05.

pada-love
Please Subscribe to read the full chapter

"Win, lumabas yung kashungaan mo don!" 

Hindi ko pa rin maalis yung hiya ko sa katawan pagtapos ng aksidenteng nangyare kanina sa cafe ni Minju. Hindi ko naman sinasadya eh...slight? AY. Ito namang si Ning, wala nang ibang ginawa kundi tawanan ako hanggang makarating kami sa kotse. 

"Tigilan mo nga ako Ning. Kitang hiyang hiya na yung tao."

"Hindi ko mapigilan Win. Ang bilis mong gumalaw," magiyak ngiyak na kakatawa ang bestfriend ko.

Nag-focus lang ako sa pag-drive at hindi na inimikan si Ning. Hinding hindi ko na makakalimutan ang araw na 'to at panigurado sinusumpa na rin ako nung kaibigan ni Minju. 

 

I entered our house and saw Ate Taeyeon sa living room na tutok na tutok sa laptop niya with papers scattered around her. Dito pa talaga siya nagkalat, eh may sarilli naman siyang office sa taas. 

"Hi Ate! I'm home." bati ko kay ate na agad kong nilapitan at niyakap.

"Welcome home, sis! Anong meron?"

"Grabe ka naman ate! Anong meron agad? Hindi ba pwedeng, saan ka galing? kumain ka na ba? sino kasama mo?" agad na napatingin sakin si Ate at napatigil sa kanyang ginagawa.

"Wow Win! Hindi ko naman alam na gusto po pala yung pang jowa vibes? oh edi, kamusta gala mo beh? nag-enjoy ka bang magsayang ng pera?"

"Ate naman eh! ang OA mo." hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Pwede ka bang magulo saglit? mga 3 mins. lang ganon?"

Kinuha niya yung phone niya sa bag niyang nasa gilid ng table. "Okay sige wait, set ko lang timer to 3 mins. Mahal kase yung oras ko eh. Gusto ko yung ganyan, yung sila nagbibigay ng oras." 

Minsan talaga,hindi ko rin maintindihan Ate ko kung seryoso ba siya o ano.

"Para kang ewan ate. Saglit lang, seryosohin mo naman ako."

She giggled after hearing what I said and placed her phone sa table.

"Ewan ko sa'yo, Winter! Ano ba kase 'yon?"

"Eh ano kase ate, medyo nabanggit ko kay Ning yung offer mo kanina. Sabi niya, ang tagal na rin daw niyang pinag iisipang maghanap ng work. Baka pwedeng, sayo muna kami?" nahihiyang sabi ko sa kanya.

" 'yan lang naman hinihintay ko sainyo, win! sige go lang kase sakto may kaka-resign lang pero, magkaiba kayo ni Ning ah? ayoko nang magulo sa kumpanya ko!"

Aray? ano akala niya samin ni Ning? magdadaldalan? pwes! hindi siya nagkakamali hehe.

"So, g na kami sayo ha! Kailan kami start?"

"At dahil mukhang excited ka, bukas na bukas Win, punta na kayo sa office. 9am sharp! Ayoko nang may nale-late!"

 

"Guys! This is Winter. Siya muna yung papalit kay Sumin for the meantime."

Pinakilala ako ni Ate sa mga tao sa room na katabi ng office niya. Alam ko sa mga encoder 'to? ewan ko sinabayan ko lang kase si Ate.

Agad naman akong kinawayan at nginitian ng tatlong babaeng nasa room. Mukha naman silang approachable kaya kinawayan ko na rin sila pabalik. 

Bago lumabas si Ate niyakap niya ako at nagbilin na umayos daw ako dito. Ano ba yan? mukha ba akong mang gugulo? 

"Hi I'm Lia! Welcome dito. If there's anything you need, wag ka mahihiya ah?" ngumiti ako at tumango.

"Hi Lia! Uhm..saan ako pupwesto?'

"Oh right! Doon ka sa tabi ni Yoon. Sa dating table ni Sumin." nagpasalamat ako sa kanya at agad na nagtungo sa available table para ilapag yung gamit ko. 

Ang awkward sa totoo lang! Pero...ganito naman siguro ano? hays pwede kaya ako magpatugtog? ang tahimik kase eh.

Inayos ko muna yung mga gamit ko. Nilapag ko muna yung iba't ibang klase ng ballpens ko from Muji. Pati yung set of 10 na iba't iba yung kulay nilabas ko na rin! Hind ko alam pero, ang saya kaya mag-collect ng ballpens. Kayo rin ba?

"Hi? May pwede na ba akong maitulong?"

Hindi ko alam kung naririnig niya ako kase she's wearing her airpods pero, naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya napalingon siya sakin.

"Sorry? I'm listening to u & i by James Reid." 

HA? HAHAHHAHAHA

"Ah eh, h-hindi ko po tinatanong yung pinapakinggan mo." nauutal kong sagot sa kanya. Okay lang ba siya?

Tinanggal din naman niya agad yung airpods na suot niya at tumawa. "Char lang sis! I'm Yoon at ayon naman si Sully." Tinuro niya yung babaeng nasa likod ni Lia.

"You were asking kung may pwede ka nang matulong, right?"

"Yeah uhm, kung meron na."

"Ito Winter." nilapag niya sa table ko yung isang folder na halos masira na sa dami ng papel. "Gagawin lang yan sa excel. May template naman na diyan si Sumin before, revise mo nalang. Bale, encode mo lang yung daily sales reports from the past months, hinihingi kase yan ni Ms. T."

 

Halos isa't kalahating oras na rin akong tutok na tutok sa monitor at nagpipipindot sa keyboard ko. Nagdala nga pala ako sariling keyboard ko bilang maarte ako hihi. Sa totoo lang, masakit na yung mata ko. Sa dami ba naman nitong mga ine-encode ko at wala pa sa kalahati. Hindi ko nga rin sure kung tama yung ginagawa ko kase nahihiya pa ako magtanong tanong eh. But I can see glances form Yoon who was checking me and my monitor from time to time and I guess, tama naman gawa ko.

"Tama ba 'to, Yoon?" tinanong ko na rin siya para sure. 

Nilapit niya sakin ang office chair niya at tiningnang mabuti ang gawa ko."Uhuh tama naman sis! Ang bilis mo naman gumawa?" natawa ako sa itsura niya kase parang ayaw niya sa mabilis.

Sumandal ako sa upuan ko at pipikit na sana nang biglang mag-vibrate ang phone ko.

1 new message

(From: NiNing B)

Teh dito ako pantry! Punta ka here now na! That's an order.

excuse me?! pagtapos niya ako iwan kaninang umaga pa-office?

(You:)

New phone. Hu dis? Nakaka-istorbo ka po ng pahinga tnx..,

(NiNing B)

ulupong! gusto mo totoong pahinga? halika basagin ko ulo mo

Napatawa ako sa reply ni NiNing B! HAHAHAHAHA natatawa pa rin ako ako contact name niya. Kausuhan pa kase yon ng Neneng B ni Nik Makino at favorite song 'yon ni Ning kase aliw daw yung beat at lyrics kahit medyo ano...basta alam niyo na yon! Alam niyo naman si Ning, puro kalokohan.

"Winter? Gusto mo coffee? Punta kase akong pantry eh." 

Sakto naman pag-aya sakin ni Yoon! "Ay sama na ako, nandon kase friend ko pinapapunta rin ako."

"May friend kang working din dito?" 

"Oo bestfriend ko! Plano kase naming pabagsakin kumpanya ni Ate eh." napahagalpak sa tawa si Yoon may hampas pa!

"Lia! Sully! Gusto niyo coffee? Punta kaming pantry ni Yoon." tanong ko dalawang tutok sa mga cellphone nila ngayon. SiLia nga ngiting ngiti pa eh. Hmmm, may jowa??

"Hay nako Winter, buti ka pa. Samantalang yung isa diyan di man lang magyaya."

"Nakakapagod ka na Lia! Ang dami mo kayang gusto pag nagyayaya ako sa pantry!" inis na sagot ni Yoon na tinawanan lang ni Lia.

"Ako Winter, wala. Punta nalang ako don siguro mamaya. Thank you." nginitian ako ni Sully. Alam niyo, mukha siyang inosente! or nahihiya lang talaga siya.

 

"Alam mo Winter, pagpasok mo palang ng pinto ng office kanina, alam kong kapatid ka na ni Ms. T!" saad sakin ni Yoon pagkala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Enterusername_here
#1
Chapter 10: Tumutulay talaga tong ate seul e, gustong gusto na ipajowa si karina kay wintot
bigboy123
141 streak #2
Chapter 10: interesting~ may connection silang lahat some way 🤔🤭
Enterusername_here
#3
Chapter 9: Talagang binida na ni ate seul si win kay madam k.
Gungdaengie
54 streak #4
Chapter 8: Hahahhaha ano ba talaga jowa ba ni karina yan 😤
bigboy123
141 streak #5
Chapter 8: iba ka talaga ssob, speed kung speed. 😽 agad? 😂
Gungdaengie
54 streak #6
Chapter 7: Hahhaah cute
Enterusername_here
#7
Chapter 7: Kunyare ka pang ayaw mo sumulyap tot hahaha sana tulungan ka ni erp seul kay madam kars heheheh
bigboy123
141 streak #8
Chapter 7: hahaaha liaaaaa 🤦‍♀️🤦‍♀️
Enterusername_here
#9
Chapter 6: Wag ka na magulo chaehyun, dun ka na sa new bebe mo para lumayag ng masaya ang winrina
bigboy123
141 streak #10
Chapter 6: kalmahan mo madam, mahina kalaban mo 😂