Part 2

Tittle-Tattle
Please Subscribe to read the full chapter

Isang linggo na ang nakalipas simula nung klase kay ma’am Santos.

 

Given na alam na ng buong klase ang chika. Syempre. Pero after that class biglang bumilis ang pagkalat sa buong batch.

 

Pati nga yata mga lower year, may alam na dahil nawiwitness nila ang pang-aasar ng mga batchmate namin sa labas ng room.

 

Maliit lang naman kasi ang populasyon sa school namin. May entrance exam kasi, at may maintaining grade din para hindi ka ma-kick out.

 

Pati school mismo, maliit lang. Hindi uso second, third floor dito. Same level lang lahat. First floor lang ang meron. Kumbaga parang cluster lang ng mini buildings ang school namin kaya ang chismis ng isang batch, madaling maging chismis ng buong school.

 

Ilang beses ko naman nang inulit-ulit na hindi ko naman crush si Winter, pero walang naniniwala sakin. Lalo lang nila akong inaasar kapag nag-dedeny ako kaya ignore to the max na lang.

 

Wala na akong magagawa kung hindi ipagpasa-Diyos na lang ang lahat, at umasang mamatay na lang ang chismis.

 

Pero sa ngayon, mukhang hindi pa. Mukhang matagal-tagal pa siya. Give or take 1 month siguro bago sila magsimulang makalimot. Unless, may bagong isyu na kukuha ng spotlight.

 

At least, mas relieved na ako dahil alam kong hindi rin sila Giselle at Yeji ang source ng chismis. Nabawasan na ang mga iniisip ko.



 

“Rina, totoo ba ‘yung ano?” Maingat na pagtatanong ni Giselle habang kumakain kami ng lunch.

 

Alam ko na kaagad kung anong tinutukoy niya kaya napangiwi ako nang slight. Ayoko siyang naaalala.

 

“Syempre hindi. Kung may crush man ako, kayo naman unang makakaalam,” diretso kong pagsagot.

 

“So bakit may ganung chika?” Bakas ang pagtataka sa boses ni Yeji.

 

“Hindi ko nga rin alam sinong nagsimula niyan… Nagtanong-tanong si Ning, pero wala rin siyang nakuhang definite answer kung sinong source.”

 

“Sa class namin, si Chenle nag-disclose sa lahat,” singit ni Ning after niyang uminom ng tubig. “Nung English class. Habang recitation kay ma’am Santos.”

 

“Hala?” Sabay na reaksyon ng mga kaibigan naming hindi namin kaklase.

 

“So alam na rin ni ma’am?” Mabigat ang loob kong tumango kay Yeji. “Paano kapag nakarating din kay ma’am Kim?”

 

Napa-exhale na lang ako nang malakas.

 

“Sis, yung kanin naman tumalsik. Kadiri,” reklamo ni Ning at pinitik niya ‘yung butil na nahulog sa table namin.

 

“Hindi ko rin alam,” sagot ko sa tanong ni Yeji.

 

‘Yun talaga ang pinaka-problema ko. Hindi ko naman teacher ngayon si ma’am Taeyeon, so thank God. Sa grade 7 at grade 8 lang naman kasi siya nagtuturo ng Music.

 

Kaso nga lang bilang class secretary, madalas akong mautusan na pumunta sa faculty room.

 

Paano kapag nandun si ma’am Taeyeon? Tapos aware pala siya sa chismis? Baka mapagalitan ako o ano.

 

Naiisip ko na ‘yung mga scenario sa mga teleserye. Baka masabihan ako nung mga lines na katulad ng “layuan mo ang anak ko o ipapa-kick out kita.”

 

“Hindi naman siguro ikwekwento ni ma’am Santos ‘yung ganun?” Nagsimulang confident si Giselle pero naging patanong sa dulo ‘yung statement niya.

 

“Hindi rin natin sure,” pinandilatan naman ni Yeji si Ning dahil sa side comment niya. “Bakit? Nakiasar nga si ma’am kay Rina sa klase kahapon eh,” depensa ni Ning sa sarili niya.

 

“Maging supportive at optimistic naman tayo para kay Rina.”

 

“Gawa na lang tayo ng bagong chismis para mapunta sa iba ‘yung atensyon.” Hindi ko alam kung seryoso ba ‘tong si Ning sa suggestion niya.

 

“Sira ka talaga,” sabi ko. “Alam ko namang concerned ka lang sakin, pero mahirap mag-suffer sa gawa-gawang kwento ah.”

 

“Nag-jojoke lang naman ako.”

 

“Ano pala,” dahan-dahan kong pag-segue. Ito na ‘yung chance para itanong sa dalawa ko pang best friends kung meron ba silang “kinalaman” sa pagkalat ng chismis.

 

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kanila Yeji at Giselle dahil hindi ko alam paano i-open ‘yung topic.

 

“Sis, kinakabahan ako… Anong ano pala?” Tanong ni Yeji.

 

“Naalala niyo nung nag-usap tayo sa field last week?” Naningkit ang mata nila sa pag-rerecall.

 

“Ah, oo,” mabilis na tumango si Giselle, at mukhang naalala na rin ni Yeji. “Why?”

 

“Kasi diba ano… Medyo nabanggit si Winter sa convo na ‘yun,” mahina kong sambit. Baka kasi may iba pang makarinig samin dito, at mabigyan ko pa ng dagdag material ang mga tao sa current chismis.

 

“Tapos?”

 

“Wala ba kayong napag-kwentuhan nun, or what?” Medyo nakangibit kong sabi. “Don’t take this the wrong way ah. No offense. Gusto ko lang manigurado,” pahabol ko.

 

“None taken, pero wala akong pinagsabihan,” sagot ni Giselle with conviction. Tinaas niya pa ang kanan niyang kamay. “Promise. Peksman.”

 

“Ako rin wala. Promise. Peksman.” Ginaya ni Yeji ang gesture ni Giselle.

 

Hindi ko na binusisi pa ang sagot nila. Kailangan ko lang marinig straight mula sa kanila na hindi sila ang source. Kilalang kilala ko naman na sila. Alam ko pag nagsisinungaling lang sila, at ngayon, mukhang nagsasabi naman sila ng totoo.

 

“At tsaka, iba naman ‘yung context nung napag-usapan natin ‘yun,” bulong ni Giselle sa table namin.

 

“True. Clear naman samin na hindi mo crush si ano,” pag-censor ni Ning sa pangalan ni Winter. “Random question and answer lang naman ‘yun.”

 

Gumaan na ang loob ko. At least hindi mga kaibigan ko ang suspect.

 

Pero sino nga kaya? Saan galing?





 

Kahit isang linggo pa lang ang nakakalipas, buti sanay na ako.

 

Sanay na ako sa pang-aasar lalo na’t kailangan ko talaga dumaan sa tapat ng room ng Rizal tuwing pabalik ako sa room namin.

 

Dahil ito na naman sila ngayon. ‘Yung mga ka-tropa ni Winter na pinakamalakas mang-asar sa buong school na ‘to.

 

Naging kaklase ko na silang lahat before. Kahit nga si Winter mismo. Grade 8 kami naging classmates, pero hindi kami naging close. Sakto lang.

 

Sabihin na lang natin na kinabwibwisitan ko nang very light itong tropahang ito. Sila kasi ‘yung maliligalig at maingay sa classroom kapag may mga class meetings. 

 

Taon-taon kasi akong naboboto na class secretary. Maganda raw kasi ang handwriting ko. Hindi ko pa rin talaga gets anong connect nun? Baka dahil secretary ang pinagsusulat sa board ng mga notes na kailangang kopyahin, pero ewan?

 

Dahil nga class secretary ako, madalas na nasa harap din ako ng klase tuwing may planning para sa mga contest o event. Taga-sulat kasi ng minutes ng meeting.

 

At alam niyo naman, meron laging isang grupo ng mga bwisit na kaklase na ang daming side comment na wala namang point o kinalaman sa pinag-uusapan. Hindi ‘yan mawawala sa isang section.

 

‘Yun ang role ng barkada nila Winter nung grade 8 kami. Sila ‘yung maraming dada na ginagawang biro lahat. Imbis tuloy na mabilis matapos ang meeting, at makauwi na kami agad, nagtatagal kami. Alam mo na usual drama, may president na maiinis at mag-wawalk out.

 

Ang lalakas ng loob na magloko all the time, porket may tropa silang anak ng teacher.

 

Matatalino pa naman silang magkakaibigan. Nakakairita lang talaga sila sa ganung moments. Kaya nga nagulat ako nung tumakbong council president si Winter. At sa totoo lang, hindi ko siya binoto dahil sa hinanakit ko sa tropa nila. Naniniwala akong nanalo lang siya dahil anak siya ni ma’am Taeyeon.

 

Pero nagagampanan niya naman ‘yung council duties niya. Which surprised me a lot. May bahid naman pala siya ng pagiging responsible sa katawan niya. Akala ko kasi wala.

 

So, nakatambay sila sa labas ng room nila ngayon dahil vacant period naming lahat. May emergency meeting daw kasi ang faculty. Nag-assign lang ng seatwork samin, at natapos ko naman na. Siguro sa section nila, walang pinagawa. 

 

May hawak na gitara si Mark, at naririnig ko ‘yung kantahan nila kanina so baka nag-jajamming

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Sorry. Wala pang update huhu. Napindot lang ng jowa ko at natanggal niya sa draft status nung binabasa niya yung last chapter SORRYYYY DI SADYA MGA BEH 😭

Comments

You must be logged in to comment
mindeongie 0 points #1
Chapter 10: Chapter 10: miss u otor. It's been a year 😔
Wemon_ #2
Chapter 10: ang cute cute nila kainis huhuhu
Wemon_ #3
Chapter 7: supportive ng mama at friends
Wemon_ #4
Chapter 6: ang cuteeee potek kinikilig ako
M_1412 #5
Chapter 10: Cute talaga nila huhu
M_1412 #6
Chapter 8: Super supportive mama😭
M_1412 #7
Chapter 7: Yiee keleg HSHAHAHAHA
KULIT NG MGA MAMA
M_1412 #8
Chapter 6: AAAFHKZDJZLKS NAKAKAHAWA ANG KILIG CHAKRA
M_1412 #9
Chapter 4: YIEEE AHSHAHHAHAHA
yanymous
#10
Chapter 1: Awee excited me to read this