10.

pada-love
Please Subscribe to read the full chapter

"YEOOOOONGGGGGGG"

"Aray! Parang gago naman Ning ang bigat mo!"

Nandito kami ngayon sa Coffe Bean and Tea Leaf malapit sa condo ni Chaeryeong. As usual, malakas na boses na naman ni Ning ang yumanig sa cafe. "Namiss kita Yeong!"

"Namiss din kita, Ning pero namiss ko na rin kumawala sa yakap." agad naman din siyang binitawan ni Ning at tsaka humarap sakin para yakapin din ako. "Win win namiss ko din ikaw!"

"Namiss din kita pero, magdadramahan ba tayo?"

"Ito ang KJ talaga!" hinampas niya ako ng mahina sa braso.

"So? Hintayin ba natin si Jinjin at Chae bago tayo umorder? takam na takam na ako sa ililibreng cake ni Winter!" natatawang tingin sakin ni Ning

Ha! Ang kapal naman pala talaga?

Ngayon lang lahat nagka free time kaya ngayon na rin namin naisipang magkita kita. Finally diba!

"Let's just wait for them for a few more minutes then if matatagalan pa talaga, order na tayo?" tumango nalang kami ni Ning.

"Kamusta ka na Yeong? Balita ko may international competition ulit ang team niyo ah?"

"Oo dzai! Nagre-ready kami ngayon pero, binigyan kami ng 2 weeks break bago bumalik sa training then lipad na ulit pa-US."

"Taray na talaga ng ate ko! Palipat lipat nalang ng bansa. Buti nakakauwi pa kayo dito?"

"Ngayon nalang ulit. Nung huli kase magkasunod yung competitions eh." ako yung napapagod para kay Yeong. Biruin niyo, halos mag 2 years din ata kami di nagkita dahil sa mga laban mg team nila. Huli pa ay yung hinatid namin si Yuj sa airport.

"Pero mas masaya pa rin dito magtraining kase mas nakakagalaw ako ng ayos, mas ramdam ko ganon, gets niyo ba? tsaka malapit ako sa pamilya ko at sa inyo."

"Hayaan mo Yeong, pag nakapag ipon ipon na ako, magbook ako agad ng flight kung nasaan ka para suportahan ka sa competition mo abroad!"

Napangiti naman si Yeong sa banggit ni Ning. "I would love to see you guys there! Mas gaganahan ako niyan."

Walanghiya lang talaga sa labas si Ning, pero softie talaga siya when it comes to us, kaming mga kaibigan niya. Kaya maraming napapalapit kay Ning kase, sobrang thoughtful niya. Maingay lang talaga!

"Sweet ka na niyan teh?" basag ko sa kanya.

"Si Winter talaga ang mema. Palasabat ka di naman kausap!"

Tawang tawa naman si Yeong samin at sinabihan kaming, hanggang ngayon pala daw, sobra pa rin kami magbangayan in public.

"Hindi mo na ata maaalis samin yon, Yeong!" sabi ko sa kanya.

"Alam niyo hanggang labas, rinig na rinig ko yung boses ni Ning!"

Napalingon kaming lahat sa nagsalita sa likuran namin. Dumating na pala ang dalawa pang tukmol.

Tumayo kaming tatlo, para makipagbeso at makipagyakapan. "Tangina ang ti-tita naman!" agad na sabi ni Jinjin tsaka naupo sa tabi ko.

"Grabe namiss ko kayo, bukod kay Win!"

"Okay chae, makakaalis ka na." pa-irap na sabi ko kay Chae. "Tanga kakakita lang natin kahapon!"

"Ano guys, order na us? Everything's on me na! Pambawi." masayang sabi ni Yeong.

"Luh Yeong, di naman need eh! Kaya naman na ni Ning lahat."

"Alam mo Win, di ka talaga marunong tumanggap ng grasya."

Tawang tawa kami sa itsura ni Ning. Asar talo talaga!

"Lista nalang natin dito sa phone ang orders." pagprisinta ni Chaewon.

Nang makuha ni Chaewon ang orders namin, silang dalawa na ni Yeong ang nagpuntang counter since sagot daw niya lahat.

Kwinento ni Ryujin yung paguwi ni Ate Rosé. Sabi niya, nagtataka daw ate niya kung bakit di lumalabas si Jinjin kasama namin, eh syempre daw, kung saan saan daw siya dinadala ng Ate niya. Gustong gusto daw kami makita ni Ate Rosé kaya lang, laging wrong timing at may alis sila. Nagulat din siya na magkakawork kami nina Yuna. Si Yuna daw ang pinakaclose niya sa magpipinsan nila since same vibes daw sila! Naiinis nga siya eh, naunahan daw siya ni Yuna magjowa!

"Baklang yon, gusto pala niya sa katrabaho niya! Sabagay, ang tagal na din nung huling relationship ni Yuna eh, baka sabik si gaga."

"What?! May jowa na si Yuna?" gulat na tanong ni Yeong.

"Oo teh! Naunahan na tayo ni accla."

"Who's the unlucky girl then?" singit naman ni Chaewon.

"Teka teka! Paano niyo nakilala si Yuna???? Sa office lang namin siya nameet!" sabat ko.

"One time lang nung nakita ko si Jinjin sa cafe. Tama ba? Nakakwentuhan ko siya konti. Madaldal siya " tumango lang naman si Jinjin habang tumatawa.

"Madaldal nga at chismosa!" pasigaw na sabi ni Ning.

"Isusumbong kita teh! Ginaganyan mo pinsan ko." sabay pout ni Jinjin.

"Ayan magpinsan nga kayo, pareho kayong pabebe!"

"Oh oh tama na! Wala na yan patutunguhan!" pigil ko sa kanila.

"Guys gusto niyo magbonding? Yung hindi yung ganito? Out of town siguro?"

Uy masaya yon! Ang huling out of town namin ay sa Batangas pa. Sa rest house nina Ning. Kaya lang, pwede kaya lahat?

"Uhm check ko sched guys kase paalis na rin ako eh." sabi ni Yeong.

"Staycation nalang kaya? Mag bnb nalang."

"Sa bahay namin guys pwede! Aalis sina Mom and Dad next week. Kayo nalang bahala sa date. Pero bukas, wala na sila 'til next week." aya ni Chaewon sa amin.

Tama! Gusto ko na rin manggulo sa bahay nina Chae. Jusko! Sa sobrang kulit namin dati, nabasag namin yung vase ng Mom niya galing Thailand pa ata.

Paano ba naman, naglalaro kami ng tilt & tumble na game ni Chae sa bahay nila at sa sobrang tuwa namin, di namin namalayan na may vase sa likod. Napaurong kami at narinig nalang na may nabasag na. Ayon, pinauwi na ako ni Tita. Hindi naman niya pinakitang galit siya, pero panigurado nasermonan non si Chae paguwi ko HAHAHAHAHA.

Nagi-insist pa nga sina Daddy na palitan yung vase na yon, pero sabi nila rare find lang daw kase yin ni Tita sa Thailand. Hinayaan nalang huhu. Pero sorry ako ng sorry non kay Tita.

"Ayon naman pala! Free accomodation na. Thanks Chae in advanced, btw! Magshare nalang tayo sa foods at kung saan pa." sabi naman ni Ning.

"Sige! Nandito pa naman ako next week. Pwede ako sa weekend."

"Winter kuha ka nga tissue!" tae neto ni Ning, porket ako malapit eh, ako na uutusan!

"Mamaya na Ning pagkakuha na ng orders. Utusera ka!" sagot ko with matching irap pa.

Nakita kong nagpipigil si Yeong at Chae ng tawa. Actually, kanina pa. Ano bang nakakatawa? Pag titingin ako sa kanila, iiwas sila tapos magtitinginan sila at matatawa ulit. Mga baliw kaya?????

"Alam niyo kanina ko pa kayo napapansin ha! Gutom na ba kayo?" di ko na napigilang tanungin ang dalawa.

"H-ha?" sabay nilang sabi.

"Ha? How you like that? Mga baliw, kanina pa kayo tawang tawa."

"Ah hindi kase ano, sabi kase ni Chaewon kayo nalang daw ni Ning utusan ko kumuha ng orders don sa counter."

"Ah eh ano nakakatawa don? Pero okay sige."

Natatawa na rin silang lahat sa itsura ko kase di ko talaga gets kung ano meron. Chineck ko na rin sarili ko sa camera ng phone ko pero maayos naman mukha ko.

Cute pa rin naman ganon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Enterusername_here
22 streak #1
Chapter 10: Tumutulay talaga tong ate seul e, gustong gusto na ipajowa si karina kay wintot
bigboy123
131 streak #2
Chapter 10: interesting~ may connection silang lahat some way 🤔🤭
Enterusername_here
22 streak #3
Chapter 9: Talagang binida na ni ate seul si win kay madam k.
Gungdaengie
43 streak #4
Chapter 8: Hahahhaha ano ba talaga jowa ba ni karina yan 😤
bigboy123
131 streak #5
Chapter 8: iba ka talaga ssob, speed kung speed. 😽 agad? 😂
Gungdaengie
43 streak #6
Chapter 7: Hahhaah cute
Enterusername_here
22 streak #7
Chapter 7: Kunyare ka pang ayaw mo sumulyap tot hahaha sana tulungan ka ni erp seul kay madam kars heheheh
bigboy123
131 streak #8
Chapter 7: hahaaha liaaaaa 🤦‍♀️🤦‍♀️
Enterusername_here
22 streak #9
Chapter 6: Wag ka na magulo chaehyun, dun ka na sa new bebe mo para lumayag ng masaya ang winrina
bigboy123
131 streak #10
Chapter 6: kalmahan mo madam, mahina kalaban mo 😂