Chapter 1

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Characters:

Wynona- Winter

Cassandra- Karina

Nina- Ningning

Gela- Giselle

Yvonne- Yeji

Reese- Ryujin

Iris- Irene

 

 

 

"Dalian mo halika na dito!"

 

"Sandali lang naman kumuha lang ako ng tag isa, ito sayo. Usog ka."

 

"Ay wala yung straw ko?"

 

"Oo nga pala. Sandali lang."

 

"O ito na."

 

"Yaaay thank you. O ingat ha baka matuluan mo, okay game dito ka na sakin, sandal ka. Ssssh! pssst ano ba yan sabi ko wag kang maingay dyan eh magbabasa kami ng mama mo eh."

 

"Ano ba yan!"

 

"Ay sinisigawan mo na ako?"

 

"Sorry po hindi po!"

 

 

 

 

 

1:00pm North Edsa

 

"Thirty plus one two three. Thirty-three plus twenty-nine, sixty two."  Sixty-two days, sixty-two days na pala mula nung araw na pinagsakluban ako ng langit at lupa. Ewan ko ba kung bakit kami napunta sa sitwasyon na to. Hindi ko inaasahan to dahil akala ko okay kami. Hindi ganito ang plano ko sa buhay pati na din lahat ng mga pinangarap ko. Hindi ko na malaman kung ano ba ang tama basta ang alam ko lang, gusto ko bumili ng kotse at kailangan kong gawin to.

 

 

Binitawan ko muna yung cellphone ko nung makita ko na naglalakad na papunta sa akin yung ahente ng kotse. Ang laki ng ngiti niya dahil umagang umaga palang pero nakabenta na kagad siya. Nag withdraw pa ako kahapon para dito sa transaction ko na to. Excited ako to the point na hindi pa nga ako nakatulog, oh well hindi naman talaga maayos ang tulog ko simula nung nagkagulo kami.

 

 

"Miss Wynona you need to sign the sales invoice po tapos pwede niyo na po subukan at kunin itong sasakyan niyo."

 

 

"Okay. Kailan ko pala matatanggap yung ORCR nito?"

 

 

"Within seven days po ma'am. We will inform you."

 

 

Madalian kong pinirmahan hanggang sa nakita ko na naka-park sa dulo yung nakatakip ng itim na tela at may pulang ribbon pa sa ibabaw ng hood. "Pwede ko na ba kunin yan ngayon?" nagagalak na tanong ko.

 

 

"Opo ma'am dito na po tayo." sumunod ako sa ahente at nagtungo kami kung saan naroon ang bago kong sasakyan.

 

 

"Miss Diaz ito na po ang bagong baby niyo. Enjoy po kayo at sana magustuhan niyo."

 

 

"Hahaha sigurado yan. Salamat." hindi ko maalis ang tingin ko habang hinahatak na nila ang takip ng bagong investment ko. Napaka fulfilling na sa wakas, nabili ko na din ang pinaka inaasam asam ko ng ilan taon na. Ang magkaroon ng sariling SUV.

 

 

Lumapit ako para hawakan at pagmasdan, kinikilatis ko ang design. Ang ganda at tama nga ang napili kong kulay. Ayaw ko ng itim at pula sa kotse kaya matagal kong pinag isipan to. Metallic gray SUV ang kulay na pinili ko. Panigurado baka ngayon na meron na ako nito, gaganahan na akong pumasok sa trabaho at hindi na ako magkukulong sa loob ng kwarto.

 

 

"Pwede ko na bang subukan?"

 

 

"Oo naman po Ma'am pwede niyo na rin po kunin."

 

 

"Sige, salamat." umupo ako sa loob at pinakiramdaman ko ang manibela. Ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganitong level ng saya. Sana mapagaan nito ang loob ko at mabawasan ang mga iniisip ko. Ibbreak in ko nalang sa weekend at maghahatak ako ng kung sinong pwede. 

 

 

 

 

 

9:00pm Times St. West Avenue Quezon City

 

Andito ako nakatambay sa sala at nanonood lang ng Youtube sa tv. Dito kami nakatira sa isang townhouse na tatlong palapag sa QC. Ilang taon na din kaming naninirahan dito, mag aapat na taon na. Simula nung naka graduate ako sa UST nag desisyon na kami na magsama sa iisang bahay ng girlfriend ko, si Cassie. Mga magulang niya ang may ari nitong mga paupahan na to kaya hindi naging problema para sakanya nung naisipan na niyang magsolo. Hindi ko na nga pala siya pwedeng tawagin na girlfriend dahil iba na. Ibang iba na siya at parang pinangdidirian na niya ako. Hindi ako nag eexist at hindi ako pwedeng mag exist sa mundo niya, parang may isang napaka tibay na invisible na harang ang namamagitan sa amin dalawa. Walang may alam kung ano nga ba talaga ang nangyari sa amin, hindi ko sinabi sa magulang ko sa pinsan ko at pati yung mga kaibigan niya. Wala silang kaalam alam kung bakit bigla nalang kaming naghiwalay. Paano nga ba namin sasabihin kung bakit eh kung ako nga mismo hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan.

 

 

 

 

 

Napatingin ako sa pinto nang biglang bumagsak at parang may nagsara ng padabog.

 

 

"Ano yung nasa labas? kanino yun?" tanong sakin ni Cass pagkatapos niyang ibaba sa sofa yung shoulder bag at yung iba pang mga gamit niya.

 

 

"Kanino yung nakapark sa tapat ng gate?"

 

 

"O nagbago ata yung ihip ng hangin ngayon, himala. Na-realize mo na ba na may kasama kang tao na nakatira din dito?"

 

 

"Tigilan mo na to, sagutin mo nalang yung tanong ko. Ano yung nasa labas?"

 

 

"Saan?" tumayo ako at lumapit sa main door para dumungaw sa bintana. "Wala naman." hinarap ko siya at napatingin ako sa muka niya, itong mga mata na to. Palagi nalang kaming ganito, matindi ang galit niya sa akin kaya ito, ang sama nanaman niya makatingin at mukang magsisimula nanaman kami magtalo.

 

 

"Kanino yung kotse sa labas?"

 

 

"Uhh baka sa akin?"

 

 

"Bakit ka may ganyan?"

 

 

"Ah baka kasi gusto ko?"

 

 

"Akala ko hindi ka bibili hangga't-"

 

 

"Dati yun, nagbago na ngayon."

 

 

"Saan ka kumuha ng pangbili?"

 

 

"Sa akin."

 

 

"Saan?"

 

 

"Dba kakasabi mo lang nung January wala nang pakielamanan eh bakit ngayon nagtatanong ka?" iritang sagot ko sakanya.

 

 

"Wyn, magusap tayo ng maayos ngayon parang awa mo na. Pagod ako."

 

 

"Kasalanan ko ba kung bakit napagod ka?"

 

 

"Nakikiusap ako sayo ng maayos. Normal na conversation ngayon lang."

 

 

"Nung ako nagrrequest sayo ng ganyan hindi mo maibigay dba? nakalimutan mo na?"

 

 

"Puta ano ba, makikipag away ka nanaman?"

 

 

"Ano ba gusto mo malaman?"

 

 

"Bakit ka my bagong sasakyan at saan ka kumuha ng pinang down mo para dyan?"

 

 

"Wala."

 

 

"Saan? nag loan ka nanaman ba, nanghiram ka sabihin mo sakin."

 

 

"Kita mo na, tama nga ako. Successful, dahil sa nakita mo na may bagong kotse ako kaya ngayon pinapansin at kinakausap mo ako. Bihira mangyari to kaya susulitin ko."

 

 

"Nagtatanong lang naman ako dahil gusto kong malaman kung saan ka kumuha ng pinang down mo dyan."

 

 

"Hindi ako nag down."

 

 

"Eh ano saan? hindi ba nagtitipid ka na nga tapos ngayon may bago kang sasakyan? Wyn ano nanaman ba ang ginagawa mo sa sarili mo?"

 

 

"Bakit ka ba nakikialam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast 0 points #1
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #2
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#3
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #4
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #5
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#6
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko
jushshhh #7
Chapter 33: ang sakit naman nito 🥲
Boss-BaechuBear #8
Chapter 33: Apakagago din talaga ng mga ginawa ni cass dasurv
Renzy0104 #9
Chapter 33: Ano kaya ang healing process na gagawin ni cass
nkenravi
#10
Chapter 33: nakailang closure na yan cass