Chapter 24

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Saturday

 

Tinigil ko na yung sasakyan sa sidewalk na tinuro niya. Tinitignan ko yung labas, nagstop kami dito sa isang bahay na napakataas ng bakod. From the Creative Kiln Atelier, nag drive kami papunta dito sa Ayala Heights. Nagpresenta kasi ako na ihatid ko nalang si Amy sa bahay nila. Kakain dapat kami sa labas pero hindi ako pwede kaya nag offer nalang ako na ihatid siya. Hindi din naman siya pwede ma-late ng uwi mamayang gabi kaya hindi din siya makakasama sakin sa Makati. Tonight at eight yung event na pupuntahan ko and I still have time kasi alas tres palang naman ng hapon.

 

 

"Wynona, thanks for driving me. Sabi ko sayo wag nalang kasi baka ma-late ka pa."

 

 

"Okay lang, mamaya pa naman yun. Tsaka hindi naman sobrang layo ng house niyo,parang wala pang thirty minutes layo nito sa apartment ko."

 

 

"Thank you talaga, I appreciate it kahit nakakahiya kasi na-hassle kita."

 

 

"Ano ka ba okay nga lang. Don't worry about it."

 

 

"Uhm I know na nagmamadali ka na but, do you want something to drink? Kahit ipapalabas ko nalang dito or baunin mo nalang. Juice or water?"

 

 

"Uhm wag na, okay lang ako Amy and I also have water naman." Pinakita ko sakanya yung bottled water na dala ko dito sa sasakyan."Okay, sure ka ha."

 

 

"Yeah. Dito ka ba?"tinuro ko yung malaking gate katapat kung saan kami nakapark. "Yeah, this is where I live."

 

 

"Grabe ang laki naman ng house niyo. May tao ba dyan?"

 

 

"My mom is there inside, yung dad ko for sure wala pa. Yung sister ko I think nakauwi na, yung mga kasambahay lang namin."

 

 

"I see. Buti hindi ka naliligaw dyan?"

 

 

"Hahaha hindi pa naman. You wanna go inside ba, gusto mo ipakilala kita?"

 

 

"Wag na. Nakakahiya."

 

 

"Haha okay lang yan."

 

 

"Uhh next time nalang siguro."

 

 

"Next time? why will there be a next time?"

 

 

"Huh? ah wala malay mo lang magkasabay ulit tayo."medyo na-awkward ako sa nasabi ko. Kampante ako sakanya kaya minsan kung ano ano nalang ang nasasabi ko.

 

 

"So, I will see you next Saturday?"I asked while I'm checking my phone.

 

 

"Yeah, see you on the fourth session."

 

 

"Totoo?"

 

 

"Uhm haha yeah, why? we have a pottery class so magkikita talaga tayo. Nakalimutan mo na?"

 

 

"Ah. Oo nga haha sorry." napangiti ako nung nagkatinginan kami. Tangina ano nga ba naman 'tong mga pinagsasabi ko ngayon parang walang sense. Napansin ko na mukang nawweirdohan na ata siya.

 

 

"Ingat ka pagpasok sa gate."paalala ko.

 

 

"Hahaha but it's just a few steps."

 

 

"Pero kahit na, gusto mo ba ihatid pa kita para sure na safe kang makauwi? Do you want me to walk you to the gate?"

 

 

"Hahaha ano ka ba hindi na. I'll be fine you can even see the gate from here. Na-hassle na nga kita eh."

 

 

"Okay nga lang yun. I don't mind. Tsaka sabi ko naman sayo sanay akong nagpupunta dito kasi yung cousin ko she's from here lang din. Dun sa dulo, five blocks galing dito."

 

 

"If ever dadalaw ka sa cousin mo, let me know okay?"

 

 

"Yeah of course. Immeet mo ba ako pag nagpunta ako dito?"

 

 

"Hindi. Sinabi ko lang na let me know."

 

 

"Hahahaha you are weird and funny, para ka din si Yena kausap minsan."

 

 

"Hahaha I'm just playing with you. Let's meet up whenever you are here."

 

 

"Yeah sige ba. I'm glad that I got new friends na dito din nakatira. Sabihan talaga kita pag dinalaw ko yung cousin ko."

