03.

pada-love
Please Subscribe to read the full chapter

"Winter, what's your plan? Wala ka pa bang balak maghanap ng work?" 

Seryosong saad ni Mom sa akin habang nandito kaming lahat sa dining for breakfast.

Sa totoo lang, wala akong plan. 

No, wala PA akong plan. Wala pa akong plan bukod sa naiisip namin ni Ning na i-franchise yung flowershop ng Mom ko.

Parang gusto ko munang panindigan yung pagiging palamunin ko. Emz!

Honestly, isa yan sa mga tanong na gusto kong iwasan, yung tanungin ako kung anong plan ko sa buhay. Hindi ko kase alam kung paano siya sasagutin. 


I mean, hindi naman sa parang wala talaga akong gustong gawin or hindi ko naiisip yung future ko, pero..alam niyo ba yun? parang hindi pa ako mentally prepared. Gusto ko lang mag-enjoy.

Pero yeah, dapat na akong gumalaw. Feeling ko kase, masyado na akong nagdedepende sa parents ko, kumbaga, nakampante ako. 

"uhm..ano po ano..wala pa po sa ngayon Mom bukod sa naiisip po naming i-franchise ni Ning yung shop niyo." sagot ko, making all of them look at me as I spoke.

"Ayaw pa kasing sa akin muna mag-work habang wala ka pang definite plan. Isama mo na si Ning kung hindi talaga kayo mapaghiwalay. But Win, you have to do things on your own now, hindi ka na bata para pilitin o pagsabihan pa sa kung anong dapat mong gawin sa buhay mo." I simply looked at Ate Yeon whose eyes were looking at me with concern.

"Anak, I'm not saying this para maglayo kayo ni Ning, that kid's amazing and smart, but, for sure you guys want to be successful in the future too, on your own. " 

I understand, and I know they're just worried sa akin. Ning's my childhood bestfriend. We've been bestfriends for idk how long now. I consider her as my soulmate and life support, we click and match. She's the best!

I remember when we were in 3rd grade, one of my classmate made fun of me. There's this famous joke/phrase before, "balitang balita sa radyong sira" thing. He used that joke to make fun of me.
 
"Balitang balita sa radyong sira, inamin ni Winter na may putok siya. Ang baho mo Winter!" he and his friends were gathered around me as they laugh out loud. I was sitting on the floor, looking down dahil hiyang hiya na ako kahit alam ko naman sa sarili kong hindi ako mabaho?!

Ang asim kaya ng itsura niya!
 
Not until I noticed na tumigil sila sa pagtawa. Inangat ko ulo ko, only to see  Ning and yung classmate ko na nasa mukha ang kamay kase binato pala ni Ning ng Lemonsquare cheesecake sa mukha yung classmate kong 'yon. Tinulungan niya ako tumayo at bago kami umalis, sinabihan niya pa yung classmate ko na may pupu ito sa pantalon. We made it sa guidance but oh well, they started it. 

If we ever take different paths, i'm sure we'll still be each other's support system. 

"Aga aga hino-hotseat niyo si Winwin. Tsaka paano yan magde-decide? eh ni pagligo nga hindi niya alam kung kailan." natatawang pambasag ni Kuya Yeol na siyang sinaaman ko kaagad ng tingin. "But seriously Winwin, try mo muna offer ni Ate. Paano ka mag-franchise kung wala ka namang ipon? bahala ka, doble pa naman magpasweldo si Ate, diba Ate?" binigyan pa ni Kuya ng mapanlokong ngiti si Ate. 

"Sakto Win, kailangan ko ngayon ng runner. Ayaw ko pa muna ulit magpasok ng tao sa office ko eh."

"Si Ate Yeon talaga, pinaganda pa yung kailangan ng runner. Pwede namang sabihing kailangan mo ng utusan!" tawang tawa si Kuya Yeol at nakatanggap ng hampas galing kay ate Yeon.

"Tama na yan. Pagisipan mong mabuti Win anak. Tama ang ate mo, hindi ka na bata. You're still young to explore and learn new things!" sumali si Dad sa usapan namin pero nagpaalam na rin sila ni Mom at niyakap kami isa isa bago umalis.

"We're just here for you. You know, we just want what's best for you diba? We'll support you sa kahit ano." habol na bulong sakin ni Mom bago ako yakapin. 

I smile and nodded kahit magpapagulo 'to sa isip ko. But, kaya mo yan, Winter!

 


"Ning, this is our jam!" 

All my life has been a series of doors in my face and then suddenly I bump into you.

I was thinking the same thing!

'Cause like, I've been searching my whole life to find my own place, and maybe it's the party talking or the chocolate fondue.

Nagkatinginan kami ni Ning na masayang nakangiti sa isa't isa. 

But with you

But with you

I found my place, I see your face

And it's nothing like I've ever known before!

Love is an open door!

Nagda-drive ako ngayon papunta sa sinasabing bagong bukas na cafe na nakita ni Ning online. Medyo malapit lang naman sa bahay kaya pumayag ako tsaka, nawala ata ako sa sarili pagkatapos ng hotseat sesh namin nung breakfast kanina. 

"Spill, teong." napalingon ako kay Ning na nakangiti lang sakin.

Yeah, alam kong alam niyang may iniisip ako. Mabilis siyang makiramdam.

"I'm guessing, early sermon?" she added.

"Hindi naman Ning. Normal family talk lang." 
 
Nagkibit balikat si Ning at pinagmasdan ang mga kasabay naming kotse na dumadaan kahit alam kong hindi siya satisfied sa naging sagot ko.

One thing I like about her is, hindi siya mapilit. Alam niyang mago-open up ako sa kanya anytime soon. 

"I guess we're here?" sabi ko kay Ning while looking for a parking space. 

Sa labas palang, maganda na yung cafe. Very chill yung spot n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Enterusername_here
20 streak #1
Chapter 10: Tumutulay talaga tong ate seul e, gustong gusto na ipajowa si karina kay wintot
bigboy123
126 streak #2
Chapter 10: interesting~ may connection silang lahat some way 🤔🤭
Enterusername_here
20 streak #3
Chapter 9: Talagang binida na ni ate seul si win kay madam k.
Gungdaengie
37 streak #4
Chapter 8: Hahahhaha ano ba talaga jowa ba ni karina yan 😤
bigboy123
126 streak #5
Chapter 8: iba ka talaga ssob, speed kung speed. 😽 agad? 😂
Gungdaengie
37 streak #6
Chapter 7: Hahhaah cute
Enterusername_here
20 streak #7
Chapter 7: Kunyare ka pang ayaw mo sumulyap tot hahaha sana tulungan ka ni erp seul kay madam kars heheheh
bigboy123
126 streak #8
Chapter 7: hahaaha liaaaaa 🤦‍♀️🤦‍♀️
Enterusername_here
20 streak #9
Chapter 6: Wag ka na magulo chaehyun, dun ka na sa new bebe mo para lumayag ng masaya ang winrina
bigboy123
126 streak #10
Chapter 6: kalmahan mo madam, mahina kalaban mo 😂