Chapter 10

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Two Weeks After.... 

 

April 14, 2023 5:30pm Times St. West Avenue Quezon City

 

Cassie's POV

 

Halos tanghali na nung makaalis kami mula sa Clark kaya inabot ng hapon yung pagbalik namin sa Manila. Hindi na ako nagpasundo kay Wyn at nag Grab nalang ako diretso pauwi dito sa apartment. Nakausap ko siya kanina nung paalis siya sa office, tinanong niya kung magpapasundo daw ba ako, pero sinabi ko na wag na dahil mapapalayo pa siya kaya mas pinili ko na dito nalang kami magkita sa apartment.

 

 

"Wyn?!" pagtawag ko sakanya habang sinisilip ko yung hagdan. Hindi pa kami nagkikita at mukang may ginagawa ata siya sa loob ng kwarto niya. Tinawagan ko din yung phone niya nung malapit na ako kanina, pero hindi siya sumasagot.

 

 

Iniwan ko muna yung luggage ko sa sala pati yung mga paper bags na dala ko para susunduin ko na siya. I cannot wait to see her at gusto ko na ipakita sakanya yung mga pasalubong na binili ko. I brought her treats and yung mga snacks na alam ko na magugustuhan niya.

 

 

Pag dating ko sa taas dumiretso ako sa kwarto at kinatok ko yung pinto. "Wyn? Wyn gising ka ba?" hindi ako tumigil at nilapit ko pa mismo yung tenga ko sa pinto. "Wyn?"

 

 

*knock knock*

 

 

"Wyn, I'm here, nakauwi na ako. Busy ka ba?" narinig ko na naglalakad na siya papunta sa pinto kaya sumandal ako dito sa hallway at inaabangan ko siya. Bumukas yung pinto at lumabas siya. Napansin ko na nakasuot pa din siya ng company shirt. "Hi, I'm back." I smiled as I was greeting her. "Andyan ka na pala." sagot niya sakin. "Nahirapan ka ba magbook ng Grab?" gusto ko sana siyang yakapin pero ang seryoso ng tono ng pananalita niya.

 

 

"Hindi naman, okay lang. Pero natraffic kami palabas ng NLex kaya kakarating ko lang. Halika sama ka sakin sa baba may mga ipapakita ako sayo."

 

 

"Ano yun?"

 

 

"Basta, come with me." hinawakan ko yung kamay niya at inaya ko para bumaba sa sala. "Wait isasara ko lang to." paalam niya. Hinintay ko siya dahil pumasok ulit siya sa loob at mukang kinuha yung susi. "Why are you locking it?" tanong ko habang pinapanood ko yung ginagawa niya. "Wala. Nakasanayan ko na." medyo nanibago ako dahil ngayon ko lang siya nakita na naglock ng pinto at talagang dinala niya pa yung susi kahit andito lang naman kami sa bahay. Nauna siyang bumaba at sumusunod naman ako.

 

 

"Kamusta yung biyahe?"

 

 

"Nakatulog ako kasi ang tagal ng traffic. Nareceive mo ba yung message ko? sabi ko sabay tayo magdinner."

 

 

"Oo nabasa ko." naguusap kami habang pababa sa hagdan. Madami ako gustong ikwento sakanya because these past few days hindi ko na siya masyado nakakausap. Sobrang busy niya sa work tapos kapag gabi naman nakakatulog na siya.  Parang once a day ko nalang siya nakakausap at parang wala pang ten minutes.

 

 

"Come." I sat on the sofa at inaya ko siya na maupo sa tabi ko. Hinawakan ko yung kamay niya at pmwesto na dito sa kaliwa ko. "Mamo this is for you. Binilan kita ng mga snacks and treats na alam ko na magugustuhan mo. Yung iba dito yung palagi natin kinakain. Meron din perfume. Bumili ako kasi dumaan kami kahapon dun sa Du-"

 

 

"Ayaw ko nito." binalik niya sakin yung perfume na binigay ko. "Why? but I bought this for you kasi ito yung gusto mo. Palagi mong ginagamit."

 

 

"No. You are not obliged to give me anything. Itago mo nalang yan o ikaw na gumamit."

 

 

"But it's a gift Wyn, pasalubong ko sayo. Excited na nga akong ibigay sayo to the other day pa." pinatong ko sa lap niya yung perfume and the other treats. Hindi na siya sumagot pa at hinayaan niya nalang. "And this one, para dito mga supplies natin kasi may Duty Free dun I got all of these from there. So matatagalan pa ulit before tayo mag grocery kasi nabili ko na yung iba." nilingon ko siya, she's just staring at me na parang ang lalim ng iniisip niya pero pinapanood niya ako na nagaayos. I caressed her face, hindi siya sumagot at tahimik lang. "Naisip ko din na palitan na talaga natin yung mga curtain rods na gamit natin dito sa bahay." pagpapatuloy ko. Hindi siya sumasagot and she is just listening. "Are you okay?" hinaplos ko ulit yung muka niya pero tumango lang siya. "This one yung soap na gusto mo, ilagay ko na mamaya dyan sa bathroom mo. Also bumili din ako ng goods na stock natin. Naisip ko we can go to the grocery naman kaya ito lang yung mga binili ko."

 

 

"Excuse lang." bigla siyang tumayo at lumabas papunta sa garahe. Mukang important call ata dahil nagmamadali siya.  Habang nasa labas pa siya, nagpatuloy lang ako sa pag aayos ng gamit at nilagay ko na yung iba sa pantry. Napansin ko na nakikipag usap pa din si Wyn, mukang importante dahil lumabas pa siya sa gate.

 

 

Nung makabalik siya, "Who's that?" tanong ko nung naupo na ulit siya dito sa tabi ko. "Ka-work ko." kinuha ko yung mga binigay ko sakanya at inipon ko sa isang paper bag. "Napansin ko mukang busy kayo lagi sa work these past few weeks."

 

 

"Oo."

 

 

"Napapagod ka ba? don't worry malapit na yung out of town natin pwede ka mag vacation leave muna. Mamo kunin ko na to? Do you want me to put these in the pantry?"

 

 

"Hindi na iwan mo na dyan."

 

 

"Okay, sabihin mo sakin kung ipapasok ko na dun. Nagpadeliver na pala ako kanina pa, I think parating na yun. Let's wait for it sabay tayo magdinner. Wyn."

 

 

"O?"

 

 

"Dito ka, I miss you." inabot ko yung kamay niya and I pulled her closer to me dahil gusto ko siyang yakapin. "No. Stop."

 

 

"Why?" bigla siyang umiwas at lumipat sa kabilang upuan. "We don't have to do that. Hindi tayo." mahinang sagot niya. Umiiwas siya sabay niyakap yung throw pillow. "Hindi natin kailangan umasta na parang okay ang lahat. Hindi ganun yun na dahil lang nagbago yung isip mo." seryoso yung pagkakasabi niya kaya natigilan ako. "Alam ko yun, pero dba nagusap na nga tayo."

 

 

"Nagusap, meaning nagsalita ka at nakinig lang ako. Puro ikaw nanaman."

 

 

"Mamo. Yung sinabi ko sayo the other day dba, pero hindi mo naman kasi ako pinapakinggan. I hope it's not too late."

 

 

"It's not possible."

 

 

"Sinabi ko sayo and please listen to me. Yung mga nangyari satin the last three months all of them, it's my fault, kasi akala ko yun yung tama, grabe yung pagkakamali na nagawa ko. When I was away na-realize ko na sana nakinig nalang ako sayo at hindi ko pinanunganahan. I overreacted the night you brought me in the roof deck hindi ko kasi kaya and I was taken aback with the proposal. Marriage and longterm commitments hindi ko alam kung bakit but I feel anxious just thinking about it, pero aware ako na hindi enough reason yun para ijustify yung mga ginawa ko sayo. Iniwan kita, sinira ko yung relationship natin, I hurt you at hindi ko inisip yung mga consequences ng mga ginagawa ko. The way I treated you, lahat yun pinagsisisihan ko na. Wynona I'm so sorry, ang kapal ng muka ko pero gusto ko na malaman mo to. I broke up with you pero ako mismo hindi ko kaya na wala ka. Akala ko tama yung desisyon ko to not go on with the relationship kasi ayaw ko na na masaktan pa kita. Masyado akong makasarili. Yun yung naisip ko na paraan because I don't deserve you. I intentionally pushed you away kahit alam ko sa sarili ko na mahal pa din kita." 

 

 

"So ngayon iba nanaman yung gusto mo mangyari, pagkatapos ng lahat ng gulo na pinagdaanan natin binabawi mo na?"

 

 

"Please if you could just give me a chance. I want to make it up to you, lahat nung mga pagkakamali ko Wyn, itatama ko. I am willing to do everything. Para lang makabawi ako sayo tsaka para lang ma-save yung relationship natin."

 

 

"Bakit biglang nagbago ano dahilan?"

 

 

"Hindi ko talaga kaya na wala ka."

 

 

"Pwede mo naman sabihin, hindi sa hindi mo kaya na wala ako. Nagbago lang isip mo kasi nakikita mo na nasasanay at nagiging okay na ako."

 

 

"Wait, hindi naman sa ganun."

 

 

"Takot ka mawalan. You are not doing this for me or the relationship. It's for yourself."

 

 

"Wynona hindi naman ganyan. Gusto ko lang na isave natin at itatama ko yung mga mali ko."

 

 

"Eh pano kung ako mismo," napatingin kami sa gate nung may sunod sunod na katok. Tumayo kagad ako para silipin. "Sino ba yan? yan na ba yung inorder mo?"

 

 

"Yeah. Andyan na ata. Sandali kunin ko lang." I went to the gate para tignan yung kumakatok ng malakas. Pagkita ko, yung neighbor lang pala namin at may binigay siya na package. Nung tinignan ko yung nakadikit na label, naalala ko ito yung binilin ko kay Wyn two weeks ago.

 

 

"Wyn?" nagmadali ako papasok dahil may gusto akong iconfirm sakanya. "O? sino yun?"

 

 

"Yung dyan sa kabila inabot sakin to. Akala ko ikaw yung nag recieve nito?" pinakita ko sakanya yung nakalagay sa package. "Ah, hindi ko ata napansin yan."

 

 

"You told me na ikaw yung tumanggap."

 

 

"Baka nakaligtaan ko yan. Ano ba yan?"

 

 

"This is the one I bought from the, oh nevermind. Importante andito na." napatingin kami sa gate nung may nag ddoorbell naman. "I think that is the delivery."

 

 

"Ako na kukuha." pinigilan ko siya nung tatayo na siya at nagpresenta na kumuha ng order namin. Chneck ko yung laman ng paper bags at bumalik na kagad sa loob. Naabutan ko si Wyn na nakatayo sa pinto at hinihintay ako.

 

 

"Let's go." kinuha niya yung isang paper bag at sabay kaming naglakad papunta sa dining. After I checked everything tinulungan niya ako at inayos namin lahat sa lamesa. Nilabas ko na din yung mga drinks na kasama.

 

 

"I got the usual." banggit ko habang inaayos ko yung mga pinaglagyan.

 

 

"Ano to?" sinilip niya yung laman ng plastic containers. "Chinese food, nag order ako nung mga favorite mo."

 

 

"Magkano yung bill? transfer ko ngayon." nagulat ako sa sinabi niya because we don't do this pagdating sa food. Ganun ang ginagawa namin kung sino nakaisip bumili ng take outs siya yung nagbabayad.

 

 

"No don't bother, ako na bahala dito. Haha hindi naman kita housemate."

 

 

"Hindi na, send ko nalang. Half tayo."

 

 

"Hindi na Wyn, okay na."

 

 

"Sure ka, okay sige. Thank you." inaayos ko yung food sa dining table at kumuha naman si Wyn ng plates and utensils. Naupo siya sa harap ko after niya maglagay ng water sa dalawang baso. "Let's eat." aya ko sakanya. Nilagyan ko siya ng rice sa plate niya pero pinigilan niya yung kamay ko at siya na mismo yung kumuha.

 

 

"Mamo."

 

 

"Ano? nasanay ka nanaman kakatawag niyan."

 

 

"Hindi ano kasi. I have so much to ask you."

 

 

"Tungkol saan. Nakakausap naman kita palagi."

 

 

"Uhm. First of all, congratulations on your promotion. I'm proud of you deserve mo yun."

 

 

"Kalokohan yun, kahit ako nga mismo alam ko na hindi ko deserve yun. Lalo itong mga nakaraan buwan. Puro ako late ang dami kong absent."

 

 

"E dba sabi mo nga, pumasok sa cut off kaya yung records mo nung last year yung basis nila. What happened that day and nung sinabi mo sakin yun bakit parang sobrang frustrated at galit ka?"

 

 

"Wag na natin pag usapan yan."

 

 

"Okay. Madami kasi akong gustong malaman, gusto ko malaman kung kamusta ka kasi parang madalas sobrang busy mo na hindi na nga kita nakakausap sa phone. Swertihan nalang kasi pag gabi inaantok ka na, or nakatulog ka na pag tumatawag ako. Tsaka may gusto pa pala akong itanong sayo."

 

 

"Excuse

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast 0 points #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass