Part 9

Tittle-Tattle
Please Subscribe to read the full chapter

Ang astig kapag no hands ka sa LRT, diba?

 

Pero nakakawala pala ng angas pag may ka-holding hands ka na sa LRT.

 

Exactly isang linggo na ang nakalipas simula nagkaaminan kami ni Karina, pero ang surreal pa rin ng feeling.

 

Ganito pala ‘yung pakiramdam ng may ka-MU. Bago sakin ‘yung ganito bilang isang No Jowa Since Birth.

 

Akala ko maximum na kasi ‘yung kilig sa mga interactions namin ni Karina before ‘yung confession namin. Hindi na nga ako makatulog minsan kaka-backread ng mga chat namin o kaya kakaisip ng moments namin sa school.

 

Ngayong may verbal confirmation na gusto niya rin ako, lalo akong hindi mapakali kahit na kumustahin niya lang ako sa chat. Kahit nga yata i-update niya lang ako sa mga ginagawa niya, automatic na akong napapangiti.

 

Basta Karina related, auto smile na yata ‘yung sistema ko.

 

Gaya na lang ngayon.

 

“Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Para kang ewan,” pabulong na puna ng kahawak ko ng kamay ngayon dito sa train.

 

“Wala naman.” Tinignan ko ‘yung kamay naming dalawa, at sumunod rin ng tingin si Karina.

 

“Ang landi mo talaga,” binitawan ni Karina ang kamay ko para hampasin ako lightly sa braso ko. Kinuha ko naman ulit agad ‘yung kamay niya, at inirapan niya lang ako sarcastically.

 

“Ikaw rin naman,” sagot ko na may kasamang mapanlarong ngisi. “Kinikilig ka rin naman ayaw mo lang magpahalata.”

 

Nag-attempt ulit si Karina na kunin ang kamay niya, pero hinigpitan ko agad ang hawak. Hindi na rin siya pumalag, at nakita kong may maliit na ngiti na rin sa mukha niya.

 

Tanggap ko na kapalaran ko. Hindi yata ako masasanay sa mga paganto namin anytime soon. Pero okay lang. Sabi nga nila, enjoy the ride.

 

Anyway, wala pa kaming label. Balak ko naman magkaroon, at doon naman talaga ito patungo. At least para sa akin.

 

Pero hindi pa siguro ito ‘yung tamang panahon.

 

Napag-usapan naman na namin ‘to ni Karina. May valid naman akong rason kung bakit hindi pa kami official ngayon.

 

Nangako kasi ako kay mama na hindi ako mag-jojowa ngayong junior high, and I intend to keep that promise kahit na suportado niya naman itong namamagitan samin ni Karina.



 

“So, girlfriend mo na ba si Karina?” Genuine na tanong ni mama habang nagsusuot ako ng sapatos.

 

Magkasabay kaming aalis ng bahay ni mama ngayon, pero hindi kami sabay papasok. Ang gulo, ‘di ba?

 

Earlier than usual lang ako aalis sa amin ngayon, dahil inimbitahan ako ng mama ni Karina na mag-breakfast sa kanila.

 

Diretso pa rin sa school ang nanay ko, at ako naman, may kaunting landi detour muna. Kasali rin naman sana si mama sa inimbitahan, pero kailangan niya talagang pumasok nang maaga.

 

Ilang araw pa lang simula nagkaaminan kami ni Karina, pero gusto agad nila ng meeting the family. Parang mas excited pa yata mga nanay namin, kaysa sa amin mismo.

 

“Hindi pa po.” Parang gulat na gulat ang mama ko sa sagot ko. Kailangan ba talaga maging mag-jowa na kaagad after magkaaminan?

 

“Bakit hindi pa? Ano pang hinihintay niyo? Botong boto na ako kay Karina.” Halata nga naman ‘yung support niya sa amin.

 

“Nag-promise ako sa inyo na hindi ako mag-jojowa ngayong junior high eh,” simula ko, at mukhang natatawa naman si mama sakin ngayon.

 

“Sineseryoso mo ba talaga ‘yun, anak?” Tumango naman ako sa kanya. “Natutuwa naman akong gusto mong i-honor ‘yung pangako mo, pero alam mo namang suportado kita kung saan ka masaya, di ba?”

 

Makapagsalita naman si mama. Akala mo kung sinong matanda na ako na kailangang kailangan nang magka-jowa ngayon. Bata pa naman kami ni Karina.

 

“Thank you, ma,” siya naman ang tumango sa akin. Naaappreciate ko naman talaga ang pagiging supportive ni mama. At least diba? Hindi na namin problema umamin pa sa mga magulang namin when the time comes na maging official na kami. Laking pasasalamat ko talaga na walang homophobic sa mga pamilya namin ni Karina. “Pero napag-usapan naman po namin na ganito muna kami.”



 

After rin naman kasi namin magkaaminan ni Karina, syempre natural na mapag-usapan kung ano na bang next? Anong mangyayari sa amin?

 

We both agreed na mag-getting to know each other muna. Tulad nga ng sabi ko, bata pa kami. Marami naman kaming oras. Bilang unang love life experience ko nga ito, ayokong madaliin. 

 

We weren't really close bago itong buong chismis fiasco na ito. Sa katunayan, kabaliktaran pa nga kami. Lowkey enemies. Kabilang ako sa mga source of headache niya noon. Mas mabuting kilalanin muna namin 'yung isa't isa.

 

Time ko rin muna siguro ‘to para magpa-impress, at bumawi kay Karina sa lahat ng sakit ng ulo na dinulot ko at ng mga kaibigan ko sa kanya dahil sa mga kalokohan namin noon.

 

Ipapakita ko sa kanya 'yung crushable side ko. Joke lang.

 

Kaso sobrang excited ng mga magulang naming dalawa. Facebook friends na sila mama at tita Tiffany. Pero tulad nga ng sabi ko, mabuting bagay talaga itong support ng mga magulang namin, lalo na ng mama ko. At least hindi ko kailangang itago 'yung lock screen ng phone ko na picture namin ni Karina noong intrams.

 

“Sana all may ka-holding hands habang papasok sa school,” sabi ng boses na galing sa likod namin.

 

Ah.

 

Si Ryujin na naman.

 

“Ngayon pa lang ang landi niyo na, kinakabahan ako pag nagka-label na kayo ha,” tuloy-tuloy niyang pang-aasar.

 

Parang tumalon naman ‘yung puso ko sa dibdib ko nung hindi nag-react violently si Karina. Ni hindi niya nga rin binitawan ‘yung kamay ko. Umirap lang siya pabiro. Usual reaction niya pag kinikilig.

 

Parang nung kailan lang na nahuli kami ni Ryujin na magkasama, galit pa si Karina sakin. Sinungitan niya pa kami pareho nun.

 

Pero tignan niyo naman ngayon. Complete opposite na. Patay na patay na siya sakin ngayon. Joke lang.

 

“Ano na namang nginigiti-ngiti mo dyan?” Mahina niyang sabi para hindi marinig ng kaibigan kong nakabuntot samin. “Kailangan na ba kitang dalhin sa clinic?” Biro niya.

 

“Wala. May naaalala lang ako.”

 

“Grabe baka mapunit na mukha mo kakangiti ah. Sobra-sobra na yata pagkaka-crush mo sakin eh.” Pabiro ang tono ni Karina, pero tama naman siya dun.

 

“Ikaw nga ‘tong may crush talaga sakin eh. Gusto mo pa nga akong jowain, di ba?” Simula nagkaaminan kami lagi kaming nag-babanter nang ganito.

 

“Respeto naman sa mga single,” biglang singit ni Ryujin.

 

Bakit nakalimutan ko na ngang kasabay nga pala namin ‘to maglakad?

 

“Mauuna na nga ako. Inabala ko pa ‘yung morning labing labing niyo eh,” binilisan ni Ryujin ang paglalakad niya, at hindi na kami nakasagot pa sa kanya. Kumaway lang siya samin habang nakatalikod.

 

May idea akong naiisip ngayon. Hindi ko alam kung good idea ba ‘to, pero testing na lang siguro?

 

“Rina?” Oo. Wala pa kaming call sign. Nickname-basis pa rin.

 

Label nga wala pa, CS pa kaya.

 

Okay lang. Gaya nga ng sabi ko hindi naman ako nagmamadali.

 

“Ano ‘yun?”

 

“May i-shashare ako sayo, pero wag mo ipagkakalat.” Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi ko.

 

“Okay. Ano ‘yun?”

 

Lagot ako kay Ryujin pag kumalat ‘to, pero may tiwala naman ako kay Karina. Baka nga pasalamatan pa ako ni Ryujin kung maganda magiging resulta nito.

 

“Satin lang muna ‘to ah?” Paninigurado ko, at tumango naman si Karina. “Alam mo bang nagka-crush si Ryujin sa kaibigan mo?”

 

Napatigil naman si Karina sa paglalakad, kaya automatic na nag-stop rin ako.

 

“Wait… Sino?” Maingat niyang pagtatanong.

 

“Si Yeji. Crush niya dati. Secret lang natin ah,” natatawa kong sabi.

 

Kitang kita ko ‘yung gulat sa mukha ng baby ko este ni Karina.

 

“Dati lang ba?” Napalakas ang boses niya at bakas ang excitement. Mukhang tama pa nga ako na pasasalamatan ako ni Ryujin dito ah. “Secret lang din, pero alam mo ba crush siya ni Yeji ngayon.” Mas kalmado at mahina na ang boses niya ngayon.

 

At turn ko namang magulat. I mean, obvious naman sa initial reaction ni Karina sa revelation ko na may something.

 

Pero iba pa rin kapag narinig mo na directly na confirmed ang hinala mo.

 

“So ano? Magpapakalat na rin ba tayong chismis na gusto jowain ni Ryujin si Yeji, or the other way around?” Pabiro kong suggestion. Biro lang, pero if makikisakay si Karina, why not? Baka ito 'yung magpatigil sa pang-aabala ni Ryujin ng morning bebe time namin ni Karina.

 

“Sira." Grabe na itong epekto ni Karina sakin. Tawa lang niya pero parang nag-slow motion bigla ang paligid. "Wag tayong masyadong halata manulsol, pero push push natin sila onti."

 

Bakit ngayong taon nga lang ba kami naging friends at nagkasundo ni Karina? Match na match naman pala 'yung mga ugali nami

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Sorry. Wala pang update huhu. Napindot lang ng jowa ko at natanggal niya sa draft status nung binabasa niya yung last chapter SORRYYYY DI SADYA MGA BEH 😭

Comments

You must be logged in to comment
mindeongie 0 points #1
Chapter 10: Chapter 10: miss u otor. It's been a year 😔
Wemon_ #2
Chapter 10: ang cute cute nila kainis huhuhu
Wemon_ #3
Chapter 7: supportive ng mama at friends
Wemon_ #4
Chapter 6: ang cuteeee potek kinikilig ako
M_1412 #5
Chapter 10: Cute talaga nila huhu
M_1412 #6
Chapter 8: Super supportive mama😭
M_1412 #7
Chapter 7: Yiee keleg HSHAHAHAHA
KULIT NG MGA MAMA
M_1412 #8
Chapter 6: AAAFHKZDJZLKS NAKAKAHAWA ANG KILIG CHAKRA
M_1412 #9
Chapter 4: YIEEE AHSHAHHAHAHA
yanymous
#10
Chapter 1: Awee excited me to read this