09.

pada-love
Please Subscribe to read the full chapter

PAYB TAWSAN!

(Ryujin): Hello mga pokpok! Buhay pa ba kayo? @Winter @Ning @Yujin @Chaewon @Chaeryeong

(Ning): tanginang pokpok yan, patama sa sarili niya!

(Ryujin): hayp ka ganyan ka na porket may work na? wews congrats di ka na palamunin wahahahahaha

(Ning): u can't sit with us na jinjin diba, @Winter? teka nasaan ba yon

(Yujin): jusko bakit ganito pa rin name ng gc? di maka move on sa 5k na bigay ng tatay ni Win???

Natatawa ako habang binabasa ang nabuhay naming gc. Nakakamiss din ang mga tukmol lalo na si yujin, chaeryeong at chaewon na pinsan ko.

Si Chaeryeong after namin grumaduate, sobra nang naging busy. Super focused siya sa hilig niya sa pagsasayaw  kaya lahat ata ng competitions sinasalihan niya. Kahit ata mga pang inter-barangay, sinasalihan na rin niya. Isa si Chaeryeong sa mga hinahangaang mananayaw noong college students pa kami.

Napakagaling naman kase talaga! Lalo na sa mga pay na sayaw. Pero wag kayo, nare-recruit din siya para sumali sa international competitions like WoD kaya hindi na namin siya nakakausap/nakakasama.

Si Yujin naman, well pinsan siya ni Ning like super close sila kaya lang, dinala na ng parents niya pa-Vegas. Naging close kami ni Yujin after niya malamang crush ko yung jowa niya na si Wonyoung!

Oh diba, dapat magalit siya sakin pero hindi! Inaasar pa ako ni tanga kaya nalaman ni Wony ni crush ko siya. Sobrang kalog kase ni Yujin. Lahat ng trip kaya niyang sakyan. Ang hirap pang pikunin!

Lastly, ang isa pang kengkoy na si Chaewon, pinsan ko. Siya ang pinakaclose ko sa aming magpipinsan. Magkaklase sila ni Yujin before kaya talagang nakaclose na namin si Yujin. Naging busy na rin si Chae pagkagraduate namin kase may napasukan agad siyang company.

Dati nga, napapagkamalan kaming magkapatid dahil sa mga buhok namin. Paano ba naman, nung nagpagupit ako, nagpagupit din si tanga edi ayon pareho kami nagmukhang bunot!

But all jokes aside, masarap kausap si Chae. Nakakalimutan namin minsang magpinsan kami dahil sa mga biruan namin. Sabi niya sakin, may jowa siya, pero ayaw naman sabihin hays we'll all know soon daw grrr.

(Chaeryeong): OMG I MISSED YOU GUYS!!! FREE AKO THIS MONTH. KITA KITA US?

(Ning): MISHU YEONG AND G AKO!!! HABANG WALA SI @Yujin 🤪 NYAHAHAHA

(Yujin): inamo nengneng!! hays miss ko na kayo :( gusto ko na umuwi pasundo nga @Winter

Amp?????? feeling niya ba ang lapit lang namin sa isa't isa?????

"Ate? Can you eat cereals with me, please?"

Sa sobrang tutok ko sa phone ko, hindi ko na naramdaman ang paglapit ni Kierby sa akin. Sobrang cute niya kase hawak hawak pa rin niya yung fave stuffed toy niya at mukhang kakalabas lang ng kwarto niya. Pinanggigilan ko ng halik ang mukha niya.

"A-ache ang shakit.." hawak hawak na niya ngayon ang mukha niya.

"Cute cute kase ng bunso namin eh." sabi ko habang inaayos ang buhok niya. "Anong cerals gusto mo?"

"Fruit loops ate please???"

"Hmmm diba bawal ka na sobra sa cereals? Kaninang breakfast yun din kinain mo ah?"

"Opo eh Koko Krunch kaya yon ate, iba naman po ngayon eh."

Nagdadahilan pa?

"Sumbong kita kay Mommy, matamis yun eh!"

"Hmp! Wag na nga. Ikaw na panget kong kapatid!"

HAHAHAHAHAHAHAHAHA TAKOT NAMAN PALA

Hinabol ko siya at hinila pabalik sakin. "Pikon naman ng baby ko? Tara na kakain na tayo."

Nakabusangot ang mukha ni Kierby sakin nung hinila ko siya papuntang kitchen. Agad ko ring nahanap yung cereals pero wala na palang gatas sa ref.

"Ay Win, wala na pong gatas inubos po ni Chanyeol kanina."

Hay nako Kuya! Ginamit na naman niya yon siguro para sa protein drink niya. Ang ginagawa kase non, pag hindi shoots, mag-gym lang yon. Tapos hindi naman marunong palitan yung inubos niya.

"Ah sige Ate Mils! Bili nalang ako ngayon at naglilihi ata si Kierby sa cereals eh."

Napatawa naman si Ate Mila. "Ay ako nalang po ma'am Win para hindi na po kayo maabala." inilingan ko lang ito at sinabing ako nalang ang bibili at ituloy nalang ginagawa niya kung sakaling meron man.

Sinama ko si Kierby sa supermarket. Hindi naman kase pala-labas tong batang to kase school-bahay lang ang buhay niya since bata pa nga siya. Pero from time to time if kaya ko siyang bitbitin sa lakad ko, sinasama ko talaga siya kaya lang, ayaw naman nina Mommy kase delikado daw sa labas.

Pero ngayon, pinilit ko talagang isama siya kase kaming dalawa lang naman din ang tao sa bahay. Ayaw pa nga niya kase daw baka mapagalitan siya pero sabi ko naman, ako bahala sa kanya HAHAHAHA good luck samin.

Nilabas ko sa garahe yung motor na iniregalo sa akin ni Ate at Kuya noong grumaduate ako. Vespa yung motor na niregalo nila sakin. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga ito kailangan. Siguro dahil, ito yung unang sasakyang natutunan namin imaneho at ako yung pinaka nagenjoy.

Hindi nga lang kami nagkaroon ulit ng motor simula noong naaksidente si Dad. Pero sa huli, pinayagan sila ni Dad na bilhan ako ng motor.

Winter fave child me thinks!!!!

"Kierbs let's go? sakay na!" nakita kong nakatayo lang si Kierby sa tabi habang hawak hawak yung binigay kong helmet sa kanya. Umiling ito sakin at parang takot na takot sumakay.

"Halika na! Diyan lang tayo sa kabilang kanto bibili ng milk oh. Sige ka, di ka makakakain ng cereals." sinubukan kong gawing panakot yung kagustuhan niyang kumain ng cereals.

Wala naman siyang nagawa kundi sumakay sa harap ko. Inayos ko muna yung helmet niya at pinakapit ng mabuti.

Jusko mukha kaming mag-ina!

Napakainit! Alam niyo yun, parang nagbuga si satanas ng apoy???? kaya naman itong isa, murot na murot ang itsura!

Pinark ko yung motor ko sa harap ng supermarket at tinanggal ang helmet namin dalawang magkapatid. Inihabilin ko ito sa baggage counter kase ayokong maghanap habang may bitbit ng dalawang helmet at panigurado, kung ano ano rin namang ipapabili ni Kierbs.

"Ate look oh! That's my favorite chocolate, the gold one."

Ayan! Pagkapasok na pagkapasok palang, kung ano ano na ang pinagtututuro ni Kierby. Dapat pala pumayag nalang akong di siya isama kase ayaw naman niya diba?

Nagkunwari akong di ko nakikita yung tinuturo niyang ferrero at inilihis ang tingin sa ibang section.

"Huh? Where? Wala naman eh. Wala kang fave kaya."

"Eh? That's my favorite ate oh! That one. I want that."

"Ah yes yung flat tops noh? Okay get mo na yung flat tops!" yun nalang yung tinuro ko kase baka kulangin ako sa pera.

"No! I don't want that! I want the gold one."

"Ohhh the gold coins? Okay get it na."

"You're so ewan ate! This one nga oh."

A-aray...ewan daw ako?

Wala na akong nagawa at nagpahila ako kay Kierby papunta don sa ferrero. Isusumbong ko talaga to kina Mommy!

"Oh you want this one pala. O-okay..kunin mo na." labag sa loob kong sabi sa kanya.

"Yay!!! Thank you ate."

Whatever! Emz.

Nagsimula na ulit kaming maglakad ni Kierby para maghanap ng gatas at sa bawat daan namin per section, may tinuturo si Kierby. Pinipigilan ko nalang talaga at sinasabing may chocolate na siya.

"Kierbs what do yo-"

Nataranta ako nung hindi ko nakita si Kierby sa tabi ko. Ano ba gagawin ko sa batang yon!

Bumalik ako sa section ng chocolates, pero wala siya don.

Nagpunta rin akong meat section kase tuwang tuwa siya sa mga hilaw na karne nung napadaan kami, pero wala din siya don.

Nasaan na yung batang 'yon?

Naglakad lakad pa ako ng konti at nakita ko na finally si Kierbs sa wine section at may kumakauasap sa kaniyang babae. Nakaluhod siya sa harap ni Kierby.

"Kierby!" tumakbo ako palapit sa kanya. "Tita Emily?" gulat na tawag ko kay Tita.

"Hi Winter hija! I thought you were with Ning?"

"P-po?" nagmano ako kay Tita kahit nauutal ako. Anong kasama ko daw si Ning?

Ginamit na naman ba niya pangalan ko without informing me?

"Sabi niya kanina pupunta daw siya sa house niyo?"

"A-ah yes Tita! Yes! Opo uhm..kakahiwalay lang po namin ngayon ngayon lang. We went out for coffee po opo." 

NING NING JUSKO ANO GAGAWIN KO SA'YO!

"Oh is that so? Eh bakit naman naliligaw 'tong cute baby na to?"  she said while pinching Kierby's cheeks.

"Masyado pong natuwa sa mga nakikita niya Tita kase hindi naman po siya pala-labas." I chuckled nervously still thinking kung nasaan an

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Enterusername_here
21 streak #1
Chapter 10: Tumutulay talaga tong ate seul e, gustong gusto na ipajowa si karina kay wintot
bigboy123
127 streak #2
Chapter 10: interesting~ may connection silang lahat some way 🤔🤭
Enterusername_here
21 streak #3
Chapter 9: Talagang binida na ni ate seul si win kay madam k.
Gungdaengie
38 streak #4
Chapter 8: Hahahhaha ano ba talaga jowa ba ni karina yan 😤
bigboy123
127 streak #5
Chapter 8: iba ka talaga ssob, speed kung speed. 😽 agad? 😂
Gungdaengie
38 streak #6
Chapter 7: Hahhaah cute
Enterusername_here
21 streak #7
Chapter 7: Kunyare ka pang ayaw mo sumulyap tot hahaha sana tulungan ka ni erp seul kay madam kars heheheh
bigboy123
127 streak #8
Chapter 7: hahaaha liaaaaa 🤦‍♀️🤦‍♀️
Enterusername_here
21 streak #9
Chapter 6: Wag ka na magulo chaehyun, dun ka na sa new bebe mo para lumayag ng masaya ang winrina
bigboy123
127 streak #10
Chapter 6: kalmahan mo madam, mahina kalaban mo 😂