Chapter 10

Torment
Please Subscribe to read the full chapter

Simula nung gabing yon, palagi na silang sabay na umuwi ni Casper. Palaisipan pa rin kay Chaeyoung kung paano nalaman ng binata ang lugar kung nasaan ang pharmacy nila gayong ni minsan ay hindi pa niya ito naipasyal dito. Mas lalo tuloy siyang ginagambala ng mga tanong sa utak niya kung ano ito. Sabi nito simpleng tao lang siya, pero wala naman kasing tao na lumilitaw na lang ng bigla-bigla. Sa tingin ni Chaeyoung, meron itong itinatago. Pero kapag tinatanong niya ito patungkol sa sarili o tungkol sa scarf na mukhang mahiwaga ay laging sagot nito ay wala siyang alam at nagkikibit balikat na lamang. 




 

Nalaman na lang nila ang sagot sa mga tanong sa isipan niya nang makilala nila ang isang matandang babae. 




 

Madalas na silang lumalabas kapag weekends. Kung saan saan niya dinadala si Casper. Andoong sa mall, sa amusement park, at sa mga sosyaling restaurant. Tuwang-tuwa at manghang-mangha kasi ito sa lahat ng bagay. Marami itong hindi alam at hindi pa nakikita raw noon kaya kung meron siyang oras niyaya niya itong lumabas at mamasyal. 




 

Maghahapon na nang napaupo sila sa isang bench sa parke. Parehas silang tahimik. Pero gayun pa man hindi sila nakakaramdam ng pagkailang sa isa't isa. It was the peaceful kind of quiet. Parehas silang komportable. Walang awkwardness, walang pagpapanggap. Just enjoying each other's company. She loves that feeling. She feels genuinely happy. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet