 

"Ano nga, okay ka lang ba?" tumayo ako sa tabi niya at chneck ko kung mainit ba yung noo pati yung leeg. "Awat na kakaiyak Cass, baka kasi lagnatin ka."

 

 

"I'm okay, don't worry about me."

 

 

"Hindi ko naman maiwasan yun."

 

 

 

 

4:00pm

 

Bukas na yung alis ko dito sa apartment, hindi ko alam kung tama ba na iiwan ko nalang siya ng biglaan, tapos ganito yung kalagayan niya. Sure ako na isa din yun sa ikinakasama ng loob niya, hindi ko manlang siya nabigyan ng panahon na maghanda at sanayin yung sarili niya. Naisip ko din kasi na baka maudlot at magbago pa isip ko kapag pinatagal ko pa.

 

 

 

 

Andito ako sa kwarto kakatapos ko lang maligo at inaayos ko na yung ibang mga gamit ko. Ang dami namin ginawa kanina sa baba, naglinis kami, nag laundry nung mga damit pati yung mga takip ng sofa. Konti nalang yung sakin kaya matutuyo din naman bukas yun bago pa ako umalis. Andun ngayon si Cass sa sala, nakatambay siya dun at hinihintay ako dahil mag uusap kami. Nag message pa siya sakin at tinatanong kung pababa na daw ba ako.

 

 

"Mamo." tawag niya nung makita niya akong bumababa sa hagdan. "O nanonood ka pala?" nilapitan ko siya at naupo ako sa tabi niya. Umusog siya ng kaonti sabay niyakap ako. Hinatak ko din siya at pinasandal ko sakin bago ko niyakap pabalik. "Ang tagal mo naman magbihis." komento niya. Hinawakan niya yung buhok ko para tignan kung basa. "You should've used the hair dryer. It's there in the bathroom sa taas."

 

 

"Okay na to matutuyo din naman tsaka may inayos kasi ako sa kwarto. Hindi ka ba inaantok? wala ka nang gagawin ngayon." 

 

 

"No. I'm okay."

 

 

"Sabi mo maguusap tayo?" 

 

 

"Yeah, I just want to ask you something."

 

 

Nag agree ako sakanya nung tinanong niya ako kanina kung pwede daw ba kami mag usap, gusto ko sagutin if ever man na may mga itatanong siya sakin tungkol sa pag alis ko.

 

 

"Dito ka Cass." Umayos ako ng pwesto at pinasandal ko siya kaya ngayon medyo nakahiga siya sakin. Hindi namin pinatay yung series na pinapanood niya kahit pa maguusap kami. Nabanggit niya sakin to kanina nung inaayos namin yung mga pinagkainan, may mga gumugulo sa isip niya at madami siyang gustong malaman.

 

 

"I hope it's fine with you." seryoso yung pagkakasabi niya. "Sasagutin ko lahat, don't worry. Ayaw ko umalis dito o iwan ka na madami kang tanong." nag thank you siya sabay napatingin sakin. "Okay ka lang?" tanong ko. Tumango lang siya at nginitian ako.

 

 

"Mamo,"

 

 

"Hmm?" 

 

 

"Aalis ka na ba talaga bukas, anong time?"

 

 

"Oo. Mga lunch time. Bakit?"

 

 

"Nothing. Grabe ang bilis talaga ng oras noh, parang dati lang nagkikita tayo sa campus, sinusundo mo ako tapos minsan ako naman. Sabay tayo umuuwi, ihahatid mo ako or we go on dates after our classes. Tapos pag school break naman, nagmmeet tayo or sometimes out of town kasama friends natin."

 

 

"Friends mo. Yeah ang bilis ng panahon, parang napadaan lang. Sobrang saya pag naalala ko. We have a lot of good memories together."

 

 

"Dun sa five years, ano ba yung pinaka naging malaking problema natin or matinding away na naexperience natin?"

 

 

"Kung babalikan natin lahat, there are major and minor fights. Meron din mga mabababaw. Madami dami din which is normal pero yung away na naisipan natin maghiwalay? parang wala. Wala akong naalalang ganun. Pinaka matinding away na nga natin yung sa Bali yung unang travel natin na nagwwork na tayo, nung namali ako ng na-book na hotel kaya hindi tayo nakapag check in kagad."

 

 

"Haha I remember that one, we didn't speak for one day but the next day naging okay din lahat."

 

 

"That's one of our best vacations, nasa core memory ko yun."

 

 

"Do you think there's still a chance na maging tayo pa ulit, I mean hindi ngayon but pag tagal if ever we meet again?"

 

 

"Uhm I really don't know what will happen to us, pero hindi naman imposible mangyari yun. Malay mo, in time pag nagkita tayo kung saan or what and we're both available. Baka mabigyan ulit tayo ng chance."

 

 

"You know what Wyn, ibang iba ka na from the time we broke up. It's like you've become more aware of what you want and I can tell na tanggap mo na. You are firm with your decision."

 

 

"Hindi naman kasi basta basta to, it is a very hard process, snwerte lang ako."

 

 

"Swerte? you call that luck eh maghihiwalay na tayo. I don't understand you. Yung break up natin bakit parang there's more to it pa."

 

 

"Hindi naman sa ganun, and do not take it the wrong way. Sobrang dami kasing nangyari, specifically when you were away."

 

 

"When did you make up your mind about you moving out. Bakit ka biglang nag desisyon? you could've told me."

 

 

"I did pero hindi mo iniintindi. First we

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass