08.

pada-love
Please Subscribe to read the full chapter

Nadatnan naming nasa dining area si Mommy at Daddy kaya laking gulat nila nang makitang kasama ko si Seul. 

Matagal tagal na rin kase yung huling bisita niya dito sa amin at ang tanging ginagawa lang namin ay kumain. Literal!

"Oh my God! Seulgi? Oh dear come here!" my Mom didn't hesitate to give her a hug, for sure sobrang namiss siya ni Mommy, close din kase sila eh.

"It's good to see you po! Namiss ko po kayo ni Tito." ngiting sabi ni Seulgi habang nakatingin din kay Daddy.

"Bakit ngayon ka lang ha? Gabi gabi kayang umiiyak si Win noon nung hindi ka na nakakabisita."

"Luh Dad! Ang OA mo po." natawa ang nasa tabi kong si Ning.

"Just kidding anak! Your Dad kept on reminding me to take good care of you, eh hindi namin alam kung paano ka mahagilap." sabi ni Dad at napakamot sa ulo si Seul.

"Busy lang po Tito! Pero ngayon pong malapit workplace ko dito, madalas na po ulit ako makakadaan dito sainyo." si Mommy halatang miss na miss si Seul! hindi na binitawan ang braso niya.

"And Tito! Bukod po don, may driver na pong pwedeng sumundo sakin from work. Magaling na po siya magdrive eh." napatingin sakin si Seul at Dad habang tumatawa.

Natapos na rin naman ang kamustahan with Seul at agad kaming nagtungo sa dining para kumain.

Si Yuna nga pala, ibinaba na namin kina Jinjin! Ang mokong, parang bruhang lumabas at yumakap samin. Panigurado wala pa yong ligo at hindi man lang nagsuklay!

May natirang foods naman sa hain ni Ate Mils. Carbonara, tonkatsu, beef with mushroom, mixed veggies, kanin at white buko salad for dessert!

Anong meron? Wala baka natira lang sa ref yung iba.

"Hoy teong, nabalitaan ko yung nangyare kanina sa department niyo! Grabe tawang tawa ako nung na kay Lia lang pala yung file."

Ewan ko ba naman kay Lia, baka naman nakaligtaang nasa kanya yung file at masyado nang naaligaga kanina kakahanap.

"Oo nga eh kala ko nga sobrang magagalit sa kanya sina Yoon kase dinamay daw kami sa stress!" sabi ko kay Ning at tumawa. 

Nakikitawa rin naman si Seul sa amin habang kumakain. "Kaya pala nasa cafe kayo kanina siguro pambawi ni Lia?" tumango ako kay Seul.

"Ay teong tanda mo yung sinabi ko sayong may jowa si Yuna?" nakataas lang kilay ko kay Ning habang tumango. "Gagi si Lia pala!"

WEH? OMG!

"SERYOSO?!" gulat kong komento. Jusko kaya naman pala ngiting ngiti ang gaga palagi habang tutok sa phone?

"Itinayo ang bandera ng mga accla!" sabi ni Seul with matching suntok pa pataas.

May gf nga pala si Ate Seul for 4 years. Swinerte si Seul ng slight, ang ganda ni Ate Joohyun eh! Nurse si Ate Joohyun sa ibang bansa kaya madalang lang siya makauwi. Kaya kung maglandian sila ni Seu  kapag uuwi siya, sagad sagad!

"Ay oh? Kamusta nga pala kayo ni Ate Joohyun? Kailan uwi niya?" tanong ko kay Seul.

"Hmm hopefully this year makauwi siya. Sobrang busy nga niya eh, madalang ko na rin siya makausap. Miss ko na yun." malungkot ang pagkakasabi ni Seul. May problema kaya?

"Kayo pa rin pala Seul? tatag ah?" singit ni Ning.

"Oo naman! Wala namag rason para maghiwalay kami."

Nakangiti kong tiningnan si Seul kahit halata sa itsura niya ang lungkot. Mabait si Ate Seul, sobrang maalaga siya sa mga taong malapit sa kanya pero syempre, lalo na kay Ate Joohyun.

"Ang lungkot naman ng dinner niyo?" lahat kami napalingon sa taong nagsalita.

"ATE YEON!!!!!!!!" agad na tumayo si Seul at patakbong nilapitan si Ate para yakapin.

"Siraulo ka! Bakit ngayon ka lang dumaan dito?" bati ni Ate habang nakayakap pa rin kay Seul.

"Eh nabusy ate! Pero madalas na ulit ako makakadaan dito lapit nalang ako eh."

"Sabi mo yan ah! Oh eto, may dala akong pizza, nabanggit nga kase ni Winter na pupunta ka daw dito." nilapag ni Ate ang dala niyang pizza sa lamesa.

"Ohhhh to be Ate Yeon's favorite! Winter could never!" mapanlokong asar sakin ni Seul habang nakaturo sakin ang hintuturo.

Inirapan ko lang naman si Seul at binuksan ang boxes ng pizza. Iba't ibang flavor pa ang dala ni Ate ah? Kala mo naman nangibang bansa si Seul, hmp!

Nagpaalam muna si Ate para magshower at magbihis daw saglit. Lumipat na rin kami sa sofa bitbit ang pizza para doon nalang daw ituloy ang kwentuhan.

"ATE SEUL ALAM MO BA SI WINTER KILIG NA KILIG DON KAY KAR-SHDKDKFSHD."

Isinubo ko kay Ning yung kinakain kong pizza at sinamaan ng tingin! Shuta mga sis, paano pag makarating to kay Karina? HAYS

"Ano ano? Kilig kanino? May natitipuhan ka na, tot?"

Tumabi sakin si Seul at nakangiti ng nakakaloko sakin! AGHHH NING!!!!!

"W-wala wala Seul! Isod ka nga ang lapit mo!"

Sakto namang tumunog yung phone ni Seul at in-excuse ang sarili para kausapin yung tumawag.

"Alam mo ikaw bruha ka, konti ka nalang talaga sakin! Baka makarating kay Karina 'yon, nakakahiya!"

Tawang tawa sa itsura ko si Ning. "Ano ka ba Win? Malay mo, si Seul na pala sagot sa lovelife mo!"

"Mananahimik ka o isusungangal ko sayo isang buong pizza? tsaka di ko naman trip yung Karina! Nagagandahan lang ako."

Nagmake face lang naman si Ning at tinalikuran na ako para kumain ng pizza. "Sorry guys tumawag si Karina. May tinanong lang." sabi ni Seul pagbalik sa amin.

Mas mabilis pa sa isang segundo ang inilingon sa akin ni Ning. Sige teh ipahalata mo pa!

"Bakit gulat na gulat ka Ning? Kilala mo ba si Karina?"

"Ah hehe nakilala lang po namin siya ni Win sa di inaasahang pangyayare." kinabahang tumingin sa akin si Ning.

Sa huli, nalaman din ni Ate Seul lahat sa kadaldalan ni Ning. Kwinento niya lahat simula noong natapunan ko siy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Enterusername_here
#1
Chapter 10: Tumutulay talaga tong ate seul e, gustong gusto na ipajowa si karina kay wintot
bigboy123
114 streak #2
Chapter 10: interesting~ may connection silang lahat some way 🤔🤭
Enterusername_here
#3
Chapter 9: Talagang binida na ni ate seul si win kay madam k.
Gungdaengie
22 streak #4
Chapter 8: Hahahhaha ano ba talaga jowa ba ni karina yan 😤
bigboy123
114 streak #5
Chapter 8: iba ka talaga ssob, speed kung speed. 😽 agad? 😂
Gungdaengie
22 streak #6
Chapter 7: Hahhaah cute
Enterusername_here
#7
Chapter 7: Kunyare ka pang ayaw mo sumulyap tot hahaha sana tulungan ka ni erp seul kay madam kars heheheh
bigboy123
114 streak #8
Chapter 7: hahaaha liaaaaa 🤦‍♀️🤦‍♀️
Enterusername_here
#9
Chapter 6: Wag ka na magulo chaehyun, dun ka na sa new bebe mo para lumayag ng masaya ang winrina
bigboy123
114 streak #10
Chapter 6: kalmahan mo madam, mahina kalaban mo 😂