07.

pada-love
Please Subscribe to read the full chapter

"OMG! tapos? ano nangyare?"

Hindi na kami nagkaintindihan ni Ning dito sa pantry.

Paano ba naman, kwinento ko sa kanya yung encounter namin ni Karina kahapon. Hindi siya makapaniwala. Hindi na kase kami nakapagkita pagbalik ko sa office kase tinuloy ko lang yung pinagawa sakin nina Yoon.

Etong si Ning, hindi mapatahimik yung bibig! Kilig na kilig para sa akin si gaga. Kung ano daw na-feel ko? kung may sparks ba daw? kung jojowain ba daw kesa totropahin? jusko!

AASAWAHIN PO ME THINKS HEHE.

"Ayon, wala lang. Nagkagulatan kami teh! Akala ko nga buong oras ng pagpapadala ko, inis lang yung ganti niya sakin eh, pero hindi naman." sabi ko sa kanya.

Sa totoo lang, iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung all goods na talaga kami. Ayoko na kaseng isipin na may kahihiyan akong nagawa sa isang tao. Sino ba naman may gusto non?

"Nagsorry nga rin pala ako sa kanya dahil don sa nangyare sa cafe. Kinapalan ko na mukha ko."

"Dasurv teh! Walang hug?" hagikhik niyang sabi sakin.

"Close?? Ewan ko sayo Ning!"

Kumakain lang kami ni Ning dito sa pantry ng breakfast kase masyado kaming napaaga ng pasok sa office. May dala siyang corned beef. Napasobra daw luto ng helper nila sa bahay. Syempre tatanggi ba ako sa grasya, eh gutom na rin ako?

Nakita namin si Ate na kakapasok lang sa office niya kasabay ng secretary niya. Hindi na kami nagsabay kase sabi niya may dadaanan pa daw siya.

"Hoy Yuna! Teh!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Ning kay Yuna na kakapasok lang din.

"Halika sumabay ka na samin ni Win, may dala akong ulam."

"Ay sakto may dala rin ako! Eto oh." binuksan ni Yuna ang tupperware niyang may lamang scrambled eggs.

Tawang tawa si Ning. "Shuta ka Yuna! Akala ko naman pang tatlong tao yung dala mo, eh kay Winter palang, kulang na yan eh!"

Inalay na naman ako ni Ning sa kalokohan niya! Pero true, paborito ko kaya ang itlog! Kahit anong luto okay na sakin tapos mainit na kanin lang, pak na!

"Sorry na sis! Hindi kase ako sanay kumain nang may kasabay dito. Lagi lang ako mag-isa." pagpapaliwanag ni Yuna.

"Hayaan mo. Simula ngayon, sabay na tayong kakain dito sa pantry." sabi ko sa kanya at ngumiti. "Sige na, kumain ka na diyan."

"Malapit ka lang ba dito?" tanong ko sa kanya.

"Hmm pwede na. Pag hindi ako tamad, kaya kong lakarin. Pero pag tinatamad ako, nagaangkas ako."

"Syempre don ka sa tinatamad ka at naga-angkas!" asar sa kanya ni Ning.

"Oo ang init kaya! Tsaka nitong mga nakaraang araw kase, diyan ako tumigil sa bahay ng pinsan ko sa Royale Estates."

"Huh? Sinong pinsan mo? Taga doon kami ni Ning!"

"Ay weh? Ang shala niyo naman pala! Kay Ryujin Shin, baka kilala niyo? Umuwi kase ate niya tas bonding bonding kami. Pero ayon, pabalik na rin ng ibang bansa si Ate Rosé."

Small world? Tropa namin ni Ning si Ryujin! Nagsabi nga lang din samin si Jinjin na umuwi si Ate Rosé at hindi siya makagala kasama kami kase, kung saan saan nga daw siya binibitbit ng ate niya. Cute nga eh, super close sila!

"Cool naman! Labas tayo minsan ni Ryu. Buryong buryo yon sa bahay at hindi makaalis kase nandon si Ate Rosé."

Um-oo lang kami kay Yuna at nagpatuloy sa pagkain. Good thing na rin na naging komportable na siyang kausapin kami.

Hindi namin namalayan ang oras. 9am na kailangan na naming pumunta sa kanya kanyang work.

 

"Winter, pa-print naman ako ng sales report nung September. Need daw ni Ma'am T para sa meeting niya today." rinig kong sabi ni Lia.

Halos lahat ng need iprint, sakin na inuutos kase nasa files nung dating workmate nila lahat. Alam ko na rin kung saan siya hahanapin. Maayos naman kase yung pagkakalagay nito sa documents.

Pero ngayon, wala sa lumang files yung inuutos ni Lia. Hindi ko alam kung nadelete ba siya o nasa ibang pc lang kase, pagtapos ng August, October na ang kasunod. 

"Uhh Lia? Wala dito yung sales report for September. August tapos October na agad." sabi ko habang busy pa rin sa paghahanap.

Naramdaman kong napatayo si Lia sa upuan niya at lumapit sakin. "Ha?! Nandiyan lang yan, Winter. Pa-excuse ako." agad akong tumayo para makaupo si Lia sa pwesto ko.

"! Oo nga, October na agad yung nandito. Paano nangyare yon? Ugh!" padabog na tumayo si Lia sa upuan ko at tumalikod. Nagpatuloy lang naman ako sa paghahanap sa iba pang folder.

"Yoon! Paki-contact naman si Sumin kung kaya please. Winter, sorry pero halungkatin mo na lahat ng saved files diyan and Sully, pacheck na rin ako sa pc mo baka naligaw lang diyan. Punta lang ako kay Ms. T para alam niya agad." pagutos samin ni Lia bago lumabas ng room.

Ramdam na namin lahat yung stress ni Lia. Kahit dito nga sa office, ang tahimik namin. May kailangan ding gawin si Sully at Yoon pero inuna nila tong pinapahanap ni Lia. Sobrang urgent siguro for Ate. 

"Hello? Sumin sis? Busy ka ba?...ah hindi.  Baka lang naman kase natatandaan mo kung saang folder mo nilagay yung sales report for September?" thank God! nacontact ni Yoon yung Sumin.

"Ha? Anong wala sa pc mo? Hindi pwede yun kase hinahanap na samin ni Ms. T yung for September."

"Ano?! H-hello? Sumin? Hello? Huy! Nakanino? Kay Lia? Hello?" napahilamos si Yoon sa mukha out of frustration.

"What is going on?! Nacontact ba si Sumin, Yoon?" lahat kami napatingin kay Ate nang bigla siyang pumasok kasama si Lia.

"O-opo Ms. T. Nawala po yung call pero na kay Lia po daw." napatingin kaming lahat kay Lia na gulat na gulat kaya agad siyang napaupo sa upuan niya at naghanap sa files niya.

"Ay hehe sorry po Ms. T." nahihiyang nagkamot ng batok si Lia kahit wala naman atang makati.

"Nawala po sa isip kong kinailangan ko nga po pala yung reports for September before. Sorry po."

"It's fine! Send mo sa email ko ngayon na wag na iprint." inis na lumabas si Ate.

"Gago ka Lia! Lahat kami nadamay sa stress mo." padabog na upo ni Yoon sa upuan niya.

"Sorry na teh 'to naman! Libre ko kayo coffee as pambawi!"

 

Dahil sa nangyare kanina, talagang nanlibre si Lia ng kape at hindi na nakatakas kay Yoon. Ako na ang sumama kay Lia bumili since sabi ko may dala naman akong kotse ngayon para mabilis.

Sinuggest ko yung cafe ni Minju. Ngayon ko lang nakita yung name ng cafe niya.

Let's Get Ju Brewed.

Naks witty!

Medyo madaming tao ngayon sa cafe. Pero hindi naman nawala ang pagbati sa amin ni Minju. "Hi welcome to-uy hello!" masigla akong kinawayan ni Minju.

I mouthed 'hello' at kinawayan din siya pabalik since may kaharap pa siyang customer.

"Naks Winter! Suki ka ata dito eh, kilala ka na nung cashier." pagsiko sa akin ni Lia.

"Hindi uy! Pangalawang balik ko palang dito and siya may-ari nito."

"Pili ka na Winter! It's on me."

Hmm parang gusto ko ng Iced

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Enterusername_here
#1
Chapter 10: Tumutulay talaga tong ate seul e, gustong gusto na ipajowa si karina kay wintot
bigboy123
#2
Chapter 10: interesting~ may connection silang lahat some way 🤔🤭
Enterusername_here
#3
Chapter 9: Talagang binida na ni ate seul si win kay madam k.
Gungdaengie
#4
Chapter 8: Hahahhaha ano ba talaga jowa ba ni karina yan 😤
bigboy123
#5
Chapter 8: iba ka talaga ssob, speed kung speed. 😽 agad? 😂
Gungdaengie
#6
Chapter 7: Hahhaah cute
Enterusername_here
#7
Chapter 7: Kunyare ka pang ayaw mo sumulyap tot hahaha sana tulungan ka ni erp seul kay madam kars heheheh
bigboy123
#8
Chapter 7: hahaaha liaaaaa 🤦‍♀️🤦‍♀️
Enterusername_here
#9
Chapter 6: Wag ka na magulo chaehyun, dun ka na sa new bebe mo para lumayag ng masaya ang winrina
bigboy123
#10
Chapter 6: kalmahan mo madam, mahina kalaban mo 😂