Part 7

Tittle-Tattle
Please Subscribe to read the full chapter

“Utot mo?” Napa-tilt ang katawan ko para harapin si Yujin dahil sa gulat ko sa sinabi niya sakin.

 

“Gagi, oo nga. Promise. Reliable source ko.” Tinaas ni Yujin ang kanan niyang kamay, at nag-drawing pa siya ng letter X sa dibdib niya para kumbinsihin ako.

 

“Ulol?” Natatawang sabi ni Mark na mukhang hindi rin makapaniwala sa narinig.

 

Nagtatawanan lahat ng kaibigan ko, at gusto ko ring matawa dahil imposible. Imposible talaga ‘yung sinabi ni Yujin.

 

“Seryoso kasi. Hindi rin ako makapaniwala nung may nagsabi sakin, pero siya raw mismo nakarinig.” Hindi nagbibiro ang tono ni Yujin ngayon kahit na mukhang nagpipigil din siya ng tawa.

 

Natatawa siguro siya hindi dahil fabricated lang ‘yung kwento niya samin, pero dahil naaamuse din siya sa pinagsasabi niya.

 

Impossible. Improbable. Unbelievable. Unthinkable. Preposterous.

 

“Paano?” Takang taka si Ryujin. “Ang init ng dugo satin nun ah.”

 

Kaya nga hindi rin ako makapaniwala sa narinig ko.

 

Si Karina? Crush ako? To be more specific, gusto raw akong jowain?

 

Hibang lang ang maniniwala dyan. Lagi nga ‘yung bad trip samin nung classmate namin siya eh.

 

At napaka-random naman? Sa halos apat na taon namin dito sa high school, isang beses lang naman kami naging magkaklase. Noong grade 8 lang kami, tapos never pa kami naging close.

 

Wala kaming koneksyon maliban sa bwisit siya sa tropahan namin dahil aaminin kong makulit naman talaga kami dati, pero to defend ourselves, nag-mature naman na kami. Slight.

 

“Oo nga eh,” humahagikgik na sambit ni Haechan. “Gago kasi ‘tong si Chenle dati pinasimunuan ‘yung paglalagay ng bato sa bag nila Karina at Ningning.”

 

Hindi ko mapigilang matawa sa memory na ‘yun. Uwian na kasi, at naglalakad sa unahan namin sila Karina at ‘yung kaibigan niyang si Ningning. Dahan-dahang binuksan ni Chenle nun ‘yung bulsa ng mga bag nila para lagyan ng maliliit na bato. At aaminin ko na nakisali rin ako sa trip nilang ‘yun. Guilty po.

 

Naisara namin ‘yung bag nila bago kami makalabas ng gate, at hindi man lang nila naramdaman ‘yung ginawa namin. Pagkauwi, nagbukas ako ng group chat ng section namin, at doon ko lang nakita ‘yung long message na rant nilang mag-best friend. Na-shoutout pa talaga kami dun.

 

Lalo pang na-beast mode si Ningning nung nireplyan lang siya ni Yujin ng “Ning, ang bato!” pagkatapos niyang maglabas ng sama ng loob sa group chat.

 

Pero paano naman silang nakasiguro na kami ‘yung suspect? Joke lang. 

 

Aware naman kasi silang kami talaga ‘yung naglalakad sa likod nila directly nun, at sa totoo lang, parang barkadahan lang naman namin mahilig mang-trip sa ganung paraan.

 

Ginagawa nga rin namin ‘yun sa sarili naming kaibigan. One time, pinalitan ni Mark ‘yung libro ni Haechan ng isang malaking bato. Hindi rin namalayan ni Haechan ‘yun hanggang nakarating na siya sa bahay nila.

 

“Mga sira ulo kasi kayo eh,” sabi ko sa mga kaibigan ko. Naluluha na nga rin ako kakatawa sa pag-rereminisce ng mga kalokohan namin nun.

 

“Wag kang magmalinis, Win,” turo sakin ni Chaewon. “Kasali ka rin sa nakilagay ng bato, tsaka tandaan mo ikaw may idea na pagbuhulin ‘yung tali ng mga bag nila dati.”

 

Okay. Once again, guilty po.

 

Pero keyword na may idea lang naman. Sabi ko lang naman what if pagbuhulin namin ‘yung tali ng mga bag nila, kasama ‘yung kay Karina, dahil uwing uwi na sila nun. Nasa kalagitnaan kasi kami ng class meeting that time, at kita kong inip na inip na ‘yung mga officers na nasa harap. Why not pag-tripan?

 

But again, idea lang naman. Hindi naman ako ‘yung nagtuloy. Sila Mark na ‘yung gumawa nun.

 

Nung naka-recover na kami sa pag-alala ng sira ulo moments slash good times namin, bumalik na kami sa original topic. Ang mainit na chismis.

 

“Teka, Yujin,” simula ni Minju. “Sino ba muna ‘tong source mo?”

 

Same question.

 

“Secret, pero mapagkakatiwalaan siya.” Walang halong doubt sa boses ng kaibigan ko.

 

“Ano namang masasabi mo, Win?” May mapanlokong ngisi sa mukha ni Hendery ngayon. Minsan lang namin siya maka-hang out dahil nasa ibang section siya. Medyo hindi match ‘yung sched niya samin. “Papasa ba sayo, ssob?”

 

Nakatingin sakin mga kabarkada ko expectantly.

 

“Adik kayo,” na lang ang naisagot ko.

 

Nag-take turns ang mga kaibigan ko na itulak-tulak ako sa balikat at hampasin ako sa braso.

 

“Pabebe pa,” sabi ni Yujin. “Seryoso nga, Win. Paano kung totoong gusto kang jowain ni Karina?”

 

“Hinaan mo naman ‘yung boses mo,” pagsita ko sa kanya dahil napansin kong may mga palingon-lingon na samin.

 

Nakatambay kasi kami dito sa favorite spot namin sa school. Sa secret shop. Nandito lang kami sa usual naming pwesto. ‘Yung tatlong lumang teacher’s table na pinagtabi-tabi para bumuo ng isang medyo mataas na long bench.

 

Ganito kasi ‘yung mga seats dito sa tindahan na ‘to. Recycled na mga lumang gamit ng school. Mga sirang armchair. May iba naman na maayos pa pero may kalumaan na.

 

“Wag mong iwasan ‘yung tanong. What if totoo nga?”

 

“Ewan ko?” Nag-kibit balikat lang ako. “Hindi naman kami masyadong nag-uusap.”

 

“Ah, so kung mag-uusap na kayo, may chance?”

 

“Malay ko nga,” sumipsip ako sa Chuckie na hawak ko. “Bakit ba tanong kayo nang tanong eh di naman tayo sigurado kung totoo?” Pilit kong pag-dismiss sa topic.

 

“Kaya nga what if mga tanong namin sayo eh.”

 

“Pero ano naman tingin mo kay Karina?” Tinuloy-tuloy pa nila ‘yung pang-iintriga. “Like nagagandahan ka ba sa kanya o attractive ba siya sa standards mo?”

 

Hay nako.

 

“Maganda naman siya,” pagsagot ko sa tanong ni Minju para matapos na ‘to. “Okay na? Okay na ba tayo dito?”

 

Napasinghal na lang ako nung lalo lang nag-hiyawan ‘yung mga kaibigan ko. Sabi na nga ba’t itwi-twist nitong mga ‘to ‘yung sagot ko para i-push ‘yung gusto nilang narrative.

 

Kapag sinabi kong maganda si Karina, papalabasin nilang crush ko or interested ako. Kapag sinabi ko namang hindi, ganun pa rin. Ipipilit nila na in denial lang ako dahil sa totoo lang baliw lang naman yata ang sasagot ng hindi sa tanong na ‘yun.

 

Totoo naman kasing maganda siya. I dare say na isa pa nga siya sa mga pinakamaganda sa batch or buong school namin.

 

“Ganyan nagsimula ang lolo’t lola ko,” pang-aasar ni Mark.

 

Buti na lang kilalang kilala ko na sila, at sanay na ako sa ugali nila.

 

“Mga baliw talaga kayo.”

 

“Yie.”

 

“Ipupush ko talaga ‘to hanggang magkatotoo.”

 

“Papasalamatan mo kami balang araw, Win.”

 

Hay. Parang alam ko na magiging buhay ko sa mga susunod na araw o linggo o baka buwan pa nga.

 

Lumipas naman ‘tong buong araw na ‘to na walang kakaibang nangyayari. Meron onti, pero mild lang naman. Naririnig-rinig ko lang lalo na sa section namin na gusto nga raw akong jowain ni Karina.

 

Wala lang naman sakin ‘yun, pero nag-wowonder tuloy ako kung totoo nga ba dahil sino ba naman ngang mag-eexpect nun ‘no? Definitely not me, considering na marami kaming atraso as a squad kay Karina at sa iba pang mga binibwisit namin dati.


 

But maybe I spoke too early.

 

“Good afternoon, sir,” magalang na pagbati ni Chenle pagkakatok niya sa pinto ng room namin.

 

“Yes, iho? Ano ‘yun?”

 

Bakit ako kinabahan sa biglang pagtingin sakin ni Chenle? Parang may glint ng kapilyuhan. Parang alam na alam ko na ‘yung mga ganitong tinginan.

 

“May I excuse Winter Kim po? Pinapatawag lang po siya ni ma’am Santos.”

 

Kita kong pareho kaming confused ng teacher ko ngayon sa request ni Chenle.

 

Ano namang kailangan sakin ni ma’am Santos?

 

Nonetheless, pumayag si sir na ipa-excuse ako.

 

“Anong meron?” Tanong ko kay Chenle habang naglalakad kami papunta sa room nila. Hindi siya sumagot, at tumawa lang siya nang mahina.

 

Hindi talaga maganda kutob ko dito eh.

 

Binati ko muna si ma’am Santos, at bumalik na ‘yung kaibigan ko sa upuan niya, pero bago siya maupo, nag-thumbs up muna siya sa direksyon ni Karina na nakatayo ngayon.

 

“Grabe si ma’am, napaka-supportive sa pagkaka-crush ni Karina kay Winter,” narinig kong bulong ng mga nakaupo sa harap ko.

 

Marami pa silang pinagbubulungan na lahat tungkol sa supposed crush daw sa akin ni Karina. Grabe ‘tong mga ‘to, parang wala sa harap nila ‘yung mga pinagchichismisan nila.

 

I looked at Karina para makita ang reaksyon niya sa mga nangyayari, at nginitian niya ako. Stiff smile.

 

Sinabihan ako ni ma’am na mag-hi ako sa klase kaya ginawa ko naman ‘yun.

 

Sunod-sunod naman ‘yung mga pang-aasar nila. Special mention naman daw kay Karina. Nakisali naman si ma’am Santos.

 

Para matapos na lang ‘to, at makabalik ako sa klase, I did as they said.

 

“Hi, Karina.” Parang may bumara pa sa lalamunan ko, kaya inulit ko pa para mas klaro. 

 

“Hi, Karina.” This time with matching wave, at mukhang namumula ‘yung tenga ni Karina. Baka nga totoo ang mga sabi-sabi.

 

Nag-hi siya sa akin pabalik, and she stuttered doing so.

 

Kinumpara pa nga kami ni Haechan sa AlDub daw. Kalyeserye, pabebe wave, at halo-halong pang-aasar. May nag-point out pa ng mala-kamatis na tenga ni Karina ngayon.

 

Pinabalik na rin ako ni ma’am sa klase ko, at habang palabas ako, may narinig pa akong mag-flying kiss naman daw si Karina.

 

Sabi na nga ba’t Chenle’s up to no good.

 

Nag-krus pa ang landas namin ni Karina sa LRT station ngayong uwian. Nagkatinginan lang kami, pero hindi kami nagpansinan. Ganito naman talaga kami normally kapag nagkakasabay dito eh.




 

Syempre, the “news” spread like wildfire. Maliit lang naman kasi ang school namin.

 

At dahil dun, mahirap umiwas sa mga pang-aasar at pag-shiship saming dalawa. Talagang nabansagan na kaming AlDub ng batch.

 

‘Yung tipong magkakasalubong lang kami o kaya mapapadaan lang siya sa tapat ng room, ang intense agad ng mga pang-aasar. Masyado naman yatang invested ang mga schoolmates namin. Iba talaga epekto ng mga love team love team na ‘to eh.

 

Nangunguna pa ‘yung mga katropa ko sa pang-aasar. I don’t mind the teasing naman. Wala lang naman sa end ko eh. Ewan ko lang kay Karina.

 

Ngayong free time ng buong school, nakatambay kami sa labas ng room para mag-jamming daw. Bago mag-start ‘yung legit na jamming, narindi muna kami sa paulit-ulit na paggitara ni Ryujin ng intro ng Magbalik ng Callalily.

 

Nadaan naman dito si Karina, kaya alam niyo na anong nangyari.

 

Maliban sa verbal na pang-aasar, bigla akong tinulak ni Yujin papunta kay Karina. Sa totoo lang, medyo hindi ako biniyayaan sa mga physical na bagay na ‘yan. Mana kasi ako masyado sa nanay ko eh. Panget reflex, tapos onting tulak lang, akala mo papel na hinahangin.

 

Naramdaman ko ‘yung paghawak ni Karina sa waist ko, at ako naman napahawak sa braso niya for support.

 

Masyado kaming malapit sa isa’t isa. We caught ourselves looking at each other, eye to eye.

 

Parang kahit anong anggulo, ang ganda ni Karina. Grabe, masyadong pinagpala.

 

Nag-start na magsigaw ng kung ano-ano ang mga kaibigan ko, at kinantahan pa kami. Naka-attract pa tuloy kami ng mas malaking audience.

 

Bigla akong binitawan ni Karina, at muntik na naman akong matumba pero nabalanse ko naman ‘yung sarili ko.

 

Nag-sorry kami ni Karina sa isa’t isa bago siya umalis without looking back.

 

Para akong nag-papalpitate. Baka sa Kopiko 78 ‘to na ininom ko kanina. Makikinig na nga ako kay mama, at titigilan ko na ‘yung kapeng ‘yun. Mukhang totoo ang bali-balita na dangerous ‘yung Kopiko na ‘yun.

 

Napakamalas ko pa talaga, at sa lahat-lahat ng araw, ngayon ko pa nakalimutan ‘yung payong ko. Ang lakas pa naman ng buhos ng ulan.

 

Maaraw naman kasi kaninang umaga. Hindi ko tuloy nagawang i-recheck kung may payong ba ako sa bag bago ako umalis ng bahay.

 

Napatulala na lang ako sa labas. Hindi na rin ako makakabalik sa school para sumabay kay mama, dahil paano ako maglalakad sa ganitong weather? Kung ambon pa lang sana, tatakbo pa ako pabalik eh.

 

Hindi ko naman alam kung pwede pa ako umexit dito sa station once na-tap ko na ‘yung beep card ko. At bilang inverter, joke lang, bilang introvert, nahihiya naman akong magtanong kay manong guard.

 

Bahala na nga. Doon na lang ako sa station na bababaan ko magpapatila ng ulan. Hopefully, bago ako bumaba ng tren eh tumigil na siya. Fingers crossed.

 

May plastic naman ako sa bag. Ugali ko lang talaga magdala ng plastic. Hindi ko rin alam kung bakit.

 

Nilagay ko na lang muna sa supot ‘tong mga gamit ko para hindi sila mabasa if ever. Mabasa na ako, wag lang ‘yung notes kong pinaghirapan ko at mga libro kong pagkamahal-mahal.

 

Hindi ko maiwasang bantayan ‘yung ulan habang umaandar ‘yung tren. As if naman mapapatila ko siya sa pagtitig ko. Aba, malay niyo ba. Baka pala may powers ako.

 

“Mukhang kailangan mo eh. Sorry ko na rin ‘yan sayo.”

 

Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko. Tinignan ko lang ‘yung payong na inaabot niya sakin. Nasisiraan na ba ‘to ng bait? Paano naman siya kapag kinuha ko ‘yung payong niya? At anong sorry naman sinasabi niya?

 

Sinuksok niya sa gilid ng bag ko ‘yung payong. Ibabalik ko sana, pero ang bilis niyang bumaba ng train.

 

Jusko. Hassle naman.

 

Bumaba na lang din ako kahit hindi ko pa ‘to station.

 

I can’t help but worry dahil ang lakas pa rin ng ulan kahit na bahagyang humina na ‘to. Alangan namang sugurin niya ‘to dahil nasakin na ‘yung payong niya. Baka magkasakit pa siya tapos kasalanan ko pa.

 

The least I can do is ihatid siya sa kanila bago ko gamitin payong niya, diba?

 

Impractical sa part ko dahil sayang ang pamasahe, pero I have to repay her kindness somehow.

 

Natanaw ko siya sa may stall ng Master Siomai. Mabuti naman at hindi pa siya nakakalabas ng station.

 

“Isa pong gulaman,” pag-order ko, and I can feel her eyes on me pagkasalita ko, so I looked back at her.

 

“Hi,” nginitian ko lang siya bago ko ibalik ang paningin ko sa pinaglalagyan ng siomai. Pinaliwanag ko lang kung anong ginagawa ko dito ngayon.

 

“Okay lang naman. Pwede naman akong magpatila dito.” Hindi niya ba naisip na pwede ko ring gawin ‘yun?

 

“Ako rin naman, pwede naman magpatila,” I retorted. “Kaso nawalan ako ng choice kung hindi bumaba dito, kasi binigay mo payong mo. Ayoko maging kargo pa ng konsensya ko kung maulanan ka.”

 

Naubos ko agad ‘yung gulaman na binili ko, at hinintay kong matapos si Karina kumain ng siomai niya bago kami naglakad palabas nang walang imik.

 

Kanina pa magkadikit ang mga braso namin. Maliit kasi ‘yung payong ni Karina na si Kuromi pa ang design. Goods na goods for one person, pero alanganin para sa dalawang tao.

 

“Ako na nga maghahawak,” hinablot ni Karina mula sakin ‘yung payong niya. Sorry na kung hindi ako nabiyayaan ng height katulad mo ah.

 

Nag-brush pa nang slight ang daliri niya sakin, kaya I decided to about it.

 

“Nananantsing ka ba sakin?” I felt her move away from me.

 

“Ang kapal naman pala ng mukha mo.” Nakakatawa pa rin ang reaction ni Karina kapag inaasar. Parang nung grade 8 lang.

 

“Joke lang,” I said, trying hard not to laugh. I grabbed her by the shoulder para bumalik kami sa original naming pwesto. Parang mas nababasa na kasi ako. “Mababasa palda natin pareho eh.”

 

A thought crossed my mind kaya tinanong ko siya. I asked her kung para saan ‘yung sorry sa train kanina. Sabi niya dahil daw sa mga pang-aasar samin.

 

I giggled, at sinabi kong okay lang naman sakin. Like I said, hindi naman ako bothered about it.

 

“Totoo ba ‘yun?” Hindi ko rin alam bakit ko natanong. Gusto ko lang siguro malaman?

 

Masyado namang mabilis ang pag-deny niya.

 

“Aray naman,” I feigned offense. “Hindi ba ako ka-crush crush?” Natatawa kong sabi.

 

“Ano lang naman. Gusto ko lang naman i-clear na hindi totoo ‘yun,” paglilinaw niya.

 

“Biro lang naman. Ang bilis mo namang magpanic,” ang amusing lang ng reaksyon ni Karina sakin. ‘Yung image niya kasi sakin eh ‘yung tipo ng masyadong composed, prim and proper na minsan masungit. Pero baka samin lang naman siya nagsusungit.

 

“Pero ano ngang sagot sa tanong ko? Hindi ba ako jowable o crushable?” I decided to some more, at nakatanggap lang ako ng hampas sa braso.



 

“Kanino ‘to?” Tanong ni mama habang tinitiklop niya ‘yung payong ni Karina na pinapatuyo ko sa may sala namin. “May ganito ba tayo?”

 

“Kay Karina po ‘yan, ma,” saglit kong pagsagot bago ako bumalik sa paggawa ng homework.

 

“Karina?” Nilingon ko siya ulit para tumango. “Bakit nandito satin payong niya?”

 

Hindi pa ba obvious ‘yun? Dapat ba ipaliwanag ko pa kay mama step-by-step? Paano siya naging teacher?

 

“Pinahiram niya po ako kanina kasi naiwan ko ‘yung akin dito sa bahay.”

 

“Aber, paano naman siya nakauwi? Ang lakas pa naman ng ulan.” Hindi ba nauubusan ng tanong si mama?

 

Naiistress na nga ako sa assignment na ‘to, tas dinadaldal niya pa ako.

 

“Hinatid ko po siya sa kanila bago ako umuwi.”

 

Sa wakas, katahimikan. Okay na. Na-satisfy na ba ang curiosity ng nanay ko?

 

“Ay,” nag-iba ang tono ng boses ni mama. Hindi pa pala siya tapos. “Ikaw ha. Winter, sabihin mo nga sakin.”

 

Binitawan ko ang ballpen ko bago ko tinignan si mama na hindi ko maipinta ang mukha.

 

“Totoo ba ‘yung ano raw sa inyo ni Karina?” Paano naman ‘to nakarating sa nanay ko?

 

“Chismis lang ‘yun, ma.”

 

“Weh? Eh bakit may pagpapahiram ng payong at paghatid?” Pinulot ni mama ‘yung aso naming si Zero na kanina pa nagpapapansin sa kanya.

 

“Hindi po ba pwedeng friendly gesture lang?” Mga magulang talaga. Onting kibo, feeling nila may jowa ka na. Natatawa lang ako minsan sa memes o kaya sa GC, inaassume agad ni mama na may jowa ako.

 

Bawal na ba kami maging masaya independently?

 

“Hindi kayo ano? Ano nga tawag dun? ‘Yung ano.” Ay ano. Sige, ma. Ano. Ano. Ano. Paano ko maintindihan ang ano? “Ano nga ba tawag ng mga kabataan dun?”

 

Nakakunot lang noo ko dahil hindi ko talaga siya ma-gets.

 

“Ayun. Ano ‘yung MU. ‘Yun tawag sa may crush crush ‘no.” Ayun lang pala gusto niyang sabihin.

 

“Hindi po. Opposite pa nga kami nyan. Wala pong may crush crush, ma.”

 

“Eh crush ka raw nun ni Karina ah.” Siguro si ma’am Santos ang salarin kung bakit updated si mama sa mga ganito.

 

“Hindi po, ma. Fake news ‘yun,” pagtanggi ko.

 

“Alam mo, okay lang sakin mag-jowa jowa ka ganyan. Crush crush ganun. Basta wag papabayaan pag-aaral.” Ano namang pinagsasabi nito ni mama?

 

“Wala po akong crush.” Bumalik na lang ako sa homework ko.

 

“Sinasabi ko lang naman. Tsaka okay naman si Karina ah,” humahagikgik niyang sabi. Bago pa ako makasagot, pumunta na siya sa kwarto niya bitbit si Zero.

 

Napabuntong hininga na lang ako.



 

“Aga mo papasok ngayon ah?” Observation ni mama na kasabay kong maglakad ngayon papuntang LRT station. Bihira kasi kaming magsabay. Maaga kasi siyang pumapasok, at alam niya namang bilang estudyante, lalo na as a student leader, kailangan ko ‘yung extra minutes of sleep kaya hindi niya na ako pinipilit na sumabay pa sa kanya.

 

“May dadaanan pa po ako, ma,” paalam ko sa kanya.

 

Umuulan na naman ngayong umaga, at bilang nasa akin ‘yung payong ni Karina, naisipan kong dumaan sa kanila dala ‘yung payong niya. Sabay na lang kaming pumasok, pero with our own umbrellas this time.

 

Hindi ko alam anong oras siya usually pumapasok lalo na kapag Monday, kaya inagahan ko na lang. Hopefully, maabutan ko siya sa kanila. Willing to wait naman ako sa labas nila.

 

“Saan ka pupunta? Ang aga-aga pa ah,” takang taka ang nanay ko.

 

“Idadaan ko po kay Karina ‘yung payong niya. Baka mamaya wala po siyang magamit eh.”

 

Inakbayan ako ni mama bago siya nagsalita. “Nagdadalaga na talaga ang unica hija ko. Ang bilis naman ng panahon. Sure na ba na hindi MU? Kahit ligawan wala?”

 

“Wala po talaga, ma,” sabi ko with conviction.

 

“Okay. Abangan ko na lang pag meron na.”

 

Bakit ba g na g ‘tong nanay ko? Akala ko pa naman opposed siya sa jowa jowa na ‘yan tulad ng parents ng mga kaibigan ko. Masyado naman yata siyang chill.

 

Nginisian ako ni mama pagbaba ko sa station malapit kanila Karina, at binilinan lang ako na mag-ingat papasok.

 

Mga 20 minutes siguro akong naghintay dito sa labas ng bahay nila Karina bago siya lumabas.

 

“Good morning, Karina,” bati ko agad pagkabukas niya ng gate.

 

“Ah mali pala tanong ko sayo… Girlfriend pala dapat.” Ngayon ko lang napansin na may kasama pala si Karina na lumabas.

 

At ano raw? Ako ba ‘yung kausap? Tinignan ko si Karina, at mukhang na-piece together ko na ‘yung puzzle.

 

Iniimply ba niya na girlfriend ako ni Karina?

 

Nag-good morning din ako sa babaeng kasama ni Karina. Baka mama niya? Medyo kahawig niya rin eh. Pinaliwanag ko na rin kung anong ginagawa ko sa labas ng bahay nila sa ganitong oras.

 

“Girlfriend ka ni Rina?” Karina denied it for the both of us agad-agad. At tama nga ang hula ko na napagkamalan akong girlfriend, at tama rin ako na mama niya nga kasama niya.

 

Nakatingin pa rin sa akin ‘yung mama ni Karina, kaya sumagot pa rin ako out of politeness.

 

“Hindi po, tita,” I laughed as I thought of teasing Karina. “Pero love team po kami sa school. Aray!” Hinampas ako nang malakas ni Karina sa braso.

 

Nagmamadali nang magpaalam si Karina sa mama niya, kaya nag-bye na rin ako bago ko siya sinundan maglakad.

 

Ang haba ng legs kaya ang bilis niya maglakad, at ako hirap maka-keep up as a shortie. Nag-reklamo ako pero ang cold ni Karina. Literal nakaramdam ako ng chills.

 

Tinanong ko kung galit ba siya, pero hindi ako nakakuha ng reply. I believe dito applicable ‘yung silence means yes. Sobra nga siguro ‘yung ginawa kong pang-aasar kanina.

 

Ngayon ko lang naisip na siguro sakin okay lang, pero hindi naman same ang pikon threshold ng lahat ng tao. Lalo na dun ko pa siya inasar sa harap ng mama niya.

 

Gusto kong mag-sorry na, pero parang dragon na bubugahan ako ng apoy anytime ‘yung aura ni Karina ngayon. Palamigin ko muna siguro.

 

Maghihiwalay na sana kami ng landas pagbaba sa LRT station para iwas issue, pero nahuli pa kami ni Ryujin.

 

Inasar at inintriga niya pa kami, pero nag-pumiglas agad si Karina sa kanya bago kami iniwan.

 

“Ano nangyari dun?” Tanong ni Ryujin pagkaalis ni Karina. “LQ kayo?”

 

Tinulak ko lang ‘yung kaibigan ko.

 

“Gagi,” tinawanan niya lang ako. “Wag mo na lang gawing issue pa na nakita mo kami dito. Satin na lang ‘to.”

 

“Ay bakit? May something na ba talaga?” Napatakip pa siya ng bibig.

 

“Wala,” I flatly answered. “Hindi maganda mood niya. Wag na nating dagdagan.”

 

“Wow, Winter,” she acted shocked. “Nahuhulog ka na ba?”

 

“Sira ulo.” Kahit ano pang sabihin ko, aasarin at aasarin pa rin naman nila kami eh.

 

Nag-announce lang ako this morning ng mga kailangan para sa intrams. After that, na-busy na ako buong linggo sa SC preps, at patong pa rito ‘yung review ko para sa Math quiz bee sa Sabado.

 

Ang hirap i-juggle dahil wala akong choice kung hindi ma-miss ang iba kong mga klase para lang ma-fulfill ko lahat ng responsibilidad ko ngayong linggo.

 

Bakit ba kasi pinili ko ‘tong buhay na ‘to? Sana napirmi na lang ako tulad ng mga kaibigan ko.

 

“It’s been 3 years since we last won this contest. Dapat first place na tayo this year,” sabi ng demonyitang nagkatawang principal sakin. Nakatulog kasi ako slight habang nag-rereview. Naghahabol kasi ako kagabi ng mga namiss kong lesson. “Paano tayo mananalo kung natutulog ka lang when you should be reviewing?”

 

Robot ba tingin sakin nito? Gets na gets talaga kung bakit pati mga faculty members galit sa kanya eh. My mom included.

 

“Sorry po.”

 

“It’s okay. Just work hard, and do your best. You’re representing our school.” I nodded.

 

Dapat pala tinanggihan ko na lang ‘tong quiz bee. Gusto ko lang naman ng quality pahinga.

 

Ayoko na maging behind pa lalo sa mga klase ko dahil kinukulang ako ng tulog sa gabi kakagahol, kaya nagpaalam ako sa Math teacher slash quiz bee tutor ko kung pwede bang gamitin ko ang timeslot ng Math class ngayon para mag-sit in sa Science class ng Bonifacio.

 

Pinayagan din naman niya ako, at ito ako sa klaseng ‘yun ngayon. Nililink na naman kay Karina, as usual, at doon pa talaga ako uupo sa vacant seat beside her.

 

Sinusubukan kong kausapin si Karina, pero hindi siya sumasagot. Galit pa rin ba siya about dun sa Monday? Magsosorry talaga ako pag may opportunity.

 

Seryoso ang class discussion kaya walang nakapang-asar samin masyado maliban sa mga palihim na nagtatake ng pictures naming magkatabi, at napapansin ko namang hindi natutuwa ‘yung katabi ko.

 

May seatwork kami ngayon about chemical equations. Natapos ko naman agad. Ako nga yata ‘yung unang natapos.

 

Nung lumabas si sir saglit dahil inexcuse siya ng principal, biglang umingay ang room para asarin na naman kaming dalawa ni Karina.

 

Stressed at pagod talaga ako ngayon to be dealing with this right now. Bahala na kung masabihan na KJ. Halata rin namang uncomfortable na si Karina sa mga pang-aasar. Pati nga si Haechan na hihirit pa dapat, napagsabihan ko na.

 

Nanahimik naman sila kaagad. Marunong naman p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Sorry. Wala pang update huhu. Napindot lang ng jowa ko at natanggal niya sa draft status nung binabasa niya yung last chapter SORRYYYY DI SADYA MGA BEH 😭

Comments

You must be logged in to comment
mindeongie 0 points #1
Chapter 10: Chapter 10: miss u otor. It's been a year 😔
Wemon_ #2
Chapter 10: ang cute cute nila kainis huhuhu
Wemon_ #3
Chapter 7: supportive ng mama at friends
Wemon_ #4
Chapter 6: ang cuteeee potek kinikilig ako
M_1412 #5
Chapter 10: Cute talaga nila huhu
M_1412 #6
Chapter 8: Super supportive mama😭
M_1412 #7
Chapter 7: Yiee keleg HSHAHAHAHA
KULIT NG MGA MAMA
M_1412 #8
Chapter 6: AAAFHKZDJZLKS NAKAKAHAWA ANG KILIG CHAKRA
M_1412 #9
Chapter 4: YIEEE AHSHAHHAHAHA
yanymous
#10
Chapter 1: Awee excited me to read this