01.

pada-love
Please Subscribe to read the full chapter

Hayyyyyy!!! Ang aga aga naririnig ko na agad ang ingay sa labas. Ang ingay ng upuan sa kusina, yung lakas ng volume sa tv sa kwarto ni bunso, ang pagpukpok ng martilyo sa ginagawang bubong ng kapitbahay, yung pagsigaw ng "TAHOOOOO" ni kuyang nagtataho at may dadagdag pa minsan na hindi pwede mawala ang-

"GOOD MORNING SISSY KWOAAAHHHHH!!!"

Yup hindi mawawala minsan ang ingay galing sa bestfriend kong baliw, si Ning. "Teh? ganyang mukha ba ang ibubungad mo sa mukha ng maganda mong tropa?" ani niya. 

"Hindi sana ganito teh kung hindi ikaw ang nakita ko first thing in the morning." nakabusangot kong sagot sa kanya habang nagaayos na sana para bumaba sa kama ko nang bigla niya akong daganan padapa.

"ARAY NING!!! UMALIS KA NGA ANG SAKIT SA LIKOD ANG BIGAT MO NAMAN!!"  inis kong sabi sa kanya habang pinipilit na itulak siya paalis ng kama. 

"Ang sama sama mo talaga sakin!! ang ganda ng sikat ng araw teh kaya dapat maganda din simula ng umaga mo hmp!"  tumayo siya at galit akong tinignan. ANG ARTE?!

"Iyo na yang araw at umaga mo! at tsaka ano ba kase yon ang aga mong pumunta dito? teka nga, bakit ganyan suot mo?" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at natatawa nang tiningnan ko ang sportswear attire ni accla.

"Nakita ko si ate yeon palabas ng bahay niyo habang nagjo-jog ako around the village. Tinanong ako kung free ba daw ako today at kulitin din daw kita na pumunta at tumulong sa office niya kase absent daw dalawang staffs niya." seryoso niyang saad. 

HA? ANO DAW? Napahagalpak ako ng tawa!

"Teka teka lang, JOG? JOG AROUND THE VILLAGE? kailan ka pa sinipag mag-exercise?" tawang tawa ko pa ring sabi kay ning. 

"Walangya ka talaga teh nakakainis ka!! pero kase teh, naiinggit ako sa mga nagjojogging dito sa village natin tulad kay ate rosé, yung kapatid ni jinjin? parang nakakaganda yung pawis ka from jogging early in the morning habang ako, hinahanap lang si kuyang nagtataho? pero hayaan mo ngayon lang naman 'to panigurado."

 WOW AMINADO HAHAHAHAHAHAH!!!

Tawang tawa pa rin ako sa kanya. "Okay fit girl Ning! Ang dumi dumi mo palang dumamba sa akin at sa kama ko? kakapalit ko lang ng sheets ko kagabi nako." taboy ko sa kanya palabas sa kwarto at sumunod na rin siya palabas. 

 

"Good morning sa lahat ng nandito kung meron pa." bati ko habang pababa ng hagdan.

Magugulat nalang kase talaga ako kung kumpleto pa yung tao dito minsan  mga bandang 8 in the morning.

Doctor kase yung dad ko so lagi niyang need icheck patients niya then yung mom ko, she owns a flowershop nearby kaya siya nalang palagi nago-open ng shop. Yung ate ko naman, may-ari siya ng sikat na skincare line then yung kuya ko, freelance model siya habang yung bunso namin, grade 3 palang sa private school malapit lang din dito sa bahay.

Oh diba! ang busy ng angkan ko? habang ako, eto lang, cute lang hehehe joke!!

Graduate ako with a degree on Business Management alongside with ning. Yes, opo, hindi niyo na po kami mapaghihiwalay pero buti hindi pa kami nagkakamukha huhu ayoko!! save me!!! chariz

But, nagpa-plan kami ni Ning na i-franchise yung flowershop ni mom sa ibang area para... boom astig!!! 

"I'm still here, anak! But I have to go na rin kase may ni-rush sa hospital just now, may accident daw eh. Kumain na kayo diyan ni ning, may nakahanda naman diyang foods sa table. You know if you need anything, just call ate mila or if may gusto ka ipabili, ako call mo baka madaanan ko bago ulit ako umuwi."

"And oh! anak, sabi ni ate mo pumunta ka daw office, okay? bye babies!" paalam ni dad at pareho kaming kiniss ni Ning.

"Bye po tito pogi! ingat po!" pasipsip ni ning. 

"Ay Dad! can I use the car po? para hindi na hassle byahe po? hehe" my eyes were pleading.

Minsan kase, ayaw ipagamit ni dad yung car sakin kase im just new daw sa driving but, im learning very well naman huhu. "Hmmm, sige na nga papa-cute pa eh. Just please, winter anak, be careful, okay?" I nodded in response.  

"Ning. May sinabi ba si ate kung ano time tayo pupunta sa office niya?" tanong ko kay Ning habang nagsimula na kami kumain ng breakfast.

"Wala naman teong pero agahan n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Enterusername_here
21 streak #1
Chapter 10: Tumutulay talaga tong ate seul e, gustong gusto na ipajowa si karina kay wintot
bigboy123
128 streak #2
Chapter 10: interesting~ may connection silang lahat some way 🤔🤭
Enterusername_here
21 streak #3
Chapter 9: Talagang binida na ni ate seul si win kay madam k.
Gungdaengie
40 streak #4
Chapter 8: Hahahhaha ano ba talaga jowa ba ni karina yan 😤
bigboy123
128 streak #5
Chapter 8: iba ka talaga ssob, speed kung speed. 😽 agad? 😂
Gungdaengie
40 streak #6
Chapter 7: Hahhaah cute
Enterusername_here
21 streak #7
Chapter 7: Kunyare ka pang ayaw mo sumulyap tot hahaha sana tulungan ka ni erp seul kay madam kars heheheh
bigboy123
128 streak #8
Chapter 7: hahaaha liaaaaa 🤦‍♀️🤦‍♀️
Enterusername_here
21 streak #9
Chapter 6: Wag ka na magulo chaehyun, dun ka na sa new bebe mo para lumayag ng masaya ang winrina
bigboy123
128 streak #10
Chapter 6: kalmahan mo madam, mahina kalaban mo 😂