Chapter 15

Torment
Please Subscribe to read the full chapter

Nang muling magkamalay si Chaeyoung, bumungad sa kanya ang puting kisame sa salas nila, senyales na nakabalik na sila sa bahay. Wala sa paligid sa Casper. Mag-isa lang siyang nakahiga sa sofa bed, nanghihina at walang maramdamang lakas. Naalala niya ang mga nangyari kanina pero hindi pa rin siya makapaniwala. Siya? Isang witch? Nakakatawang pakinggan. Parang wala namang katotohanan. Ni minsan ay hindi naman nagmanifest ang kapangyarihang meron siya…kung meron man. 




 

Pero malakas ang kutob niya na totoo ito. Dahil nakita niya ang mga alaala ng matandang babae nang magdampi ang mga palad nila. Walang ordinaryong tao ang makakagawa noon. Nakita niya kung paano nagsanay ang matandang babae ng kanyang mahika, kung paano ito gumawa ng mga gamot at gayuma para sa mga taong nangangailangan, kung paano nito pinarusahan ang mga taong naging masama ang trato sa kanya. Nakita rin niya ang kasama nitong familiar na lalaki, na lubos nitong napasaya at minahal–pero kasama na rin dito ang lungkot at pighati nang mamatay ang familiar habang pinoprotektahan siya mula sa mga tao. Nasaksihan ni Chaeyoung ang pangungulila ng matandang babae sa kanyang familiar habang ito ay naglalakbay na mag-isa makalipas ang ilang dekada. 




 

Nakaramdam ng lungkot si Chaeyoung para dito. Gusto niyang umiyak. Hindi niya alam kung paano siya mabubuhay kung mamamatay ang taong minamahal niya, kung mamamatay si Casper. 




 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet