Part 5

Tittle-Tattle
Please Subscribe to read the full chapter

Ang bilis lumipas ng oras.

 

Next week na agad ‘yung intrams week, which means next week na rin ‘yung field demo namin.

 

Kaya ito, sobrang busy kami nitong mga nakaraang araw at mamaya.

 

Masasabi ko namang ready na ‘yung team namin. Magaling na ang paa ko. Maayos na ‘yung sayaw. Kabisado na ng lahat ‘yung choreography, at wala na rin kaming problema sa mga formation. Natapos na rin namin gawin lahat ng props, at napag-usapan na kung paano gagamitin, kailan papasok at kung ano-ano pa.

 

Basta handa naman na kami.

 

Ito na ‘yung last na Friday ng practice, kaya pinagbigyan na kami ng teachers na gamitin na lang ang araw para sa field demo preparations. So, walang klase ang buong school.

 

Kinakabahan nga ako dahil wala na ngang klase buong linggo next week, nadagdag pa ‘tong araw na ‘to. Nararamdaman ko na babawian kami ng mga teachers namin after ng intrams. Tatambakan na naman siguro kami ng mga assignments at activities.

 

At akala ko tapos na ‘yung “WinRina” era ng batch namin. Akala ko naka-get over na sila.

 

Akala ko lang pala.

 

Inaamin ko naman na baka partly ay kasalanan ko rin (or naming dalawa) kung bakit na-lilink na naman kami.

 

Pagkatapos kong ma-sprain nung nakaraan, nilibre ko talaga siya ng V-cut at Pepsi blue.

 

May maliit na tindahan kasi sa likod ng isa sa mga building sa school namin. Tinatawag siya sa school na “secret shop” kahit na hindi naman talaga siya sikreto. Alam naman ng buong school, kahit mga teachers, ‘yung existence ng tindahan na ‘yan. Mga DOTA players lang daw nagpauso ng tawag na ‘yan.

 

Maraming tumatambay sa store na ‘yun tuwing vacant time nila. Mas malapit kasi ‘yun sa mga classroom kaysa sa canteen. Maraming variations naman ng mga chichirya, candy, softdrinks, at biscuits sa tindahan na ‘yun. Nagbebenta nga rin sila ng cup noodles at Yakisoba.

 

Bibili lang naman dapat ako ng Choco Mucho nun sa secret shop kasama si Ning, pero nadatnan naming nakatambay rin dun sila Winter.

 

Nag-decide ako na totohanin na lang ‘yung hinihirit niyang libre mula sakin bilang pasasalamat sa paghahatid sakin the night before. Hassle naman kasi talaga sa kanya ‘yun lalo na’t siya pa nagdala ng bag ko.

 

Syempre dahil nasaksihan ng mga kaibigan niya ‘yung panlilibre ko sa kanya, hindi nila pinalagpas ‘yun. Ginawa nilang bagong material ng pang-aasar.

 

Sabi nga nila, ligawan arc na raw ito ng WinRina Kalyeserye.

 

Dahil sa panlilibre ko kay Winter, lagi nila akong niloloko na nililigawan ko na raw ‘yung isa. Kakaasar nga nila sa amin sa practice, may ilang mga grade 7 na naniwala.


 

“Todo deny ka pa nung una, totoo naman pala na jojowain eh,” tinusok-tusok pa ni Ryujin ang tagiliran ko na pilit ko namang iniiwasan.

 

“Uy, may injury ‘yan. Wag mo masyadong kulitin,” pagpigil ni Winter sa kaibigan niya bago niya ako kausapin. “Thank you dito. Sabi ko naman sayo, nagbibiro lang ako eh.”

 

“Okay lang,” mahina kong sambit habang hinawi ko ang buhok ko sa may bandang tenga. Hindi ko rin alam kung bakit ako nahihiya ngayon. “Thank you din ‘yan para sa kagabi.”

 

“Huy, anong kagabi? Ano ‘yan, Winter?”

 

“Bakit hindi ka nagkwekwento?”

 

“Magkasama kayo kagabi?”

 

“Bakit may pa-thank you para sa kagabi?”

 

Sunod-sunod ang tanong ng mga kaibigan ni Winter. Napatayo pa nga si Yujin sa upuan niya, at tinulak niya pa si Winter.

 

Kitang kita ko ang gulat sa mga mukha nila.

 

Oop. My bad. Hindi ko naman kasi alam na hindi sila aware.

 

“Wala. Hinatid ko lang siya kagabi kasi na-sprain siya nung practice,” pagpapaliwanag niya sa mga katropa niya. “Okay na ba?”

 

Parang natagalan silang magkakaibigan i-process ‘yung sinabi ni Winter dahil natahimik muna sila bago sila nag-react.

 

“Iba ka na. Malaki ka na. Proud kami sayo.”

 

“Baka ssob Retniw ‘yan.”

 

“Aw. Nung ako nadapa, tinawanan lang ako. Pero si Karina, may hatid? Nakakatampo ka na.”

 

“Drama mo naman,” natatawang sagot ni Winter sa hinaing ni Minju. “Ang liit lang ng gasgas mo nun eh.”

 

Marahan akong siniko ni Ning, at tsaka ko lang na-realize kung gaano ka-awkward itong situation namin ngayon.

 

“A-ano Winter, balik na kami sa room,” nauutal kong paalam sa kanya. Bakit ako nauutal? Naiilang ko ring nginitian ‘yung mga kaibigan niyang mukhang bumubwelo na asarin ako.

 

“Iwas hot seat si Karina,” nakangising sabi ni Yujin. Binangga naman siya sa balikat ni Winter. “Kilig ka na nyan, Win?”

 

“Issue ka,” tinawanan lang nilang magkakaibigan ang sagot ni Winter. “Thank you ulit.” Tinanguan ko lang si Winter, bago kami umalis ni Ning.

 

“WinRina revival na this.”

 

“Nagbabalik na ang ating paboritong Kalyeserye.”

 

‘Yan ang mga narinig ko habang papalayo kami.

 

Pero nag-rereplay sa utak ko ‘yung sinabi ni Minju. Na siya tinawanan lang tapos ako hinatid.

 

Baliw na ba ako kung kinikilig ako dun?

 

Inaasar lang naman nila si Winter, for sure. Ako lang nagbibigay ng meaning.

 

‘Yan kasi tayo eh. Ang bilis ma-fall sa mga nagpapakita ng kahit konting kabaitan satin. Rupok ‘yan eh.



 

Maliban sa libre incident, there’s more.

 

May isa pang major ganap na lalo pang nagpalala ng mga pang-aasar saming dalawa.

 

Sabay na kami pumapasok at umuuwi ni Winter. Palagi.

 

At first, purely coincidental lang naman. Hindi naman maiiwasan na nagkakasabay kami sa train kapag papasok sa school. Pero 'yung pag-uwi, naging unspoken routine na namin siya after that night.

 

So dahil sa sabay naming pagpasok at pag-uwi, nabigyan talaga namin ng rason ang mga tao sa paligid na i-ship kami.

 

Noong una, sinisita pa ni Winter ‘yung mga kaibigan niya, pero hindi lang naman tropa niya nang-aasar samin. Halos buong batch na talaga.

 

Yes, kasali ang mga kaibigan ko.

 

Nabanggit ko kasi sa kanila na baka may small, tiny, little, microscopic crush ako kay Winter.

 

Initial reaction nila? Syempre sobrang surprised. Lalo na si Ning. Siya kasi madalas ang nakakausap ko para mag-rant tungkol sa tropa nila Winter.

 

Pero tulad nga ng sabi ko, small, tiny, little, microscopic crush lang naman.

 

Na unti-unti yatang lumalaki. Parang legit na buhay na organism.

 

Oo na. Inaacknowledge ko na. Bumigay ako sa pang-aasar ng mga tao. Lason talaga ‘yang peer pressure sa lipunan. Charot.


 

“Paano mo natitiis ‘yung mga pang-aasar sayo?” Tanong ni Winter habang naghihintay kami ng train. “Or satin, I mean?”

 

“Hindi lang talaga ako pikunin?” Reluctant kong sagot.

 

“Weh? Ikaw?” Nagkunwaring gulat si Winter. “Ikaw? Hindi pikuni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Sorry. Wala pang update huhu. Napindot lang ng jowa ko at natanggal niya sa draft status nung binabasa niya yung last chapter SORRYYYY DI SADYA MGA BEH 😭

Comments

You must be logged in to comment
mindeongie 0 points #1
Chapter 10: Chapter 10: miss u otor. It's been a year 😔
Wemon_ #2
Chapter 10: ang cute cute nila kainis huhuhu
Wemon_ #3
Chapter 7: supportive ng mama at friends
Wemon_ #4
Chapter 6: ang cuteeee potek kinikilig ako
M_1412 #5
Chapter 10: Cute talaga nila huhu
M_1412 #6
Chapter 8: Super supportive mama😭
M_1412 #7
Chapter 7: Yiee keleg HSHAHAHAHA
KULIT NG MGA MAMA
M_1412 #8
Chapter 6: AAAFHKZDJZLKS NAKAKAHAWA ANG KILIG CHAKRA
M_1412 #9
Chapter 4: YIEEE AHSHAHHAHAHA
yanymous
#10
Chapter 1: Awee excited me to read this