Chapter 11

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Song for this Chapter: Patlang by Cambio (https://open.spotify.com/track/5JZRDMxbU4roDeEPmejoJr?si=9f26a99b2918451f)

 

 

Three Days Before Moving Out Day

 

5:00pm Times St. West Avenue Quezon City

 

Wynona's POV

 

Nagpark ako dito sa labas dahil nasa loob ng garahe yung kotse ni Cassie. Umuwi ako ng maaga dahil wala naman kami masyado ginawa ngayon sa office, after the meeting naghintay nalang ako ng oras at diretso out na. Bago ako pumasok sa gate, sinilip at kinapa ko muna yung dent sa bintana ng sasakyan ko. Ito yung kailangan ko pang ipaayos, isa sa mga aftermath nung nangyari nung gabi ng March 31. Kailangan ko nang dalin sa car shop para matanggal yung dikit ng duct tape at yung gasgas dulot nung hose pipe na nahugot.

 

 

Pagpasok ko sa pinto sinilip ko siya na mukang abalang abala sa kusina. "Cass?"

 

 

"Cass." tinatawag ko pero hindi niya ata ako naririnig. "Cassandra." dumiretso ako sa dirty kitchen nung may narinig akong tumunog. Naaninag ko din siya sa may bandang dulo kaya pinuntahan ko siya. "Huy."

 

 

"Hi Mamo. Andyan ka na pala." bati niya sakin. Nagulat ako sa itsura ng dirty kitchen namin. "Ano yan ginagawa mo?" Naabutan ko siya na naka apron at nakasuot pa ng gloves. Napansin ko din na ang daming kalat kalat na lupa dito sa likod. "Ano yan?"

 

 

"This? I got us some indoor plants. Binili ko kanina." tinignan ko yung isang halaman na nakapatong sa lababo. "Ano to, binili mo ng may plant na?"

 

 

"Yes." proud na sagot niya sakin. "Inilipat ko lang sa mas malaki na pots kasi sabi magsspread daw to." Napansin ko na pati yung muka niya napahiran pa ng lupa. "Cass ang kalat, yung sahig tignan mo magpuputik to kapag nabasa, dapat sa garahe ka nag ganyan." 

 

 

"Wait lang malapit na to."

 

 

"Bakit bigla mo naisipan mag gardening dito pa talaga sa dirty kitchen mo ginawa, dapat dun ka sa garahe nag ganyan."

 

 

"But my car is there hindi ako makakagalaw ng maayos. Dito nalang para may natural light."

 

 

"Ano ba yan. Dun ka na, ilabas natin yung kotse mo. Pag nabasa to ang putik dito sa likod eh." hindi siya lumilingon at tuloy lang sa pagkuha nung lupa.

 

 

"Huy halika na, dun ka." inaaya ko siya pero tuloy lang siya sa paglalagay ng lupa dun sa isang paso na kinakamay niya. "Kanina ka pa nag gaganyan dito?" tanong ko habang napapakamot ulo nalang ako sa pinapanood ko ngayon.

 

 

"Yes."

 

 

"Kaya pala hindi ka sumagot nung tumawag ako."

 

 

"I'm sorry Mamo hindi ko kasi masagot madumi yung hands ko. Look." pinakita niya sakin yung gloves na suot niya. "Matagal pa ba yan?" Lumipat naman siya ngayon at nagpatuloy maglagay ng lupa sa isang paso. Tatlong halaman na nasa paso yung inaayos niya ngayon dito sa labas.

 

 

Habang pinapanood ko siya nagtataka tuloy ako kung ano nanaman kaya ang naisipan nito ni Cassie. Wala naman siyang interest sa mga indoor plants dati.

 

 

Hindi ko mapigilan mag-alala dahil ang dami nang dumi sa sahig at mahihirapan kami maglinis. "Halika na, dun ka sa labas." ulit na aya ko sakanya.

 

 

"Wait lang naman Mamo ito na patapos na nga ako." kinuha ko yung isa at binasa ko yung nakalagay na label. Mukang kanina niya lang binili dahil may tag price pa. Binasa ko din yung pinaka description ng halaman. "Philodendon Green, ano to?" lumapit siya at tumayo sa harap ko. May napansin ako nung napatingin ako sakanya. "Magtali ka nga ng hair mo, pawis ka na. Asan ba yung tali mo?" umiling siya kaya kinuha ko na yung sakin. "Gumanun ka." Pinatalikod ko siya at ako na ang nagtali ng buhok niya. Kinapa ko din yung likod. "Baka matuyuan ka, magpalit ka kagad."

 

 

"Okay. Mamaya matatapos na ako."