 

 

"Okay I'll count on that. Uhh Wynona sorry pero last na. Can you-"

 

 

"Oh, ano to?"

 

 

"Take it."

 

 

"Ah what do you want me to do?"nagtataka ako kasi bigla niyang binigay sakin yung phone niya. "Anong gagawin ko Amy?"nagaalangan akong magtanong sakanya, pero ang weird na biglang inabot niya sakin to.

 

 

"Take a selfie."

 

 

"Magsselfie ako? dito?"tinuro ko yung phone niya na hawak hawak ko at tumango siya.

 

 

"I want you to take a selfie using my phone."

 

 

"Seryoso? Oh my god Amy crush mo ba ako?"

 

 

"Hahaha no."

 

 

"No?hindi mo ako crush? ang straightforward mo naman masyado sa no."

 

 

"Hahahaha ano ba. Sige na take a selfie na."

 

 

"Ano? haha ang weird naman pero sige na nga." umayos na ako at tinapat ko sakin yung front camera ng phone niya. "Sigurado ka ba?"

 

 

"Yeah."

 

 

"Fine." tumingin ako sa camera at sinunod ko yung sinabi niya. I took a selfie, hindi lang once pero three times pa. Hindi ko alam kung anong gagawin niya dito pero pumayag nalang ako.

 

 

"O ito na."

 

 

"Wynona." seryoso siya na tinitignan yung pictures ko dun sa phone niya. Sa isip-isip ko parang ang weird naman nitong babae na to.

 

 

"Bakit Amy? panget ba, try ko ba ulit?"

 

 

"Wynona I'm just kidding. Hahahaha" nawala yung ngiti ko nung marinig ko yung sinabi niya. "I gave my phone kasi gusto ko kunin yung number mo. Niloloko lang kita pero nag selfie ka naman."bigla akong nahiya dahil andun na yung pagmumuka ko sa camera roll niya.Sabi ko na nga ba, mahilig siyang mangganito, ito yung isa sa mga napansin ko dun sa times na nakakasama ko sila ni Yena. May pagka makulit si Amy at mahilig siyang manggago tsaka mang trip. Siya yung makakapag patunay na looks can be deceiving. Muka siyang sobrang demure and sophisticated pero ang kulit niya tsaka nakakatawa. Hindi din siya boring kasama kasi ang saya niya kausap. Yung mga topics napaka random and sobrang spontaneous.

 

 

"Burahin mo nalang. Ikaw talaga parang ang hilig mo akong pagtripan."Tumatawa pa din siya habang binabalik ko na sakanya yung phone.  

 

 

"Why are you so gullible?"Tinignan niya pa ulit yung mga pictures ko at pinakita pa sakin. "Ang ganda mo."banggit niya kaya napatingin ako.

 

 

"Weh nanguuto nanaman. Ikaw, you're a bit mischievous and naughty alam mo ba yun?"

 

 

"Hahaha. I'm sorry. Here this time totoo na talaga, save your number."tinanggap ko yung phone niya nung binigay na niya ulit sakin."You really want to get my number?" ulit ko.

 

 

"Yeah, kung okay lang sayo."

 

 

"Bakit mo kinukuha? Alam mo Amy nakakahalata na talaga ako."

 

 

"Hahaha ang feelingera mo, I just want to have it. This is for the pottery class Wynona, do not flatter yourself too much."

 

 

"Hahaha kanina ka pa nananakit sa mga sinasabi mo ha. O sige na nga ito na." I immediately typed my number and snave ko na sa phone niya. "Here." I gave it back to her hanggang sa nagring bigla yung sakin. "I guess this is you calling?"I asked while I watch her doing something on her phone.

 

 

"You might as well save mine?"balik niya sakin at nakisilip pa sa phone ko.

 

 

"Yeah. Of course but before that." tinapik ko yung right shoulder niya at pinaayos ko ng upo. "Tingin ka sakin."utos ko.

 

 

"What, why?"

 

 

"Smile." hindi siya tumingin pero nakuhaan ko pa din siya ng picture na nakasmile. Parang candid shot at medyo nagblur pero ang ganda ng kinalabasan. Ang ganda niya.

 

 

"Here. Ang cute mo oh. Tignan mo."

 

 

"You really think I'm cute? For real?"

 

 

"Hindi, I just ran out of adjectives na sasabihin tsaka inuuto lang kita."

 

 

"Hahahaha you are epal, binabawian mo ba ako?"

 

 

"Oo ganun na nga, tsaka gusto ko din isave yung number mo." snave ko yung number niya with the photo. Tnype ko yung name niya as Minju Kim.

 

 

"Why are you saving my number?"

 

 

"The same reason you got mine probably?"

 

 

"Hahaha this is why I like hanging out with you. You can keep up with me. Hindi ka kj and hindi ka boring."

 

 

"Hahaha same. Anyway, I never go DND, just so you know." I informed her. Nakita ko na nag smile nanaman siya habang nakatutok sa phone. Grabe ang hinhin at ang cute talaga kaya halos matunaw nanaman ako.

 

 

"Haha alright, noted on that. Uhm sige na Wynona, oh my god nakakahiya. I have taken too much of your time baka ma-late ka na sa event na pupuntahan mo."

 

 

"Hahaha ayos lang." nawala din sa isip ko na ang tagal na nga pala namin nakapark dito sa labas. Para kasing bitin itong araw na to. Ewan ko din kung bakit parang ayaw ko pang umalis at gusto ko pang makipagkwentuhan sakanya.

 

 

"Nakakahiya kapag na-late ka dahil sakin."

 

 

"I don't mind. But sige, I will see you again on Saturday."

 

 

"Yeah, matutuloy na din yung lunch natin finally. Uhh sige I will go inside na. Please drive safe."

 

 

"I will, thanks Amy. Bye."

 

 

"Bye. You take care. Thanks again." inunlock ko na yung pinto at pinapanood ko siyang nagkalakad papunta sa gate. Hindi ako umalis kagad at hinintay ko talaga siya na makapasok sa loob. Tinignan ko yung oras, malapit na mag quarter to four kaya kailangan ko nang magmadali umuwi. Sana wag akong ma-stuck sa traffic at maabutan ko yung opening ng exhibit ni Reese. 

 

 

 

 

 

7:25pm Quezon City 

 

I'm on my way to Makati. I was just talking to Yvonne to check kung nasaan na sila. She said na papunta na sila ni Nina sa art gallery at nauna na dun si Reese. Mas gusto ko na sila yung mauna kaysa sakin para may kasama na kagad ako pagdating ko dun and I am not gonna feel out of place, nanaman.

 

 

I'm sure that I will be seeing familiar faces, pero tinatak ko na sa utak ko that I don't have to feel awkward anymore kahit pa alam ko na pwede nila akong mamukaan as that one friend of Yvonne na gumawa ng eksena sa birthday party niya last year. I plan to enjoy the night, tignan yung art works ni Reese at uminom nalang. I am not gonna care kahit sino pa yung makita ko dun ngayon gabi.

 

 

 

 

MODEKA Creative Space Makati

 

Alas otso yung opening pero nakarating ako dito sa art gallery five minutes bago mag nine. Hindi nga ako na-stuck sa traffic natagalan naman ako sa paghahanap dito sa venue. Hindi ko kagad nakita yung building kahit pa sinusundan ko na yung Waze. Nahirapan din ako kasi wala akong mapag paradahan, inabot ako ng thirty minutes para lang umikot at maghanap sa katabing building ng lugar kung saan pwede mag park. Halos lahat din ng puntahan ko puno na o kaya naman bawal kasi private. I am late for almost one hour, sayang lang kasi hindi ko na naabutan yung pinaka opening.

 

 

 

9:00pm 

 

Andito ako ngayon sa entrance na may mga nakaupong guard sa labas. The venue looks cool and amazing, it's a warehouse turned into an art gallery. Hindi naman sobrang laki but I can tell that it is spacious enough to hold this kind of event na madami dami yung tao.

 

 

Hindi pa din ako pumapasok, from here outside the main entrance, medyo nasisilip ko yung nangyayari sa loob. Napansin ko na ang daming tao na nakatayo at nakapalibot sa gitna, mukang meron yatang nagpeperform o nagsasalita. I can also see the bar, tapos sa ilalim nung parang second floor andun yung dj.

 

 

I was not able to talk to Yvonne and Nina, sinusubukan ko silang tawagan kanina pa pero mukang busy sila kaya pumasok na ako. While I pass through the crowd, pilit kong tinitignan kung ano yung nangyayari, tumitingin tingin din ako sa paligid para hanapin sila.

 

 

"How come they are not here. Where are you guys."I said to myself while I look for them in the crowd. Puro artsy at mga mukang hipster yung mga nandito ngayon. Some of them mga nakita ko na dati, tsaka yung iba na nandito sila din yung mga umattend dun sa birthday party ni Yvonne. Yung iba na mga nakatayo sa unahan I think ito yung mga kilalang artists na kaibigan ni Reese.

 

 

 

 

Habang nililibot ko ng tingin yung venue at patuloy ako sa paghahanap sa mga friends ko. Nakita ko na yung nagsasalita sa gitna, si Reese. She's explaining the title of her exhibit and the art piece located in the middle. Iba iba at madami yung mga nakadisplay. It's a variety of her works na ang tagal niyang pinagpapaguran. Ang ganda ng gawa niya, may mixed media, conceptual art, paintings, sculpture at madaming art installations. I cannot wait na makita isa-isa.

 

 

Gusto ko marinig yung mga ineexplain ni Reese kaya pasimple akong sumingit sa crowd para makapunta ako banda sa gitna, kung saan sila nakatayo. I also did not stop, I'm still trying to find my friends para naman hindi ako mag isa dito at may kausap ako.

 

 

Nung makaabot ako dun sa wall kung nasaan yung isang art installation at kung saan malapit nakatayo yung mga tao, I saw a familiar face. She is looking towards my direction kaya nagkatinginan kaming dalawa. Ilang metro lang ang layo niya sakin kaya there's no way out. Nakita na niya ako. She waved at me pero tumango nalang ako. Kasama ni Cass yung boyfriend niya pero wala naman sila Nina. Gusto ko na silang makita dahil magisa lang ako at ayaw ko yung ganitong feeling. Although, mas titiisin ko nalang mag libot mag isa dito sa exhibit kahit pa wala akong kausap kaysa naman iapproach ko si Cass at sakanya pa ako magtanong. That would be so awkward kaya hihintayin ko nalang na makita ko sila Nina.

 

 

 

 

Cassie's POV

 

I got surprised when I saw Wynona. I just turned to look at the crowd pero nagulat ako na nandito na siya. I cannot believe she's here, standing just a couple meters away from me. I'm happy that she acknowledged me when I waved at her and nagsmile ako sakanya. I assume na hindi naman siya nairita when she saw me.

 

 

 

9:20pm

 

I am secretly stealing glances I don't know why but I cannot keep myself from looking towards her direction. I notice na parang ang likot niya kasi. It seems like she is searching for someone kaya hindi siya mapakali at lingon siya ng lingon. I also notice na nagbago pala siya ng hairstyle, I never thought that mid length hair and ginger color would absolutely look good on her, she became prettier in this hairstyle I must say. Ang ganda niya, sobrang bagay sa face niya.

 

 

"Are you okay?" I asked, nung nagkatinginan ulit kami. I was just mouthing words since hindi naman niya ako maririnig. Hindi pa din siya tumitigil at may hinahanap siya. She is probably looking for our friends. Knowing Wynona, alam ko that her social anxiety is starting to kick in. When we go to parties before, ito yung isa sa mga ayaw niya. Yung naiiwan mag isa in a crowded party or event because she feels anxious and she tends to get awkward and shy. 

 

 

"Okay ka lang?" I asked again. She is just looking at me sabay iwas ng tingin. For sure Nina and Yvonne are busy right now kasi sila yung kumakausap kanina dun sa staff ni Reese pati na din sa manager nung bar. They are also assisting Reese dahil sobrang kabado siya nung kausap namin sila kanina.

 

 

 

 

10:25pm

 

We are just lounging and listening to music. Kakatapos lang mag perform nung band kanina and now there's a dj playing. One thing about Reese and Yvone they got the best social network, madami silang kilala. Ang daming tao and apparently, her first art exhibit is a huge success, ang ganda ng mga gawa niya. No wonder some big names from their industry are here and meron din nag cover na media and a Philippine newspaper company. Nina mentioned that there will be an article written for this event,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass