Part 4

Tittle-Tattle
Please Subscribe to read the full chapter

Noong nakaraan, paubos pa lang ang pasensya ko.

 

Ngayon, para na siyang dinosaur.

 

Ubos na.


 

After ng team namin makipag-meeting sa team ng Rizal last Friday, nag-start na kami magkita regularly after class para magsimula na gumawa ng routine at mag-practice para sa field demo.

 

Hindi pa malala ang stress level ko nung first meeting dahil ‘yung mga class presidents naman ang nag-take charge. Chill lang ako nun.

 

Na may onting inis na rin siguro dahil as expected, nagtagal nang slight ang meeting kasi umeepal na naman barkadahan nila Winter.



 

“Mangongolekta siguro ng lima-limang piso para may budget tayo para sa props,” suggestion ni Chaehyun na president ng Rizal.

 

Nag-agree naman karamihan. Hindi naman mabigat sa bulsa ang limang piso. Okay lang rin naman siya sakin.

 

“Pres, bale 10 pesos?” Tanong ni Mark.

 

Ano ba ‘tong mga ‘to? Hindi ba talaga sila nakikinig? Kakasabi lang na 5 pesos lang eh.

 

“Lima-lima lang,” sagot ni Chaehyun.

 

Impressed ako sa pasensya niya. Paano niya kaya kinakaya maging president ng Rizal eh nandun karamihan ng tropahan nila Winter? Amazing lang.

 

“Kaya nga sampu nga,” nagsimula nang humagikgik si Mark. “Lima lang kasi pres. Pag lima-lima edi sampu na ‘yun.”

 

Nakitawa na ‘yung mga grade 7 sa kakornihan nilang magtrotropa. Pati ‘yung mga iba kong kaklase. 

 

Mga wala talagang pinagbago. Pilosopo pa rin.

 

“Hindi naman nakakatawa,” bulong ko kay Ning.

 

“Kaya nga eh,” bakas ang inis sa boses ni Ning. “Anong oras na oh? Nagtatagal lang tayo dito dahil sa pointless nilang ingay.”

 

“Edi lima,” mataray na sagot ni Chaehyun. Nasasagad na rin siguro ‘yung pasensya niya dahil kanina pa maraming side comment sila Mark. “Limang piso. Okay na, Mark?” Nakataas na ‘yung isa niyang kilay.

 

“Joke lang naman, pres.”

 

Umirap si Chaehyun bago siya nagsalita ulit.

 

Nag-finalize na lang kami ng details, at sa wakas, natapos na rin.



 

Wala si Winter nung meeting na ‘yun. Maaga kasi siyang umuwi dahil Sabado nang umaga ‘yung schedule ng contest na sasalihan niya. So, ligtas ako sa mga pang-aasar nun. Kahit na tinatanong-tanong ako ng ibang taga-Rizal kung miss ko raw ba si Winter.

 

Bakit ko naman siya mamimiss? Nagkita naman kami nung klase sa Science, at sino ba siya para ma-miss ko? 

 

Hindi rin naman big deal na wala siya sa meeting dahil wala pa naman masyadong ganap.

 

At wala rin naman talagang may kayang umangal dahil una sa lahat, council president siya. Pangalawa, nag-second place naman siya sa quiz bee.

 

Anyway, balik sa field demo. Mabuti na lang halos sabay palagi ang uwian namin with Rizal. ‘Yung mga grade 7 naman mas maaga nang kaunti ‘yung uwian kaysa samin. 

 

Magkatugma naman mga schedule namin kaya may oras talaga kami mag-practice after class. Usually, 4 p.m. nakakapagstart na kaming mag-practice. Umuuwi kami 7 p.m. na. Pati rin ‘yung ibang teams.

 

Madalas nga dalawang teams kami na nasa field nag-prapractice. Medyo worried kami na baka kopyahin nila ‘yung steps namin.

 

Nakakasabay din tuloy namin ni Ning lumabas ng school ngayon sila Giselle at Yeji dahil ginagabi na rin sila ng uwi.

 

So sa progress naman namin, nakapili na ‘yung team namin ng mga kantang gagamitin. Nakapag-start na rin kami gumawa ng dance steps.

 

Syempre, South Korea ‘to kaya may K-pop talaga. Maliban sa K-pop, meron din kaming fan dance at sword dance na parts sa routine namin.

 

Isa ako sa iilan na kasali sa fan dance. Isa na rin ako sa parang leaders ng part na ‘to dahil isa rin naman talaga ang pagsayaw sa hobbies slash interests ko. Member nga ako ng dance club eh. Si Ning naman, nag-lead ng props team pero sasayaw pa rin siya.

 

Hindi naman mahirap i-lead ‘yung mga kasamahan ko sa fan dance. Nakikipag-cooperate naman kasi sila kaagad. 

 

Okay rin naman ‘yung sword dance na part under sa leadership ni Winter. In fairness naman talaga sa kanya. May leadership skills talaga siya. Bakit kaya hindi niya gamitin sa mga pasaway niyang kaibigan?

 

Kaso ngayon, nauubos ang pasensya ko sa pag-lilead ng K-pop na part. Pang-lahatan na kasi ‘to, at isa rin ako sa mga leaders along with Ryujin. Tinutulungan rin naman kami ng iba sa pagbuo ng choreography. Kami lang talaga ‘yung mostly in charge.

 

Dagdag pa siya sa stress ko maliban sa occasional na pang-aasar nila sakin kay Winter. 



 

“Ano nga tawag dun sa puno na ano? ‘Yung tuwing spring sa Korea,” tinatry kong alalahanin. Gulo-gulo kasi ang utak ko today dahil information overload ang klase namin maghapon.

 

Nag-susuggest kasi kami ng mga pwede gawing props ngayon.

 

“Cherry blossoms?”

 

“Oo. Ayun. Parang spring setting gawin natin na backdrop sa fan dance? May cherry blossoms? Kaya ba ng time?” Suggestion ko.

 

“Bakit spring? Paano naman si Winter?” Inirapan ko lang ‘yung comment ni Yujin na tinawanan ng iba naming mga kasama.



 

Anyway, naiinis pa ako lalo kasi kinukunsinti ni Ryujin ‘yung mga kaibigan niyang hindi nag-fofocus. Kailangan makumpleto na namin ‘yung sayaw soon, at need na rin makuha ng lahat ‘yung pagkakasunod-sunod ng steps at ‘yung formation dahil limitado ‘yung oras namin.

 

Less than 3 weeks na lang ang meron kami.

 

Pero itong si Ryujin, inuuna pa ‘yung pakikipagharutan sa mga kaibigan niya. Minsan nadedelay kami ng practice dahil nag-gigitara at kantahan sila sa may gilid. Nakiki-gitara pa siya eh intro lang naman ng Magbalik ‘yung paulit-ulit niyang tinutugtog.

 

Sa mga ganung moments, tinitignan ko ‘yung grupo nila nang masama hanggang sa makaramdam sila.

 

“Kita mo na. Hindi niyo pa gets tapos kayo pa ‘tong hindi nagseseryoso,” hindi na ako makapagtimpi. Nakakapagod na rin kasi na paulit-ulit magturo.

 

Naaawa na rin ako sa iba naming batchmates at sa mga grade 7 na nadadamay tuwing pinapaulit ko silang lahat dahil hindi kabisado nila Yujin, Minju, Chaewon, Beomgyu, Haechan, Chenle. Basically silang magkakaibigan na kasama dito sa team. Kaya siningle out ko muna sila, para turuan sila all over again.

 

“Ulit. Mali-mali na naman kayo,” command ko sa kanila. Sayang talaga ang oras sa pagpapaulit ko sa kanila, pero pina-lead ko na muna kay Ning ‘yung practice ng iba naming kasama para makausad sila.

 

“Mali lang,” natatawang sambit ni Ryujin. “Pag mali-mali, edi wala na silang ginawang tama nun.”

 

Nagtawanan silang magkakaibigan kaya napatigil sa pagprapractice sila Ning, at napatingin kung anong meron samin.

 

Napasinghal ako bago ako nagtaray.

 

“Talaga ba?” Malamig kong sabi. Nasa verge na talaga ako ng pag-iyak dahil sa halong pagod at frustration, pero pinipigilan ko lang. “Kung hindi ka magseseryoso tulad ng mga kaibigan mo, edi kayo na lang magsama dyan.”

 

Lumapit ako kay Ning na mukhang worried.

 

“Okay ka lang, sis?” Tanong niya sakin habang nirurub ang braso ko. Tumango lang ako.

 

Nung una kinakaya ko pa ‘yung mga pamimilosopo at pagkukulit nila, pero kapag naipon nga naman talaga mag-snasnap ka na lang. Partida, first week pa lang ‘to ng practice.

 

“Guys, ano na naman ba ‘yan?” Narinig ko ‘yung boses ni Winter na lumapit sa mga kaibigan niya. Napatingin tuloy ako sa direksyon nila.

 

“Yie. To the rescue para sa kanyang first lady.”

 

 Napansin kong parang bumwelo si Winter bago siya nagsalita ulit.

 

“Ilugar niyo na muna ‘yung pantritrip niyo. Kailangan kasi natin mag-seryoso ngayon. Halos two weeks na lang ‘yung tira nating time. Umayos naman muna kayo.”

 

Parang natauhan ‘yung mga tropa niya, at walang kumikibo sa kanila ngayon. Hindi siguro sila sanay na napagsasabihan sila ni Winter.

 

“Pagod ako. Patong-patong duties ko nitong mga nakaraang araw. Alam niyo ‘yan,” napayuko si Ryujin habang tuloy-tuloy na nagsalita si Winter. “Damay-damay kasi tayo dito kapag nag-slack off kayo. Ayos muna, guys. Please. Mahiya rin kayo sa mga grade 7 na ginagabi rin ng uwi kaka-practice.”

 

Nakatingin na samin ‘yung isa pang team na kahati namin sa field today. Nakikichismis siguro kung anong nangyayari dahil ang tahimik naming lahat.

 

“Sorry, Win,” si Ryujin ang unang n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Sorry. Wala pang update huhu. Napindot lang ng jowa ko at natanggal niya sa draft status nung binabasa niya yung last chapter SORRYYYY DI SADYA MGA BEH 😭

Comments

You must be logged in to comment
mindeongie 0 points #1
Chapter 10: Chapter 10: miss u otor. It's been a year 😔
Wemon_ #2
Chapter 10: ang cute cute nila kainis huhuhu
Wemon_ #3
Chapter 7: supportive ng mama at friends
Wemon_ #4
Chapter 6: ang cuteeee potek kinikilig ako
M_1412 #5
Chapter 10: Cute talaga nila huhu
M_1412 #6
Chapter 8: Super supportive mama😭
M_1412 #7
Chapter 7: Yiee keleg HSHAHAHAHA
KULIT NG MGA MAMA
M_1412 #8
Chapter 6: AAAFHKZDJZLKS NAKAKAHAWA ANG KILIG CHAKRA
M_1412 #9
Chapter 4: YIEEE AHSHAHHAHAHA
yanymous
#10
Chapter 1: Awee excited me to read this