Part 3

Tittle-Tattle
Please Subscribe to read the full chapter

Lunes na naman. Simula na naman ng panibagong linggo.

 

Masipag naman akong mag-aral. May pagka-enthusiastic naman ako pagdating sa pagpasok sa school.

 

Pero tulad ng isang normal na estudyante, ayoko rin ng Mondays.

 

Ang iksi kasi ng weekend. Dalawang araw. Sabado at Linggo. Pagkatapos Lunes na naman. Simula na naman ng limang araw na pagpasok.

 

Kailangan pang maaga magising at umalis tuwing Lunes dahil may flag ceremony. Imbis na 7:30 a.m. pa ang pasok, nagiging 7 a.m. para may sapat na oras for flag cem at mga announcement na rin.

 

At parang hindi pa sapat na pagdurusa ‘yung fact na Lunes ngayon. Talagang pinaulan pa ni Lord ngayong umaga.

 

Pwede namang ma-cancel ang flag cem dahil sa ulan, pero mas maigi pa rin na pumasok before 7. Baka tumigil rin kasi ang ulan, at matuloy pa rin ang flag cem as scheduled.

 

Hindi na rin ako umasa sa suspension ng klase dahil narinig ko sa Umagang Kay Ganda habang nag-aalmusal ako na thunderstorm lang raw ito, at hindi bagyo.

 

Speaking of ulan, pinahiram ko nga pala kay Winter last Friday ‘yung payong ko.

 

May payong naman kaming extra, kaso malaki ‘to. Hindi siya folding umbrella.

 

Wala naman akong problema sa pagdadala ng mga straight o malaking payong sa school. Actually, meron pero slight lang. Feel ko lang kasi prone siya na makalimutan at maiwan mo sa room. Lagot kay mama, if ever.

 

Pero itong extrang payong namin dito ngayon, sobrang hassle bitbitin.

 

Walang halong exaggeration, pero ang laki nito. Kulang na lang lamesa at upuan, tapos pwede na akong gumawa ng echos echos na cottage. Charot. 

 

Baka nga OA description ko, pero totoo na malaking payong talaga siya. Kasya siguro tatlong tao, at sigurado pang walang mababasa ng ulan sa inyo.

 

“Bakit ‘yan gagamitin mo? Nasaan ‘yung payong mo? Nawala mo ba? Kakabili lang natin nun nitong pasukan ah. Di ba kasabay lang natin binili ng school shoes mo ‘yun? Fibrella pa naman ‘yun tas nawala agad?” Mala-machine gun na litanya ng mama ko noong nakita niyang kinuha ko ‘yung malaking payong na nasa gilid ng pinto.

 

“Hindi po nawawala, ma.” Napalitan ng pagtataka ‘yung expression ng nanay ko kaya nagpatuloy na lang ako sa pag-eexplain. “Pinahiram ko po sa isa kong schoolmate nung Friday. Wala kasi siyang payong nun.”

 

“Eh paano ka umuwi nung Biyernes? Ang lakas ng ulan nun ah. Naligo ka ba sa ulan? Bakit mo pinahiram payong mo?”

 

No chill talaga itong si mama. Hindi ko pa nga nasasagot ‘yung una niyang tanong may follow-up questions kaagad.

 

“Wala siyang dala. Hindi naman po ako naligo sa ulan. Hinatid niya po ako, at tsaka siya umuwi dala payong ko.” Mabilisan kong pag-susummarize dahil baka ma-late pa ako.

 

At syempre, hindi ko i-shashare ‘yung detail na inaasar ako kay Winter sa school, at nahihiya na ako sa inconvenience nun sa kanya kaya ko siya pinahiram.

 

“Sino ba ‘yun? Boyfriend mo ba ‘yun? May boyfriend ka na, ‘no?” Natigilan ako sa pang-iintriga ng nanay ko. Bubuksan ko na sana ‘yung pinto at aalis na ako dahil anong oras na.

 

“Anong boyfriend? Wala akong ganun. Hirap na nga ako mag-aral, mag-boboyfriend pa ba ako?” Pagtatanggol ko sa sarili ko.

 

“Defensive ka ha,” nang-aasar ang tono ni mama. “Okay lang naman kung mag-jowa ka. Basta wag mo papabayaan pag-aaral mo.”

 

“Basta wala ako nun,” final kong sabi. “Alis na po ako, ma.”

 

“Ingat ka at maulan ngayon,” tumango ako habang naglakad ang mama ko papalapit sakin para mag-beso.

 

Nakagawian na ni mama na tinatanaw niya ako sa may gate namin hanggang makaliko ako sa kanto tuwing papasok ako sa school. Kaya ganun rin ngayong umaga.

 

At pareho kaming nagulat ni mama sa tumambad sa amin sa labas.

 

“Good morning, Karina,” energetic na pagbati sakin ni Winter. May sarili na siyang payong ngayong umaga, at hawak niya naman sa bakante niyang kamay ‘yung payong ko.

 

“Ah mali pala tanong ko sayo.” Nakalimutan ko na tuloy na kasama ko si mama lumabas dahil sa gulat na nandito si Winter. Hindi niya kasabay mama niya pumasok ngayon? “Girlfriend pala dapat.”

 

Nakita kong na-confuse si Winter sa side comment ni mama, pero hindi naman yata siya slow dahil bigla siyang nagpigil ng tawa. Jusko. Wag niya na ‘to idaldal sa mga kaibigan niya, at aasarin lang nila ako lalo.

 

Bago pa ako makapag-deny, nauna na magsalita si Winter.

 

“Good morning po,” biglang gumalang ang tono ni Winter noong napansin niya ang taong nasa likod ko. “Dala ko lang po ‘yung payong ni Karina. Hiniram ko po kasi nung Friday.”

 

Inabot niya ‘yung hawak niya sakin.

 

“Ayan na gamitin mo,” hinablot na sakin ni mama ‘yung mala-cottage niyang payong. “Ano pangalan mo, hija?” Tanong niya kay Winter.

 

“Winter po.”

 

“Girlfriend ka ni Rina?” Nanlaki ang mata ko sa tanong ng nanay ko.

 

“Ma, hindi!” Inunahan ko na si Winter sumagot, pero parang hindi naniniwala sakin si mama, at inaabangan niya pa rin ‘yung sagot nung isa.

 

“Hindi po, tita.” Matawa-tawa niyang sagot. “Pero love team po kami sa school. Aray!” Hinampas ko nang medyo malakas si Winter sa braso dahil sa unnecessary detail na sinabi niya sa nanay ko.

 

“Malalate na kami, ma. May flag cem ngayon. Bye na po.” Pag-didismiss ko sa usapan bago pa makapag-comment ‘yung nanay ko. Nag-beso na rin ako ulit for the last time.

 

Totoo rin namang malapit na kaming ma-late.

 

“Bye po, tita.” Pahabol na paalam ni Winter kay mama habang hinihila ko na siya paalis.

 

Sumigaw pa ulit si mama ng ingat habang naglalakad na kami palayo ni Winter, at kumaway na lang ako nang nakatalikod. Hindi ako titigilan ni mama nito mamayang gabi.

 

“Ang bilis mo namang maglakad,” reklamo ni Winter.

 

“Anong oras na oh. Gusto mo bang ma-late?” Medyo naiinis kong sabi.

 

Hindi naman talaga ako mabilis mapikon. Kahit nga inaasar-asar ako sa school these past few days, kinakaya ko namang dedmahin.

 

Pero nainis talaga ako na sinabi pa ‘yun ni Winter kay mama. Sobra na kasi ‘yung ganun. Out of line na.

 

“Galit ka?” Masyado namang strong ‘yung word na galit. Naiirita lang talaga ako.

 

Hindi ako umimik sa tanong ni Winter, at tinuloy-tuloy ko lang ang paglalakad nang mabilis. Sinabayan niya lang ako, at wala ng nagsalita pa ulit samin.

 

Na-guilty ako dahil nakikita ko sa reflection namin kanina sa train na nag-iba nang slight ‘yung timpla ng mukha ni Winter. Pero baka guni-guni ko lang rin ‘yun.

 

Kahit nakonsenya ako nang very light, hindi ko pa rin siya pinapansin, para naman matuto siyang makiramdam, at malaman niyang mali ‘yung ginawa niya kanina.

 

“Sino mauuna satin?” Tanong ko sa kanya paglabas namin ng LRT station. Tumila na rin ‘yung ulan, so tuloy na tuloy ang flag cem. Buti pumasok ako nang maaga.

 

“Huh?”

 

“Sino mauuna maglakad? Syempre hiwalay na tayo dito ‘no. Kapag nagsabay tayong pumasok, dagdag issue na naman,” pagpapaliwanag ko.

 

“Ah,” tumango lang siya without energy. “Ikaw na lang.”

 

“Okay.”

 

Lalakad na sana ako, pero may biglang umakbay sakin mula sa likod. Actually, saming dalawa ni Winter.

 

“Bulaga! Good morning!” Napatalon ako nang slight dahil sa pagkagulat.

 

Minsan lang ako magmura, pero paisa.

 

Tangina.

 

Akala ko wala ng mas sasama pa sa kombinasyon ng Monday at ulan, pero may nadagdag pa talaga sa mix.

 

Si Ryujin.

 

“Akala ko namamalik mata lang ako kanina bago ako bumaba sa jeep eh… Kayong dalawa pala talaga. Sabay na pala kayong pumapasok sa school ah.” Taas-baba ang kilay niya habang nagsasalita. “Mag-jowa na kayo?”

 

“Hindi,” flat kong sagot dahil sinasagad yata ni Lord ang pasensya ko today. Umaga pa lang, quota na. “Hindi rin kami sabay pumapasok. Nagkasabay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Sorry. Wala pang update huhu. Napindot lang ng jowa ko at natanggal niya sa draft status nung binabasa niya yung last chapter SORRYYYY DI SADYA MGA BEH 😭

Comments

You must be logged in to comment
mindeongie 0 points #1
Chapter 10: Chapter 10: miss u otor. It's been a year 😔
Wemon_ #2
Chapter 10: ang cute cute nila kainis huhuhu
Wemon_ #3
Chapter 7: supportive ng mama at friends
Wemon_ #4
Chapter 6: ang cuteeee potek kinikilig ako
M_1412 #5
Chapter 10: Cute talaga nila huhu
M_1412 #6
Chapter 8: Super supportive mama😭
M_1412 #7
Chapter 7: Yiee keleg HSHAHAHAHA
KULIT NG MGA MAMA
M_1412 #8
Chapter 6: AAAFHKZDJZLKS NAKAKAHAWA ANG KILIG CHAKRA
M_1412 #9
Chapter 4: YIEEE AHSHAHHAHAHA
yanymous
#10
Chapter 1: Awee excited me to read this