Part 6

Tittle-Tattle
Please Subscribe to read the full chapter

Dumating na rin ‘yung linggong inaanticipate ng lahat.

 

Intrams na sa wakas. Hooray!

 

Gusto ko talagang enjoyin lang ang week na ‘to dahil alam kong sandamakmak na schoolworks ang sasalubong samin sa susunod na linggo.

 

Mauuna ‘yung mga palaro ngayong intrams week. Sa Friday pa ‘yung field demo pero wala na kaming practice this week out of consideration para sa mga pagod na players. Same day din ‘yung pageant, at kakapili lang namin ng representatives last week.

 

Wala talagang nag-vovolunteer kaya nag-decide kaming idaan na lang sa draw lots, at bawal nang tumanggi ‘yung mga mabubunot. Sila Heejin at Jeno ang pinili ng tadhana. Wala namang umalma sa klase namin dahil pareho naman silang may itsura at may magagawa sa talent portion.

 

Actually, umangal si Heejin. Labag sa loob niyang sumali sa pageant, pero ang usapan ay usapan. Sorry na lang siya. 

 

Sa Thursday, mag-dadalawang pasada na lang daw kami nung sayaw namin para handang handa na kami sa Biyernes. Contest din kasi ‘yung field demo. May cash prize yata para sa team na mananalo. Dagdag rin sa class funds ‘yun ‘no, at pwede ring dagdag panggastos sa Christmas party.


 

win [6:21 a.m.]: good morning ^_^

win [6:21 a.m.]: sa school na ako. sorry ulit di tayo sabay ngayon

rina [6:22 a.m.]: good morning din at baliw okay lang yun


 

Medyo hindi okay. Charot.

 

Nagsabi naman na in advance sakin si Winter na hindi siya makakasabay sakin this week pagpasok. Maaga kasi ang call time nilang student council dahil mag-preprepare sila ng mga kailangan para sa intrams tulad na lang ng food para sa mga referee at etc. Sobrang daming chinika sakin ni Winter sa LRT last week tungkol sa intrams preparations kaya hindi ko na matandaan lahat.

 

Ang bigat din pala ng councilwork.

 

Sinuggest nga sakin ng mga supportive kong BFFs na ako ang mag-adjust sa maagang schedule ni Winter. Sabihin ko raw na sasabay ako.

 

Naisip ko namang gawin talaga ‘yung sinabi nila. Kaso nga lang masyado naman yatang giveaway ‘yun na may crush ako kay Winter. Kailangan ko rin ng extra tulog since maglalaro ako para sa intrams.

 

Susulitin ko na ‘yung extra minutes of sleep, lalo na’t isa lang ‘to sa rare Mondays na hindi 7 a.m. ang oras ng pasok. 7:30 a.m. pa ‘yung start ng program for intrams.


 

win [6:23 a.m.]: weh? baka lang naman kasi mamiss mo ko agad

rina [6:23 a.m.]: kapal mo talaga

 

Luh.

 

Paano mo naman nalaman na miss na nga kita?

 

win [6:24 a.m.]: wag kang mag-alala makikita mo pa rin naman ako sa school

rina [6:24 a.m.]: wag na. baka sirain mo lang araw ko eh 😝

rina [6:25 a.m.]: at tsaka mag-focus ka na nga dyan sa council duties mo. ikaw pres ikaw pa walang ambag?

win [6:25 a.m.]: sungit mo naman. ganyan ba epekto sayo nang hindi ako nakikita sa umaga?

rina [6:26 a.m.]: hindi. ganto epekto sakin ng pambwibwisit mo kay aga aga

 

Buti na lang at hindi kami magkaharap ngayon. Tinatraydor kasi ako ng ngiting namumuo sa labi ko ngayon.

 

win [6:26 a.m.]: ouch i feel my heart crack

win [6:27 a.m.]: joke lang sige bye na see you na lang mamaya

rina [6:27 a.m.]: oo bye na talaga wag kang pabigat dyan pres

 

Nilapag ko na ‘yung phone ko sa mesa, at tinuloy ko na ang pagkain ko ng almusal.

 

Sino ba namang mag-aakala na one day, kikiligin ako sa dati kong kinabwibwisitan na si Winter? Nakakainis naman kasi ‘yung chika at pang-aasar ng batch. Ang lakas makadala. Pati na rin 'yung mga pabirong pagpapakilig sakin ni Winter. Tama ka na, please. For my sanity.

 

Umilaw na naman ‘yung phone ko kaya tinignan ko ‘yung message na pumasok.

 

win [6:29 a.m.]: good luck pala sa laro mamaya. galingan mo pero wag masyado baka matalo mo team namin eh HAHAHAHAHA

 

“Ang aga-aga pa pero ang laki na ng ngiti mo sa cellphone mo,” mapang-asar na bati ni mama sakin pag-upo niya sa upuan sa tapat ko. “Si Winter ‘yan ‘no?”

 

Sinubukan pa ni mama na silipin ‘yung phone ko pero nilayo ko ‘to agad sa paningin niya.

 

Nahawa na yata si mama ng pagka-chismosa sa mga kapitbahay namin.

 

“Hindi po ah,” pag-dedeny ko. Medyo napalakas ang boses ko kaya ngumisi lang ang nanay ko.

 

“Boto naman ako kay Winter. Simula nung umaga na pumunta siya dito para ihatid ‘yung payong mo,” taas-baba ang kilay ni mama.

 

“Hindi niya naman po ako crush o ano eh.”

 

“Hindi naman kita hinainan ng ampalaya,” kumunot ang noo ni mama bago niya tinuloy ang sinasabi niya. “Pero bakit parang bitter ka?”

 

Mga nanay talaga.

 

Bakit ang dami nilang alam?

 

“At hindi ka niya crush, so crush mo ba siya?” Tuloy-tuloy niyang pang-iintriga.

 

“Hindi po ‘no. Bakit ko naman magiging crush ‘yun?” Pagtanggi ko ulit. Tama na ‘yung pang-aasar sa school. Hindi na kailangan pang dumagdag ng nanay ko.

 

Pero tinawanan lang ako ni mama. Kaya alam kong aware siya sa totoong sagot.

 

Syempre, nanay ko ‘yan eh. Sa kanya ako nanggaling.

 

“Good luck sa games mo,” nag-beso sakin si mama bago ako umalis.

 

“Thank you, ma.”

 

Speaking of good luck, nakalimutan ko na replyan si Winter dahil sa ambush interview na ginawa ng nanay ko kanina.

 

rina [6:48 a.m.]: thank you at dudurugin ko team niyo HAHAHAHA

 

Hay, Winter. Isang good luck mo lang ‘yan pero parang abot na hanggang next year ‘yung effectivity.



 

Wala naman masyadong ganap nung opening ng intrams. Mga normal na bagay lang. Parang flag cem lang na may mga extra hanash tulad ng lighting ng cauldron. Akala mo naman talaga Olympics.

 

Tapos may speech lang si madam principal tungkol sa pagiging good sport at kung ano-ano pa. Wala na akong maalala sa sinabi niya.

 

Then, nag-announce lang ulit ng reminders si Winter.

 

Hindi pa kami nakakapag-usap since this morning. Busy kasi talaga siya. Natatanaw ko lang siya from afar na maya’t maya nilalapitan ng ibang mga officers, pero nakangiti pa rin siya magdamag. Mukhang nakikipagbiruan pa nga siya sa kanila.

 

Hindi ko naman napapansin ‘yung mga ganyang bagay dati, pero ngayon, kita ko na gaano siya kaseryoso sa responsibilities niya as SC pres.

 

Ganito pala behind-the-scenes ng events ng SC. Umaga pa lang, abala na sila, at halos hindi magkandaugaga. Doble pa ang stress kay pres dahil mukhang sa kanya nilalapit lahat ng concerns at kung ano-ano pa.

 

Kawawa naman ang bebi.

 

Bebi? Speed ka, sis? Charot lang.

 

“Sis, baka matunaw na ‘yan kakatitig mo,” bulong ni Ning habang nakikinig kaming student body sa mga paalala ni Winter.

 

Pinalo ko lang sa balikat ang best friend ko na tinawanan lang ako.

 

Hindi naman sa umaasa akong may face-to-face good luck ako mula kay Winter pero parang ganun na nga.



 

Sabay ngayong umaga ‘yung first games ng basketball at volleyball. Mamayang hapon kasi first part ng traditional games tsaka badminton naman.

 

So hati rin ang audience. Of course, automatic na volleyball na ang papanoorin ng best friends ko para magpakita ng support saming dalawa ni Giselle. Buti na nga lang at hindi pa magkalaban ang teams namin nila Selle ngayon.

 

“Good luck,” sabi ko sa best friend ko na kasabay ko mag-stretch.

 

“Good luck din sa inyo.”

 

Malawak-lawak naman ang outdoor spaces namin dito sa school, kaya nakapag-set up sila ng dalawang volleyball court para two games at a time ang mangyayari.

 

Napatingin ako sa audience, at nakita ko kaagad sila Ning at Yeji na naka-payong. Mainit din kasi ngayon, at wala namang bubong dito sa paglalaruan namin. May hawak pa si Ning na cartolinang may nakasulat na mga pangalan namin ni Giselle.

 

Last year, naadik ‘yang si Ning sa She’s Dating the Gangster, kaya alam niyo na kung anong nakasulat sa banner niya nun. Buti na lang tapos na ang phase niya sa movie na ‘yun.

 

May iba pa akong hinahanap sa audience, pero mukhang wala siya. Tinignan ko rin kung sinong SC officer ba ‘yung nagbabantay sa may score at sa water station, pero wala rin siya dun.

 

Bakit nga ba nag-expect ako? Syempre nandun ‘yun sa basketball game since player dun ‘yung kaibigan niya.

 

Pero player din naman ng Rizal for volleyball si Yujin. Kaso sa game pa after namin, so baka mamaya pa siya dadaan dito.

 

Sayang naman.

 

Wala akong inspirasyon.

 

Charot.

 

Na-disappoint ako nang very slight, pero ganun talaga ang buhay parang life.

 

Masyado naman akong nag-iinarte dito eh simpleng crush lang naman. Ano ba, Karina. Ayos mukha.

 

Nag-start na ‘yung game kaya nag-focus na lang ako dito. Last game ko na ‘to as a junior high school student kaya itotodo ko na ‘to. Kung hindi man ako mag-MVP, sana makapasok ako sa Mythical Six.

 

Wala na akong panahon na mag-inarte dahil lang sa crush ko.

 

Grabe talaga makatili si Ning kasi nangingibabaw ‘yung boses niya sa lahat ng nagchi-cheer, lalo na pag ako or si Giselle ‘yung nag-seserve. Buti hindi pa naririndi si Yeji sa kanya.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Sorry. Wala pang update huhu. Napindot lang ng jowa ko at natanggal niya sa draft status nung binabasa niya yung last chapter SORRYYYY DI SADYA MGA BEH 😭

Comments

You must be logged in to comment
mindeongie 0 points #1
Chapter 10: Chapter 10: miss u otor. It's been a year 😔
Wemon_ #2
Chapter 10: ang cute cute nila kainis huhuhu
Wemon_ #3
Chapter 7: supportive ng mama at friends
Wemon_ #4
Chapter 6: ang cuteeee potek kinikilig ako
M_1412 #5
Chapter 10: Cute talaga nila huhu
M_1412 #6
Chapter 8: Super supportive mama😭
M_1412 #7
Chapter 7: Yiee keleg HSHAHAHAHA
KULIT NG MGA MAMA
M_1412 #8
Chapter 6: AAAFHKZDJZLKS NAKAKAHAWA ANG KILIG CHAKRA
M_1412 #9
Chapter 4: YIEEE AHSHAHHAHAHA
yanymous
#10
Chapter 1: Awee excited me to read this