 

 

"Ang dungis mo teka nga, ano ba naisipan mo gawin ngayon hapon? Tingin ka dito." hinawakan ko yung muka niya at pinunasan ko yung napahid na lupa sa pisngi. "Dito ka lang." kumuha ako ng tissue at nagpunta sa lababo para babasain ko. "Tingin ka, stop mo muna yan." inalis ko yung buhok na napupunta sa muka niya at pinunasan ko mabuti yung pisngi. "Okay na. Matagal ka pa ba dito?"

 

 

"Ito na malapit na. Lilinisin ko nalang, ako bahala."

 

 

"Anong plant ba yan mga yan bakit bigla kang nagka interest sa halaman?"

 

 

"I got us these. Philodendon Green, nabasa ko kasi that this type of plant may improve and give us positive energy in our relationship. It's all about love, respect and balance. Dalawa yung binili ko kasi mas effective daw kapag tag isa yung couple."

 

 

"Dapat pala bumili ako niyan last year palang. Kung alam ko lang na iddump mo ako edi sana gumawa na ako ng garden na puro ganyan."

 

 

"Haha it doesn't matter. But I'm sorry, basta ngayon we will start again, I hope you can still trust me. Perfect timing yung pagbili ko dito. Lets be positive." nakatanggap ako bigla ng peck habang naguusap kami dito sa labas. "How about this one, anong plant to?" tinuro ko yung nasa paso na kulay green.

 

 

"Money plant. Para mas maging okay pa yung finances natin individually and as a couple."

 

 

"Finances eh nagastos ko na yung parte ko dun sa joint account natin. Wala nang saysay yan money plant na yan, ikaw nalang makinabang." lumapit siya bigla at yumakap sakin pagtapos kong makatanggap ng halik sa pisngi. "You are so sungit and negative nanaman. This is our new start nga Mamo, sana payagan mo ako." pinalibot ko yung braso ko sakanya nung nakayakap pa din siya sakin. "Dalian mo na, baka matuyuan ka."

 

 

"Okay. Ikaw din magpalit ka na ng pambahay. Hintayin mo ako, I will prepare dinner for you."

 

 

"Ha? magluluto ka nanaman? wag na Cass."

 

 

"How about tulungan mo nalang ako?"

 

 

"Luto ka ng luto nasusunog tsaka nasasayang lang naman. Hindi mo nga natatantya yung dami."

 

 

"Eh kahit na, just let me. Sige na bihis ka na, hintayin kita dito sa baba."

 

 

"Okay sige, tulungan nalang kita. Akyat muna ako, I need to change my clothes."

 

 

 

 

 

"O bakit andyan ka pa? sige na bihis na I will wait for you."

 

 

"Okay." hindi ko namalayan na parang napako pala ako dito sa kinatatayuan ko at nakatingin lang ako sakanya.

 

 

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakakaramdam ng guilt. Tama ba tong ginagawa ko, hindi ko pa kasi masabi sakanya lalo na ngayon na nakikita ko kung pano siya. Naka-set sa utak ko na sa Friday pa kami maguusap kaso habang nakikita ko kung pano yung mga effort na ginagawa niya, parang nagguilty ako. Alam ko na mabibigla siya kapag nalaman niya yung desisyon ko. Paano ko kaya sasabihin kay Cass na simula sa Linggo, aalis na ako at hindi na ako dito matutulog.

 

 

 

 

 

9:00pm

 

Magkatabi kami dito sa sofa habang nanonood ng series. Pagkatapos namin hugasan at ayusin yung mga pinagkainan bigla siyang nag aya manood dahil ayaw pa daw niyang umakyat sa kwarto niya.

 

 

"Sige pa?" Nakahiga sakin si Cassie dahil nagrequest siya ng massage at napagod daw siya sa pag gagardening at kakaluto. Andito kami ngayon sa sala, hinahaplos ko yung ulo niya habang tuloy lang kami sa panonood at kumakain din siya ng ice cream.

 

 

"Mamo."

 

 

"Hmm?" tinuro niya yung icecream na nakapatong dito sa sidetable sa kaliwa ko. "Hindi ka pa tapos?" umiling siya sabay turo ulit. "Nakahiga ka pano ka kakain nito?"

 

 

"Sige na." bumangon siya at kinuha yung icecream na inabot ko. "Mag tubig ka nga ang tamis tamis nito." banggit ko pagkaabot ko sakanya nung kutsara.

 

 

"Ah."

 

 

"Ano ba."

 

 

"Sige na. Try mo lang." tinanggap ko yung isang kutsarang icecream na sinubo niya sakin. "Ayaw mo na ng massage?" tanong ko dahil ngayon naman kumakain na ulit siya.

 

 

"Okay na ako. Thank you. Thank you for the massage." kniss niya ako sa lips kaya nalasahan ko pa yung Vanilla icecream na kinakain niya. "I'm so happy that we are gradually becoming okay." banggit niya habang nakikinig lang ako."Tsaka masaya ako Wyn na pinakinggan tsaka pinapatawad mo ako, you are giving me another chance and you are not pushing me away. Sobrang thankful ako sayo. Soon enough I think magiging maayos na ang lahat and maybe we can go back to how we-"  "Cass."

 

 

"Yeah?"

 

 

"Paano kung gusto ko nang umalis dito?"

 

 

"Huh?"

 

 

"Kapag gusto ko nang magsolo at lumipat ng ibang tirahan."

 

 

"Bakit bigla mo na-mention yan?"

 

 

"Naisip ko lang kasi." sinubuan nanaman niya ako ng icecream na kinakain niya. Inabot ko sakanya yung tissue pati yung tubig niya.

 

 

"Nacconsider mo ba talaga, nagpplano ka na?" tumango nalang ako at hindi na sumagot pa. "Ganun ba." mahinang sambit niya. Halata ko kagad sa muka ni Cassie yung pagkadismaya.

 

 

"Okay lang naman siguro sayo yun?" 

 

 

"Like I've said, hindi naman kita pwedeng pigilan sa gusto mo Wyn. Hindi kita pwedeng pilitin na magstay dito lalo kung ayaw mo na, tsaka kung ayaw mo na akong makasama."

 

 

"Hindi sa ayaw kitang kasama pero yun kasi ang tama. Napagusapan na din natin to bago ka pa umuwi." hindi na siya sumagot pero bigla nalang yumakap sakin ng mahigpit. "Hindi ko din ginusto to." Hinahaplos ko yung ulo niya at niyakap ko din pabalik.

 

 

"Wag ka gumanyan. Sinabi ko naman sayo parte to." inaangat ko siya pero nakasubsob at nakayakap lang siya sakin. "Wag ka gumanyan Cass ano ba."

 

 

"Kung hindi sana nangyari satin to, kung hindi ako nagkamali sa mga decisions ko pano kaya tayo ngayon?"

 

 

"Edi kung pano tayo bago nung gabing yun."

 

 

"Everything went wrong. Hindi ganito yung ineexpect ko sa relationship natin. I made a huge mistake, sorry talaga."

 

 

"Tama na."

 

 

"Kung pwede ko lang bawiin lahat ng mga nasabi ko sayo."

 

 

"You know what, we were doing okay. Yung relationship natin and you, that was my safest place."

 

 

"I'm really sorry Mamo."

 

 

"Tama na nga."

 

 

"Sana pinakinggan nalang kita."

 

 

"Don't blame yourself that's enough. Things are just not meant to be, and I think this is bound to happen." hinawakan ko yung kamay niya nung yumakap siya lalo sakin.

 

 

Pilit ko siyang inaangat para sisilipin ko yung muka niya pero ayaw niyang umalis sa pagkakayakap sakin.

 

 

"Cass?" Nakatahimik lang siya at hindi na nagsalita pa. "Huy." umangat ako at tinignan ko siya habang hawak ko pa din. Seryoso lang siyang nakatingin ngayon sakin na mukang malalim yung iniisip.

 

 

"Wag mo na sisihin yung sarili mo." Hinalikan ko siya sa noo bago ko mas niyakap at hinatak palapit sakin.

 

 

"I can see na sobrang ibang iba ka na Mamo, compared these past months. Pati yung mga sinasabi mo, the way you handle things is quite different now. Honestly ito yung kinakatakutan ko. Kasalanan ko talaga lahat ng to, sinayang ko kung ano yung meron tayo."

 

 

"Hey tama na. Parehas lang naman tayo na may mali, baka kasi alam mo yun may mga na-overlook ako sa relationship natin. Tsaka nagpadalos dalos din ako."

 

 

"I'm so sorry for destroying everything Wyn."

 

 

"Kung hindi ako nagpropose at nagkausap tayo ng maayos hindi sana tayo naghiwalay. Pero hindi din natin masasabi, pwede kasi na magkaka problema din talaga tayo. Alam mo yun, baka kasi the two of us are not meant to be."

 

 

"Wag mo naman sabihin yan!" nagulat ako nung nagtaas siya ng boses. Nakita ko na nangingilid yung luha niya kaya hinawakan ko ulit siya kagad at niyakap ko.

 

 

"Wag kang sumigaw. Sinasabi ko lang yung totoo."

 

 

"But I hope there's still a chance. Sana hindi pa talaga huli."

 

 

"Wag nalang natin pangunahan. Come, umayos ka na dito ka sakin." humiga ako sa sofa, at pinahiga ko din siya sakin bago ko niyakap."Only time will tell kung ano mangyayari satin."

 

 

 

 

Next Day...  

 

6:00am

 

Nakatayo ako dito sa labas ng gate at nagmamadali na punasan itong gasgas at mantsa sa kaliwang bintana ng sasakyan ko. Hindi ko pa kasi napapaayos to dahil bukod sa busy pa ako sa work, wala akong magagamit na sasakyan kapag iniwan ko to dun sa car shop.

 

 

Hinihintay ko lang si Cass na matapos mag-ayos at sabay na kaming papasok sa trabaho. Sinabi ko na wag na siyang magdala ng kotse at ihahatid ko nalang siya sa school nila dahil aalis din naman kami mamayang hapon.

 

 

"Let's go." lumabas na siya sa gate at mukang ready na. "Okay ka na?"

 

 

"Yeah." pumasok ako sa loob at pinaandar ko na yung makina. "Pasok ka na." nilingon ko siya dahil parang napako siya sa kinatatayuan niya. "Cass, halika na." umikot siya at umupo na sa shotgun seat.

 

 

 

 

7:00am

 

Kahit maaga kaming umalis medyo nagkakatraffic na dito sa Greenhills dahil sa mga nagbababa na school bus. Hindi naman ako ma-llate dahil may alam akong short cut para mapabilis yung pagdating ko sa office.

 

 

"Mamo."

 

 

"Binalik mo na talaga yung pagtawag mo sakin niyan. You better stop it now, wala na tayo."

 

 

"Ito na kasi yung nakasanayan ko."

 

 

"Ano yung sasabihin mo?"

 

 

"May napansin lang kasi ako, pati kahapon nakalimutan ko lang itanong sayo to."

 

 

"About what?"

 

 

"Anong nangyari dyan sa window ng car mo? bagong bago palang to bakit ganun yung itsura? did someone vandalize your car?"

 

 

"Ah hindi ano kasi yan nasagi sa site, two weeks ago. Nawala sa linya yung pinaka salamin kaya nilagyan ko ng tape pero, hindi naman na pala kailangan kaya. Ipapalinis ko nalang yan."

 

 

"Nagasgasan tsaka nasira kagad yung bintana eh parang mag ttwo months palang sayo to."

 

 

"Ipapaayos ko nalang."

 

 

"Kailan nangyari yan tsaka pano nasa loob ka ba nung natamaan? bakit hindi mo manlang sinabi sakin Wyn that you got into an accident pala?"

 

 

"It's not an, well it's an accident pero wala naman ako sa loob nitong sasakyan nung nangyari yun. Sa parking lot yun habang nasa office ako.  Hayaan mo na ipapaayos ko nalang yan."

 

 

"Ang weird kasi na ang daming stains sa palibot nung bintana tsaka may mga gasgas pa sa pinaka taas. Eh kilala kita, maingat ka sa mga gamit mo lalong lalo na sa car. Kaya nagulat ako na ganyan yung nangyari dyan."

 

 

"Maaayos pa naman daw."

 

 

"Well if you need money to fix it I can give you,"    "No! Ano ba it's my car, wala kang kinalaman dito."

 

 

"Fine."

 

 

". Sorry."

 

 

"It's okay."

 

 

"Uhh so pano mamaya, sunduin nalang kita pagkatapos ko sa office, tapos mag dinner nalang tayo sa labas."

 

 

"Yeah sige. Okay."

 

 

"Hey, Cass. Sorry if nagtaas nanaman ako ng boses."

 

 

"Okay nga lang."

 

 

"It's not. I'm really sorry."

 

 

"It's okay, dyan nalang ako bababa baka ma-late ka pa eh." tinuro niya yung side walk sa kanan.

 

 

"Ha? lalakarin mo nalang?"

 

 

"Yeah kasi ma-sstuck ka sa traffic. Ma-llate ka pa sa work mo."

 

 

"Sure ka ba? okay sige. Wait dun na banda para mas malapit." tinabi ko muna yung sasakyan para maglalakad nalang siya hanggang dun sa gate ng school. Napaka traffic na dito sa street kaya aabutin ako ng siyam-siyam.

 

 

"Hintayin mo nalang ako mamaya ha susunduin kita."

 

 

"Alright." naglean si Cass papunta sakin at niyakap ko din siya. "I'll see you later ingat ka papasok sa office." bilin niya sakin.

 

 

"Yeah okay- Oh." medyo nagulat ako nung kinabig niya ako sa leeg at hinatak ako para halikan sa labi.

 

 

"Bakit ka ba biglang bumabalik sa dati? tapos parang wala lang sayo." hindi ko na naiwasan magtanong dahil nakakapagtaka na yun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass