Part 9.5

Tittle-Tattle
Please Subscribe to read the full chapter

A/N: Short lang dahil first date arc lang ito na kadugtong ng Part 9. Enjoy!

 

Hindi ako makapaniwalang this is finally happening. First date ko sa buong buhay ko, and on top of that, with my least expected person pa.

 

With Karina.

 

As in same Karina na isa sa mga napagtritripan namin dati kaya pagtaas ng kilay o judging look ang bati sa aming magkakaibigan tuwing nakakasalubong niya kami.

 

Same Karina na sa sobrang sama ng loob niya sakin at sa mga kaibigan ko eh hindi niya raw ako binoto nung tumakbo akong student council president.

 

Pero hindi na ako magdwe-dwell doon. Tapos na ‘yun. Isang boto lang naman ni Karina ang mahalaga sakin ngayon.

 

Ang boto niyang maging jowa niya ako.

 

Okay. Inulit ko sa isip ko, at ang corny nga.

 

Anyway, kailangan maging memorable ang first date na ito. Muntik pa nga akong pumalpak dahil wala akong plano nung niyaya ko si Karina lumabas.

 

Pagkatapos ko naman gawin ang research ko, which is magtanong sa mga kaibigan kong may experience, may idea naman na ako kung paano papadaluyin ang araw na ‘to.

 

At bilang isa sa mga top fans ng WinRina Kalyeserye, binigyan pa talaga ako ng nanay ko ng extra na pera ngayon. Para daw mailibre ko naman si Karina ng something. Pero kahit hindi naman niya ako binigyan, may ipon naman ako. Kasali rin naman sa plano ko na manlibre bilang ako ang nag-initiate ng date na ‘to.

 

Si mama din ang nag-plantsa ng damit ko ngayon, at ‘yung pabango niyang mamahalin na matagal niya nang pinagdadamot sakin, pinagamit niya for the first time ever.

 

Sobrang invested ng nanay ko, diba? Hindi na ako magugulat kung ipa-tarpaulin niya pa kapag naging girlfriend ko na talaga si Karina.

 

Inaabangan ko na si Karina ngayon dito sa labas ng bahay nila. Nag-message naman na ako sa kanya, at inimbitahan niya pa sana akong sa loob na maghintay, pero baka kabahan lang ako.

 

Tuwing pumupunta kasi ako sa kanila, wagas makangiti sakin si tita Tiffany. At bilang kapwa top fan siya ni mama, feeling ko extra malaki ang ngiti niya sakin today kung pumasok ako. Hindi makakatulong ‘yung abot matang ngiti na ‘yun sa slight na kaba at hiyang nararamdaman ko ngayon.

 

Ang dami talagang fans ng love team namin ni Karina. Pwede na yata kami magtinda ng merch. Joke lang.

 

Bumukas na ‘yung gate nila, at lalong bumilis ang heart rate ko.

 

I’ve always thought to myself na isa si Karina sa mga pinakamaganda sa batch namin, pero let me take that back.

 

Siya talaga ‘yung pinakamaganda. As in number one.

 

Kung dati, dudang duda ako sa sarili ko na nag-dedevelop ako ng crush kay Karina, ngayon naman nagtataka ako kung bakit ngayon lang ako nagkagusto sa kanya?

 

“Hi, Win,” bati niya sakin. Naka-cropped na sleeveless top siya na pinares niya sa maong na pantalon. Casual lang, pero sobra ang epekto sakin.

 

Baka dahil ngayon lang naman talaga kami lumabas on a weekend, at ngayon lang kami mag-dadate nang hindi naka-uniform.

 

“H-hi,” medyo nautal pa tuloy ako, pero I quickly regained my composure. “Good afternoon po, tita,” bati ko sa mama ni Karina, and this time with more confidence. Nginitian niya naman ako.

 

“Saan lakad niyo ngayon, at anong gagawin niyo?” Tanong sakin ni tita Tiffany.

 

“Mag-mamall lang po kami, tita.”

 

May mali or something ba sa sinabi ko? Bakit ganito makatingin sa akin si tita?

 

“Ano kamo? Anong gagawin niyo?” At doon nag-sink in sa akin kung anong iniinsinuate ni tita Tiffany. Jusko po. Ang mga magulang talaga namin.

 

“I mean magpupunta po kami sa mall. Mag-arcade daw po kami. ‘Yun po ‘yung napag-usapan po namin ni Rina kagabi,” dali-dali kong pagpapaliwanag. Mukhang na-gets na rin ni Karina ang pinaparating ng mama niya dahil dinamayan niya na ako sa pag-papanic.

 

“Ma, naman,” she whined, at bigla lang kaming tinawanan ni tita Tiffany.

 

“Binibiro ko lang naman kayo.” Aliw na aliw ka po bang pag-tripan kami, tita? “Hindi niyo naman kailangan i-explain. Gets ko naman. Nakakatawa lang talaga kayo mag-react.” 

 

Nag-init na nang tuluyan ‘yung pisngi ko. Bata pa po kami. Ni hindi pa nga kami mag-girlfriend eh.

 

“Wag magpapa-late sa labas ah,” bilin niya sa amin, at tumigil na rin siya sa kakatawa niya. “Mag-text kapag pauwi na. Mag-ingat kayo, at syempre, mag-enjoy.”

 

“Opo, tita. Thank you po,” I politely replied. Nagpaalam na kami for the last time bago kami naglakad paalis. At as usual, habit talaga ni tita Tiffany na hintayin hanggang makaliko kami sa kanto, kaya kumaway pa ulit kami para mag-bye sa kanya.

 

Tahimik lang kaming naglalakad ni Karina ngayon. Kung normal na araw siguro ito, okay lang sa akin ‘yung ganitong katahimikan. Pero dahil we’re on our first official date, parang nagiging hyperaware ako sa lahat ng detalye.

 

Gusto kong magpa-impress bigla.

 

“Para kang tuod,” si Karina na ang bumasag ng katahimikan, at tinatawanan niya pa talaga ako.

 

Kakasabi ko lang na gusto ko ng good impression, at gusto kong maging memorable itong first date namin, pero mukhang palpak na kaagad ako.

 

“Kalma ka lang. Ako lang ‘to,” mapang-asar niyang sabi, at kinuha niya ang kamay ko para sa aming usual gawain. HHWW. Holding hands while walking.

 

And that put me at ease. Oo. Si Karina ‘to. Kailangan ko lang maging natural self ko around her. Crush na crush niya na nga ako eh. Joke lang.

 

“Ikaw, ha. Lakas mo talaga mang-tsansing sakin,” pabiro kong sabi as I looked at our intertwined hands. Nag-akma si Karina na bawiin ang kamay niya, pero hinigpitan ko lang ‘yung kapit ko, at hindi na siya pumalag.

 

Sabi sa inyo, patay na patay na sakin ‘to eh. Joke lang ulit.

 

Nasasanay na ako sa mga paganito namin. Pero hindi ibigsabihin nun ay nababawasan na ang kilig or effect sakin. 

 

Nasasanay lang ako in a sense na palagi ko nang inaabangan ‘yung ganitong moments. Nasasanay in a sense na hindi na kumpleto ang araw ko kung hindi ko siya makita, makausap, o kung hindi ko mahawakan ang kamay niya.



 

Sobrang competitive pala ni Karina sa games.

 

Hindi ako athletic na tao. Pang-acads lang talaga ako.

 

At nananakit na ‘yung braso ko dahil hindi ko na mabilang kung nakakailang rounds na kami ng arcade basketball. Simula pagdating namin dito, ito pa lang nilalaro namin. Tuwang tuwa kasi si Karina tuwing natatalo niya ako.

 

At ako naman masaya ako kung saan siya masaya. Kaya kahit masakit na ang braso ko, go lang nang go. At meron ding slightly competitive part sa inner self ko na gustong manalo kahit isang beses lang.

 

May nag-aabang na nga yata na matapos kaming maglaro dito, pero labas nang labas ng tokens si Karina. 

 

Seventh na laro na yata namin ito, at wala pa rin akong pag-asang manalo. Hindi na naman ako umabot sa next round dahil kinapos na naman ang points ko, habang si Karina tuloy-tuloy pa rin.

 

Pinanood ko lang siya, at ang c

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Sorry. Wala pang update huhu. Napindot lang ng jowa ko at natanggal niya sa draft status nung binabasa niya yung last chapter SORRYYYY DI SADYA MGA BEH 😭

Comments

You must be logged in to comment
mindeongie 0 points #1
Chapter 10: Chapter 10: miss u otor. It's been a year 😔
Wemon_ #2
Chapter 10: ang cute cute nila kainis huhuhu
Wemon_ #3
Chapter 7: supportive ng mama at friends
Wemon_ #4
Chapter 6: ang cuteeee potek kinikilig ako
M_1412 #5
Chapter 10: Cute talaga nila huhu
M_1412 #6
Chapter 8: Super supportive mama😭
M_1412 #7
Chapter 7: Yiee keleg HSHAHAHAHA
KULIT NG MGA MAMA
M_1412 #8
Chapter 6: AAAFHKZDJZLKS NAKAKAHAWA ANG KILIG CHAKRA
M_1412 #9
Chapter 4: YIEEE AHSHAHHAHAHA
yanymous
#10
Chapter 1: Awee excited me to read this