Chapter 33

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Cassie's POV

 

"Asan ka ba?!" I went back to the shore, hindi ko pa din siya makita at wala din siya sa tubig."Wynona!" I yelled out.

 

 

"Wyn!"tumakbo ulit ako pabalik sa tubig. Mas lumalakas na yung alon pero hahanapin ko pa din siya. It's possible na baka natangay siya nung current kaya nahirapan siyang lumangoy.

 

 

"Oh my god where are you?!"hindi ko na mapigilan, I found myself crying and my hands started shaking.

 

 

"Cass!"

 

 

"Cassie!" I turned around nung marinig ko na may tumatawag sakin.

 

 

"Cass!" and there she is, nakita ko siya na nakatayo dun sa likod ng mga bato. Nagmadali ako at pinuntahan ko kagad siya."Ano ba saan ka galing kanina pa kita hinahanap!" nung nakita ko siya na naglalakad after niya lumabas dun sa mga bato hindi ko na napigilan umiyak.

 

 

"Bakit ka umiiyak?"I hit her arm before I pulled her closer towards me at niyakap ko ng mahigpit."Asaan ka ba?"

 

 

"Umiiyak ka nanaman?"

 

 

"Saan ka ba galing nag aalala ako sayo kanina pa kita hinahanap. Natakot ako, ako lang mag isa dito akala ko hindi ka nakaahon."

 

 

"I was there at the back, umihi ako. Naiihi na ako eh."

 

 

"What the Wynona, tangina alalang alala ako akala ko may nangyari na sayo andun ka lang pala."I hit her again pero hinila ko kagad at mas niyakap ko pa.

 

 

"Sorry. Andyan lang ako sa likod. Cass tama na." inakbayan niya ako and she started wiping the tears off my face. "Don't cry."

 

 

"Saan ka ba nagpunta, magkasabay lang tayo kanina bakit hindi kita nakita na umahon?"

 

 

"Nung lumalangoy tayo, mas kumanan pa ako, tapos dumiretso ako dyan. Nagtago ako sa ilalim kasi nga iihi ako."

 

 

"Saan?"

 

 

"Dun." I turned around para sundan kung saan yung tinuturo niya. Dun pala sa likod ng bato kung saan kami umakyat kanina."Tangina Wyn takot na takot ako akala ko kung ano na nangyari sayo."

 

 

"Sorry, tama na. Wag ka nang umiyak."

 

 

"Saan ka dyan nagtago?"

 

 

"I was there sa ilalim, medyo lumubog ako sa tubig kasi naiihi na talaga ako grabe. Andyan ako sa likod ng mga bato, hindi tumatama yung alon dyan. Ang ingay mo hindi tuloy ako makapag concentrate."

 

 

"Hahaha ano ba. Nakakainis ka, akala ko nawala ka na."

 

 

"Sshh o tama na."she's caressing my face at pinupunasan niya yung pisngi ko."I'm here, wag ka nang umiyak."

 

 

I can't stop crying, sobrang takot na takot ako nung hindi ko siya mahanap kanina and now I feel so relieved na andito na siya.

 

 

"Grabe ka naman makaiyak."she's now standing in front of me, tinitignan niya lang ako while she's caressing my face at pinupunasan niya gamit yung kamay niya.

 

 

"Cass."I saw her face, pinapanood niya ako habang umiiyak ako. I can tell that she's worried at parang nagtataka siya kung bakit ako ganito."Okay ka lang ba?"

 

 

"I'm sorry, natatakot kasi ako akala ko talaga may nangyari na sayo. Ako lang mag isa yung nandito kanina, ang lakas pa naman ng alon."

 

 

"Wala naman. I'm here. Tahan na." I buried my face on her neck when she pulled me again and she gave me a hug."I'm sorry, I didn't mean to scare you and make you worry."

 

 

"I feel so relieved you are here grabe yung takot ko Wyn. Nagpapanic na ako hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala pa naman tao dito."medyo lumayo siya sakin and she's holding my arm."I'm sorry. Tahan na."mas yumakap pa ako sakanya and I felt her caressing my back.

 

 

"Halika na, pumunta na tayo kung nasaan sila. Sunset na pala. Grabe ang bilis ng oras."

 

 

"Yeah."

 

 

"Stop crying na, I'm sorry kung nag alala ka."

 

 

"It's okay. Wag ka nalang lumayo sakin, baka mawala ka nanaman. Pag nagswimming tayo sa mababaw ka lang, wag ka nang pupunta sa malalim."

 

 

"Haha hindi na. Asan pala yung mga gamit natin?"

 

 

"Nakita ko hawak nila Nina. Puntahan na natin sila."tumayo nanaman siya sa harap ko and she's checking on me. "Look here." inayos niya yung buhok ko and pinagpag niya yung sand na nasa pisngi ko. Pinunasan din niya yung gilid ng mata ko. "Wag ka nang umiyak ha."

 

 

"You are like a baby, stop na okay?" I hit her arm again at natawa kami pareho."Punta na tayo dun."aya niya sakin.

 

 

"Cassie." she called. "Yeah?"

 

 

"Mukang kailangan nga natin magusap."

 

 

"Sure, sige."

 

 

I reached for her hand, hawak ko yung kamay niya and I intertwined our fingers bago kami naglakad papunta kung nasaan yung friends namin. Akala ko aalisin niya but she just went with it and humawak din pabalik. This is the only time we have left, susulitin ko na yung oras na makakasama ko pa si Wynona.

 

 

 

 

Wynona's POV

Nakaupo kaming apat sa sand at kumakain ng snacks na binaon namin. Humiwalay muna ako saglit sakanila dahil kakatapos ko lang kausapin si Amy, hindi pa din sila nakakauwi ng mom niya kaya mamayang gabi nalang ulit siya tatawag sakin. She also said something to me kaya medyo kinakabahan tuloy ako ngayon. Bago namin ibaba yung phone, she mentioned that there will be a dinner this coming Saturday. Nag oo kagad ako when she invited me, ang mali ko lang hindi ko muna tinanong kung saan. The dinner will be held at their house because ipapakilala daw niya ako sa parents niya. She already mentioned who I am to her mom kaya ayan, naccurious na daw yung mommy niya kung sino ako kaya we've reached this point. Ipapakilala na niya ako sa parents niya sa Sabado. Honestly, I am excited yet I am also getting anxious, kasi after how many years, parang first time to. Sana naman maganda and successful yung kakalabasan ng unang interaction ko with her family. 

 

 

 

5:30pm

"Wyn, ahh, take this."napaatras ako nung may tinatapat siya sakin. "Sige na."sinubuan ako ni Cass ng cookie at tinanggap ko din. "Thank you." I moved to my right and I asked her to sit beside me.

 

 

"Swimming pa tayo?"

 

 

"Hahaha pahinga ka naman. Tsaka wag na, baka pumunta ka nanaman sa malalim."

 

 

"Ang ganda dito noh Cass?"

 

 

"Yeah the view is amazing, ganda din ng sunset. Tapos ka na makipagusap?"she asked. This time she offered me the bag of chips na hawak niya. Kumuha lang ako ng isa at tumanggi na ako."Thanks."

 

 

"Kuha ka pa."

 

 

"Okay na to, and I have this." I showed her the can of beer na iniinom ko. "Wala ka nang kausap?"

 

 

"Yeah. Kakatapos lang."

 

 

"Who are you talking to, your girlfriend?"

 

 

"Yeah."

 

 

"Pansin ko, palagi kayong magkausap noh and she always checks on you."

 

 

"Oo."

 

 

"Is it okay if I ask about her Wyn?"

 

 

"Uhm, okay lang naman. Why, ano ba gusto mo malaman?"

 

 

"Wala lang, curious lang ako. Napapansin ko kasi that you are really happy and you are enjoying it kapag magkausap kayong dalawa. Halata na ang saya saya mo."

 

 

"Ah, haha oo. Nakakatawa kasi siya tsaka ang kulit ng mga sinasabi. Nagkakasundo kami sa ganun, I never get bored kapag kausap ko siya and when we are together. Sobrang chill lang."

 

 

"Paano ba kayo nagkakilala?"

 

 

"You are asking me this, I mean sure ka, gusto mo malaman yung mga ganito?"Hindi ko maiwasan magtaka. Alam ko na matagal na kaming wala ni Cassie kaya possible na wala nalang sakanya but knowing her. I find it weird na nagtatanong siya ng mga ganitong details about me and the new person I am with.

 

 

"Yeah, okay lang. I mean, we are not together anymore Wynona. Ilan months na ba tayo na hiwalay?"

 

 

"Magdadalawang taon na."

 

 

"Ang tagal na pala."

 

 

"Oo ang bilis kasi ng oras. Parang napadaan lang."

 

 

"Medyo natatanggap ko na." hindi ko masyado narinig yung sinabi ni Cass because I was fixing something on my phone camera. "Sorry, ano yun?"

 

 

"About kanina Wyn nung nawawala ka, I was so scared dahil akala ko may nangyari na sayo. I don't know, but it made me realize something."

 

 

"Nung hinahanap mo ako?" tumango siya. She is not looking at me, nakatingin lang siya sa tubig at kinukuhaan ko naman ng picture yung sunset habang naguusap kami.

 

 

"Yes."

 

 

"So, ano yun?"

 

 

"Kanina before we jumped off the cliff, you said something, sabi mo, wala nang assurance kung ano yung meron tayo. Nung una I didn't quite get it. Pero after nung nangyari at nag alala ako sayo dun ko narealize. What you said is true because after this, kapag nakauwi na tayo sa Manila, we are back to our normal lives."

 

 

"Oo. Ganun talaga eh."

 

 

"Naiintindihan ko naman. We have two different worlds now. You no longer exists in mine and I no longer exists in yours." I stopped when I heard what she said. I looked at her at nilapitan ko siya when I noticed na nagcrack yung voice niya. I didn't say anything, basta nilapitan ko nalang si Cassie.

 

 

"Tanggap ko na Wyn, na may iba ka nang gusto." Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko, and I don't know what to feel. I never expected that there will come a time na makakausap ko pa siya ng ganito. Hindi ko nga inexpect na makakasama ko pa siya. Ang akala ko, pinaka huli na yung nagkagulo kami dun sa condo ni Reese. Sobrang tricky talaga ng fate and now we're here. Magkasama kami at pinaguusapan namin yung mga nangyayari at kung ano ang meron ngayon.

 

 

"Naiintindihan mo naman siguro dba, it's normal. Parte yun."seryosong sabi ko. I don't want her to feel bad pero tama nga na mapagusapan namin to.

 

 

"I know."

 

 

"Ikaw ba Cass, kamusta ka ba talaga?"

 

 

"Neutral."

 

 

"Guys dumidilim na!" nilingon ko yung dalawa, mukang nagaayos na sila ng gamit dahil babalik na kami sa resort. "Alis na tayo?!" tanong ko sakanila.

 

 

"Oo we have to go back kasi baka wala nang tricycle na dumadaan mamaya. Tara na. Pero magpicture muna ulit tayo."

 

 

"Haha sige. Tara Cass, dun na tayo. Mamaya nalang tayo magusap, dun sa resort."

 

 

"Okay." tumayo ako sabay pagpag sa shorts ko. Inabot ko din yung kamay niya at tinulungan ko siyang tumayo.

 

 

"Wyn, hind pa tayo nakakapagbanlaw grabe." pinatalikod ko siya at pinagpag ko yung mga buhangin sa likod pati sa shorts niya. Inayos ko din yung towel na dala namin.

 

 

"Hahaha why, nangangati ka ba? ilan oras din tayong nagswimming."

 

 

"Hahaha yeah parang we spent three hours sa tubig. Tsaka naglaro pa tayo kanina."

 

 

"Haha oo nga, mauna ka nalang magbanlaw pagdating natin dun sa cottage."

 

 

"Okay, I'll carry this na. Ikaw na dyan sa towel."kinuha ko ulit yung towel namin at inabot ko naman sakanya yung tote bag.

 

 

"Guys tara na, let's take a photo bago dumilim."tawag samin ni Reese. Napansin ko na dumidilim na nga kaya nagtakbuhan na kami papunta sakanila. Pitch black pa naman dito sa beach na to dahil wala kami nakita na kahit isang poste sa daan kanina.

 

 

 

 

7:25pm

 

Nung makabalik kami sa resort, si Cass muna yung pinauna kong gumamit ng bathroom dahil nagrereklamo na siya tungkol sa rash guard niya na pinasukan ng buhangin. Tumambay lang ako sa labas ng cottage at hinintay ko hanggang sa matapos na siya.

 

 

I was also talking to my parents, they gave me an update regarding the visa. Ewan ko ba, I don't understand myself as to why I am not happy about it. Every time nalang na yun yung topic I feel so burdened and dreadful. Alam ko naman eh pero ayaw ko lang aminin sa sarili ko at hindi ko matanggap yung thought. Ayaw ko talagang umalis at mag migrate sa US, lalo na ngayon, that I have Amy at magsisimula palang kami.

 

 

 

8:00pm

 

Kakatapos lang namin magdinner dito sa restaurant and we are just waiting for the bill. Kanina pa kami tahimik. The food is good and the ambience is great kaso nakakatamad na talagang kumilos at nakakapagod kaya hindi ko maappreciate masyado.

 

 

Nakikinig lang ako ngayon sa mga knkwento at pinaguusapan nila. They are talking about the proposal na gagawin next month and kung saan balak gawin ni Reese yung wedding.

 

 

"I'm thinking of destination wedding, pero siyempre pagiisipan ko mabuti yun. I need Yvonne to decide with me, kung ano ang gusto niya dun ako."

 

 

"Okay din yun but when it's destination it means limited yung guests."

 

 

"Yeah and that's okay. Pero ano sa tingin niyo guys? Which one is practical?"

 

 

"What the . Bakit ganito to?"tanong ko sa sarili ko. Natutuwa ako dito sa nakikita ko. Pinapanood ko yung coi fish dito sa pond na stand out sa lahat. Ang dami nila pero kakaiba siya, yung balat niya, para siyang mutant kumpara sa ibang isda na kasama niya. Ang laki niya tsaka para siyang cow kaya nakakatuwa.

 

 

"Hey,"

 

 

"Tatawagin ko nga si Cassie para ipapakita ko saknya." 

 

 

"Huy ano ba yan?"

 

 

"Huh?" kakalabitin ko palang si Cass pero nagulat naman ako dito kay Reese. "Ano?"

 

 

"Okay lang ba kayo?" pumitik siya ng malakas kaya nagising tuloy yung diwa ko. "Bakit latang lata kayong dalawa? Cassie."pagpuna niya samin. Sabay pa kaming nagsmile nung nagkatinginan kami. May napansin ako. Nakakatawa yung itsura niya, para siyang tulala, parehas pa kaming medyo namumula yung ilong dahil na-sunburn nung nagbilad kami sa arawan kanina.

 

 

"Hahaha ano ba nangyayari sainyo?"tanong ni Nina. Hindi ako sumasagot dahil wala na talaga akong energy.

 

 

"Hahahaha ang cute niyo tignan Wyn. Wait nga."

 

 

"Ano yan?"

 

 

"Tingin kayo dito. Dali, ang ganda ng lighting. Maglapit naman kayo." naglean papunta sakin si Cass at nagsmile kami nung kinuhaan kami ni Reese ng picture. "Guys are you sure you are okay? Parang pagod na pagod kayo."

 

 

"Yeah." I am so tired to react and do something. Inabot niya samin yung phone at pinakita naman sakin ni Cass yung picture. "Look at your nose."tinuro niya ako.

 

 

"Hahaha ikaw din eh."I poked her nose pero mahina lang.

 

 

"Ayan kasi, kahit sa mga out of town natin dati dba ganyan sila Nins, naalala mo?" she continued. Pinapakinggan at pinapanood lang namin si Reese. Kanina pa siya salita ng salita, silang dalawa ni Nina. Okay na din at least buhay 'tong table namin.

 

 

"Hahaha oo. Pero I cannot forget what happened in Palawan, yun talaga yung pinaka hindi ko makakalimutan. Sobrang memorable yun because of these two."

 

 

"What's that?"I asked before ko inayos yung chair ko. Ramdam ko na medyo inaantok na ako.

 

 

"The snorkeling incident. Remember?"

 

 

"Ahh. Hahahaha wag mo na paalala." namention pa talaga ni Nina to. First year na working na kaming lahat, nagpunta kami sa Coron para magbakasyon, magkakasama kaming lima pati yung isa pang friend nila. Snorkeling activity daw, masyado nanaman kaming na-excite at nagmarunong kaya humiwalay kami ni Cassie hanggang sa hindi namin namalayan na ang layo na namin at nandun na kami sa open water. Kailangan pa tuloy kaming irescue ng bangka dahil nagaalala na sila samin nung hindi nila kami makita. Akala nila may nangyari na kaya grabe yung tuwa nila nung hinatid kami sa shore nung parang coast guard.

 

 

"Extreme couple talaga yung peg nila kapag nasa beach or out of town. Dba nagpunta kayo dati sa Bali na kayong dalawa lang?"

 

 

"Yeah." si Cass yung sumagot. Kaparehas ko, pagod din siya kaya sobrang tipid ng sagot.

 

 

"Ang dami niyo din napuntahan dalawa noh? mahilig kayo magtravel eh."

 

 

"Hindi naman masyado. Madaming travel dito sa Philippines, mga beach ganun."

 

 

"Buti hindi kayo gumawa ng kung ano nung nasa Bali kayo?"

 

 

"Huh? nagswimming tsaka namasyal lang naman kami dun dati. Enjoy kaya, tsaka ang ganda dun sobra."

 

 

"Ang hilig niyo talaga sa ganyan, jusko tsaka kailangan yung swimming niyong dalawa may twist. Kaya ayan, parang latang lata tuloy kayo ngayon. Ano ba ginawa niyo bukod sa muntik ka nanaman palang mawala sa tubig kanina Wynona?"

 

 

"Ha? Hindi, kasi ano naglaro kami ng frisbee kaninang hapon dba bago magswimming kaya ito, ang sakit sa katawan. Nakakapanghina."

 

 

"Hahaha tapos tumalon pa kayo dun sa cliff kahit ang lakas lakas ng alon. Ang weird niyo din eh."

 

 

"Hahahahaha hayaan mo sila Reese ang cool nga eh, nakakatuwa kaya na magkasundo kayo sa ganyan Cass. You are opposites na hindi. Alam mo yun?"

 

 

"Yeah it just happened that we are both game and hindi kami takot." natawa ako nung marinig ko kung pano siya magsalita tangina, parang konti nalang makakatulog na to si Cassie. Kinalabit ko siya."Hahaha okay ka lang ba?"inusog ko yung upuan ko papunta sakanya at chneck ko siya."Inaantok ka na?"

 

 

"Yeah. Medyo." I noticed na napapapikit na siya.

 

 

"Pasok na tayo after this. Matulog ka na."

 

 

"I know that Cass is into swimming kasi yun yung sports niya nung elementary and high school kami, but ikaw Wyn, are you into sports nung high school or college?"

 

 

"Wala. Isa nga lang org ko eh. Ay dalawa pala kasi yung isa sapilitan."

 

 

"Grabe, for someone na extreme iisipin mo talaga na sporty ka eh. Hahahahaha"

 

 

"Hahahaha well ganun talaga."

 

 

"Nagbago na siya Reese mas grabe siya nung college. Nagbago lang when we started dating." napatingin ako sa katabi ko. Gumatong pa talaga.

 

 

"Hahahaha. Gago ka lang talaga pero hindi sporty n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass