Chapter 11

Torment
Please Subscribe to read the full chapter

Nagulat na lang siya nang biglang napatayo si Casper at iniharang ang kanyang sarili nang may lumapit sa kanilang matandang babae. Nakasuot ito ng mahabang bestida na tinernuhang itim na scarf at itim na belo. Matanda man ito, bakas na bakas pa rin sa mukha nito ang kagandahang taglay noong kabataan. Maamo ang mukha pero kitang kita na may ere sa tindig nito. Nakakasindak din na matitigan ang mga mata nitong bilog na bilog at itim na itim. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa silang dalawa patay ni Casper. 




 

Hindi niya alam kung bakit pero hindi mapigilan ni Chaeyoung ang kabang nararamdaman. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Parang kanina lang kalmado lang ang pakiramdam niya pero ngayon biglang nagbago ang ihip ng hangin. Napahawak siya sa kamay ni Casper at nagtago sa likuran nito. Si Casper naman pinisil nang marahan ang kamay niya para bigyan siya ng kasiguraduhan na walang mangyayaring masama at magiging ligtas siya hangga't kasama niya ito. 




 

Huminto ang matandang babae sa harap nila at nginitian sila. Tinignan niya si Chaeyoung mula ulo hanggang paa. Pinagmamasdang mabuti at sinusuri na parang bang isang specimen. Matapos ang ilang segundo ay binati siya nito at may binanggit itong pangalan. "Maligayang pagkikita, señorita." And the she addressed Casper without taking her eyes away from Chaeyoung. "Kumalma ka lang, Familiar. Hindi ko sasaktan ang amo mo." 




 

A

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet